U F E Q at DOHA TRENDSETTER ANNIVERSARY

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 28 ก.ย. 2024
  • UFEQ Tinatag para sa Pagkakaisa ng mga Entrepreneurs
    (Hango sa BalitangQ)
    Nagsama-sama ang ilang mga entrepreneurs sa Qatar at ilang mga OFWs sa Unang Anibersaryo ng Doha Trendsetters noong ika-22 ng Setyembre sa Gulf Horizon Hotel.
    Maraming pagtatanghal mula sa Trece Familias, DIMP Dance Crew, Beats and Bytes, M2CD at iba pa. Buong araw naman ang mga presentasyon ng mga sumaling entrepreneurs at ipinamalas ang kani-kanilang produkto.
    Sa naganap na Press Conference, inihayag ni Ms. Annie Esmer ng Doha Trendsetters ang pagkakatatag ng United Filipino Entrepreneurs Qatar (UFEQ) na layunin nito ay magkaisa ang mga Filipino Entrepreneurs at magkaroon ng lehitimo at lisensyadong negosyo sa Qatar.
    Dagdag pa nito ay magkaroon ng mga events na dadaluhan ng mga OFWs na maaring maging potensyal na kliyente. Ilan sa mga miyembro nito ay ang La Diva de Quafier Beauty Center, Diana Jewelry, Cocina Filipina, Forever Living, Avon, Arlfred Zapatos, Long Rich Qatar, Bebe Q, FM Perfumes, August Tailoring, GPRS, Royale, Filinvest Qatar at SMDC.
    Hinihiling ng grupo na suportahan at tangkilikin ang kanilang mga produkto lalo na at alam natin na ang Pinoy ay sadyang mahihilig sa anumang mga bagay na ito ay kanilang nagugustuhan.
    Ang UFEQ ay makikipagtulungan sa United Filipino Organization in Qatar (UFOQ) sa pangunguna ni Architect Isaias "Jhin" Tabuzo na naroon bilang panauhing pandangal sa nasabing programa.
    Ang pamunuan ng Gulf Horizon Hotel ay nagpahayag ng kagalakan sa mga masasayahing Pilipino kaya ang kanilang establisyemento ay bukas ng libre sa lahat ng events ng mga Pinoy.
    Nandoon din si Cultural Attache Richard Billedo na syang representante ng ating pasuguan. ayon sa kanya, ang pagkakatatag ng samahang ito na pagkaisahin ang dumadaming Pinoy entrepreneurs sa bansa ay magbibigay sigla at magpapatibay ng pundasyon para sa samahang Pinoy.
    Naging sentro ng programa ang pagrampa ng mga modelo sa Fashion Show ang Doha Trendsetters. Ipakita ang kanilang mga koleksyong pangkasuutang pambata at pang teenagers. Mayroon ding mga raffle draws at ang pagpapakita ng galing at talento ng ating mga sketch artist. (Ugaliing makibalita sa www.balitangq.org)

ความคิดเห็น •