@@makubex2961 Yung mga sikat na artista na di naman kagandahan mga boses pero nag to top mga kanta at sold out mga concerts. Except Anne Curtis kasi comedy concert naman ginawa niya 🤣
My girlfriend died last June. Lahat ng memories bumabalik dahil sa kantang tooo. Plus Lyca's voice. Hay, buong kanta ako umiiyak. Kaya habang andyan pa sila, give all your efforts and love
Ito yung kantang sumikat kasabay ng pagpaparamdam ng Tatay ko na di na sya aabot sa pagsundo sakin paguwe ko ng pinas. Lagi syang namamaalam. Everytime na magVC kami lagi niyang isinisingit o ipinaparamdam sakin na ganon na nga. Naalala ko pa yung sinabi niya "Di na ako magsundo sayo, pero si mama mo masusundo ka." Tagos mula sa kinang ng mata niya yung pain na pilit niyang itinatago. Dec 12, 2020 Iniwan niya kami wala na syang balikan. Birthday ko ngayon pero parang kahapon lang nagyare lahat.
Ako po .alm ni papa uuwi nko..kaso dko alm mmtay na pla sya..ngtnong pa SA kptid ko ...tuloy b uwi Ng ate mo..my confirm flyt NBA sya..yun pla mwwla na sya dko mnlng nkausp.mhl kta papa ko andto nko SA pinas.kso wla kna.june12 2021..d mopa ako nhnty June 19 2021 flyt ko .
I am one of those people who really appreciate Lyca Gairanod. Nasubaybayan ko siya dati pa sa The Voice Kids, and rooted for her to win. Glad she won! Just wanna share na nakailang play na ako this past weeks ng version niya ng Kabilang buhay. Grabe yung emotions, damang-dama bawat lyrics ng kanta kahit wala naman akong pinagdadaanan, but it always makes me miss someone sa Kabilang Buhay. Fav din ito ng mga bata sa amin, nakikisabay sila sa kanta everytime na ipe-play ko ito.
Buenos días te saludo desde San Luis Potosí México 🇲🇽 la escuché cantar, no entiendo nada del idioma de filipino,y cuando ví un vídeo donde va vendiendo dulces en la calle, esa canción me gusta mucho, era una niña con una voz muy bonita,y ya mas grande de edad, canta muy bien ❤🎉
May tao pa ba dito sa 2024?💜To the person reading this, Good Luck! Don't stress, everything will be fine. No matter what difficulty you are facing right now, you can overcome it! You are strong and brave.❤❤
Umiiyak yung boses mare! no wonder inilaban din siya ni Sarah hanggang dulo. Yung emosyon nag uumapaw lang! grabe, nakakatuwa to see people na naaamaze din. Yes, let's support this girl! I believe she'll have breakthrough in this industry.
Shell naturaly have a breakthrough in this industry. Hundreds of great Filipino singers could have a breakthrough on music industry, If only they could write. Kamikazee doesnt necessarily had the "perfect" vocals. But could write and that made them legendary. Same with parokya, and callalily and eraserheads, Silent sanctuary etc. They just need to learn to write :)
@@gwynnfox9767 Agree with you! I have started listening to foreign artists since the pandemic and what I noticed was, their songs are popular not only because of the singer but most especially because of the song and its meaning. They have genius writers and composers. I hope, entertainments/agencies here would also train Filipino singers to write/compose their own songs too.
Kakaiyak naman tong kanto na ito,sakto pang Aug. 11 na upload sa araw pa ng birthday ng mama ko.Sobrang miss ko na mama ko ,sobrang hirap ng walang nanay.Hanggang ngayon umiiyak parin ako parang ngayon lang siya nawala kahit nung 2013 pa siya nawala.Iba lungkot ngayon lakas makalamon ng pagkatao,di niya naabutan graduation ko ,sana proud siya saakin. Hanggang ngayon lakas maka denial at hinahanap ko parin mama ko.
She deserves to be one of the mainstay in ASAP too habang nagtatagal nagiging powerful ang boses I'm sure pag to sumikat international saka lang magkakandarapa ang ASAP sa kanya.
Hi, may agreement po ang management and lyca's team. Be in the career or pursue studies. Lyca made the right choice. Pero ang alam ko will dffntly be on track again. Stay postive😇😇
I'm currently typing this while here in the hospital waiting for my D&C procedure (raspa), I loss my first baby who gave light & hope to keep going on.. i was diagnosed of depression and anxiety.. sobrang saya ko malaman na buntis ako and instant nawala yung lungkot ng buhay ko.. kaso wala na siya, walang heartbeat.
I'm so sorry for your loss. It's not easy. Time won't make the situation better but you're baby is in good hands now. I'm hoping for your healing both mentally, physically and emotionally.
I'm from Bangladesh, i don't understand the meaning but I'm in love with this song. i think I've already listened this song thousand times. Listening this song while driving has became my habit. This song has made Philippines so close to my heart. Truly, music has no boundary.
@@norlymaeeconas6190 diba ate, para kay EMMAN NIMEDEZ, yan ang pangalan ng kanta ay kabilang buhay, | ate, diyos na bahala gumabay kay Emman Nimedez | ate, sayang talaga ang buhay ng sikat na pinoy vlogger na si EMMAN NIMEDEZ | sayang talaga ate, gusto ko pa naman makita sa personal kong buhay si idol pinoy vlogger na si EMMAN NIMEDEZ
Fact..the reason why darren is kinda first to bloom because he as so many experience before back in canada.. i the soul of her voice is what her unique
Ngayon ko lang nagustuhan tong kantang to tapos bagay na bagay pa sa boses ni lyca ang ganda ng pagkakakanta nya damang dama tagos sa puso haaay tapos ang ganda rin nya ngayon di mo akalain ung batang hamog noon eto na ngayon haaay more blessings pa syo lyca more power
Many people are sleeping on Lyca because she's not a biritera or can sing english songs perfectly. But we can't deny how much emotions she put into any song she sings which most singers are lacking nowadays. Just my opinion.
My younger brother passed away last June. Iyak ako ng iyak while listening to this version of Lyca. Parang bumalik lahat ng sakit. 😭😭😭 missing him everyday 🖤 I wish nandito pa sya kapiling namin. Thank you for this beautiful rendition, Lyca 🤍
Ganyan ang buhay sir.. ako miss na miss ko narin mama ko, naniniwala kasi ako dapat mas matagal ko pa siya makasama pero kinuha siya agad ni Lord, ang tanging paniwala ko nlng ngayon SOONER pag natapos narin ang papel ko sa mundo MAGKAKASAMA RIN KAMI NI MAMA sa LANGIT..
Wish 107.5 I would like to suggest someone from your team to put subtitles in English in every song so that foreign citizens can understand the great meaning of our songs... That would be really an advantage because our songs are not only about riffs and belts but also storytelling itself and the feelings of the singers and lyricists alike...
Everyone judged her before. Not just her voice but her life as well. She did not win dahil naaawa ang masa sa kanya kundi dahil pangmasa talaga siya! TALENTED TALAGA SIYA! Hindi lang siya tulad ng ibang finalists na nakaranas ng formal training before the competition. She was young back then kaya hindi talaga perfect yung mga techniques niya sa pagkanta unlike Darren na ilang competitions na ang nasalihan. I'm also dissappointed that they treated Lyca differently before dahil sa kung saan niya nangaling. Keep it up Lyca! I'm rooting for you!
Korek, si Lyca now lang sya nagkakaroon ng spotlight after manalo at dahil yan sa mga fans nya na d nagsawang e support sya lalo na mga vlog ni Lyca..sariling sikap ni Lyca at fans nya kung bakit unti unti na ulit nakikilala si Lyca. Proud ako sa batang ito
Totally agree.they judged her b4 now she shine her own rays and spread her wings wt humbleness that makes her name in the spotlight nowadays..frm d very beginning of her journey in tvk I supported her ..Lyca go for a distance just put Ur feet on d ground.
My Lolo supported her sa The Voice palang. Now that he's gone, naiiyak talaga ako kapag napapanood ko si Lyca kumanta. She's so good. I understand why gustong gusto ni tatay na manalo siya non.
Ang sakit sakit nung kanta kapag inintindi mo. Lalo na kapag may mga kakilala ka na namatayan talaga ng mahal sa buhay. Stay strong sa inyo. Ang galing galing mo Lyca
when coach Sarah said (Idk the exact) "kahit hindi mo kasama yung mga tao, ramdam na ramdam ka nila Lyca" not every singer can sing from the heart. that's why she is the first ever The Voice Kid Champ!
Musmos noon, eto na ngayon! Isang bulaklak na unti-unting namumukadkad at patuloy na nagbibigay inspirasyon para sa lahat ng mga kabataan. It was a heart-rending song! You truly evoked my heart Lyca! underrated kaman sa paningin nila pero di ako naniniwala, ganda pakinggan nang song, cauz your are telling the story behind this song❣️🥺
of all the doubts thrown upon her, admit it, she can nailed a song and not everyone can do that.. wishing you all the best lyca, keep being an inspiration 😘
I felt the emotions. Ramdam na ramdam, iilan lang singers ang kagaya ni Lyca na gifted na maka connect directly sa heart ng listeners nya. Yes, tulad din sya ng Coach Sarah nya. Godbless You More Lyca! Ibalik ito sa ASAP!!! Asap!
The best singers are the ones who have the ability to make the audience feel what they sing. Ung tagos sa puso. Di lang puro birit at style... Yung nararamdaman mo rin ung essence ng kanta dahil sa boses nya. Good job!
That crack of her voice is her trademark...a unique one..its on her system on her voice..bibihira lang sa mga singers ang may ganyang katangian..thats why lyca is really gifted...hindi kukupas at malalaos ang kagaya nya...AMAZING Voice of Lyca Gairanod...
Panoorin mo ung kay darren mahigit isang buwan na 100 k pa rin views..kay lyca oras pa lng 100 k na mahigut..ganyan kasikat batang yan..ang lakas ng karisma un ang d nila kayang gawin wala silang ganun..nagpunta yan sa lugar nmin halos magkaipitan magkabalyahan at tulakan makahawak lang sa kamay nya..kaya nman kita mo xa ngaun maganda na ang buhay pro simpleng bata pa rin kahit super sikat na xa..
I lose my girl bestfriend and saw her struggle in the ICU. Hearing this rendition brought back the pain I was going through with her absence all years. My only confidant. Eternal peace bff.
I don't really like this song, but her version gave me chills. Naiiyak ako kahit di naman ako nakakarelate sa song🤦🏼♀️Kudos to our The Voice Kids Champ!
Lyca you made my day complete! Tagus sa puso yung kanta pero mas pinakaiyak mo pa ako. A perfect interpretation of an artist/musician. ❤ Way to go Lyca. 👑
Hindi man niya forte ang foreign songs. We cannot deny the fact that she can make us feel the emotions and transcend the meaning of Filipino songs to her listeners.
I dont like this song but now I heard it from Lyka nakaka wow sarap pakinggan. I've been really praying na sisikat pa more si Lyka at magiging isa sa mga singer na hindi malilimutan hanggang kailan. God Bless you Lyka.
No wonder she is A CHAMPION ito yung kaabang abang aa batang e2 simula maliit palang siya alam muna may Talent talaga at napakabait na bata alam mo kasi yung batang lumaki sa hirap talagang masipag magaral at alam nya lahat pagdating sa buhay bata palang siya mulat na sa kahirapan kaya ayan Pinagpala ng Diyos sa Talent keep it up Lyca G We are PROUD and Saludo KAMI SA IYO👏👏👏❤️❤️❤️ 🇵🇭🇵🇭🇵🇭
Ayokong magcomment pero na push ako.... runs... vocal breaks and the feelings made me say.. Its the most beautiful rendition ive ever heard. Galing lyca. Ang bilis ng panahon.
The control in lyca's vocal is insanely good. The emotion was there. The runs are used perfectly. But---can we also talk about the arrangement of the song?!! It was freaking cool! Kudos to everyone!
The best ever cover..its really hard to duplicate this with other artist..the vocal quality of lyca is unique and superb...full of emotions and heartedly dilivered every words and melody of this song was perfectly executed..great prrformance of a great person and a great singer...kudos to lyca..i love it so much..
I got goosebumps by the time Lyca opens her mouth and sings. That soothing and calming register of her voice is everything. As they said, she wasn't hailed as The Voice Grand champion for nothing. Congratulations to you Lyca, no doubt you were one of the best singer in the Philippines at a young age. I'm rooting for your meaningful career. You are even successful with your own. We believe in you, you can do it. :)))))
Ilang beses ko na to pina pakinggan pero hindi ako nasasawa sa boses ni Lyca at tuwing pina pakinggan ko 'to naalala ko ang kuya ko na subrang close ko ka mamatay nya lang noong December 22, 2020 hindi man lang kami nagka usap bago sya nawala.
Omg we have a same story 🥺 my kuya died last january 12 2021. Sobrang close kami dahil dadalawa lang kaming magkapatid na lumaki at ngayon magisa na lang ako 😭 Can't wait to see him again.
I really like the way she sang this song.. She made me cry because of her emotion while singing.. She can do more and she deserved everything that shes getting now.. Agree?
She is not just a singer, a good story teller indeed. Kudos to you Ms. Lyca. Hoping for your more projects just like the other singers in our country. You're one of the gems to be treasured.
whenever I heard this song, it brings back the memories of my mom suffered in covid-19. The day before she walks with God we talked through video calls and promised that she'll come back to us but apparently, she left my question without an answer "diba sabi mo hindi mo ako iiwan" it kills me every night the thought of being empty. It is so amazing how do songs connect people and how it speaks to our soul and heart. And for those people who have their Parents please do love them, love them like it is the end of the world.
May awa po ang Dios mawawala din yang kalungkutan na nasa puso nyo. Pahintulot na po ng Dios na kunin nya mama mo. Ang Dios ang may ari ng buhay. It's a reality we have to face that one day tayo din ay kukunin Nya.. May awa po ang Dios...
@@cherrydelossantos6797 tama kaya nga single ako since birth dahil binuhos ko lahat ng oras ko sa Study at School para someday maging successful at masuklian paghihirap ng mama ko at isa pa sa dahilan ayaw ko mag ka jowa baka iiwan lang din ako tulad ng ginawa ni papa samin simula noon hindi na ako naniniwala sa true love # bitter 😅
Sa maniwala kayo o hindi, ngayon ko lang nagustuhan itong kanta ito… At ngayon ko lang din nagustuhan nang subra ang boses ni Lyca dito. Super galing nya dito.
nauna. ko ng narinig. ito s original n kumanta pero kinig lng ako pero ng si lyca n ang naģ deliver damang dama. ko ang meaning nito. tugmang tugma s mag isang taon. ng lumisan. kong Mahal n walng paalam
Lumabas yung mga nakaaway ko noon dahil sa batang ito.. proud ofw na bumoto sa batang ito.. galing nia..ndi kmi nagsisisi dahil lahat ay natutunan..ngaun galing na timbre ng boses nia..
Been dealing with anxiety attacks, suicidal thoughts comes to mind. But I decided to hold on, kasi ayaw kong masaktan ang mga mahal ko at nagmamahal sakin, especially my bf who became my rope, he's one of the reasons why I'm still alive. He never left me alone. We recently talked about life, and my anxiety, he really helps me look things and life in another perspective. But listening to this song makes me cry like a river, lyca's rendition especially. It just hits hard. I imagined na ito ang sasabihin ng bf ko, ito ang mararamdaman nya if I harm myself.
I'm not her fan, but seeing how many people in here are rooting and supporting her makes me happy. That's the spirit! We should uplift and support our artists.💜
Ayoko pakinggan to kasi last year kasi eto yung kantang ayoko marinig dahil mahina na yung pamangkin ko,eto din yunh tugtog habang hinahatid na namin sya sa huling pagkakataon na kasama namin sya 🥺💔pero dito din sa kanta na to napapaisip na sana di nalang sya nawala .. sobrang close kami nun ,kahit pala bata pa kung kukunin kukunin talaga pag kailangan na syang bawiin ni god 😭pero nawala man sya andito parin sya sa puso ko puso namin. Miss ka na namin baba nasaan ka man sana ay masaya kana .iloveyou pamangkin ko .
Mas NAINTINDIHAN ko UNG meaning Ng kanta na to dahil sa version nya🥺😭 mga salitang binibitawan nya sobrang tagos sa PUSO 💙😰 sakit at saya ❤️ ramdam ko dahil sa kanya 🥺
Nami miss ko yung anak ko ng sobra lalo pag naririnig ko. My baby is just 10 months old when he passes away 4 years ago. This song really break my heart everytime I listen to this.
i think lyca finally found her own sound. remember during yfsf kids, she was very experimental and look at her now. alagaan lang ng industry 'to for sure she can make it big in opm.
I don't think she was experimental from the beginning. She was just perceived as this young girl who can sing high notes with heavy impact on her voice. But yes, I do agree na rn she finally found her sound and I hope na mayroong magandang path yung kanyang boses in the future.
I keep on going back here. Damn, I am not even brokenhearted pero nakakaiyak yung version ni Lyca, full of emotions, damang dama ko. Tagos sa puso 😭😭😭😭
dapat talaga to supportahan magaling kumanta, breadwinner, simpleng tao. 💕
Sino po dpat hnd suportahan?
@@makubex2961 Yung mga sikat na artista na di naman kagandahan mga boses pero nag to top mga kanta at sold out mga concerts. Except Anne Curtis kasi comedy concert naman ginawa niya 🤣
@@makubex2961 ung channel mo.sarcastic tanong mo bruhhh
gawa muna siya ng original song 🤭
Actually lahat ng artist dapat suportahan,pwede ka po naman mag support sa lahat, bakit kailangan may backhand comment?😅
My girlfriend died last June. Lahat ng memories bumabalik dahil sa kantang tooo. Plus Lyca's voice. Hay, buong kanta ako umiiyak. Kaya habang andyan pa sila, give all your efforts and love
Condolence po🙏
Condolence po
Condolence po :'(
That's so painful. I hope you already accepted it and start a new life
Jesus is nearer to those who has broken soul.. Prayers for you and for the family.
Ito yung kantang sumikat kasabay ng pagpaparamdam ng Tatay ko na di na sya aabot sa pagsundo sakin paguwe ko ng pinas. Lagi syang namamaalam. Everytime na magVC kami lagi niyang isinisingit o ipinaparamdam sakin na ganon na nga. Naalala ko pa yung sinabi niya "Di na ako magsundo sayo, pero si mama mo masusundo ka." Tagos mula sa kinang ng mata niya yung pain na pilit niyang itinatago.
Dec 12, 2020 Iniwan niya kami wala na syang balikan. Birthday ko ngayon pero parang kahapon lang nagyare lahat.
Your father was a great dad. He passed knowing you loved him. Happy birthday!
Happiest birthday! Hugs!
I feel your pain. Nwlan dn ako ng tatay.2yrs na ,pero nd nwwla skt.arw arw ko pkrmdm ko prng keln ...
Ako po .alm ni papa uuwi nko..kaso dko alm mmtay na pla sya..ngtnong pa SA kptid ko ...tuloy b uwi Ng ate mo..my confirm flyt NBA sya..yun pla mwwla na sya dko mnlng nkausp.mhl kta papa ko andto nko SA pinas.kso wla kna.june12 2021..d mopa ako nhnty June 19 2021 flyt ko .
I'm sorry for your loss. But, I wish you a Happy Birthday!
I am one of those people who really appreciate Lyca Gairanod. Nasubaybayan ko siya dati pa sa The Voice Kids, and rooted for her to win. Glad she won!
Just wanna share na nakailang play na ako this past weeks ng version niya ng Kabilang buhay. Grabe yung emotions, damang-dama bawat lyrics ng kanta kahit wala naman akong pinagdadaanan, but it always makes me miss someone sa Kabilang Buhay. Fav din ito ng mga bata sa amin, nakikisabay sila sa kanta everytime na ipe-play ko ito.
Kksksodo
Buenos días te saludo desde San Luis Potosí México 🇲🇽 la escuché cantar, no entiendo nada del idioma de filipino,y cuando ví un vídeo donde va vendiendo dulces en la calle, esa canción me gusta mucho, era una niña con una voz muy bonita,y ya mas grande de edad, canta muy bien ❤🎉
Dapat talaga tawagin na cya OPM PRINCESS. super agree ako sa nagcomment nyan. She put a soul in every OPM song she covers.
(2)
Yan din turo ni sarah sa kanya daw hehe
Bkit naiiyak n nmn ako basa kumanta ito si Lyca naiiyak ako
Breadwinners do support their co-breadwinner. I support you Lyca.
sana all nanalo ng tinapay. hahahaha
@@lunajeerana6386 shutacca HAHAHAHAHAHAHAA
@@lunajeerana6386 hahaha grabeng tawa ko
@@lunajeerana6386 HAHAHAHAHAHAHA! ANOBA!!! 😭😭😭
@@lunajeerana6386 batuhin kita ng pandesal jan ng manalo ka rin ng tinapay
Let’s all claim this is Lyca’s YEAR to shine!!!! She deserves all the attention right now. Truly indeed THE Voice Champion. Kudos! 💯❤️
P
Yes napakabait na Bata Mala cinderella din ang buhay
Nilike ko na
Dance with you
Very well version lyca ♥️
May tao pa ba dito sa 2024?💜To the person reading this, Good Luck! Don't stress, everything will be fine. No matter what difficulty you are facing right now, you can overcome it! You are strong and brave.❤❤
Wala na nsa planetang venus n kmi
Maganda b dyan s mars, wag n kayo babalik sa earth@@cudialiberty8181
Sept 21 2024
oct 10 2024
Oct 29 2024
HAAAAAYUUUUUUP SOLID!!!!!!!
True mars!!! Goosebumps. Filipino Pride 🥺
Hi ate Melissa♥️
Gumagala si melissa JAJAHAHA
Galing talaga ni lyca.. hope support niyo po niyo reaction kay lyca...
Galing ng pahka kanta niya ang ganda ng boses
Inutil yung mga nag dislike, grabe hirap na pinagdaanan niya para maabot pangarap niya tapos may mga ganitong tao. Pa mura ko kayo kay madam Daisy.
Hahahha madam inutz lang malakas
Missing our Kween ✨🦋🙂
pag nririnig ko din yang kanta n yan, sya naaalala ko😭😭😭😭😭
:(
🥺
🦋💗
Kuya Lloyd!!!!
The best song you make me strong...
I have stage 3 cancer....i know malapit na akong lumisan....hope ma makaka miss sakin pag nawala na ako.
😢😢😢 1:28 keep on praying 😊
Pray lang po 🙏 😢
Pray for you po 🙏🙏🙏
-kalungkot nman po sir
Always pray and everything will be ok soon... Be brave not for everyone be brave for ur self.. kaya yan laban lang.🙏❤️❤️❤️
Umiiyak yung boses mare! no wonder inilaban din siya ni Sarah hanggang dulo. Yung emosyon nag uumapaw lang! grabe, nakakatuwa to see people na naaamaze din. Yes, let's support this girl! I believe she'll have breakthrough in this industry.
💕
God choose her to win
Mabait nmn si Sarah kay Lyca kya nilipat nya sa Viva ..🥰🥰🥰
Shell naturaly have a breakthrough in this industry. Hundreds of great Filipino singers could have a breakthrough on music industry,
If only they could write.
Kamikazee doesnt necessarily had the "perfect" vocals. But could write and that made them legendary.
Same with parokya, and callalily and eraserheads, Silent sanctuary etc. They just need to learn to write :)
@@gwynnfox9767 Agree with you! I have started listening to foreign artists since the pandemic and what I noticed was, their songs are popular not only because of the singer but most especially because of the song and its meaning. They have genius writers and composers. I hope, entertainments/agencies here would also train Filipino singers to write/compose their own songs too.
Kakaiyak naman tong kanto na ito,sakto pang Aug. 11 na upload sa araw pa ng birthday ng mama ko.Sobrang miss ko na mama ko ,sobrang hirap ng walang nanay.Hanggang ngayon umiiyak parin ako parang ngayon lang siya nawala kahit nung 2013 pa siya nawala.Iba lungkot ngayon lakas makalamon ng pagkatao,di niya naabutan graduation ko ,sana proud siya saakin. Hanggang ngayon lakas maka denial at hinahanap ko parin mama ko.
Okie lng Yan bro pagdasal mo nlng mama mo na Sana na nasatabi Ng panginoon ntin..
Sending a hugs. 🥺
Hope you feel better soon. 😘
Ayoko mawala Mama ko. Guguho talaga mundo ko. Ikamamatay ko 😢
😭😭
Pareho pala tayo kc ung tatay ko lagi kong ka bonding inuman pag linggo huhuhuhu
She deserves to be one of the mainstay in ASAP too habang nagtatagal nagiging powerful ang boses I'm sure pag to sumikat international saka lang magkakandarapa ang ASAP sa kanya.
Tama ka dyan,atleast alam natin sumikat sy sa sariling sikap ny,hnd kagaya ng iba dyan
Hi, may agreement po ang management and lyca's team. Be in the career or pursue studies. Lyca made the right choice. Pero ang alam ko will dffntly be on track again. Stay postive😇😇
Lipat ka nalang sa GMA7
True. Prang sb19
@zahra meron talaga mula pa noon eh...
HND nasayang ang support KO SA batang to...SA umpisa palang hanggang manalo...Yung feeling na tinupad nya ang pangarap KO...❤❤❤❤
Shes not just singing but performing. She knows what she is doing like her coach sarah
wth, when you sing, you perform! hahah
Sarah na Sarah tlaga attitude nya sa pagkanta☺️☺️
Oh really.I feel you..
@@LICOnlineteach
Sobrang galeng talaga ..😍😍😍😘♥️♥️♥️
Proof of Coach Sarah's noble ears and sensitivity of raw talents.
Yes na yes😍🙏
agree
Agree Solid Fan of Sarah G
AGREE!
I agree.. Sarah always chose the one who is really different, a rare one like a diamond 💎
She deserve to be called THE FIRST EVER THE VOICE KIDS GRAND CHAMPION!! PERIODT!!!
Syempre po.. No doubt biut that eversince... Always proud lycanians here...
Trooot😍
shhhhhhh!... tahimik lang baka may tumahol na naman jan na fans ng runner ups 😂
Yes!😍
Anyone 2024?
MEEEE THE BEST TALAGA
yeah
July 2024😂
❤
No doubt Lyca is The Voice Kids Champion. I still believe in her talent. 👏
She really has improved a lot. Good for her.
Ih
@@mariavictoriasalita5273 p
Wow, 🥺❤️😘❤️😚
i doubt...
Naging The Voice Champion, pero never lumaki ang ulo.
We supported this girl from scratch until now.
pang masa super, parang si sarah lang.
@@robelyntorcelino4446 yezzz super humble
May ulo ba na lumaki?
I'm currently typing this while here in the hospital waiting for my D&C procedure (raspa), I loss my first baby who gave light & hope to keep going on.. i was diagnosed of depression and anxiety.. sobrang saya ko malaman na buntis ako and instant nawala yung lungkot ng buhay ko.. kaso wala na siya, walang heartbeat.
I'm sorry for your loss, po. Hoping for you to have more better days ahead.
were all waiting for your bounce back! take it easy kaya mo yan! God is leading you for a better plan :)
I'm so sorry for your loss. It's not easy. Time won't make the situation better but you're baby is in good hands now. I'm hoping for your healing both mentally, physically and emotionally.
May God embrace you.... sorry for your loss...
i am sorry for your loss, stay strong, God is with you 🙏🏻❤️😇
I'm from Bangladesh, i don't understand the meaning but I'm in love with this song. i think I've already listened this song thousand times. Listening this song while driving has became my habit. This song has made Philippines so close to my heart. Truly, music has no boundary.
Google the lyrics of "Kabilang Buhay" and translate it to English so you will understand the song.
This song has a very sad story. It's about someone whose loved one passed away. "Kabilang Buhay" means afterlife.
Ang linis. Grabe. Last time kita po narinig nung bata kapa sa The Voice. So much emotion for a young lady. ❤️
Meron po siyang fb page kung saan nagllive po siya don at kumakanta skl po hehe
@@norlymaeeconas6190 diba ate, para kay EMMAN NIMEDEZ, yan ang pangalan ng kanta ay kabilang buhay, | ate, diyos na bahala gumabay kay Emman Nimedez | ate, sayang talaga ang buhay ng sikat na pinoy vlogger na si EMMAN NIMEDEZ | sayang talaga ate, gusto ko pa naman makita sa personal kong buhay si idol pinoy vlogger na si EMMAN NIMEDEZ
Sarah Geronimo wasn't wrong when she fought for this young lady. She first believed, and here she is now.
Fact..the reason why darren is kinda first to bloom because he as so many experience before back in canada.. i the soul of her voice is what her unique
Exactly...
indeed💯🔥❤️
Yea. She deserved to win 😊
Korak
Maraming singer ang magaling kumanta pero si Lyca lang ang nakitaan ko na kayang maglagay ng totoong emotion sa kanta. Ang galing 🥺💖👏
Agree
what about moira? what about moressete? are they only a joke to you? HAHAHA
@@isaganibianito4336 baka hindi pa nya napapakingan lahat ng singer
Charice ,moresset,layca,sarap pakinggan emotion talaga
@@isaganibianito4336 try to listen Mas Mabuti pa By janine berdin
Ngayon ko lang nagustuhan tong kantang to tapos bagay na bagay pa sa boses ni lyca ang ganda ng pagkakakanta nya damang dama tagos sa puso haaay tapos ang ganda rin nya ngayon di mo akalain ung batang hamog noon eto na ngayon haaay more blessings pa syo lyca more power
Many people are sleeping on Lyca because she's not a biritera or can sing english songs perfectly. But we can't deny how much emotions she put into any song she sings which most singers are lacking nowadays. Just my opinion.
💯
True
Pero nong bata pa sya. Grabe sya bumirit. Nag mature lang siguro voice nya kaya ngayon di nya na kaya high notes
Agree. Gulat nga ako nung kinanta nya rolling in the deep. Ang galing
Well, not anymore ...
Bukod sa magandang boses, Lyka has the gift of story telling. Yung delivery nya NG kanta tagos sa puso. Ang galing!
SOBRA PO😭
Ang galing mo talaga idol
true galing niya
Maraming salamat po hihi
Agree
My younger brother passed away last June. Iyak ako ng iyak while listening to this version of Lyca. Parang bumalik lahat ng sakit. 😭😭😭 missing him everyday 🖤 I wish nandito pa sya kapiling namin. Thank you for this beautiful rendition, Lyca 🤍
Relate. Lost my brother this january 😭
My condolences to you and your family.
yakap, friend. 😭
Ganyan ang buhay sir.. ako miss na miss ko narin mama ko, naniniwala kasi ako dapat mas matagal ko pa siya makasama pero kinuha siya agad ni Lord, ang tanging paniwala ko nlng ngayon SOONER pag natapos narin ang papel ko sa mundo MAGKAKASAMA RIN KAMI NI MAMA sa LANGIT..
My condolences to your family.
Wish 107.5 I would like to suggest someone from your team to put subtitles in English in every song so that foreign citizens can understand the great meaning of our songs... That would be really an advantage because our songs are not only about riffs and belts but also storytelling itself and the feelings of the singers and lyricists alike...
Grabe! Ang natural ng vocal runs nya😭 She deserves more recognition❤
Yeah😍❤
Yes🥰
Tama ka po
@@kinjojoaquin1492
Everyone judged her before. Not just her voice but her life as well.
She did not win dahil naaawa ang masa sa kanya kundi dahil pangmasa talaga siya!
TALENTED TALAGA SIYA! Hindi lang siya tulad ng ibang finalists na nakaranas ng formal training before the competition.
She was young back then kaya hindi talaga perfect yung mga techniques niya sa pagkanta unlike Darren na ilang competitions na ang nasalihan.
I'm also dissappointed that they treated Lyca differently before dahil sa kung saan niya nangaling.
Keep it up Lyca! I'm rooting for you!
Korek, si Lyca now lang sya nagkakaroon ng spotlight after manalo at dahil yan sa mga fans nya na d nagsawang e support sya lalo na mga vlog ni Lyca..sariling sikap ni Lyca at fans nya kung bakit unti unti na ulit nakikilala si Lyca. Proud ako sa batang ito
BOOST THIS COMMENT PLEASEEE
Tama po!😍😊
Totally agree.they judged her b4 now she shine her own rays and spread her wings wt humbleness that makes her name in the spotlight nowadays..frm d very beginning of her journey in tvk I supported her ..Lyca go for a distance just put Ur feet on d ground.
My Lolo supported her sa The Voice palang. Now that he's gone, naiiyak talaga ako kapag napapanood ko si Lyca kumanta. She's so good. I understand why gustong gusto ni tatay na manalo siya non.
Ang sakit sakit nung kanta kapag inintindi mo. Lalo na kapag may mga kakilala ka na namatayan talaga ng mahal sa buhay. Stay strong sa inyo. Ang galing galing mo Lyca
Ok
OK😢😢😢😢😢😢
Dapat nagpeperform to kasama sila Elha, Janine at Zephanie. Yung boses nya dapat every Sunday napapakinggan natin 🙏🏻❤️ Godblessyou Lyka
Parang napabayaan xa eh
hoping 💕 nag aaral ata kasi
Ma inuuna niya yata magaral
AGREE!! absolutely tama si kuya Every Sunday i heard Elha Janine and even Zephanie where is Lyka?
kung nag aaral man pwede naman home schooling..
dapat nasa asap to lagi eh..
but amyway c jona soquitte nga sa team sarah wala din eh..
She was not hailed as the first The Voice Kids Philippines Champion for nothing. Great job, Lyca!!!
Your comment was the best I ever read
Pano mo nasabe
@@fyelsantos8129 so hindi siya magaling kumanta?
@@xofmetleh6618 may sinabe ba ko?maalam Ka mag comment dika marunong magbasa 😆
Bobo, Texting Votes lang nagpanalo sknya kase naawa lang mga tao sknya noon dahil mahirap sila
Lyca truly deserve to be hailed as 1st The Voice Kids Grand Champion.
Lyca finally achieved the quality of voice that suits her. Her voice got even better
Yan din ang sinabi ni Vice na mas gumanda ang boses ni Lyca ngayon. Mas gusto nya ngayon na di lang birit ng birit
Can’t stop myself listening to her version. She make me feel in love with her . 🥺
Same hereee
Pwdi kanta ka uli sa wish layca
Natotomboy ako 😍
same. ikatlong balik ko na 'to 😆
True
when coach Sarah said (Idk the exact) "kahit hindi mo kasama yung mga tao, ramdam na ramdam ka nila Lyca" not every singer can sing from the heart. that's why she is the first ever The Voice Kid Champ!
True
MzeMam
Musmos noon, eto na ngayon! Isang bulaklak na unti-unting namumukadkad at patuloy na nagbibigay inspirasyon para sa lahat ng mga kabataan. It was a heart-rending song! You truly evoked my heart Lyca! underrated kaman sa paningin nila pero di ako naniniwala, ganda pakinggan nang song, cauz your are telling the story behind this song❣️🥺
Bubuka Ang bulaklak papasok Ang TT 😎 Ang luwag luwag 😂
@@hearted.1237 g@go AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Nice comment coach toni. 🤪
Negative ba yong underrated ?
The way she sings. Sobrang damang dama 😢 Sarah G wasn’t wrong to choose her.
Nakita ko lang tapos biglang click na. Magaling kasi tong bata na to. 🥰👏👏👏
Same here
same
Same
of all the doubts thrown upon her, admit it, she can nailed a song and not everyone can do that.. wishing you all the best lyca, keep being an inspiration 😘
The filipino -ed 😆
nailed
Who cares. We understand it perfectly
@@johnharoldvillaruel7527 yeah screw them
*nail
I felt the emotions.
Ramdam na ramdam, iilan lang singers ang kagaya ni Lyca na gifted na maka connect directly sa heart ng listeners nya. Yes, tulad din sya ng Coach Sarah nya. Godbless You More Lyca!
Ibalik ito sa ASAP!!! Asap!
Super galing talaga ni Lyca dito. Inuulit ulit ko. ❤️ Pati ung ikot ikot na revive na kanta ni Sarah G. Full of emotions. Ganyan ang tunay singer.
The best singers are the ones who have the ability to make the audience feel what they sing. Ung tagos sa puso. Di lang puro birit at style... Yung nararamdaman mo rin ung essence ng kanta dahil sa boses nya. Good job!
True!
true...the fact na naririnig ko tong song n to randomly, partially lng, but never realized that it was this painful pla😊
💕
Ang galing!
That crack of her voice is her trademark...a unique one..its on her system on her voice..bibihira lang sa mga singers ang may ganyang katangian..thats why lyca is really gifted...hindi kukupas at malalaos ang kagaya nya...AMAZING Voice of Lyca Gairanod...
laos na nga e
@@도토리-y3b hahaha luh grave ka nmn lods sure ako million views na Naman to
@@도토리-y3b 1M nga subscriber nya sa TH-cam, pano naging laos yun? Haha
Panoorin mo ung kay darren mahigit isang buwan na 100 k pa rin views..kay lyca oras pa lng 100 k na mahigut..ganyan kasikat batang yan..ang lakas ng karisma un ang d nila kayang gawin wala silang ganun..nagpunta yan sa lugar nmin halos magkaipitan magkabalyahan at tulakan makahawak lang sa kamay nya..kaya nman kita mo xa ngaun maganda na ang buhay pro simpleng bata pa rin kahit super sikat na xa..
Yeah! That's true. Amazing voice of Lyca Gairanod and she is talented girl.
She is Soaring kahit walang tv guesting..... ..good job lyca,,,,thank you din sa wish FM
I lose my girl bestfriend and saw her struggle in the ICU. Hearing this rendition brought back the pain I was going through with her absence all years. My only confidant. Eternal peace bff.
I don't really like this song, but her version gave me chills. Naiiyak ako kahit di naman ako nakakarelate sa song🤦🏼♀️Kudos to our The Voice Kids Champ!
Lyca you made my day complete! Tagus sa puso yung kanta pero mas pinakaiyak mo pa ako. A perfect interpretation of an artist/musician. ❤ Way to go Lyca. 👑
Maganda talaga boses ni Lyca po
@@sews_tv kaya nga eh
@@ramwillshine8409 Sana ganiyan din boses ko hahahaha
Pero sa bandang Lapis po yung Kanta
@@ramwillshine8409 sir, baka naman pwede kayong mag falow
Hindi man niya forte ang foreign songs. We cannot deny the fact that she can make us feel the emotions and transcend the meaning of Filipino songs to her listeners.
Someday makakakanta din sya ng foreign. Unti2 na syang nag-go-grow. Di na ako makapaghintay. ❤
Totoo ❤️
True
Trueee po ☺️.
Kaya na niya, not perfect but already decent .. you may watch her covers on her YT channel
Grabe yun 32M views 🥰🥰🥰 iba ka talaga Lyca super galing tagos e😢 deserved mong lalong mag shine! 🥰❤️💯 Who are here now? ♥️
I dont like this song but now I heard it from Lyka nakaka wow sarap pakinggan. I've been really praying na sisikat pa more si Lyka at magiging isa sa mga singer na hindi malilimutan hanggang kailan. God Bless you Lyka.
Same here,always praying for her to be one of the best soon!
sa lahat ng gumawa ng version ng song na ito, ito ang pinaka maganda.
Agree
Trueeee ♥️♥️♥️
Truee
mas maganda parin yung original
@@escobarpablo6963 version yun topic nila
No wonder she is A CHAMPION ito yung kaabang abang aa batang e2 simula maliit palang siya alam muna may Talent talaga at napakabait na bata alam mo kasi yung batang lumaki sa hirap talagang masipag magaral at alam nya lahat pagdating sa buhay bata palang siya mulat na sa kahirapan kaya ayan Pinagpala ng Diyos sa Talent keep it up Lyca G We are PROUD and Saludo KAMI SA IYO👏👏👏❤️❤️❤️ 🇵🇭🇵🇭🇵🇭
True
Darren should have won at that time tbh
@@rayzor8445 kaso talo si Darren sa text votes ahahaha
sna mkapasok sa top5 trending ito..
Ito na❤Lumabas talaga ang golden voice mo miss lyca ..ur so unique voice magandang pakinggan tagos sa puso❤❤❤
Ayokong magcomment pero na push ako.... runs... vocal breaks and the feelings made me say.. Its the most beautiful rendition ive ever heard. Galing lyca. Ang bilis ng panahon.
The control in lyca's vocal is insanely good. The emotion was there. The runs are used perfectly. But---can we also talk about the arrangement of the song?!! It was freaking cool! Kudos to everyone!
This is the same arrangement used in her collab with Bandang Lapis. You should check it out on Spotify.
@@malachytorrevilla7583 tenks for the info. Didn't know about that.
The best ever cover..its really hard to duplicate this with other artist..the vocal quality of lyca is unique and superb...full of emotions and heartedly dilivered every words and melody of this song was perfectly executed..great prrformance of a great person and a great singer...kudos to lyca..i love it so much..
she didn't win "the voice" for nothing
Intro palang, sheytttt! 😍😍😍👌👌👌
I got goosebumps by the time Lyca opens her mouth and sings. That soothing and calming register of her voice is everything. As they said, she wasn't hailed as The Voice Grand champion for nothing. Congratulations to you Lyca, no doubt you were one of the best singer in the Philippines at a young age. I'm rooting for your meaningful career. You are even successful with your own. We believe in you, you can do it. :)))))
Huy same. Sakto pagkabasa ko ng comment mo, biglang kanta si lyca. Ang galing ❤
Ge
Sameeee
sameee
Sameeeeee 🥺🥺🥺
Ilang beses ko na to pina pakinggan pero hindi ako nasasawa sa boses ni Lyca at tuwing pina pakinggan ko 'to naalala ko ang kuya ko na subrang close ko ka mamatay nya lang noong December 22, 2020 hindi man lang kami nagka usap bago sya nawala.
She has truly improved vocally. No need to be a biritera. Crooning songs is a lot better and soothing for both audience and singers.
Omg we have a same story 🥺 my kuya died last january 12 2021. Sobrang close kami dahil dadalawa lang kaming magkapatid na lumaki at ngayon magisa na lang ako 😭 Can't wait to see him again.
@@mariavictoriasalita5273 true it's not about birit ,she sings heartfelt 💕
I really like the way she sang this song.. She made me cry because of her emotion while singing.. She can do more and she deserved everything that shes getting now.. Agree?
A G R E E ! ! !
Yeah! I agree..
Agree
Agree
Agree
I never regret that i vote you in the The Voice PH , You are a true Champion Lyca. 👍
Voted*
same haris same
Same I also vote her ❤️🤟🏻
Andun yung feeling na ramdam na ramdam nya yung bawat salita ng Kanta.
Parang may buhay. Goosebumps
She is not just a singer, a good story teller indeed. Kudos to you Ms. Lyca. Hoping for your more projects just like the other singers in our country. You're one of the gems to be treasured.
Indeed.❤️
Pero sa bandang Lapis po yung Kanta
@@raydanielocampo981 yes po. Her version So relaxing.
1k
1k
Nararamdaman ko yung Yeng Constantino vibe niya. Grabe, lalong gumaganda si Lyca. 😍
True. Yan din unang naisip at naramdaman ko. Aura ni yeng. 😁👌
Same feeling
SHE DESERVES TO BE FAMOUS KASI NAPAKA HUMBLE AT NAPAKA BAIT NA BATA 😇
She's famous pero d lang talaga xa binibigyan ng spotlight 😔 I'm sure this year is time for her to shine
@@chimjiminah3435 ai oo nga Pala hehe 😅 pero yes true Yan ngayun Lang talaga xa binigyan ng first single nya
@@butterflies8322 kc po lumipat na sya sa viva record kaya nabigyan na sya ng single buti lumipat sya
Buti na lang nasa viva na sya kasi pinabayaan lang sya!
She deserves a big break and her own concert soon! She’s improved so much and her voice is so soothing 👏🏼💕
She got her techniques improved. The vibrato is loveable. The rendition of the song was perfect.
whenever I heard this song, it brings back the memories of my mom suffered in covid-19. The day before she walks with God we talked through video calls and promised that she'll come back to us but apparently, she left my question without an answer "diba sabi mo hindi mo ako iiwan" it kills me every night the thought of being empty. It is so amazing how do songs connect people and how it speaks to our soul and heart. And for those people who have their Parents please do love them, love them like it is the end of the world.
May awa po ang Dios mawawala din yang kalungkutan na nasa puso nyo. Pahintulot na po ng Dios na kunin nya mama mo. Ang Dios ang may ari ng buhay. It's a reality we have to face that one day tayo din ay kukunin Nya.. May awa po ang Dios...
Tama po kau...mahalin natin ung mga parents natin gang nandito pa sila..bigay natin ung mga gusto nila at wag natin sila bgyan ng problema..
😭😭😭😭😭
Shes now resting with God... there..no more pain, no more sadness, no more problem, no more worries...
@@cherrydelossantos6797 tama kaya nga single ako since birth dahil binuhos ko lahat ng oras ko sa Study at School para someday maging successful at masuklian paghihirap ng mama ko at isa pa sa dahilan ayaw ko mag ka jowa baka iiwan lang din ako tulad ng ginawa ni papa samin simula noon hindi na ako naniniwala sa true love # bitter 😅
Sa maniwala kayo o hindi, ngayon ko lang nagustuhan itong kanta ito… At ngayon ko lang din nagustuhan nang subra ang boses ni Lyca dito. Super galing nya dito.
nauna. ko ng narinig. ito s original n kumanta pero kinig lng ako pero ng si lyca n ang naģ deliver damang dama. ko ang meaning nito. tugmang tugma s mag isang taon. ng lumisan. kong Mahal n walng paalam
Same🥺❤️
Maniniwala na kami
I49
pareho po tayo ng naramdaman diko pinagsawaan boses niya dito at ngayn ko lng din nagustuhan ng sobra sobra ang song s version niya
Lumabas yung mga nakaaway ko noon dahil sa batang ito.. proud ofw na bumoto sa batang ito.. galing nia..ndi kmi nagsisisi dahil lahat ay natutunan..ngaun galing na timbre ng boses nia..
Ngayon ko lang na appreciate yung kanta after hearing this version. 😞
Same here...
Ganda ng lyrics
Made me cry
Yah same here dati naririnig ko sya d ko maapreciate until kinanta nya
Yep. Same here
She doesn’t deserve dislikes. This is a superb performance.
Those dislikers are not happy with their lives.
Dislikers yan ung mga toxic na pilipino ! Madaming inggit sa kanilang sarili !
Mas madame pdin tau 600 lng sila haha
Yung nag-dislike sila yung iniwanan ng BF at GF, he he he he
Up natin para umangat pa sa Trending
Been dealing with anxiety attacks, suicidal thoughts comes to mind. But I decided to hold on, kasi ayaw kong masaktan ang mga mahal ko at nagmamahal sakin, especially my bf who became my rope, he's one of the reasons why I'm still alive. He never left me alone. We recently talked about life, and my anxiety, he really helps me look things and life in another perspective. But listening to this song makes me cry like a river, lyca's rendition especially. It just hits hard. I imagined na ito ang sasabihin ng bf ko, ito ang mararamdaman nya if I harm myself.
VIRTUAL HUG PO 🤗🥺
Laban lang po sending virtual hug ❤️❤️❤️
Sending hugs po! 💛
Keep fighting and strong!God bless you❤🙏
Just pray always ❤️
This song reminds me of my Mom, I can't contain the tears in my eyes. She was not only sing here but also told story. Your rendition was so Beautiful.
I'm not her fan, but seeing how many people in here are rooting and supporting her makes me happy. That's the spirit! We should uplift and support our artists.💜
Sanaall
Ang galing talaga nito, napaka
simpleng tao pa tapos ang humble.. God bless you Lyca..
galing tlaga
Kinikilabutan ako sa ganda ng boses ng batang to. Sana may maghandle sa kanya na matutulungan talaga syang umangat ang career. Sobrang deserve niya.♥️
Meron Naman tlga ah artista eh
Nireready lang sya ng Viva para sa Big Break.. dba kamakailan lang ay pumirma na sya ng Kontrata sa Viva.
Hindi lang talaga siya active pa kasi nag-aaral pa siya. Pero meron tong future sa industry for sure.
One of the best singing voice in the Philippines. Deserves more exposure. Beautiful!!
Lyca proved to people who degraded her before. She deserves the title "champion" in the Voice Kids.
Facts!
.
This
Its obvious who really won that
agree!! real professional saw the real talent in her na marami satin di nakita yun kaya feeling nila di niya deseve :)
Ayoko pakinggan to kasi last year kasi eto yung kantang ayoko marinig dahil mahina na yung pamangkin ko,eto din yunh tugtog habang hinahatid na namin sya sa huling pagkakataon na kasama namin sya 🥺💔pero dito din sa kanta na to napapaisip na sana di nalang sya nawala .. sobrang close kami nun ,kahit pala bata pa kung kukunin kukunin talaga pag kailangan na syang bawiin ni god 😭pero nawala man sya andito parin sya sa puso ko puso namin. Miss ka na namin baba nasaan ka man sana ay masaya kana .iloveyou pamangkin ko .
Sorry for your loss
Condolence to the bereaved family
Katabi na ni God si pamangkin mo po free from any kind of suffering.😊
@@aquarium7044 🙂
@@markmangomez2799 thank you
You can really see how she improved a lot and I believe she still has a lot of potential with her incoming years of singing.
Appe mu ya
Solo travel + long roads + windows seat +earphones + your songs = hundreds of precious emotions ❤
Mas NAINTINDIHAN ko UNG meaning Ng kanta na to dahil sa version nya🥺😭 mga salitang binibitawan nya sobrang tagos sa PUSO 💙😰 sakit at saya ❤️ ramdam ko dahil sa kanya 🥺
Truly,parang Angeline quinto,ramdam mo agad ang puso
🤣🤣🤣
Nami miss ko yung anak ko ng sobra lalo pag naririnig ko. My baby is just 10 months old when he passes away 4 years ago. This song really break my heart everytime I listen to this.
Sending hugs. 😊
Virtual Hugs to you po🫂
Sending hugs
After how many years, this is Lyca proving why she is the champion of The Voice Kids Season 1. ❤️❤️❤️
1k
sobrang simple ni lyca pero ang galing more blessings and more guessing sa mga tv
i think lyca finally found her own sound. remember during yfsf kids, she was very experimental and look at her now. alagaan lang ng industry 'to for sure she can make it big in opm.
Agree
Agree…the voice is so raw..
I don't think she was experimental from the beginning. She was just perceived as this young girl who can sing high notes with heavy impact on her voice. But yes, I do agree na rn she finally found her sound and I hope na mayroong magandang path yung kanyang boses in the future.
The emotion she puts into this song is superb. Simple lang pero tagos. Napaiyak ako while listening to this. 😭
Agree 👍🏻
admit it or not lyca nailed it, she improve a lot! She deserve to be part of asapofc.
Palakasan dun. D bale sumikat naman si Lyca sa sariling effort sa tulong nga mga totoong fans
nakakatuwa yung comment section walang toxic comments puro positive lahat 👏👏❤️❤️ galing mo lyca👏
I keep on going back here. Damn, I am not even brokenhearted pero nakakaiyak yung version ni Lyca, full of emotions, damang dama ko. Tagos sa puso 😭😭😭😭
oa mo arte
She is giving Yeng's vibe here with a soul... Sana more exposure sa kanya.
She ages like wine ✨ as she grows she improves. The clarity, emotions, voice, control and everything ♥️ i just love her😩♥️
Very well said👏
ang edad nya ay parang alak ✨ habang lumalaki sya nagiimprove. ang klaro, emosyon, boses, kontrata at lahat ♥️ mahal ko sya😩♥️
@@vampslayerbangbang8867 mali ata sa kontrata? kontrol/kontrolado ata yun.
Sa sobrang kagalaka'y tulo Ang luha ko...tagos sa puso...Mula noon gang Ngayon hanga Ako Sa talento mo...
Potek ang galing ni Lyca. Dito mo marealize na deserve niya maging champion talaga. Nakaka inis naman! I miss you kuya Kelly in heaven.