BATANG 80's at 90's | Nakakamiss maging Bata | Buhay Probinsya | Buhay Bukid | Mga Laro

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 พ.ค. 2021
  • Ito yung mga panahong hindi pa gaanong mabilis ang mundo at hindi pa nagmamadali ang lahat ng tao. Childhood life ng batang 90's at 80's. ♥️ Ang panahon ay lilipas man, ito ang mga magagandang bagay na hindi natin malilimutan. 😀
    Kahit walang internet o mamahaling gadget, sobrang saya ng kabataan namin noon.
    Hindi kame umaasa sa mga gadgets para mapabilis ang oras. Hindi rin gadgets ang daan upang magkaroon ng kaibigan.
    Bakanteng lote lang, masaya na kame. Hindi tulad ngayon na kelangan pa maglabas ng malaking pera para maging masaya, minsan hindi pa.
    Hindi namen kelangan ng wifi para malaman kung nasaan ang mga kaibigan namen. Malalaman na lang namen kung nasaan sila pag nakita namen ng mga kumpol na tsinelas ng mga kaibigan namen.
    Hindi kame nagpapakatanga sa mga iniidolo namen sa TV na kelangan pang makipagpatayan sa internet kung sino ang mas sikat o sino ang mas angat.
    Magaganda rin ang tugtugin noon. Dahil nga siguro may puso ang pagkakagawa ng mga kanta noon at totoong musika ang inaalay ng mga banda/artista. Hindi tulad ngayon na sikat ka lang ay pwede ka nang kumanta, kahit hindi maganda ang boses.
    Hindi likes at shares ang basehan ng kasikatan noon, kundi galos, sugat o bangas sa katawan. Kung may bangas ka, sikat ka sa tropa dahil ikaw ang pagtatawanan.
    At sa mga nagsasabing "ang boring ng buhay nyo noon", magtanong ka sa magulang mong nakaranas ng paglalaro sa kalye, bakanteng lote, parangan, bundok, dayami, puno, buhangin, putikan.
    Mahirap ang buhay namen pero sobrang saya.
    Watch & subscribe. Thanks po!
    Mga masasarap na pagkain sa Bukid ❤
    "AND WE ARE SO GLAD TO BE BORN BEFORE TECHNOLOGY TOOK OVER"

ความคิดเห็น •