Sino-sino ang kabilang sa barangay mo?
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 20 ธ.ค. 2024
- Kailangan ang pagtutulungan ng isang barangay sa pagpapalaki ng mga bata. Sa Chinatown Service Center at KYCC, batid namin na ang pagpapalaki ng anak ay mahirap gawin ng walang tulong mula sa iba. Ang programa na Partnership for Families (PFF) ay may layunin na palakasin at patatagin ang mga pamilyang may mga anak na maliliit hanggang 5 taong gulang. Ito ay sa pamamagitan ng pagturo at paggabay sa mga magulang at mga tagaalaga ng mga bata na maging matatag kapag may hinaharap na kagipitan, palawakin ang kanilang mga koneksiyon sa mga taong makakapagsuporta sa kanila, at magyaon sa kanilang kakayahan bilang magulang bunga ng mas malawak na pagkakaintindi sa larangan ng child development. Ang PFF ay tumutulong din sa sosyal at emosyonal na kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng pagturo sa kanila ng tamang ekspresyon ng kanilang mga saloobin at damdamin at sa pagunlad ng relasyon ng mga anak sa kanilang mga magulang at tagaalaga.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PFF at kung paano makatanggap ng angkop na suporta at alaga bilang parte ng komunidad ng AAPI, bisitahin ang www.selfcare.love