'My Puhunan: Kaya Mo!': Sikat na hopia sa Binondo, level-up na ngayon

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 9 ก.พ. 2024
  • Level-up na ngayon ang munting puwesto ng tinaguriang "Mr. Ube" sa Binondo, Maynila na si Gerry Chua na kilalang nagbebenta ng masasarap na hopia.
    Isang malaking building na ang sakop nila ngayon na mistulang supermarket kung saan hindi na lang hopia ang mabibili kundi iba't ibang pagkain gaya ng tikoy, mooncake, frozen siomai at iba pa.
    Pinatatakbo na ito ngayon ng mga anak ni Gerry.
    Ang isa sa punong abala ay ang anak niyang babae na si Roche.
    "'Yung escalator ngayon nito, ito 'yung dating Eng Bee Tin. 10 years ago, I was first year college, ang laki na rin ng pinagbago from the time na pinaubaya rin ng parents namin to us na kami na 'yung magmanage, pinagkatiwala nila 'yung business to us," pagbabahagi niya kay Karen Davila para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!".
    Taong 1912 nang itatag ang negosyo ng pamilya Chua.
    Nang mapadpad sa pangangasiwa ni Gerry ang negosyo, hindi agad ito nagclick sa masa lalo na nang ipakilala niya ang kaniyang hopiang ube.
    Nakilala siya hindi bilang panadero kundi bilang isang fire volunteer sa lugar na nagbigay-daan para unti-unti namang tangkilikin ng tao ang kaniyang kabuhayan.
    Ngayong ika-112 taon na ng kanilang negosyo, malaking responsibilidad ngayon ang nakaatang kina Roche para mapanatili ang nasimulan ng pamilya.
    Si Roche ang nanguna sa pagtayo ng bago nilang resto at aminado siya na hindi ito naging madali.
    "It's a different ball game eh kasi ang restaurant compared to Eng Bee Tin for example Eng Bee Tin you buy after, tapos na and ginagawa siya lahat sa commissary. Dito, ang daming touch points from the time na pinaupo mo 'yung customer, giving the menu, take the order, babalik ka ulit to give the food," pagdedetalye niya.
    Kumustahin natin ang negosyong binabalik-balikan sa Binondo kasama si Karen Davila dito lang sa 'My Puhunan: Kaya Mo!'.
    For more My Puhunan: Kaya Mo! videos, click the link below:
    / playlist
    list=PLgyY1WylJUmjJk2miiYrWnq15JWz2E5hL
    For more Tao Po videos, click the link below:
    • Tao Po
    For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
    • The latest news and an...
    Subscribe to the ABS-CBN News channel! - bit.ly/TheABSCBNNews
    Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
    iwanttfc.com
    Visit our website at news.abs-cbn.com
    Facebook: / abscbnnews
    Twitter: / abscbnnews
    Instagram: / abscbnnews
    #MyPuhunan
    #LatestNews
    #ABSCBNNews
  • บันเทิง

ความคิดเห็น • 7

  • @illuminaelsenyor
    @illuminaelsenyor 4 หลายเดือนก่อน

    Best flavored hopia in town👍

  • @myrnamyrna5601
    @myrnamyrna5601 5 หลายเดือนก่อน

    Sarap talaga hopia ng Rng Betin❤

  • @jonathanabad3917
    @jonathanabad3917 5 หลายเดือนก่อน

    She’s cute ❤

  • @lady_bratenilla7280
    @lady_bratenilla7280 5 หลายเดือนก่อน

    Masarap p din ang poland hopia😊

  • @melonshop8888
    @melonshop8888 4 หลายเดือนก่อน

    I MISS EBT. ALL DELICIOUSNESS I LIKE ...mmmMMM 😋😋😋

  • @batotoybuting8473
    @batotoybuting8473 4 หลายเดือนก่อน

    Gaano tatagal ang expiry date ng hopia mongo?

    • @melonshop8888
      @melonshop8888 4 หลายเดือนก่อน

      NO EXPIRATION. IT ALL MELTS IN YOUR MOUTH ...mmmMMMM 😋😋😋