MAGWAWAGI Composed by Kuya Daniel Razon (6th Song)
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 1 ธ.ค. 2023
- #KDR #kuyadanielrazon #mcgisong #lyrics
MAGWAWAGI
Composed by Bro. Daniel Razon
(6th song)
Bawat isa’y may pinagdaraanan
May mga hirap, mga kalungkutan
May nangungulila, may namamanglaw
At ang pagluha ay hindi mapigilan
May mga hatinggabing hindi mapaidlip
Minsa’y nanghihina at pagod ang isip
Pagtibok ng puso ay tila bumibilis
‘Pagka’t hindi tiyak bukas na sasapit
Mabuti na lamang at diwa ay napukaw
Nang maramdaman ang Iyong pagmamahal
Ang mga pangamba ay agad na naibsan
Dahil sa pag-asang ‘di kami iiwan
Kami’y magwawagi kung Iyong sasamahan
At sa aming laban ay laging tutulungan
Hindi magagapi anuman ang magdaan
Pag-asa ay mararating buhay walang hanggan
Aming dalangin nawa’y pagtiisan
Mga pagkukulang at mga kamangmangan
Kami ay ibangon kapag nabubuwal
At huwag bayaang sa Iyo’y mapawalay
Kami’y magwawagi kung Iyong sasamahan
At sa aming laban ay laging tutulungan
Hindi magagapi anuman ang magdaan
Pag-asa ay mararating buhay walang hanggan
Aming dalangin nawa’y pagtiisan
Mga pagkukulang at mga kamangmangan
Kami ay ibangon kapag nabubuwal
At huwag bayaang sa Iyo’y mapawalay
Salamat, Oh Hesus sa Iyong pagmamahal
Ikaw ang pag-asa’t ligaya sa buhay - เพลง
sarap pakinggan ng paulit paulit
Salamat po sa Dios ❤