Saludo po ako s inyo...naghahanda din po ako ng manok s malakeng labanan tama mga sisabi nyo hinde kagaya ng iba puro kalokohan lang madami tuloy ang hinde natututo sinusunod ang mali..pero s inyo saludo ako
Bihasa yung handler at gamay nya yung bloodline ng manuk nya kaya kayang kaya nyang bawasan ng 90grams. Pero sa mga baguhan na tulad natin eh medyo sa safe side muna tayo
kahit puro sama lang ako sa bigtime derby o hindi sa mga handler ng tito ko na gegets ko pag pointing ng kunti pero dahil sayo mas nag advance ako sa nkikita ko sa ginagwa nila salamat sir na gets kuna kahit pang sariling manok ko lang ako nag handa lamang pa din ako sa panalo iba iba tlga tayo ng style lamang pa din panalo muna bago kwento 😁😊 pa shout out sir 😅 from iba zambales
Yun ho talaga ang pinaka mainam kung gusto talaga matuto ng tamang pointing walang pinaka mainam kundi ang maobserbahan ang actual pointing. Kung may access na makapanood at kung maari na mahipo upang maramdaman at malaman ng isang newbie ang manok na mamoisture at manok na dry. Kahit mahirap ipaliwanag thru video pinipilit ko na maabot ang mga baguhan ng sa gayon ay pumarehas man lang kundi man makalamang sa laban ng kanikanilang manok. Salamat ho sa suporta.
Boss pwede po bang kung ano ano po ang rotation and schedule pag nagpapagalaw po kayo sa conditioning period nyopo sir maraming salamat po from pampanga po ako ❤️❤️
After Cecal dropping yong 10 to 15 grams gaano pa katagal to the next stage ng dropping which is the urate ba ang tawag doon? Yong kulay puti na paliit. Karkolasyon lang idol! How many hours pa. Ano ba ang mga procedure mo maliban sa pag limber every 2 hrs maybe?
Akoy napatawa sa comment mo tungkol s coin kpg undeweight hehe... Sir ako po ay new subscriber. Hackfight lang po ang nilalabanan ko. Basaan at lagay ako s panalo pero nauwi sa tabla. Sa loob ng 1 min n labanan nila, dapa na ang kalaban. Umabot ng 7 mins ang labanan pero di tumuka manok ko. Kinabukasan patay na rin tumabla ko. Balik po ako s pointing n ginawa ko. 4 am kami dumating s sabungan. Basa ang ipot. Bandang 5:30, binigyan ko ng 3 crack corn and 1 pellet. 6:00 nakahanap na ng kalaban. Fight # 23. 6:30 binigyan ko uli ng same amount ng pakain. Kada isang oras pinipitikan ko ng 3 crack corn at 1 pellet para mahold ang moisture. An hour b4 the fight binigyan ko lang siya ng saging 2 sinlaki ng crack corn. Ang resulta 1 tabla at 1 talo.
Boss sabi mo 4am ka dumating sa sabungan then nagpa drop ka ng 5:30am at basa ang ipot. Kapag basa ano ho ba ang dapat ibigay na pointing feeds di ho ba dapat yung pang higop or absorb ng moisture which is pure pellet dapat. 6am napaulot na at fight# 23 ang tanong ko ho what time ba mag uumpisa ang laban? Napaka aga mo ho kasi magbigay ng pointing feeds. Ok lang ho mag drop ng wet ang manok lalo pa at galing sa byahe at pagdating mo sa sabungan ng 4am ang pinaka mainam na gawin ay ayusin muna ang lugar kung saan ilalagay ang manok. Sa lugar kung saan tahimik, malayo sa mga tao at malayo sa CR. Then ilabas sa kahon ang manok at ilagay sa limber ang pag drop ng wet or basa ng manok ay dulot ng stress sa byahe natural lang na maglabas yan ng basa na dropping bukod pa sa moisture sa katawan nya dahil sa feed and water intake nya ng afternoon feeding nya. Noong makahanap ka ng kalaban ng 6am assume natin 8am ang start ng sabong nangangahulugan na posibleng mapalaban ang manok mo on or before 11am mas mainam na kapain muna ang manok kung sa hipo ay basa or tuyo sya at kapain din ang butsi kung walang laman since 6am napaulot mainam sana na naipahinga muna ang manok sa keeping pen. 7am ilabas at mag dump muna para mailabas nya ang cecal dropping at saka ka magpakain. Kung tama ang sinabi ko na umpisa ng hackfight nangangahulugan na tama din ang estimate ko sa oraa na pwedeng mapalaban ang manok mo. After mag drop ng cecal magpakain kahit 5 then hilamusan ng bahagya ang mukha tapos medyo basain mo ng bahagya ang kamay mo at ihimas sa paa ng manok tapos ibalik sa keeping pen. Note: hindi papainumin ng tubig. 8:45 ilabas ang manok upang mag dump para umipot kapag basa 3 to 5 pcs pellet kapag tuyo 3 to 5 pcs soaked cracked corn tapos ibalik sa keeping pen. 10:30am ilabas uli ang manok at ilagay sa limber pen para makita mo kung ok na ba ang kanyang moisturr thru droppings, salat at physical appearance kapag mah problema pa at least may oras pa ng kaunti at least 2 to 3 pcs pellet kapag basa or 2 to 3 pcs soaked cracked corn or 2 to 3 kurot ng mansanas. Kapag ok na ang moisture 1 to 2 kurot ng saging basain ng bahagya ang kamay at ihagod sa mukha ng manok. Kapag per hour ang pag pitik una hindi napapahinga ang manok at oras oras na pitik baka hindi magtunaw. Kung maari panoorin mo mabuti at unawain ang mga sinasabi ko sa aking mga video. Hindi ko sinasabing mananalo ang manok na ilalaban mo kung naunawaan at nasunod mo ang mga ibinahagi ko pero nakasisiguro ako na makikipag pukpukan ang manok mo hanggang sa huling hininga basta maayos na manok ang inilaban mo at natutukan ng husto sa pointing. Tungkol naman sa coin bagaman bihirang bihira mangyari ang loose weight sa mga bigtime derby pero yan ho ang ginagawa upang makaiwas sa 10k na penalty ang handler. Goodluck.
Sa araw? Ok lets assume na sa araw ng laban ang katanungan mo. Focus, focus at focus on day of fight. Focus means dapat hands on monitoring do your homework sa araw ng laban. Paano gawin ito day before fight dapat may nakalatag ka ng strategy or plano pag alis sa farm papuntang sabungan at pagdating sa sabungan. Handler, aasistant handler at mga kasama dapat may kanya kanyang parte kaya dapat ang mga kasama mo ay mga sanay or gamay mo na din para sa pamamagitan ng tinginan lamang alam na ninyo ang dapat gawin. Parang musika lang yan dapat nasa tono at hindi sintunado. Tutukan ang pointing huwag magbabad sa panonood ng sultada. Ok lang naman manood ng sultada paminsan minsan but rest assure na may maiiwan na tao sa cock house its a must na ang maiiwan ay marunong ng tamang pointing. Either aircon cock house or non aorcon dapat alam ng handler ang mag adjust at any given time depende sa kalagayan ng cockhouse at kalagayan ng panahon during fight day. Kapag hands on ka sa pointing sa araw ng laban walang dahilan para bumagsak ang katawan ng manok nangyayari lang ang ganyang scenarion dahil sa kapabayaan ng handler. Panoorin mo ang post video ko na day 21 pointing para mas maging malinaw sayo ang naging kasagutan ko. Goodluck.
Sir rosendo 2 paraan ho ang batayan ko para malaman ko kung matubig pa ang manok. Unang batayan ay ang pagiging mabigat ng manok. Ang sinasabi ko na mabigat ay hindi dahil busog sya or pinakain malalaman natin na mabigat ang manok dahil sa simula pa lang ng pag select natin sa manok upang ipaaok sa precon at conditioning ito ay atin ng nahahawakan. Sa simula na pipiliin natin ang manok naturalmente pawang buo ang katawan ang ating pipiliin natural na mabigat pa sila dahil wala pang batak marami or may taba pa sa kanilang katawan. Ngunit habang lumalawig ang pagkukundisyon at pag training sa manok ang mga nasabing taba ay nacoconvert sa muscle at unti unti ang kanyang timbang ay gumagaan ngunit ang bulto ng kanyang katawan ay hindi maayadong nagbabago or maari pang bumuka. Now dahil alam na natin ang possible na timbang nya base sa hawak sa umaga assuming na nagtunaw naman sya ng maayos at empty na ang butsi then pagkahawak natin sa manok ay mabigat nangangahulugan na matubig pa ang katawan nya. Ang pangalawang basihan naman para malaman kung matubig pa ang manok ay sa pamamagitan ng droppings or ipot ng manok kapag basa ang kanyang ipot it means may moisture pa sa katawan or matubig pa kaya gumagamit ng pang higop ng tubig or moisture sa araw ng laban during pointing. Goodluck.
Simple lang ho ang kasagutan dyan. Bibigyan kita ng isang halimbawa. Let say ang manok na hinahanda mo ay tumitimbang ng 2000 ito yung timbang nya na kung saan ay halos 25 grams na lang ang laman ng bituka nya at moisture then ang ibabawas mo halimbawa ay 70 grams. Then yung isang handler naman ay may manok na tumitimbang na 2000 din kaparehas ng timbang ng manok mo. 2000 bawasan ng 70 grams = 1930 Yung isang handler naman ay magbabawas lang ng 35 grams. 2000 less 35 grams = 1965. 2000 less 70 grams = 1930. Kung papansinin mo parehas sila ng timbang pero malamang hindi sila ang magkalaban or magka match. Kung nagbawas ka ng 70 grams sa timbang na 2000 then ang isusumite mo na timbang ay 1930 ang makakalaban ng manok mo ay hindi na lalayo ang timbang dyan sa 1930 na submission possible from 1910 to 1950 grams ang makalaban ng manok mo. Assume na natin na ang nakalaban ng manok mo ay 1950 at nagkataon na ang kalaban mo ay 35 grams lang ang ibinawas. Baka mas malaki pa ang manok mo kapag nagkaharap na ang 2 manok sa ruweda. Kasi ang timbang ng manok mo ay 2000 na binawasan mo ng 70 grams kaya ang naisubmit mo ay 1930 then ang kalaban mo ay 1950 ang submission pero ang ibinawas nya lang ay 35 grams. Nangangahulugan 1985 lang ang actual na timbang ng manok nya. Lumalabas lamang ka pa ng 15 grams sa timbang. Paano kung ang makalaban ng manok mo ay 1910 lang ang submission pero ang ibinawas nya ay 35 grams lang nangangahulugan na ang actual na timbang ng manok nya noong mag submit sya ay 1945 grams compare mo sa timbang ng manok mo na 2000. 55 grams malaking bagay na yan sa size ng manok na magkalaban lalo pa at sanay ang handler na mag point ng manok sa araw ng laban. Anyway gagawan ko ng video yan marami pa.pala ang dapat na ipaliwanag tungkol dyan kapag itinuloy ko pa ang paliwanag baka malito ka na. Salamat sa suporta and goodluck.
Boss hardian opo ibinabawas ho yan sa actual.na timbang 1 araw bago ang derby or depende ho sa regulasyon ng sabungan. Kung ang timbang ng manok mo ay 2kgs or 2000 grams magbabawas ka lang ng 35 grams meaning ang isusumite mo ay 1965 Ang 35 grams na ibabawas ay ang standard na ibinabwas kapag 35 grams ang give and take pwede mo pa pataasin or dagdagan ang dapat na ibawas sa isusumiteng timbang ng manok na ilalaban mo. Pero dapat alam mo ang tamang sistema panoorin mo at unawain mabuti ang ibinahagi kong tip sa video upang mas maunawaan mong mabuti ang ibig kong sabihin naway masundan at maintindihan mo ang mga paliwanag ko. Goodluck
Kung 60 grams ang ang ibinawas mo noong mag submit ka ng timbang 1 day before the fight mas mainam na alamin mo muna ang start ng derby kaya mas mainam na mas maaga ka dumating sa sabungan para makapili ka ng mas maayos na cockhouse. Pagdating sa sabungan hayaan mo muna ang manok sa kahon para magsubside ang naranasan nilang stress at di mabigla then after a few minutes ilabas para paunatin ilagay sa limber at itala ang magiging droppings or ipot basa ba tuyo or sakto. Habang ginagawa mo ito mainam na alamin mo ang mga bagay na magaganap sa araw ng derby. 1. Oras ng start ng derby 2. Fight sequence ng mga laban mo 3. Kalagayan ng panahon mainit, malamig or maulan Bago ilagay ang manok sa keeping pen obserbahan mo kung di ba na stress sa byahe then timbangin muna at icheck mo kung ilan pa ang sobra sa timbang nya base sa naisubmit mo na timbang. Kung maaga ka sa sabungan assuming 5am nasa sabungan ka na huwag ka magworry sa pagkain at tubig dahil siguradong matubig at may pagkain pa sa kanyang sistema ang manok mo. Pero kung after mo magtimbang ay nakuha mo agad ang timbang na ayon sa ibinawas mo noong ikaw ang magsumite 1 day before fight day may kaunting problema. Nangangahulugan na maaring mali ang naibawas or kulang bagaman di gasinong malaki ang problema kapag ganito pero asahan mo ng mas malaki ang makakalaban mo sa oras ng laban. Kapag nangyari yan huwag mo hahabulin ang timbang lalo na kung sariwa ang manok mo at matubig pa mas mag concentrate ka sa pag pointing na gaya ng sinabi ko sa day 21 pointing na dapat hindi basa, hindi din tuyo dapat sakto Bukod pa sa kalmado at maganda ang kilos, alerto at makinis ang balahibo. Nagbigay lang ako ng mga posibleng problema lalo na kung di maayadong sanay sa derby pero balik tayo sa katanungan mo. Importante sa lahat ang oras ng umpisa ng derby at fight sequence ng manok mo panoorin mo mabuti ang video ko at naipaliwanag ko yan ng maayos kung ilan gramo ang dapat ipakain sa manok at kung ilan gramo ang estimate na tinutunaw or inilalabas ng manok kada oras or kada 2 oras Di ko pwedeng sabihin na magpakain ka ng 10, 15 or 20 grams kung di ko alam kung anong oras ang start mg derby ang fight sequence, ilan sultada ang nagagawa ng sabungan kada 1 oras at kung may breaktime lahat yan dapat iconsider para mas mapadali ang gagawin mo na pag pointing. Uulitin ko nasa video ng day 21 pointing ang kasagutan gamitan mo lang ng kaunting LOGIC at limiin mo ang mga sinabi ko sa video alam ko na matutumbok mo kung ano ang ibig ko sahihin. Kung medyo nalito ka bigyan mo ako ng scenario oras ng laban timbang ng manok mo after CECAL sa umaga hitsura ng ipot nya hutsura ng balahibo nya hitsura nya kung sariwa ba or medyo nastress or nag dry timbang mya after mag cecal then bibigyan kita ng pinaka malapit na kasagutan na makakatulong sayo kung sakali na sumabak ka na sa derby. Goodluck
@@orangesanantonio5863 hindi pa ho empty ang manok kapag nag drop ng CECAL. Kasama ho sa cycle ng manok na mag drop ng CECAL once na maidrop nila yan may kasubod pa ho na normal droppings medyo malaki at paliit ng paliit it means paubos na ho ang laman ng bituka ng manok which is dapat magbigay na ng pointing feeds para hindi makaramdam ng gutom ang manok na pinopoint otherwise patungo sa pagka off ang manok kapag napabayaan sa araw ng laban. Kaya CECAL ang basihan na ginagamit dahil base ho sa obserbasyon at pag aaral may natitira pa ho na pagkain sa sistema ng manok which is sa bituka more or less 10 to 15 grams.
Try to analyzed and watch the video carefully kung ang 90 grams ba na ginawa kong halimbawa ay sinasabi ko na gawin ng mga sabungero. Siguro mas mag focus tayo doon sa basic knowledge na sinabi ko i only share my thought about sabong specially sa derby for newbie. Dagdag kaalaman sa kanila para maka agapay sila sa mabilis na pagyabong ng kaalaman about sabong. Now ako naman ang magtatanong sayo ang mga nagbawas ba ng 35 grams na timbang ay nag champion or naka score man lang? Lets look on positive way and not on negative. Once again kindly watch my video for you to know the correct decision you need to do kapag nag submit ka na ng timbang sa derby. Salamat
Boss di mo na ho need magbayad kapag nagpa seminar ako. Nagpa semininar na ho ako before alam ho yan ng mga nakakakilala sa akin. Ginawa ho ang seminar sa manukan ko may mga kaibigan din ho tayo na naimbita natin during seminar na nagturo ng pagtatari. Kasama na din ho ang libreng pagkain at mga raffle na pullet and stag at ang nalikom na pera ay ibinahagi sa kasamahan na magmamanok na nangangailangan ng tulong financial. Medyo matagal na din ho nagawa ang nasabing seminar naway maulit ko bo muli para mas marami ang matulungan na mga baguhang magmamanok. Pasensya na ho at natagalan ang aking response sa katanungan ninyo medyo busy ho ako ngayon sa trabaho kaya di ako makagawa ng bagong video. Bale libangan ko lang ang pag vlog kung kumita man bonus na lang pero ang pinaka bread and butter ko ho talaga ay ang aking negosyo. Muli paumanhin kung late ang aking respinse hayaan nyo ho at ipapaalam ko ho sa lahat kung sakali na magkaron ng part 2 ang nasabing seminar.
Boss Bago lang ako baka namn pede mo akong bigyan Ng 21days conditioning mo yong completo na Kong ano Ang vitamin at paano ibigay stag man bullstag o cock na salamat po God bless
Sa mga local derby walang problema kahit mag loose weight pero syempre for me its a bad sign na mag loose ng weight ang manok na pinopointing. Una sa lahat siguradong maliit ang manok natin sa laban 2nd possible na may dinaramdam or may ibang dahilan maari na sobrang natutuyo na ang manok. Kung hindi naman nag dry at maganda naman ang moisture ok lang kaya lang sayang ang give and take na sana mapapalaban ang manok natin sa kasing size or laki or maa maliit kung sakali na tayo ay marunong na mag bawas at mag pointing. Sa mga malalaking derby katulad ng world slasher over weight or loose weight ay may mga penalty. Hindi biro ang halaga ng penalty sa mga bigtime derby kadalasan 10k ang penalty. Syempre ang loose weight or mas mababa na timbang kumpara sa isinumiteng timbang ay may pinag babasihan din katulad din yan ng give and take na 35 grams kapag mas bumaba ang timbang ng 40 grams penalty na. Pero ang pinaka mainam ay malaman muna ang rules sa sasalihan na derby dahil may kanya kanyang rules ang bawat derby promoter. Kadalasan kapag nag loose weight ang manok sa mga bigtime derby iniipitan or dinidikitan nila ng coin depende sa timbang na dapat idagdag kapag natimbang na safe na ang penalty na 10k then at saka aalisin ng handler ang nasabing coin. Sana nasagot ko at naunawaan mo ang mga paliwanag ko goodluck.
@@reyasuncion4222 mga sanay at hands on na handler from preconditioning at conditioning lang ho ang nakakagawa ng ganyang pagbabawas. Hindi ho maiwasan ang ganyang pagbabawas lalo na at kung adlibitum water ang manok at sa teepee pinapatulog hanggang day 20. Not recommended ho sa mga newbie idiniscuss ko lang na posible but im not recommended sa mga baguhan. May mga manok na kahit halos ayaw ng uminom during carboloading specially sa day 19 to day 20 ay nasasalat ng beterano or sanay na handler na bagaman maayos na ang pangangatawan pero base sa salat ay matubig or marami pang moisture ang pwede pigain. Meron din naman manok na sa day 20 kahit adlibitum ang tubig ay nasasalat ng bihasa or sanay na handler na kaunti or sapat na lang ang body moiature kaya hanggang 50 grams na lang ang maximum na maibabawas. Ang pagbawas ho ng malaki sa timbang ng manok ay nakadepende din ho sa size ng manok kung ang timbang at sukat ng manok ay para sa pinaka mababa or minimum weight useless na magbawas pa ng 90 grams What i mean kung ang minimum weight na pwede isubmit at 1700 kapag stag derby at ang timbang ng manok mo day 20 is 1735 pababa no choice pero hanggang 35 grams lang na give and take ang pwede ibawas. While yung nakakapag bawas ng 90 grams or kung minsan ay 100 grams pa ay sa malalaking manok yung mga manok na tumitimbang ng 2200 kapag stag derby since 2200 ang maximum weight it means ang stag na tumitimbang ng 2300 or 2290 ay pwedeng bawasan ng 90 to 100 grams yan ay kung hands on at sanay or gamay ng handler ang manok at sanay or marunong din sya mag pointing sa araw ng laban. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwedeng gawin ang pagbabawas ng malaki sa timbang ng manok nakadepende yan sa sitwasyon, kalagayan at obserbasyon ng handler sa physical na anyo ng manok sa salat at sa lagay ng panahon sa day 20 and magiging kalagayan ng panahon sa araw ng laban. Mas mainam pa din ang safe side which ia 50 grams ay safe na safe na doon sa mga manok na tumitimbang from 1750 to 2250 para sa stag since ang give and take ay 35 grams naman sa karamihan ng sabungan. Therefore bale 15 grams na lang ang problema ng handler sa araw ng laban di naman tayo magtitimbang or nagtitimbang ng manok sa day 20 na empty guts maybe empty crop also need to consider pa ho yung excess body moisture sa day 20 kapag tinimbang ang manok.
Kapag ang timbang ng manok ko ay 2000 at merong 35 grams na give n take, shaka 1965 ang eni submit ko before the fight day, at pag dating nang fight day sa derby, naging 1960 ang timbang nang manok ko, bad weight po ba yun? hehe baguhan lang po
Hindi ho. Ang nangyari ho sa manok mo ay nag loose weight kumbaga bumaba ang timbang nya maaring marami pa syang moisture noong mag submit ka ng timbang. Sa mga regular derby ho ok lang yan huwag lang ho lalagpas ng 2000 ang timbang kung ang naisumite mo day before the fight ay 1965. Kung mangyari ho ang ganyan scenario na ang actual timbang ng manok mo ay mas mababa pa sa naisumite mo huwag mo ng habulin na tumaas basta hindi sya gutom at hindi din dry. Kalimitan na pagkakamali ng mga NEWBIE kapag ganyan ang nangyari at matagal pa ang laban ay pinapakain ang manok at nagpapa inom ng tubig dahil sa ang iniisip nila na kapag nag loose weight ang manok ay argabyado na at ang gusto nila ay mahabol ang timbang na malapit sa kanilang naisumite. Ok 2000 ang timbang ang naisunite ay 1965 ang timbang sa araw ng laban ay 1960 then ang iisipin mo ay sayang yung 40 grams kasi nga hahabolin ang timbang na 2000. Huwag gagawin yan peligro sa manok analyze mo muna kung ano ang reason ng pag loose weight ng manok kung dahil sa moisture ok lang yan basta kapag nag dump ka ng manok ay maganda pa din ang droppings nya at maganda pa din ang hipo maintain mo lang ng pointing feeds huwag na huwag hahabulin ang nawalang timbang. Pero sa mga bigtime derby both loose weight and over weight may penalty. When i say bigtime ito yung puro million ang pustahan. Kapag sa bigtime bihira naman sila napepenalize ng loose weight kasi kapag nangyari yun iniipitan lang ng 1 peso coin sa kilikili panumandali hanggang sa matapos matimbang idinidikit iyon upang huwag malaglag pagkatapos matimbang inaalis din iyon agad. Bakit iniipitan ng 1 peso coin? Para tumaas ang timbang ng sa gayon ay maiwasan ang sobrang laki na penalty or change cock.
@@alhtvvlog6229 Pag dating po nang fight day sa derby, example 4pm mag simula yung laban, at 6pm ang oras ng laban ko, ano pong oras mag simula ang pag timbang nang manok ko? sa 4pm ba or before 6pm sa fight ng manok ko... at shaka once lang ba cla mag tingbang or twice cla mag tingbang ng manok ko sa loob ng sabungan sa araw ng derby....
@@blackbeans3112 kung ang tinatanong mo ay ang pagtitimbang ng sabungan iyan ay magaganap kapag tatarian na ang manok. May naka assigned na runner ang sabungan na siyang nagsasabi kung dapat na mag limber ang magkalabang manok. After a few minutes maybe 5, 10 or 15 minutes muling babalik ang runner ng sabungan upang abisuhan ang both parties na magkalaban upang ipaalam na TARI na. Dapat aware ka sa timbang ng manok mo bago ito dalhin sa lugar kung saan sya tatarian kaya marapat na naka focus tayo sa manok sa pag pointing gayon na din ang pag monitor ng timbang nya dapat alam mo bilang handler na walang aberya kapag dinala na ang manok sa tarian para iwas BAD WEIGHT. Dahil once na madala na ang manok sa loob ng gaffing room wala ng atrasan yan dahil dapat na timbangin ang manok. Kung sakali na BAD WEIGHT ng 5 grams ang naunang timbang maari itong ulitin upang makasiguro pero ito ay ginagawa ng continous di pwede na kapag BAD WEIGHT ay ipapahinga muna ang manok bago timbangin uli after ng naunang timbang na kung saan maari na sobra pa ng 5 grams ang manok mo ay maari pa itong maitama baka 1 balahibo lang ang diprensya or baka medyo tumagilid lang ang timbangan. Kaya marapat na well monitored ang timbang ng manok mo during pointing or habang di pa oras upang sila ay dalhin sa tarian upang timbangin at tarian. Dapat aware ka din kapag matagal pumunta sa tarian ang kalaban mas malamang kapag ganon ang scenarion dinedelay nya ang laban dahil maaring may problema ang manok nya sa timabangan. Dapat halos magka panabayan lang kayo magdadala ng manok sa loob ng gaffing room.
@@blackbeans3112 about pagtitimbang ng manok mo nasa diskarte mo na yan pwedeng kada dump or kada ilalabas mo sya mula sa keeping pen after nya mag drop pwede mo timbangin para alam mo kung umaayos na ba ang timbang nya. Walang limit ang pagtitimbang ng manok natin sa araw ng laban pero syempre dapat may timabngan lang dala or kung wala.naman pwede ka makigamit ng timbangan sa loob ng gaffing room. Basta be sure lang na gagawin mo ito after mag drop nv manok pero kung obvious naman na nakuha na ng manok ang tamang timbang or sobra na lang sya ng 5 grams 2 hours before tarian on sense na timbangin mo pa uli sya sa gaffing room dahil kada dala mo ng manok mula sa cockhouse papuntang gaffing room ay stress sa manok. Kaya walang pinaka mainam kung derby ang sasalihan dapat may dala kang timbangan. Siguruhin mo din na naka calibrate ang timbangan mo sa gagamiting timbangan ng sabungan. Paano magcalibrate? Simple lang timbangin mo ang cellphone mo sa timbangan na gagamitin ng sabungan then timbangin mo din sa sarili mong timbangan. Makikita mo kung walang pagkakaiba. Kung meron naman at least alam mo na ang adjustment na gagawin.
Every 2 hours ho ako nagda dump ng manok. Ang aking pointing feeds na ipinipitik ay deoende sa kalagayan ng manok base sa hipo, droppings at hitsura. Gaya ng sinabi ko na sa mga video na naibahagi ko specially sa pointing sa araw ng laban ang ipinipitik ko ay walang exact grams halimbawa ang manok na ibinaba ko ay nag drop ng wet droppings after nya mag drop lilinisin ko muna ang sapin para di na nya matapakan at ng hindi na dumumi ang paa ng manok ganon na din ang limber mat. Pagkatapos at saka ko sya titimbangin garantisado na ang timbang nya ay medyo mabigat pa dahil medyo malayo pa ang laban kaya wala akong dapat ikabahala sa ganyang aspeto ang nakakabahala ay ang biglaang pag drop ng timbang considering na pinakain ko naman sya ng at least 5, 10 or 15 grams base sa oras ng laban. Kapag nag dump ako ng manok at nag drop sya ng wet binibigyan ko lang sya ng 3 to 5 pcs pellet para higupin ang excess moisture ng sa gayon sa susunod kong dumping sa kanya kundi man tamang tama na ang moisture at least naka sisiguro ako na hindi na basang basa ang kanyang ipot. Habang papalapit ang laban dapat ang droppings ng manok ay palapit ng palapit sa hinahanap nating droppings na hindi basa at hindi tuyo gayon din ang timbang nya habang papalapit ang laban dapat palapit din tayo sa target weight base sa isinumite nating timbang. Kapag dry naman ang ipot magbigay lang ng soak cracked corn mga 3 to 5 pcs or mansanas mga 3 kurot para manumbalik ng bahagya ang kanyang moisture pero makakasiguro ka na hindi sya magiging wet. Pasensya na at natagalan ang kasagutan ko dahil masyado akong busy now adays. Goodluck.
Kapag sinabi ko ho na moisture it means estimated. Base sa salat ng manok at droppings nya. Much better ho na panoorin ninyo mabuti ang video na naipost ko about pointing at doon ho ninyo malalaman kung paano ko nahuhugot ang excess weight from moisture and feeds na nasa loob pa ng sistema ng manok. Goodluck.
About naman doon sa isang katanungan mo although visible sya sa notificafication pero sa actual video kung saan mo ito itinanong ay wala na. Possible naidelete mo ng di sinasadya or sadyang di ko lang siguro talaga mahanap. Anyway ang katanungan mo ay ganito. Boss ALH sabi mo kapag basa magbigay ng Pellet kapag tuyo magbigay ng egg white paano naman kung sakto na ang moisture ano ang pointing feeds na dapat ibigay para di mag off ang manok. Well ang tanong ko naman ay ganito noong mag drop ba ang manok ng sakto na ang moisture anong oras ba ito? Im giving you this line of question for you to analyzed base sa napanood mo na post ko about pointing. 1. Dapat ba na kada baba ng manok mula keeping pen papunta sa limber pen para mag dump ng manok upang makapag unat or makapag drop ang manok ay dapat ba na magbigay palagi ng pointing feeds? Ang sagot ko ay hindi. Bakit? Halimbawa after mo mag bigay ng feeds sa umaga then after 2 hours nag dump ka ng manok at sakto na ang moisture base sa droppings dapat ba na magbigay ng pointing feeds? Natural hindi dahil kailangan natin na iconsider ang ipinakain natin sa manok mas malamang pababa pa lang ang kinain nya sa kanyang intestine or kung mabilis man tumunaw ang ating manok i rest assure na marami pang laman na pagkain sa kanyang sistema even 10 to 15 grams lang ang ipinakain sa manok. Nagbibigay ba ako ng pointing feeds kapag ganito ang scenario? Huwag magpanic dahil hindi magiging dahilan ng pagka off ng manok kung di mo agad bigyan ng pointing feeds sa unang drop na sakto agad ang moisture base sa droppings. All you need to do is hawakan ang manok pakiramdaman ang salat kung sa pakiwari mo ay matubig pa or hindi na. Instead magbigay muna ng beepollen granules kahit isang kurot lang. Granules ito na parang seeds na maliliit para kahit paano may paglibangan ang manok habang nasa limber sya after mag drop. Halimbawa nangyari ang ganito 3 hours before the fight tapos yung saktong moisture ay maliit na ang droppings nya at palapit na sa pagka empty pero sakto na nga ang kanyang moisture ano ang gagawin ko? Kailangan mo muna timbangin ang manok lalo pa at malapit na ang oras ng laban kapag mabigat pa sya it means possible may laman pa sya sa sistema or may moisture pa. Paano ko nalalaman na may laman pa or moisture even sakto na ang moisture base sa droppings? Dahil araw araw ako nagtitimbang ng manok specially sa last 5 days after ng last delouse ng manok. Sa pamamagitan ng close monitoring ay nalalaman ko ang ugali at sistema ng metanolismo ng aking manok gayon na din ang pag hold nya ng moisture sa kanyang sistema. Timbangin kung may sobra pa na 5 grams na dapat pang ibawas at 3 hours pa bago ang laban pwede magbigay ng saging 1 to 2 na kurot ng saging then mag spray ka sa kamay mo ng tubig huwag basang basa. Tapos ipahid mo ito sa mukha ng manok. Be sure na 2 hours before ay mag dump ka ng manok to recheck ang droppings at timbangin kapag sobra pa din ng 5 grams at maganda ang droppings ng manok kumampante ka na lang at wala ka ng ptoblema dahil kayang kaya na yan bago ka sabihan ng runner na mag limber na dahil tatarian na. 30 minutes before tumawag ang runner para mag limber mag dump ka na ika nga mauna ka na mag limber after mag drop ng manok timbangin mo uli then makikit mo sakto na ang timbang or baka mas mababa pa ng 5 grams kasi yung timbangan sa sabungan by 5 grams ang binabasa nyan. Kadalasan ang manok natin minsan sobra pa ng 5 grams pero kapag tinimbang mo sa timbangan na by 1 ang bilang malamang mga 4 or 3 grams na lang ang sobra. After mo mag limber at sakto na lahat pati ang timbang ibalik na ang manok sa keeping pen kapag tumawag na ang runner huwag magmadali dahil nauna ka na nga mag limber bago pa sya tumawag all you have to do is to relax ayusin ang tari at saka ilabas ang manok sa limber hayaan sya na magrelax at pakitaan ng manok huwag ilalapit unti unti bubuka ang kagawan nyan kaya dapat huwag masyado ang pagpapakita ng catch cock pang gising lang dapat para umunat sya. Doon na lang sa itaas ng gradas ang proper heating dahan dahan at pakiramdaman ang manok huwag magmadali pero kapag naramdaman mo na malapit na mag pick ang manok mo huwag masyado pagalitin para sumakto sa pinapatamaan mo then kung nakakasiguro ka na gising na gising ang manok mo at sharp na pababain mo na ang taga patuka at senyasan mo na ang kalaban para mag umpisa na ang laban at para maalisan na ng bayna ang mga manok. Pero kapag kabaligtaran ang nangyari halimbawa ang manok mo ay hindi pa sumasampa ang kanyang top pick bagalan mo naman habang ang kalaban ng manok mo ay nasa rurok na ng pick at tendency pababa na yung manok mo naman ay pataas na. Ang matalinong sultador hindi lamang sa manok nya naka focus kapag nasa itaas na ng gradas you need to observe din ang manok ng kalaban. Goodluck
@@alhtvvlog6229 E boss paano naman pag hackfight lang example 10am magsismula at matatapos 5pm ang fights paano mag adjust sa moisture ? at wala ng limber at keeping yung fight na agad pagdating sa mo sabungan
@@poksnotdead5985 boss base to your question mukhang hindi mo ho pinanood ang video post ko about pointing kasama ho sa naidiscuss ko yang katanungan mo about hackfight. Anyway bigyan kita ng bonus yung sinasabi mo na laban na agad pakioanood ho ang full video ng pointing. Kung maari ho huwag na din mag skip kapag may lumabas na Ads. Isa yang hackfight sa nabanggit ko na kapag hackfight minsan pagka ulot tari na agad. Ok para panoorin mo ang nasabing video sagutin ko ang katanungan mo since sinabi mo na start ng hackfight is 10am then matatapos ng 5pm. Kung ganyan ho ang magiging takbo ng sultada pwede ka pa ho mag limber. Kung datihan ka ng naglalaban sa hackfight mas madalas sa sabungan na iniipon or may ibinibigay na numero sa bawat kalahok na nagkasundo na maglaban. Una mo alamin kung anong oras ang umpisa ng hackfight para ng sa ganon ikaw ay makapag handa at makagawa ng strategy ukol sa pointing na gagawin mo. Halimbawa umpisa ng ulutan 8am then start ng sultada 10am on ward. Napaulot ang manok mo ng 9am pang 25 sultada ang laban ninyo ng kalaban mo. Alamin mo lang sa sabungan kung may breaktime kung meron alamin mo kung gaano ito katagal. Kung wala naman mas mainam. After mag ulot ipahinga ang manok gumawa ng plano. Gumawa ka ng listahan assume mo ba ang bawat oras ay 7 hanggang 8 sultada ang nagagawa na laban sa nasabing sabungan at mag uumpisa ng 10am Fight 1-8 10am to 11am Fight 9-16 11am to 12nn Fight 17-24 12nn to 1pm Fight 25-32 1pm to 2pm onwards Base sa computation or estimate maaring mapalaban ang manok mo ng 1pm kung ang fight number na naitalaga sa inyo ay Number 25 Maaring mapaaga or late na mapalaban ang manok pwedeng 12:30pm or 1:30pm to 2pm Kasi minsan sa sabungan may mga extra super extra etc. Pwede din mapa aga dahil may mga napupuwerang laban. Kaya dapat ikaw mismo ay palagian na magchecheck kapag nag umpisa na ang laban or may kasama ka ba pwede mag check kung anong fight number na ang nasa itaas ng ruweda at kung anong fight number ang naka pila na may tari na at anong fight number ang mga manok na nasa loob ng tarian. Ngayon kapag tinawag na ang pang fight number 20 para tarian na pwede ka ng mag limber para kapag tinawag ka ng runner para tarian ang manok nakakasiguro ka na well prepared ka at higit sa lahat ay maayos mo naihanda ang manok mo. Kung ang estimate fight sa hackfight ay 1pm mainam na 10 grams lang ang ipatuka since magbibigay ka pa naman ng pointing feeds upang maitama ang moisture ng manok at pwede ka pa din magbigay ng pointing feeds kapag naglimber ka na para mas makasiguro ka na hindi na matubig or tuyo ang manok mo kapag oras na ng laban. About sa sinasabi mo ba laban agad pagka ulot maliwanag ko ho ba nasabi sa ipinost kong video about pointing kung ano ang mainam na gawin kapag ganyan ang situation. Ok para makumpleto hindi kasi ako nagpapakain ng manok sa aking manukan kapag araw ng laban. Nagpapakain ako ng manok pagdating ko sa sabungan. Sigurado naman gumigising ka ng maaga kapag araw ng laban ng manok mo. Lets assume na 6am gising ka na kapag may konsiyerto or hackfight na laban ang manok mo ako kasi 5am gising na ako kapag may laban sa hackfight. Ilalagay ko muna ang manok sa limber na may sapin sa gradas ng manukan ko upang mag drop sya. Then inoobserbahan ko sya kung maayos ba ang katawan kung makinis ba ang balahibo base sa salat kasabay na nito ang pagkapa sa butsi dapat empty na at kung basa ba or tuyo ang dropping nya. Kung nag cecal naman pagka limber bibigyan ko lang sya ng 3 to 4 pcs ng soaked cracked.corn sapat.na yun ganon din kung basa or tuyo 3 to 4 pcs soaked cracked corn at hahayaan ko lang sya sa limber na may nakalagay na MAT at may ilaw ng mga 10 to 15mins. Habang hinahanda na ang lahat ng dadalhin sa sabungan. Pagkatapos aalisin ko na sya sa limber upang palakarin habang naglalakad sya sa gradas may hawak akong catch cock at malayo ako hindi nya nakikita ang catch cock bigla kong ilalabas ang ulo ng catch cock na nasa likuran ko then kapag nakita yan ng manok na ilalaban i rest assure kung sharp ang manok lilingon agad yan pero di susugod. After mapalakad magbibigay na ako ng reload 4 drops lang tapos spray ng kaunti sa mukha ng manok then at saka ko hahagurin mula ulo patungo sa katawan sa likod hanggang buntot. Then ilalagay na sa derby box para pumunta na sa sabungan. Mga 6AM i rest assure na nasa sabungan na ako i dont care kung ako ang pinaka unang darating sa sabungan. Ilalatag lahat ng gamit including keeping pen, limber and mat ihahanda lahat ng pointing feeds kung aircon ang cockhouse maglalagay ako ng tubig sa timba at ipupuwesto ko ito isang sulok. Hindi ko ilalagay ang keeping pen sa direct hit ng aircon babasain ko ng bahagya ang kurtina na cover ng keeping pen para yung moisture muna ng nasabing tela ang unang mahigop ng aircon. Mapapatak uli ng 3 drops ng reload at saka ko ipapahinga ang manok. Habang naghihinray ako sa oras ng laban aalamin ko na lahat ng bagay bagay sa nasabing sabungan by 7am ilalabas ang manok para makapag unat magpa dtop at the same time magpakain na din. 5 grams ng conditioning feeds na ibinibigay ko syempre may kasamang cracked corn base sa percentage na ginagamit ko sa day of fight. After kumain ipapasok uli sa keeping pen then by 9am ilalabas uli para mag unat at mag drop dito makikita ko kung basa or tuyo ang manok at saka ako magbibigay ng pointing feeds either 3 pcs ng soaked cracked corn or 3 kurot ng egg white kapag dry ang manok or 3 to 4 pcs pellet kapag wet ang droppings. Kung sakto naman nagbibigay ako ng 2 kurot na saging at 1 kurot ng beepollen granules na siya niyang tutukain sa limber mat. Tapos keeping pen uli. Kapag ulutan na hinahayaan ko muna mauna ang lahat ng sultador na dalhin ang manok nila sa ulutan SCOUTING muna ang ginagawa ko kapag may mga nakita na akong manok na pwede imatch sa manok ko at saka ko pa lang ilalabas ang manok ko upang dalhin sa ulutan. Isa pang bonus para naman pati ADS ay panoorin mo ng buo without skip😅 Pagpasok ko sa ulutan umuupo lang ako at ilalapag ang manok ko malapit doon sa mga manok na sa palagay ko ay pwedeng ilaban ang manok ko. Hinahayaan ko na ulutan nila ang manok ko at kahit pwede na ang manok na inuulot di muna ako bumibigay nagpapakipot muna ako dahil alam ko kapag inulutan ang manok ko ay inayawan ko sigurado paliit ng paliit ang uulot sa manok ko. Isang TIP pa kapag nasa ulutan ako ang treatment ko sa manok ko ay syang pinaka maliit syang pinaka pangit at syang pinaka mahina. Sa ganitong sistema ay nakasisiguro ako na lamang ako sa mga nagiging laban ko. Goodluck. P.S. Majority ng laban ko sa hackfight ay dumadayo ako kaya madalas mapalaban ang manok ko sa mga manok ng sabungan na kung saan kahit pilipit sila sa laban ay pilit akong uulutan.
.nagbwas k nga ng 90 grams d md'man pumalo ng maayos ang manok,kya nga binigyan ng 35grams n give and take kc science proven.yung 60 pwede p.tapos mag gugupit k n pag bad wieght.wla yan aydol,dapat ituro mu ung tama idol...
Pwede naman ho ninyo panoorin at unawain mabuti ang sinabi ko dyan para ho hindi ninyo isipin na yan ay recommended ko. Maliwanag pa ho sa sabaw ng pusit na ipinaliwanag ko dyan at nagbigay ako ng halimbawa kung posible ba ang 90 grams na pagbawas pakihanap ho kung may sinabi ako na yan ang dapat gawin dahil kung may mahahanap kayo na sinabi ko na recommended ko ang 90 grams na pagbabawas kusa akong titigil sa pag share ng kaalaman. About gunting kahit ho 35 grams lang ang ibinawas kung di naman magtutunaw ng maayos ang manok sa araw ng laban kung ayaw mo mag penalty isa ang gunting sa pwedeng paraan upang makaiwas sa penalty pero kung kaunti lang naman ang penalty much better na magbayad na lang to avoid stress sa manok na ilalaban. Anyway yan hong sistema na aking ibinabahagi ay guide lamang so far wala pa naman akong manok na hindi pumalo sa oras ng laban majority ho kasi ng nilalabanan ko ay derby. Kayo ho baka may maibahagi kayo na kaalaman open ho ako sa pakikinig kung kapakipakinabang ang maibabahagi ninyo. Anyway maraming salamat.
baka nman po pinabigat ng 40 grams sa fighting weight ng manok kaya kapag nagbawas siya ng 30 grams sa araw ng laban ay tama lang na pigain ang manok sa araw ng laban para makuha iyong fighting weight ng manok.
Hindi ho pwedeng pabigatin ng kusa ang manok sa fighting weight una ho disadvantage yun sa part ng handler maaring tumaba at bumigat at manok kung sasadyain na dagdagan then babawasan kapag araw na ng laban. Ihalimbawa mo na lang sa tao kung ikaw ang sanay na kumain ng 1 takal na kanin tapos papakainin ka ng 3 takal na kanin mas malamang sumama ang pakiramdam mo ganon din ang lohika sa manok. Pakiunawa at intindihin ang mga binanggit ko kung sanay ka at alam mo na may taglay na moisture ang katawan ng manok ay hindi mo iisipin na sinadya or sadyang pinabigat dahil walang handler na gagawa ng ganon dahil kapag ganon ang ginawang sistema mas malamang na mamulot ng patay sa itaas ng ruweda ang handler na gagaw nun. Pwede mo naman subukan ang sinasabi ko subukan mo na mag pointing sa manukan mo kunyari araw na ng laban nya then sundin mo ang mga sinabi ko pati ang dami ng feeds na dapat ibigay or kung dapat pa magbigay lalo na kung maaga ang laban then sundin mo din ang keeping na every 2 hours mararamdaman mo at maeexperience mo na ang manok ay gumagaan pero bumubuka. Dyan mo din makikita ang paunti unting pagbabago ng droppings ng manok dahil nagcocontrol ka na sa moisture pero di makakaramdqm ng gutom ang manok dahil nagpipitik ang handler base sa kalagayan ng manok.
Saludo po ako s inyo...naghahanda din po ako ng manok s malakeng labanan tama mga sisabi nyo hinde kagaya ng iba puro kalokohan lang madami tuloy ang hinde natututo sinusunod ang mali..pero s inyo saludo ako
Bihasa yung handler at gamay nya yung bloodline ng manuk nya kaya kayang kaya nyang bawasan ng 90grams. Pero sa mga baguhan na tulad natin eh medyo sa safe side muna tayo
Napakaganda Ang iyong mga paliwanag, Kaibigan..salamat
Galing mo po mag paliwanag firstime ko mapanuod vid nyo 2 thumbs up lahat sa paliwanag nyo ❤❤❤
Boss ALH napa ka linaw ng explanation mo sa pag sagot sa tanong ko, salamat ng marami boss.
kahit puro sama lang ako sa bigtime derby o hindi sa mga handler ng tito ko na gegets ko pag pointing ng kunti pero dahil sayo mas nag advance ako sa nkikita ko sa ginagwa nila salamat sir na gets kuna kahit pang sariling manok ko lang ako nag handa lamang pa din ako sa panalo iba iba tlga tayo ng style lamang pa din panalo muna bago kwento 😁😊 pa shout out sir 😅 from iba zambales
Yun ho talaga ang pinaka mainam kung gusto talaga matuto ng tamang pointing walang pinaka mainam kundi ang maobserbahan ang actual pointing.
Kung may access na makapanood at kung maari na mahipo upang maramdaman at malaman ng isang newbie ang manok na mamoisture at manok na dry.
Kahit mahirap ipaliwanag thru video pinipilit ko na maabot ang mga baguhan ng sa gayon ay pumarehas man lang kundi man makalamang sa laban ng kanikanilang manok.
Salamat ho sa suporta.
Maraming salamat sa kaalaman idol..more power and godbless
Maraming salamat po sa sagot nyo po.... more power po...
Salamat sa sagot sir.Godbless you po
Ito yung masabing expert tlga kasi alam nya yung mga snasabi nya, d kgaya ng ibang vloger na mtagal mag salita parang iniisip pa kung ano ang sasabhin
Salamat sir.
Salamat sa tip ✌️
Boss pwede po bang kung ano ano po ang rotation and schedule pag nagpapagalaw po kayo sa conditioning period nyopo sir maraming salamat po from pampanga po ako ❤️❤️
Slamat din boss
After Cecal dropping yong 10 to 15 grams gaano pa katagal to the next stage ng dropping which is the urate ba ang tawag doon? Yong kulay puti na paliit. Karkolasyon lang idol! How many hours pa. Ano ba ang mga procedure mo maliban sa pag limber every 2 hrs maybe?
Present po sir Ariel👍😊
Maraming salamat ho sir joseph ingat ho palagi.
@@alhtvvlog6229 kayo din po dyan sir Ariel ingat palagi.Maraming salamat po 👍👍👍
Akoy napatawa sa comment mo tungkol s coin kpg undeweight hehe...
Sir ako po ay new subscriber. Hackfight lang po ang nilalabanan ko. Basaan at lagay ako s panalo pero nauwi sa tabla. Sa loob ng 1 min n labanan nila, dapa na ang kalaban. Umabot ng 7 mins ang labanan pero di tumuka manok ko. Kinabukasan patay na rin tumabla ko.
Balik po ako s pointing n ginawa ko. 4 am kami dumating s sabungan. Basa ang ipot. Bandang 5:30, binigyan ko ng 3 crack corn and 1 pellet. 6:00 nakahanap na ng kalaban. Fight # 23. 6:30 binigyan ko uli ng same amount ng pakain.
Kada isang oras pinipitikan ko ng 3 crack corn at 1 pellet para mahold ang moisture. An hour b4 the fight binigyan ko lang siya ng saging 2 sinlaki ng crack corn.
Ang resulta 1 tabla at 1 talo.
Boss sabi mo 4am ka dumating sa sabungan then nagpa drop ka ng 5:30am at basa ang ipot.
Kapag basa ano ho ba ang dapat ibigay na pointing feeds di ho ba dapat yung pang higop or absorb ng moisture which is pure pellet dapat.
6am napaulot na at fight# 23 ang tanong ko ho what time ba mag uumpisa ang laban? Napaka aga mo ho kasi magbigay ng pointing feeds.
Ok lang ho mag drop ng wet ang manok lalo pa at galing sa byahe at pagdating mo sa sabungan ng 4am ang pinaka mainam na gawin ay ayusin muna ang lugar kung saan ilalagay ang manok.
Sa lugar kung saan tahimik, malayo sa mga tao at malayo sa CR. Then ilabas sa kahon ang manok at ilagay sa limber ang pag drop ng wet or basa ng manok ay dulot ng stress sa byahe natural lang na maglabas yan ng basa na dropping bukod pa sa moisture sa katawan nya dahil sa feed and water intake nya ng afternoon feeding nya.
Noong makahanap ka ng kalaban ng 6am assume natin 8am ang start ng sabong nangangahulugan na posibleng mapalaban ang manok mo on or before 11am mas mainam na kapain muna ang manok kung sa hipo ay basa or tuyo sya at kapain din ang butsi kung walang laman since 6am napaulot mainam sana na naipahinga muna ang manok sa keeping pen.
7am ilabas at mag dump muna para mailabas nya ang cecal dropping at saka ka magpakain.
Kung tama ang sinabi ko na umpisa ng hackfight nangangahulugan na tama din ang estimate ko sa oraa na pwedeng mapalaban ang manok mo.
After mag drop ng cecal magpakain kahit 5 then hilamusan ng bahagya ang mukha tapos medyo basain mo ng bahagya ang kamay mo at ihimas sa paa ng manok tapos ibalik sa keeping pen. Note: hindi papainumin ng tubig.
8:45 ilabas ang manok upang mag dump para umipot kapag basa 3 to 5 pcs pellet kapag tuyo 3 to 5 pcs soaked cracked corn tapos ibalik sa keeping pen.
10:30am ilabas uli ang manok at ilagay sa limber pen para makita mo kung ok na ba ang kanyang moisturr thru droppings, salat at physical appearance kapag mah problema pa at least may oras pa ng kaunti at least 2 to 3 pcs pellet kapag basa or 2 to 3 pcs soaked cracked corn or 2 to 3 kurot ng mansanas.
Kapag ok na ang moisture 1 to 2 kurot ng saging basain ng bahagya ang kamay at ihagod sa mukha ng manok.
Kapag per hour ang pag pitik una hindi napapahinga ang manok at oras oras na pitik baka hindi magtunaw.
Kung maari panoorin mo mabuti at unawain ang mga sinasabi ko sa aking mga video.
Hindi ko sinasabing mananalo ang manok na ilalaban mo kung naunawaan at nasunod mo ang mga ibinahagi ko pero nakasisiguro ako na makikipag pukpukan ang manok mo hanggang sa huling hininga basta maayos na manok ang inilaban mo at natutukan ng husto sa pointing.
Tungkol naman sa coin bagaman bihirang bihira mangyari ang loose weight sa mga bigtime derby pero yan ho ang ginagawa upang makaiwas sa 10k na penalty ang handler.
Goodluck.
Bagong kaibigan po idol
Bos gud pm.tungkol sa pag bawas timbang na gamit gunting na sinabi mo..me sample kb ng manok na bagong gupit.sana me video ka ng paggunting bos.slmat
Hayaan mo at gagawan ko ho ng video para makita ninyo.
Salamat idol
ask lng po paanu po maiiwasan un pag bagsak ng katawan ng manok sa araw salamat po
Sa araw? Ok lets assume na sa araw ng laban ang katanungan mo.
Focus, focus at focus on day of fight. Focus means dapat hands on monitoring do your homework sa araw ng laban.
Paano gawin ito day before fight dapat may nakalatag ka ng strategy or plano pag alis sa farm papuntang sabungan at pagdating sa sabungan.
Handler, aasistant handler at mga kasama dapat may kanya kanyang parte kaya dapat ang mga kasama mo ay mga sanay or gamay mo na din para sa pamamagitan ng tinginan lamang alam na ninyo ang dapat gawin.
Parang musika lang yan dapat nasa tono at hindi sintunado.
Tutukan ang pointing huwag magbabad sa panonood ng sultada. Ok lang naman manood ng sultada paminsan minsan but rest assure na may maiiwan na tao sa cock house its a must na ang maiiwan ay marunong ng tamang pointing.
Either aircon cock house or non aorcon dapat alam ng handler ang mag adjust at any given time depende sa kalagayan ng cockhouse at kalagayan ng panahon during fight day.
Kapag hands on ka sa pointing sa araw ng laban walang dahilan para bumagsak ang katawan ng manok nangyayari lang ang ganyang scenarion dahil sa kapabayaan ng handler.
Panoorin mo ang post video ko na day 21 pointing para mas maging malinaw sayo ang naging kasagutan ko.
Goodluck.
Thx idol
Urwelcome boss
Gaano katagal kang mag bawas ng 90 grams? How many hrs ? Sa karkolasyon mo? Walang gupitan!
Lahat nman ng magagaling na handler ang sinasabi depende sa bloodline ng manok kung pwedeng pigain o hindi..
At yong moisture , bossing na mga 15 grams na nasabi mo, sa araw ng laban paano mo tatanggalin
Idol saan po nyo binibili ang b pollen granules nyo?salamat po.
Ilog ni maria sa silang ho. May maliit nyan ang pagka alam ko mga 120 to 150 pesos yan ipibakita ko more than 500 pesos ang price.
Papaano malalaman kung matubig ang katawan
Sir rosendo 2 paraan ho ang batayan ko para malaman ko kung matubig pa ang manok.
Unang batayan ay ang pagiging mabigat ng manok. Ang sinasabi ko na mabigat ay hindi dahil busog sya or pinakain malalaman natin na mabigat ang manok dahil sa simula pa lang ng pag select natin sa manok upang ipaaok sa precon at conditioning ito ay atin ng nahahawakan.
Sa simula na pipiliin natin ang manok naturalmente pawang buo ang katawan ang ating pipiliin natural na mabigat pa sila dahil wala pang batak marami or may taba pa sa kanilang katawan.
Ngunit habang lumalawig ang pagkukundisyon at pag training sa manok ang mga nasabing taba ay nacoconvert sa muscle at unti unti ang kanyang timbang ay gumagaan ngunit ang bulto ng kanyang katawan ay hindi maayadong nagbabago or maari pang bumuka.
Now dahil alam na natin ang possible na timbang nya base sa hawak sa umaga assuming na nagtunaw naman sya ng maayos at empty na ang butsi then pagkahawak natin sa manok ay mabigat nangangahulugan na matubig pa ang katawan nya.
Ang pangalawang basihan naman para malaman kung matubig pa ang manok ay sa pamamagitan ng droppings or ipot ng manok kapag basa ang kanyang ipot it means may moisture pa sa katawan or matubig pa kaya gumagamit ng pang higop ng tubig or moisture sa araw ng laban during pointing.
Goodluck.
pa shout out idol..ty for the tips..
Copy sir Noel Gregas
Boss ano ba ang advantage At dis advantage ng malaki ang bawas ng timbang sa manok kay sa minimum give and take na 35grams?
Salamat po
Simple lang ho ang kasagutan dyan. Bibigyan kita ng isang halimbawa.
Let say ang manok na hinahanda mo ay tumitimbang ng 2000 ito yung timbang nya na kung saan ay halos 25 grams na lang ang laman ng bituka nya at moisture then ang ibabawas mo halimbawa ay 70 grams.
Then yung isang handler naman ay may manok na tumitimbang na 2000 din kaparehas ng timbang ng manok mo.
2000 bawasan ng 70 grams = 1930
Yung isang handler naman ay magbabawas lang ng 35 grams.
2000 less 35 grams = 1965.
2000 less 70 grams = 1930.
Kung papansinin mo parehas sila ng timbang pero malamang hindi sila ang magkalaban or magka match.
Kung nagbawas ka ng 70 grams sa timbang na 2000 then ang isusumite mo na timbang ay 1930 ang makakalaban ng manok mo ay hindi na lalayo ang timbang dyan sa 1930 na submission possible from 1910 to 1950 grams ang makalaban ng manok mo.
Assume na natin na ang nakalaban ng manok mo ay 1950 at nagkataon na ang kalaban mo ay 35 grams lang ang ibinawas.
Baka mas malaki pa ang manok mo kapag nagkaharap na ang 2 manok sa ruweda.
Kasi ang timbang ng manok mo ay 2000 na binawasan mo ng 70 grams kaya ang naisubmit mo ay 1930 then ang kalaban mo ay 1950 ang submission pero ang ibinawas nya lang ay 35 grams. Nangangahulugan 1985 lang ang actual na timbang ng manok nya.
Lumalabas lamang ka pa ng 15 grams sa timbang. Paano kung ang makalaban ng manok mo ay 1910 lang ang submission pero ang ibinawas nya ay 35 grams lang nangangahulugan na ang actual na timbang ng manok nya noong mag submit sya ay 1945 grams compare mo sa timbang ng manok mo na 2000.
55 grams malaking bagay na yan sa size ng manok na magkalaban lalo pa at sanay ang handler na mag point ng manok sa araw ng laban.
Anyway gagawan ko ng video yan marami pa.pala ang dapat na ipaliwanag tungkol dyan kapag itinuloy ko pa ang paliwanag baka malito ka na.
Salamat sa suporta and goodluck.
Boss sana masagot yung give and take ba na 35 grams eh kailangan ibawas yun dapat sa isusubmit na timbang??????
Boss hardian opo ibinabawas ho yan sa actual.na timbang 1 araw bago ang derby or depende ho sa regulasyon ng sabungan.
Kung ang timbang ng manok mo ay 2kgs or 2000 grams magbabawas ka lang ng 35 grams meaning ang isusumite mo ay 1965
Ang 35 grams na ibabawas ay ang standard na ibinabwas kapag 35 grams ang give and take pwede mo pa pataasin or dagdagan ang dapat na ibawas sa isusumiteng timbang ng manok na ilalaban mo.
Pero dapat alam mo ang tamang sistema panoorin mo at unawain mabuti ang ibinahagi kong tip sa video upang mas maunawaan mong mabuti ang ibig kong sabihin naway masundan at maintindihan mo ang mga paliwanag ko.
Goodluck
Sir kong sakailing 60 grms bawas sa timbang ilang grms po patuka at painom sa manok day off fight
Kung 60 grams ang ang ibinawas mo noong mag submit ka ng timbang 1 day before the fight mas mainam na alamin mo muna ang start ng derby kaya mas mainam na mas maaga ka dumating sa sabungan para makapili ka ng mas maayos na cockhouse.
Pagdating sa sabungan hayaan mo muna ang manok sa kahon para magsubside ang naranasan nilang stress at di mabigla then after a few minutes ilabas para paunatin ilagay sa limber at itala ang magiging droppings or ipot basa ba tuyo or sakto.
Habang ginagawa mo ito mainam na alamin mo ang mga bagay na magaganap sa araw ng derby.
1. Oras ng start ng derby
2. Fight sequence ng mga laban mo
3. Kalagayan ng panahon mainit, malamig or maulan
Bago ilagay ang manok sa keeping pen obserbahan mo kung di ba na stress sa byahe then timbangin muna at icheck mo kung ilan pa ang sobra sa timbang nya base sa naisubmit mo na timbang.
Kung maaga ka sa sabungan assuming 5am nasa sabungan ka na huwag ka magworry sa pagkain at tubig dahil siguradong matubig at may pagkain pa sa kanyang sistema ang manok mo.
Pero kung after mo magtimbang ay nakuha mo agad ang timbang na ayon sa ibinawas mo noong ikaw ang magsumite 1 day before fight day may kaunting problema. Nangangahulugan na maaring mali ang naibawas or kulang bagaman di gasinong malaki ang problema kapag ganito pero asahan mo ng mas malaki ang makakalaban mo sa oras ng laban.
Kapag nangyari yan huwag mo hahabulin ang timbang lalo na kung sariwa ang manok mo at matubig pa mas mag concentrate ka sa pag pointing na gaya ng sinabi ko sa day 21 pointing na dapat hindi basa, hindi din tuyo dapat sakto
Bukod pa sa kalmado at maganda ang kilos, alerto at makinis ang balahibo.
Nagbigay lang ako ng mga posibleng problema lalo na kung di maayadong sanay sa derby pero balik tayo sa katanungan mo.
Importante sa lahat ang oras ng umpisa ng derby at fight sequence ng manok mo panoorin mo mabuti ang video ko at naipaliwanag ko yan ng maayos kung ilan gramo ang dapat ipakain sa manok at kung ilan gramo ang estimate na tinutunaw or inilalabas ng manok kada oras or kada 2 oras
Di ko pwedeng sabihin na magpakain ka ng 10, 15 or 20 grams kung di ko alam kung anong oras ang start mg derby ang fight sequence, ilan sultada ang nagagawa ng sabungan kada 1 oras at kung may breaktime lahat yan dapat iconsider para mas mapadali ang gagawin mo na pag pointing.
Uulitin ko nasa video ng day 21 pointing ang kasagutan gamitan mo lang ng kaunting LOGIC at limiin mo ang mga sinabi ko sa video alam ko na matutumbok mo kung ano ang ibig ko sahihin.
Kung medyo nalito ka bigyan mo ako ng scenario oras ng laban timbang ng manok mo after CECAL sa umaga hitsura ng ipot nya hutsura ng balahibo nya hitsura nya kung sariwa ba or medyo nastress or nag dry timbang mya after mag cecal then bibigyan kita ng pinaka malapit na kasagutan na makakatulong sayo kung sakali na sumabak ka na sa derby.
Goodluck
Anu ang ibig sabihin ng cecal boss
Ipot na kulay chocolate na malambot.ung MABAHO na amoy po.
@@fantastick5274 so ibig sabihin emty na po ba gnun po ba un sir
@@orangesanantonio5863 hindi pa ho empty ang manok kapag nag drop ng CECAL.
Kasama ho sa cycle ng manok na mag drop ng CECAL once na maidrop nila yan may kasubod pa ho na normal droppings medyo malaki at paliit ng paliit it means paubos na ho ang laman ng bituka ng manok which is dapat magbigay na ng pointing feeds para hindi makaramdam ng gutom ang manok na pinopoint otherwise patungo sa pagka off ang manok kapag napabayaan sa araw ng laban.
Kaya CECAL ang basihan na ginagamit dahil base ho sa obserbasyon at pag aaral may natitira pa ho na pagkain sa sistema ng manok which is sa bituka more or less 10 to 15 grams.
Ang tanong kpag 90 gms Ang binawas,, nag champion ba sila o baka zero Ang score
Try to analyzed and watch the video carefully kung ang 90 grams ba na ginawa kong halimbawa ay sinasabi ko na gawin ng mga sabungero.
Siguro mas mag focus tayo doon sa basic knowledge na sinabi ko i only share my thought about sabong specially sa derby for newbie.
Dagdag kaalaman sa kanila para maka agapay sila sa mabilis na pagyabong ng kaalaman about sabong.
Now ako naman ang magtatanong sayo ang mga nagbawas ba ng 35 grams na timbang ay nag champion or naka score man lang?
Lets look on positive way and not on negative. Once again kindly watch my video for you to know the correct decision you need to do kapag nag submit ka na ng timbang sa derby.
Salamat
Boss may paseminar ka actual na tanza lang kami kahit bayad kami yhanks lagi kita senubaybayan
Boss di mo na ho need magbayad kapag nagpa seminar ako. Nagpa semininar na ho ako before alam ho yan ng mga nakakakilala sa akin.
Ginawa ho ang seminar sa manukan ko may mga kaibigan din ho tayo na naimbita natin during seminar na nagturo ng pagtatari. Kasama na din ho ang libreng pagkain at mga raffle na pullet and stag at ang nalikom na pera ay ibinahagi sa kasamahan na magmamanok na nangangailangan ng tulong financial.
Medyo matagal na din ho nagawa ang nasabing seminar naway maulit ko bo muli para mas marami ang matulungan na mga baguhang magmamanok.
Pasensya na ho at natagalan ang aking response sa katanungan ninyo medyo busy ho ako ngayon sa trabaho kaya di ako makagawa ng bagong video.
Bale libangan ko lang ang pag vlog kung kumita man bonus na lang pero ang pinaka bread and butter ko ho talaga ay ang aking negosyo.
Muli paumanhin kung late ang aking respinse hayaan nyo ho at ipapaalam ko ho sa lahat kung sakali na magkaron ng part 2 ang nasabing seminar.
pa resbak idol...
Boss Bago lang ako baka namn pede mo akong bigyan Ng 21days conditioning mo yong completo na Kong ano Ang vitamin at paano ibigay stag man bullstag o cock na salamat po God bless
Kng underweight ang timbang, badweight rin ba?
Sa mga local derby walang problema kahit mag loose weight pero syempre for me its a bad sign na mag loose ng weight ang manok na pinopointing.
Una sa lahat siguradong maliit ang manok natin sa laban 2nd possible na may dinaramdam or may ibang dahilan maari na sobrang natutuyo na ang manok.
Kung hindi naman nag dry at maganda naman ang moisture ok lang kaya lang sayang ang give and take na sana mapapalaban ang manok natin sa kasing size or laki or maa maliit kung sakali na tayo ay marunong na mag bawas at mag pointing.
Sa mga malalaking derby katulad ng world slasher over weight or loose weight ay may mga penalty. Hindi biro ang halaga ng penalty sa mga bigtime derby kadalasan 10k ang penalty.
Syempre ang loose weight or mas mababa na timbang kumpara sa isinumiteng timbang ay may pinag babasihan din katulad din yan ng give and take na 35 grams kapag mas bumaba ang timbang ng 40 grams penalty na. Pero ang pinaka mainam ay malaman muna ang rules sa sasalihan na derby dahil may kanya kanyang rules ang bawat derby promoter.
Kadalasan kapag nag loose weight ang manok sa mga bigtime derby iniipitan or dinidikitan nila ng coin depende sa timbang na dapat idagdag kapag natimbang na safe na ang penalty na 10k then at saka aalisin ng handler ang nasabing coin.
Sana nasagot ko at naunawaan mo ang mga paliwanag ko goodluck.
@@alhtvvlog6229 maraming salamat po sir!
Mahusay ka ka idol magtera kanaman
maraming salamat sa appreciation.
Napiga ng husto kung 90g bawas..
@@reyasuncion4222 mga sanay at hands on na handler from preconditioning at conditioning lang ho ang nakakagawa ng ganyang pagbabawas.
Hindi ho maiwasan ang ganyang pagbabawas lalo na at kung adlibitum water ang manok at sa teepee pinapatulog hanggang day 20.
Not recommended ho sa mga newbie idiniscuss ko lang na posible but im not recommended sa mga baguhan.
May mga manok na kahit halos ayaw ng uminom during carboloading specially sa day 19 to day 20 ay nasasalat ng beterano or sanay na handler na bagaman maayos na ang pangangatawan pero base sa salat ay matubig or marami pang moisture ang pwede pigain.
Meron din naman manok na sa day 20 kahit adlibitum ang tubig ay nasasalat ng bihasa or sanay na handler na kaunti or sapat na lang ang body moiature kaya hanggang 50 grams na lang ang maximum na maibabawas.
Ang pagbawas ho ng malaki sa timbang ng manok ay nakadepende din ho sa size ng manok kung ang timbang at sukat ng manok ay para sa pinaka mababa or minimum weight useless na magbawas pa ng 90 grams
What i mean kung ang minimum weight na pwede isubmit at 1700 kapag stag derby at ang timbang ng manok mo day 20 is 1735 pababa no choice pero hanggang 35 grams lang na give and take ang pwede ibawas.
While yung nakakapag bawas ng 90 grams or kung minsan ay 100 grams pa ay sa malalaking manok yung mga manok na tumitimbang ng 2200 kapag stag derby since 2200 ang maximum weight it means ang stag na tumitimbang ng 2300 or 2290 ay pwedeng bawasan ng 90 to 100 grams yan ay kung hands on at sanay or gamay ng handler ang manok at sanay or marunong din sya mag pointing sa araw ng laban.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwedeng gawin ang pagbabawas ng malaki sa timbang ng manok nakadepende yan sa sitwasyon, kalagayan at obserbasyon ng handler sa physical na anyo ng manok sa salat at sa lagay ng panahon sa day 20 and magiging kalagayan ng panahon sa araw ng laban.
Mas mainam pa din ang safe side which ia 50 grams ay safe na safe na doon sa mga manok na tumitimbang from 1750 to 2250 para sa stag since ang give and take ay 35 grams naman sa karamihan ng sabungan.
Therefore bale 15 grams na lang ang problema ng handler sa araw ng laban di naman tayo magtitimbang or nagtitimbang ng manok sa day 20 na empty guts maybe empty crop also need to consider pa ho yung excess body moisture sa day 20 kapag tinimbang ang manok.
Anong fb mo sir para ma-send ko videos? May palo at power pero baket ganun resulta. Baguhan lang po kami ng kapatid ko.
Ariel Hipolito same din ang profile picture ng FB ko dyan sa YT
Kapag ang timbang ng manok ko ay 2000 at merong 35 grams na give n take, shaka 1965 ang eni submit ko before the fight day, at pag dating nang fight day sa derby, naging 1960 ang timbang nang manok ko, bad weight po ba yun? hehe baguhan lang po
Hindi ho. Ang nangyari ho sa manok mo ay nag loose weight kumbaga bumaba ang timbang nya maaring marami pa syang moisture noong mag submit ka ng timbang.
Sa mga regular derby ho ok lang yan huwag lang ho lalagpas ng 2000 ang timbang kung ang naisumite mo day before the fight ay 1965.
Kung mangyari ho ang ganyan scenario na ang actual timbang ng manok mo ay mas mababa pa sa naisumite mo huwag mo ng habulin na tumaas basta hindi sya gutom at hindi din dry.
Kalimitan na pagkakamali ng mga NEWBIE kapag ganyan ang nangyari at matagal pa ang laban ay pinapakain ang manok at nagpapa inom ng tubig dahil sa ang iniisip nila na kapag nag loose weight ang manok ay argabyado na at ang gusto nila ay mahabol ang timbang na malapit sa kanilang naisumite.
Ok 2000 ang timbang ang naisunite ay 1965 ang timbang sa araw ng laban ay 1960 then ang iisipin mo ay sayang yung 40 grams kasi nga hahabolin ang timbang na 2000.
Huwag gagawin yan peligro sa manok analyze mo muna kung ano ang reason ng pag loose weight ng manok kung dahil sa moisture ok lang yan basta kapag nag dump ka ng manok ay maganda pa din ang droppings nya at maganda pa din ang hipo maintain mo lang ng pointing feeds huwag na huwag hahabulin ang nawalang timbang.
Pero sa mga bigtime derby both loose weight and over weight may penalty. When i say bigtime ito yung puro million ang pustahan.
Kapag sa bigtime bihira naman sila napepenalize ng loose weight kasi kapag nangyari yun iniipitan lang ng 1 peso coin sa kilikili panumandali hanggang sa matapos matimbang idinidikit iyon upang huwag malaglag pagkatapos matimbang inaalis din iyon agad.
Bakit iniipitan ng 1 peso coin? Para tumaas ang timbang ng sa gayon ay maiwasan ang sobrang laki na penalty or change cock.
@@alhtvvlog6229 Pag dating po nang fight day sa derby, example 4pm mag simula yung laban, at 6pm ang oras ng laban ko, ano pong oras mag simula ang pag timbang nang manok ko? sa 4pm ba or before 6pm sa fight ng manok ko... at shaka once lang ba cla mag tingbang or twice cla mag tingbang ng manok ko sa loob ng sabungan sa araw ng derby....
@@blackbeans3112 kung ang tinatanong mo ay ang pagtitimbang ng sabungan iyan ay magaganap kapag tatarian na ang manok.
May naka assigned na runner ang sabungan na siyang nagsasabi kung dapat na mag limber ang magkalabang manok.
After a few minutes maybe 5, 10 or 15 minutes muling babalik ang runner ng sabungan upang abisuhan ang both parties na magkalaban upang ipaalam na TARI na.
Dapat aware ka sa timbang ng manok mo bago ito dalhin sa lugar kung saan sya tatarian kaya marapat na naka focus tayo sa manok sa pag pointing gayon na din ang pag monitor ng timbang nya dapat alam mo bilang handler na walang aberya kapag dinala na ang manok sa tarian para iwas BAD WEIGHT.
Dahil once na madala na ang manok sa loob ng gaffing room wala ng atrasan yan dahil dapat na timbangin ang manok.
Kung sakali na BAD WEIGHT ng 5 grams ang naunang timbang maari itong ulitin upang makasiguro pero ito ay ginagawa ng continous di pwede na kapag BAD WEIGHT ay ipapahinga muna ang manok bago timbangin uli after ng naunang timbang na kung saan maari na sobra pa ng 5 grams ang manok mo ay maari pa itong maitama baka 1 balahibo lang ang diprensya or baka medyo tumagilid lang ang timbangan.
Kaya marapat na well monitored ang timbang ng manok mo during pointing or habang di pa oras upang sila ay dalhin sa tarian upang timbangin at tarian.
Dapat aware ka din kapag matagal pumunta sa tarian ang kalaban mas malamang kapag ganon ang scenarion dinedelay nya ang laban dahil maaring may problema ang manok nya sa timabangan.
Dapat halos magka panabayan lang kayo magdadala ng manok sa loob ng gaffing room.
@@blackbeans3112 about pagtitimbang ng manok mo nasa diskarte mo na yan pwedeng kada dump or kada ilalabas mo sya mula sa keeping pen after nya mag drop pwede mo timbangin para alam mo kung umaayos na ba ang timbang nya. Walang limit ang pagtitimbang ng manok natin sa araw ng laban pero syempre dapat may timabngan lang dala or kung wala.naman pwede ka makigamit ng timbangan sa loob ng gaffing room.
Basta be sure lang na gagawin mo ito after mag drop nv manok pero kung obvious naman na nakuha na ng manok ang tamang timbang or sobra na lang sya ng 5 grams 2 hours before tarian on sense na timbangin mo pa uli sya sa gaffing room dahil kada dala mo ng manok mula sa cockhouse papuntang gaffing room ay stress sa manok.
Kaya walang pinaka mainam kung derby ang sasalihan dapat may dala kang timbangan.
Siguruhin mo din na naka calibrate ang timbangan mo sa gagamiting timbangan ng sabungan.
Paano magcalibrate? Simple lang timbangin mo ang cellphone mo sa timbangan na gagamitin ng sabungan then timbangin mo din sa sarili mong timbangan.
Makikita mo kung walang pagkakaiba. Kung meron naman at least alam mo na ang adjustment na gagawin.
Salamat sir..mga ilang grams yung pinipitik nyo..?every 2 hrs ba kayo nag da drop sa day of fight?
Every 2 hours ho ako nagda dump ng manok. Ang aking pointing feeds na ipinipitik ay deoende sa kalagayan ng manok base sa hipo, droppings at hitsura.
Gaya ng sinabi ko na sa mga video na naibahagi ko specially sa pointing sa araw ng laban ang ipinipitik ko ay walang exact grams halimbawa ang manok na ibinaba ko ay nag drop ng wet droppings after nya mag drop lilinisin ko muna ang sapin para di na nya matapakan at ng hindi na dumumi ang paa ng manok ganon na din ang limber mat.
Pagkatapos at saka ko sya titimbangin garantisado na ang timbang nya ay medyo mabigat pa dahil medyo malayo pa ang laban kaya wala akong dapat ikabahala sa ganyang aspeto ang nakakabahala ay ang biglaang pag drop ng timbang considering na pinakain ko naman sya ng at least 5, 10 or 15 grams base sa oras ng laban.
Kapag nag dump ako ng manok at nag drop sya ng wet binibigyan ko lang sya ng 3 to 5 pcs pellet para higupin ang excess moisture ng sa gayon sa susunod kong dumping sa kanya kundi man tamang tama na ang moisture at least naka sisiguro ako na hindi na basang basa ang kanyang ipot.
Habang papalapit ang laban dapat ang droppings ng manok ay palapit ng palapit sa hinahanap nating droppings na hindi basa at hindi tuyo gayon din ang timbang nya habang papalapit ang laban dapat palapit din tayo sa target weight base sa isinumite nating timbang.
Kapag dry naman ang ipot magbigay lang ng soak cracked corn mga 3 to 5 pcs or mansanas mga 3 kurot para manumbalik ng bahagya ang kanyang moisture pero makakasiguro ka na hindi sya magiging wet.
Pasensya na at natagalan ang kasagutan ko dahil masyado akong busy now adays.
Goodluck.
kaya nga yan ng 100grms bawas
BOss ALH pag may mouisture 10to15 grams sa katawan ng manok ano ginagawa mo don para ma koha yung mouisture sa loob ng katawan ng manok?
😅😅
Kapag sinabi ko ho na moisture it means estimated. Base sa salat ng manok at droppings nya. Much better ho na panoorin ninyo mabuti ang video na naipost ko about pointing at doon ho ninyo malalaman kung paano ko nahuhugot ang excess weight from moisture and feeds na nasa loob pa ng sistema ng manok.
Goodluck.
About naman doon sa isang katanungan mo although visible sya sa notificafication pero sa actual video kung saan mo ito itinanong ay wala na.
Possible naidelete mo ng di sinasadya or sadyang di ko lang siguro talaga mahanap.
Anyway ang katanungan mo ay ganito.
Boss ALH sabi mo kapag basa magbigay ng Pellet kapag tuyo magbigay ng egg white paano naman kung sakto na ang moisture ano ang pointing feeds na dapat ibigay para di mag off ang manok.
Well ang tanong ko naman ay ganito noong mag drop ba ang manok ng sakto na ang moisture anong oras ba ito?
Im giving you this line of question for you to analyzed base sa napanood mo na post ko about pointing.
1. Dapat ba na kada baba ng manok mula keeping pen papunta sa limber pen para mag dump ng manok upang makapag unat or makapag drop ang manok ay dapat ba na magbigay palagi ng pointing feeds?
Ang sagot ko ay hindi. Bakit? Halimbawa after mo mag bigay ng feeds sa umaga then after 2 hours nag dump ka ng manok at sakto na ang moisture base sa droppings dapat ba na magbigay ng pointing feeds?
Natural hindi dahil kailangan natin na iconsider ang ipinakain natin sa manok mas malamang pababa pa lang ang kinain nya sa kanyang intestine or kung mabilis man tumunaw ang ating manok i rest assure na marami pang laman na pagkain sa kanyang sistema even 10 to 15 grams lang ang ipinakain sa manok.
Nagbibigay ba ako ng pointing feeds kapag ganito ang scenario? Huwag magpanic dahil hindi magiging dahilan ng pagka off ng manok kung di mo agad bigyan ng pointing feeds sa unang drop na sakto agad ang moisture base sa droppings.
All you need to do is hawakan ang manok pakiramdaman ang salat kung sa pakiwari mo ay matubig pa or hindi na. Instead magbigay muna ng beepollen granules kahit isang kurot lang. Granules ito na parang seeds na maliliit para kahit paano may paglibangan ang manok habang nasa limber sya after mag drop.
Halimbawa nangyari ang ganito 3 hours before the fight tapos yung saktong moisture ay maliit na ang droppings nya at palapit na sa pagka empty pero sakto na nga ang kanyang moisture ano ang gagawin ko?
Kailangan mo muna timbangin ang manok lalo pa at malapit na ang oras ng laban kapag mabigat pa sya it means possible may laman pa sya sa sistema or may moisture pa.
Paano ko nalalaman na may laman pa or moisture even sakto na ang moisture base sa droppings? Dahil araw araw ako nagtitimbang ng manok specially sa last 5 days after ng last delouse ng manok.
Sa pamamagitan ng close monitoring ay nalalaman ko ang ugali at sistema ng metanolismo ng aking manok gayon na din ang pag hold nya ng moisture sa kanyang sistema.
Timbangin kung may sobra pa na 5 grams na dapat pang ibawas at 3 hours pa bago ang laban pwede magbigay ng saging 1 to 2 na kurot ng saging then mag spray ka sa kamay mo ng tubig huwag basang basa.
Tapos ipahid mo ito sa mukha ng manok. Be sure na 2 hours before ay mag dump ka ng manok to recheck ang droppings at timbangin kapag sobra pa din ng 5 grams at maganda ang droppings ng manok kumampante ka na lang at wala ka ng ptoblema dahil kayang kaya na yan bago ka sabihan ng runner na mag limber na dahil tatarian na.
30 minutes before tumawag ang runner para mag limber mag dump ka na ika nga mauna ka na mag limber after mag drop ng manok timbangin mo uli then makikit mo sakto na ang timbang or baka mas mababa pa ng 5 grams kasi yung timbangan sa sabungan by 5 grams ang binabasa nyan.
Kadalasan ang manok natin minsan sobra pa ng 5 grams pero kapag tinimbang mo sa timbangan na by 1 ang bilang malamang mga 4 or 3 grams na lang ang sobra.
After mo mag limber at sakto na lahat pati ang timbang ibalik na ang manok sa keeping pen kapag tumawag na ang runner huwag magmadali dahil nauna ka na nga mag limber bago pa sya tumawag all you have to do is to relax ayusin ang tari at saka ilabas ang manok sa limber hayaan sya na magrelax at pakitaan ng manok huwag ilalapit unti unti bubuka ang kagawan nyan kaya dapat huwag masyado ang pagpapakita ng catch cock pang gising lang dapat para umunat sya.
Doon na lang sa itaas ng gradas ang proper heating dahan dahan at pakiramdaman ang manok huwag magmadali pero kapag naramdaman mo na malapit na mag pick ang manok mo huwag masyado pagalitin para sumakto sa pinapatamaan mo then kung nakakasiguro ka na gising na gising ang manok mo at sharp na pababain mo na ang taga patuka at senyasan mo na ang kalaban para mag umpisa na ang laban at para maalisan na ng bayna ang mga manok.
Pero kapag kabaligtaran ang nangyari halimbawa ang manok mo ay hindi pa sumasampa ang kanyang top pick bagalan mo naman habang ang kalaban ng manok mo ay nasa rurok na ng pick at tendency pababa na yung manok mo naman ay pataas na.
Ang matalinong sultador hindi lamang sa manok nya naka focus kapag nasa itaas na ng gradas you need to observe din ang manok ng kalaban.
Goodluck
@@alhtvvlog6229 E boss paano naman pag hackfight lang example 10am magsismula at matatapos 5pm ang fights paano mag adjust sa moisture ? at wala ng limber at keeping yung fight na agad pagdating sa mo sabungan
@@poksnotdead5985 boss base to your question mukhang hindi mo ho pinanood ang video post ko about pointing kasama ho sa naidiscuss ko yang katanungan mo about hackfight.
Anyway bigyan kita ng bonus yung sinasabi mo na laban na agad pakioanood ho ang full video ng pointing.
Kung maari ho huwag na din mag skip kapag may lumabas na Ads.
Isa yang hackfight sa nabanggit ko na kapag hackfight minsan pagka ulot tari na agad.
Ok para panoorin mo ang nasabing video sagutin ko ang katanungan mo since sinabi mo na start ng hackfight is 10am then matatapos ng 5pm.
Kung ganyan ho ang magiging takbo ng sultada pwede ka pa ho mag limber.
Kung datihan ka ng naglalaban sa hackfight mas madalas sa sabungan na iniipon or may ibinibigay na numero sa bawat kalahok na nagkasundo na maglaban.
Una mo alamin kung anong oras ang umpisa ng hackfight para ng sa ganon ikaw ay makapag handa at makagawa ng strategy ukol sa pointing na gagawin mo.
Halimbawa umpisa ng ulutan 8am then start ng sultada 10am on ward.
Napaulot ang manok mo ng 9am pang 25 sultada ang laban ninyo ng kalaban mo.
Alamin mo lang sa sabungan kung may breaktime kung meron alamin mo kung gaano ito katagal. Kung wala naman mas mainam.
After mag ulot ipahinga ang manok gumawa ng plano. Gumawa ka ng listahan assume mo ba ang bawat oras ay 7 hanggang 8 sultada ang nagagawa na laban sa nasabing sabungan at mag uumpisa ng 10am
Fight 1-8 10am to 11am
Fight 9-16 11am to 12nn
Fight 17-24 12nn to 1pm
Fight 25-32 1pm to 2pm onwards
Base sa computation or estimate maaring mapalaban ang manok mo ng 1pm kung ang fight number na naitalaga sa inyo ay Number 25
Maaring mapaaga or late na mapalaban ang manok pwedeng 12:30pm or 1:30pm to 2pm
Kasi minsan sa sabungan may mga extra super extra etc. Pwede din mapa aga dahil may mga napupuwerang laban.
Kaya dapat ikaw mismo ay palagian na magchecheck kapag nag umpisa na ang laban or may kasama ka ba pwede mag check kung anong fight number na ang nasa itaas ng ruweda at kung anong fight number ang naka pila na may tari na at anong fight number ang mga manok na nasa loob ng tarian.
Ngayon kapag tinawag na ang pang fight number 20 para tarian na pwede ka ng mag limber para kapag tinawag ka ng runner para tarian ang manok nakakasiguro ka na well prepared ka at higit sa lahat ay maayos mo naihanda ang manok mo.
Kung ang estimate fight sa hackfight ay 1pm mainam na 10 grams lang ang ipatuka since magbibigay ka pa naman ng pointing feeds upang maitama ang moisture ng manok at pwede ka pa din magbigay ng pointing feeds kapag naglimber ka na para mas makasiguro ka na hindi na matubig or tuyo ang manok mo kapag oras na ng laban.
About sa sinasabi mo ba laban agad pagka ulot maliwanag ko ho ba nasabi sa ipinost kong video about pointing kung ano ang mainam na gawin kapag ganyan ang situation.
Ok para makumpleto hindi kasi ako nagpapakain ng manok sa aking manukan kapag araw ng laban.
Nagpapakain ako ng manok pagdating ko sa sabungan. Sigurado naman gumigising ka ng maaga kapag araw ng laban ng manok mo.
Lets assume na 6am gising ka na kapag may konsiyerto or hackfight na laban ang manok mo ako kasi 5am gising na ako kapag may laban sa hackfight.
Ilalagay ko muna ang manok sa limber na may sapin sa gradas ng manukan ko upang mag drop sya.
Then inoobserbahan ko sya kung maayos ba ang katawan kung makinis ba ang balahibo base sa salat kasabay na nito ang pagkapa sa butsi dapat empty na at kung basa ba or tuyo ang dropping nya.
Kung nag cecal naman pagka limber bibigyan ko lang sya ng 3 to 4 pcs ng soaked cracked.corn sapat.na yun ganon din kung basa or tuyo 3 to 4 pcs soaked cracked corn at hahayaan ko lang sya sa limber na may nakalagay na MAT at may ilaw ng mga 10 to 15mins. Habang hinahanda na ang lahat ng dadalhin sa sabungan.
Pagkatapos aalisin ko na sya sa limber upang palakarin habang naglalakad sya sa gradas may hawak akong catch cock at malayo ako hindi nya nakikita ang catch cock bigla kong ilalabas ang ulo ng catch cock na nasa likuran ko then kapag nakita yan ng manok na ilalaban i rest assure kung sharp ang manok lilingon agad yan pero di susugod.
After mapalakad magbibigay na ako ng reload 4 drops lang tapos spray ng kaunti sa mukha ng manok then at saka ko hahagurin mula ulo patungo sa katawan sa likod hanggang buntot.
Then ilalagay na sa derby box para pumunta na sa sabungan. Mga 6AM i rest assure na nasa sabungan na ako i dont care kung ako ang pinaka unang darating sa sabungan.
Ilalatag lahat ng gamit including keeping pen, limber and mat ihahanda lahat ng pointing feeds kung aircon ang cockhouse maglalagay ako ng tubig sa timba at ipupuwesto ko ito isang sulok.
Hindi ko ilalagay ang keeping pen sa direct hit ng aircon babasain ko ng bahagya ang kurtina na cover ng keeping pen para yung moisture muna ng nasabing tela ang unang mahigop ng aircon.
Mapapatak uli ng 3 drops ng reload at saka ko ipapahinga ang manok.
Habang naghihinray ako sa oras ng laban aalamin ko na lahat ng bagay bagay sa nasabing sabungan by 7am ilalabas ang manok para makapag unat magpa dtop at the same time magpakain na din.
5 grams ng conditioning feeds na ibinibigay ko syempre may kasamang cracked corn base sa percentage na ginagamit ko sa day of fight. After kumain ipapasok uli sa keeping pen then by 9am ilalabas uli para mag unat at mag drop dito makikita ko kung basa or tuyo ang manok at saka ako magbibigay ng pointing feeds either 3 pcs ng soaked cracked corn or 3 kurot ng egg white kapag dry ang manok or 3 to 4 pcs pellet kapag wet ang droppings.
Kung sakto naman nagbibigay ako ng 2 kurot na saging at 1 kurot ng beepollen granules na siya niyang tutukain sa limber mat.
Tapos keeping pen uli. Kapag ulutan na hinahayaan ko muna mauna ang lahat ng sultador na dalhin ang manok nila sa ulutan SCOUTING muna ang ginagawa ko kapag may mga nakita na akong manok na pwede imatch sa manok ko at saka ko pa lang ilalabas ang manok ko upang dalhin sa ulutan.
Isa pang bonus para naman pati ADS ay panoorin mo ng buo without skip😅
Pagpasok ko sa ulutan umuupo lang ako at ilalapag ang manok ko malapit doon sa mga manok na sa palagay ko ay pwedeng ilaban ang manok ko.
Hinahayaan ko na ulutan nila ang manok ko at kahit pwede na ang manok na inuulot di muna ako bumibigay nagpapakipot muna ako dahil alam ko kapag inulutan ang manok ko ay inayawan ko sigurado paliit ng paliit ang uulot sa manok ko.
Isang TIP pa kapag nasa ulutan ako ang treatment ko sa manok ko ay syang pinaka maliit syang pinaka pangit at syang pinaka mahina.
Sa ganitong sistema ay nakasisiguro ako na lamang ako sa mga nagiging laban ko.
Goodluck.
P.S. Majority ng laban ko sa hackfight ay dumadayo ako kaya madalas mapalaban ang manok ko sa mga manok ng sabungan na kung saan kahit pilipit sila sa laban ay pilit akong uulutan.
@@alhtvvlog6229 salamat sa pagshare boss ng kaalaman mo tungkol sa pointing more blessing to come boss #baguhan pasensya na kung madami tanong hehe
.nagbwas k nga ng 90 grams d md'man pumalo ng maayos ang manok,kya nga binigyan ng 35grams n give and take kc science proven.yung 60 pwede p.tapos mag gugupit k n pag bad wieght.wla yan aydol,dapat ituro mu ung tama idol...
Pwede naman ho ninyo panoorin at unawain mabuti ang sinabi ko dyan para ho hindi ninyo isipin na yan ay recommended ko.
Maliwanag pa ho sa sabaw ng pusit na ipinaliwanag ko dyan at nagbigay ako ng halimbawa kung posible ba ang 90 grams na pagbawas pakihanap ho kung may sinabi ako na yan ang dapat gawin dahil kung may mahahanap kayo na sinabi ko na recommended ko ang 90 grams na pagbabawas kusa akong titigil sa pag share ng kaalaman.
About gunting kahit ho 35 grams lang ang ibinawas kung di naman magtutunaw ng maayos ang manok sa araw ng laban kung ayaw mo mag penalty isa ang gunting sa pwedeng paraan upang makaiwas sa penalty pero kung kaunti lang naman ang penalty much better na magbayad na lang to avoid stress sa manok na ilalaban.
Anyway yan hong sistema na aking ibinabahagi ay guide lamang so far wala pa naman akong manok na hindi pumalo sa oras ng laban majority ho kasi ng nilalabanan ko ay derby.
Kayo ho baka may maibahagi kayo na kaalaman open ho ako sa pakikinig kung kapakipakinabang ang maibabahagi ninyo.
Anyway maraming salamat.
baka nman po pinabigat ng 40 grams sa fighting weight ng manok kaya kapag nagbawas siya ng 30 grams sa araw ng laban ay tama lang na pigain ang manok sa araw ng laban para makuha iyong fighting weight ng manok.
Hindi ho pwedeng pabigatin ng kusa ang manok sa fighting weight una ho disadvantage yun sa part ng handler maaring tumaba at bumigat at manok kung sasadyain na dagdagan then babawasan kapag araw na ng laban.
Ihalimbawa mo na lang sa tao kung ikaw ang sanay na kumain ng 1 takal na kanin tapos papakainin ka ng 3 takal na kanin mas malamang sumama ang pakiramdam mo ganon din ang lohika sa manok.
Pakiunawa at intindihin ang mga binanggit ko kung sanay ka at alam mo na may taglay na moisture ang katawan ng manok ay hindi mo iisipin na sinadya or sadyang pinabigat dahil walang handler na gagawa ng ganon dahil kapag ganon ang ginawang sistema mas malamang na mamulot ng patay sa itaas ng ruweda ang handler na gagaw nun.
Pwede mo naman subukan ang sinasabi ko subukan mo na mag pointing sa manukan mo kunyari araw na ng laban nya then sundin mo ang mga sinabi ko pati ang dami ng feeds na dapat ibigay or kung dapat pa magbigay lalo na kung maaga ang laban then sundin mo din ang keeping na every 2 hours mararamdaman mo at maeexperience mo na ang manok ay gumagaan pero bumubuka.
Dyan mo din makikita ang paunti unting pagbabago ng droppings ng manok dahil nagcocontrol ka na sa moisture pero di makakaramdqm ng gutom ang manok dahil nagpipitik ang handler base sa kalagayan ng manok.
Salamat idol