NAGANAP NA
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 8 ก.พ. 2025
- Di mo akalaing " Naganap na" pala ang mga hinihiling mo kay Hesus
Composed: Lawrence Alcordo
LAMP CHURCH
Lamp Binan
Lyrics:
" Naganap na pala "
Tingnan mo ang ginawa sa iyo ng Panginoon
Lumingon at naganap na pala ang iyong hiling
Di mo akalaing nalagpasan mo lahat
Ang mga pagsubok na akala mo'y di mo kakayanin
Tingnan mo ang lahat ng pagbabago
Sa buhay mo at sa relasyon mo sa kanya
Di mo akalaing mahalaga ka pala sa kanya
Di mo akalaing mahal ka sa kanya
ikaw Hesus ang Kalayaan
ikaw Hesus ang Kapayapaan
ikaw Hesus ang Kaligayahan
ikaw Hesus ang Kaligtasan
Sa mga pagsubok na nalagpasan
Sa mga paghihirap na iyong natiis
Di mangyayari ang lahat
Kung wala sa buhay mo si Hesus
Sa mga pagluha't pagtitimpi
Sa mga kabigatan at kapaguran
Di mo akalaing nandyan pala siya
Binubuhat ka at binabantayan
ikaw Hesus ang Kalayaan
ikaw Hesus ang Kapayapaan
ikaw Hesus ang Kaligayahan
ikaw Hesus ang Kaligtasan
Tingnan mo ang ginawa sa iyo ng Panginoon
Naganap na pala
Naganap na pala ang iyong mga hiling
Naganap na pala ang iyong hinihiling
******************
Please free to suggest/comment para ma improved ko pa ang songwriting or pag gawa ng Papuri kay Hesus
Glory to God..sa iyo lang ang lahat ng papuri
Panginoon salamat sa mga pagsobok ko sabohay nakaya ko uban sa imong tolong panginoon Dios Amen
nice song...uplifting...salamat Panginoon sa lahat
Wow sobrang ganda ng song ❤️😇 nakaka blessed
Glory to God
❤❤❤
❤❤❤❤❤😂🎉