Salmo 130 | Sto. Niño de Pandacan Parish

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 27 ม.ค. 2025
  • Sto. Niño de Pandacan Parish, Manila
    Tercentennial Mass (Salmo Responsorio)
    SALMO 130
    Musika: Kristina Bagayaua at Jonathan Bagayaua
    Areglo para sa Koro: Jonathan Bagayaua
    Mga Mang-aawit: Leo Sunga at Kristina Bagayaua
    Sa gitna ng paghihirap,
    tinawag ko’y Panginoon,
    Kaya, Yahweh, ako’y dinggin
    kapag ako’y tumataghoy,
    Dinggin mo ang pagtawag ko’t
    paghingi ng iyong tulong.
    I. Kung ikaw ay may talaan
    nitong aming kasalanan,
    Lahat kami ay tatanggap
    ng hatol mong nakalaan.
    ngunit iyong pinatawad,
    kasalanan ay nilimot,
    Pinatawad mo nga kami
    upang sa ‘yo ay matakot.
    II. Sabik akong naghihintay
    sa tulong mo, Panginoon,
    Pagkat ako’y may tiwala
    sa pangako mong pagtulong,
    Yaring aking pananabik,
    Panginoon, ay higit pa sa serenong
    naghihintay ng pagsapit ng umaga.
    III. Magtiwala ka, Israel,
    magtiwala sa iyong Diyos,
    Matatag at di kukupas
    ang pag-ibig niyang dulot
    Lagi siyang nahahandang
    sa sinuman ay tumubos.
    IV. Ililigtas ang Israel,
    yaong kanyang mga hirang,
    Ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.
    Property of TV Maria | November 23, 2012
    No copyright infringement intended
    #BangonPandacan

ความคิดเห็น • 1

  • @laarniedavid1477
    @laarniedavid1477 7 หลายเดือนก่อน

    🎉🎉🎉🎉🎉🎉😊