Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa ni Patrocinio Villafuerte

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 19 ต.ค. 2024
  • #PatrocinioVillafuerte #WikangPilipinoSaPambansangKalayaanAtPagkakaisa
    Performed by BT501A of STI COLLEGE RECTO (Batch 12-13)
    Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa ni Patrocinio Villafuerte
    Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay
    ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;
    mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan
    maging sa paglaki hanggang sa kamatayan.
    Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig:
    ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,
    o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda’t magbubukid
    bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit:
    ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit
    at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.
    Iisa ang diwang kanilang pinapanday
    iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal
    iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw:
    kami’y palayain o bayan kong minamahal.
    A, oo nga pala
    bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata
    may busal ang bibig, may gapos-tanikala
    Sila’y mga buhay ngunit di-humihinga
    sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa.
    Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon
    may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala
    may tagisan ng matuwid,
    maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
    Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat
    tayu-tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.
    Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
    wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao.
    wikang naglalagos sa isipang makabansa
    wikang nanunuot sa damdaming makalupa.
    At,
    paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
    bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
    hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan!
    Ah,
    hanggang kailan susukatin?
    hanggang kailan bubuhayin?
    hanggang kailan maaangkin?
    Layang mangusap, layang sumulat
    layang mamuhay, layang manalig
    layang humalakhak, layang maghimagsik
    maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!
    Kasaysayan pala’y mababago isang saglit
    sa dakong silangan … doon sa silangan
    ang sikat ng araw … sumilip, sumikat, uminit
    naantig ang diwang inaliping higit
    tumibok ang pusong dating di-humihibik
    nagising ang ugat ng hapong mga bisig.
    bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdig
    ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.
    sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid
    sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t tumindig.
    lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!
    laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.
    Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa
    kilala’t di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayama’t mahirap,
    matalino’t mangmang, aktibista’t militar.
    nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.
    propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro,
    mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo,
    pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid.
    nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.
    Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!
    wikang ginagamit sa lahat ng dako
    ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano,
    ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano
    ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng ito’y Filipino!
    wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo
    wikang tagapagligtas ng digmaa’t gulo
    wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

ความคิดเห็น • 6

  • @patrociniovillafuerte6823
    @patrociniovillafuerte6823 ปีที่แล้ว

    salamat sA pagkakagamit ng aking AKDA para sa presentasyon ng inyong SABAYANG PAGBIGKAS.

  • @igiglim
    @igiglim 11 ปีที่แล้ว

    Ang familiar nito

  • @maimaivega
    @maimaivega 12 ปีที่แล้ว

    Nice nice. nice. Looks familiar though.

  • @crlyncsy4076
    @crlyncsy4076 4 ปีที่แล้ว

    Ang galing naman pala natin diteyyyy bebe 😂

    • @MariaMndz
      @MariaMndz  4 ปีที่แล้ว

      Hahaha miss mo na ba be?😂

  • @shanny4400
    @shanny4400 12 ปีที่แล้ว

    LOL! Familiar! XD