KAPAG NAKARAMDAM KA NG SUBRANG GALIT.

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ก.ย. 2024
  • #devotion
    #motivation
    #gospelbible
    #discipleship
    #inspiration
    GOD'S WORD FOR TODAY
    Day 4
    KAPAG NAKARAMDAM KA NG SUBRANG GALIT....
    ● Na experience mo na ba to? Naiinis, di makontrol, nakapagsalita ng hindi maganda, masama ang loob mo...
    ● KAPAG NAKARAMDAM KA NG SURBRANG GALIT.... Basahin mo agad ang Santiago 1:19-20 at unawain ang mensahe ng Diyos mula sa talatang ito...
    Santiago 1:19-20
    [19]Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
    [20]Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
    Ano ang mensahe ng Diyos na dapat nating matutunan ngayon?
    GOD'S MESSAGE:
    1. Taasan pa ang pasensya....
    ● Hindi maiwasang magalit, pero kung nakapasok ka sa galit, isipin mong may exit... Kung may sunog at sa loob, kung alam mong may exit naman lumabas kana para hindi ka masunod...
    ● [19]Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
    ● Huwag nang patulan, tumahimik nalang, umiwas, umalis, kumalma, maghanap ng lugar na marerelax ka, or manalangin ng pakalmahin ka...
    2. Isipin mong may mensahe ang Diyos kung paano kontrolin ang galit..
    ● [19]Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
    ● Ang salitang dahan-dahan, at huwag agad magagalit.... Ay isang mensahe ng pagpipigil o pag control sa emotion... Isa alang alang ang message ng Panginoon..
    3. Isipin mong ang galit ay hindi makakatulong upang tayo ay maging kalugud-lugod sa Diyos.
    ● [20]Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
    ● Pag isipan itong mabuti, kahit anong kaka pray natin, kakasamba, kakabasa ng bible, kaka post sa social media, kung pinaghaharian naman tayo ng galit, ang sabi ng bible "ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
    4. Isipin mong mas nalulugod ang Diyos sa pagmamahal kaysa pamahayan tayo ng galit..
    ● Maraming utos ang Diyos, tungkol sa magmamahal, like magmahalan kayo, magpatawaran kayo, magtulungan kayo, magkaisa kayo, magbigayan kayo... Dito mas nalulugod ang Diyos kaysa puro nalang galit, pagrerebelde, ang bukang bibig..
    5. Isipin mong may utos ang Diyos na dapat alisin ang galit sa buhay natin..
    ● Kung naniniwala ka sa Diyos, kung may takot at pagalang tayo sa Diyos, kung tanggap mong siya ang lumikha at nagbigay ng buhay, at kung naniniwala ka na mas mapapabuti ang buhay mo sa kanya... susundin mo ang kanyang utos na alisin ang galit sa buhay mo..
    Mga Taga-Efeso 4:31-32
    [31]Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.
    [32]Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
    APPLICATION:
    1. Magpakumbaba at magpatawad.
    2. Huwag tayong magkimkim ng sama ng loob.
    3. Sikaping lumago sa salita ng Diyos, para mas lalo tayong mabago.
    4. Huwag mag matigasan sa mga utos ng Diyos, tanggapin at ipamuhay kung ano ang kalugud-lugod sa Diyos..

ความคิดเห็น • 19

  • @LizaJacinto-f7q
    @LizaJacinto-f7q 18 วันที่ผ่านมา

    Amen🙏

  • @josefpaoloquebec7477
    @josefpaoloquebec7477 2 หลายเดือนก่อน +1

    salamat po pastor sabiyaya na tanggap po ng kaalaman sa wikain ng ating diyos po,na malinaw po ang galit can be destroy ssa buhay natin,kaya always po tayo mag ask guidance kay CRISTO ng ating AMA.........GOD BLESS PO AND YOUR FAMILY........

    • @arcillasbonie
      @arcillasbonie  2 หลายเดือนก่อน

      God bless din po sayo kapatid.... Patuloy lang sa paglilingkod kay Lord...

  • @jennykendelarosa8810
    @jennykendelarosa8810 2 หลายเดือนก่อน

    Amen

  • @amyapolonio
    @amyapolonio 2 หลายเดือนก่อน

    Thank you for the word of God it's so inspiring. I've learned a lot . Be humble and kind to others. God Bless po

  • @shinecoma4038
    @shinecoma4038 2 หลายเดือนก่อน

    Thank you po Pastor sa mensahe na ito.

    • @arcillasbonie
      @arcillasbonie  2 หลายเดือนก่อน

      Amen po... God bless po

  • @michaeldecastro8140
    @michaeldecastro8140 หลายเดือนก่อน

    Thank you po Pastor...tinamaan po ako sa mensahe ng diyos

  • @user-ve6ec9xs5d
    @user-ve6ec9xs5d 2 หลายเดือนก่อน

    Thank you po Nakita KO ang pag share ninyo ISA din po akong Christian pero po wala n time mag basa Ng bible thank you po Kay Lord Nakita kopo kau may napapakjinggan Napo ako salamat po Kay Lord at sainyo pastor 🙏🙏🙏

    • @arcillasbonie
      @arcillasbonie  2 หลายเดือนก่อน

      Amen po kapatid... patuloy kalang sa paglilingkod at pagsubaybay.. God bless po at sa family mo

  • @mauragarcia3338
    @mauragarcia3338 2 หลายเดือนก่อน

    Thnx po Pstr. ❤

  • @alvinedviamurao8169
    @alvinedviamurao8169 2 หลายเดือนก่อน

    PTR may tanong lang po ako

    • @alvinedviamurao8169
      @alvinedviamurao8169 2 หลายเดือนก่อน

      Ask ko lang po bakit po ung ibang nangangaral sinsamahan ng paghingi ng love offering lalo na mga nasa labas na nangangaral....ung iba naglalagay ng gcash number

    • @arcillasbonie
      @arcillasbonie  2 หลายเดือนก่อน

      @alvinedviamurao8169 Salamat sa tanong kapatid.... hindi natin alam ang motives nila..... Ang mahalaga hindi ka ng hingi.... Nasa tao kung gusto nilang tumulong sa gawain ng Panginoon..
      Sa Gcash number naman.... Hindi naman iyan doctrine, puwede kang maglagay puweding hindi....Basta huwag kang manghingi....
      Ngayon hindi lahat ng Christian ay bukas ang puso sa giving... ang gagamitin ng Panginoon para matulungan ang mission, maka pag full time sa mission, ay ang mga taong may bukas na puso sa giving at may pagmamahal sa gawain..... Ganon paman ay hindi sila pilipilit, kundi tinawag sila ng Panginoon....

  • @carolparojinog8887
    @carolparojinog8887 2 หลายเดือนก่อน

    Amen