KAYA PA ? | Spoken Word Poetry (Tagalog Spoken Poetry )
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 28 ก.ย. 2024
- KAYA PA?
NI: Angel
Tanong na minsan 'di mo alam kung ano ang isasagot.
Tanong na minsang sinagot mo pero di mo alam kung tama ba o mali
Kasi sa tanong na ito madalas, hindi tayo sigurado
Na kahit hindi na kaya, sinasabi paring "kaya ko to!"
Ang hirap no? Kapag ganito, Yung 'di mo masabi kung ano yung nararamdaman mo
Kasi, Kahit ikaw mismo 'di mo alam kung ano ang totoo.
madalas pa nga nagsisinungaling kapa
Sa tanong na ito.
'di mo masabi na "suko na ako"
"Na pagod na ako"
Kasi iniisip mo 'yong mga taong nagmamahal sayo
Yung mga taong naniniwala sayo.
Pero alam mo, alam ko
Kung paano mo nilalabanan yung sakit at hirap
Maipakita lang sa kanila na okey ka.
Na kaya mo at masaya ka.
May mga gabi rin na, palihim kang humihikbi
Tinatanong ang sarili
Kung kakayanin pa ba
O susuko nalang
Minsan...
Sa dami ng iniisip mo
Napapabuntong hininga ka nalang
Kasi May mga panahon na
Hindi mo alam kung saan ka magsisimula.
Hindi mo alam kung May hangganan pa ba o wala.
Kasi sa tingin mo, parang ang lahat ay wala ng pag-asang matapos pa.
Dahil sa sunod-sunod na pagkakadismaya.
Ang sakit lang ano?, yung paniwalang paniwala sila sa mga ngiti at halakhak mo .
Ang hirap din, yung May gusto kang sabihin pero di mo masabi
Nag-aalinlangan ka na baka walang makinig sayo
Na baka walang makaintindi sayo.
Kaya minsan kapag tinatanong kang "Kaya pa ba?"
sagot mo " Oo kaya ko pa!"
Pero ang totoo, hindi eh.
Hindi ka okey, hindi mo na kaya
Kailangan mo ng magpahinga.
Pero hindi mo magawa.
Kasi nga may gusto kang patunayan
May gusto kang makamtan
Hindi lang sayo
Kundi para rin sa pamilya mo.
Alam mo, Hanga ako sayo
Kasi matapang ka
Kasi Kahit anong bigat, kinakaya mo
Kahit anong sakit, nagagawa mo paring hanapan ng lunas
At kahit anong lungkot nagagawa mo paring ngumiti.
Sana, hanggang sa dulo
'di ka sumuko
Sana ilaban mo parin
Kahit minsan wala ng pag-asa.
Kung madapa kaman, Sana bumangon ka parin
Kung mahuli kaman, sana magpatuloy ka parin
Kaya pa?? Kaya pa!!!
Para sa iba pang Tagalog Spoken poetry maaari niyo pong bisitahin ang mga link na nasa ibaba.
At wag niyo narin pong kalimutang i-subscribe ang channel na Ito para maging updated po kayo mga bagong Tula na gagawin ko.
Maaari Rin po kayong magcomment ng title na gusto niyong pagawan ng Tula, at ibabahagi po natin yan dito.
_______________________________________________________________________________________
Lihim na pagtingin• Tagalog spoken poetry -
• Lihim na Pagtingin| Sp...
Paglalayag sa Nakaraan|spoken poetry
• Paglalayag sa Nakaraan... ttps
Nilandi mo pero di mo jenowa| Spoken poetry-
• Nilandi Mo Pero Mo di ...
• BITAW NA | SPOKEN WORD...
• Dakila si Mama | Tagal...
_____________________________________________________________________________________________
Spoken poetry para Kay Crush
Lihim na pagtingin Tagalog spoken poetry
spoken word poetry
spoken words
spoken word poetry tagalog about love
spoken word poetry examples
spoken words poetry
spoken word poetry tungkol sa pag ibig
spoken word poetry tagalog tungkol sa pag ibig
spoken word poetry about love
spoken word about friendship
spoken word about love
a spoken word poem
a spoken word piece
spoken word broken heart tagalog
spoken word.com
spoken word hugot
spoken word how to start
spoken word ideas
Tagalog Spoken Poetry
______________________________________________________________________________________
COPYRIGHT DISCLAIMER]
COPYRIGHT DISCLAIMER Under section 107 of the Copyright Act. 1976, allowance is made for "fair use" for porpuses such as criticism, comment, news reporting, teaching scholarship, and research. Fair use is permitted by copyright statute that might other wise infringing.
The clips and photos on this video was edited under the fair use law. [ No COPYRIGHT infringement intentiEd.
This spoken poetry is original written by: Angela Dorado
_____________________________________________________________________________________________
#kayapa?
#tagalogspokenpoetry
#spokenwordpoetry
Thank you po sa lahat Ng SWP sobrang nakakrelate ako Lalo na sa dear self at iyong kaya pa pati Yung iba mo pong SWP...thank you dahil Isa ka sa mga nagiging motivation namin at pakiddam namin na di kami nag iisa.......
ramdam ko to palihim akong umiiyak😭
Keep fighting lang!
No matter how messed the situation or hurt we are, labang lang 💪
btw, I got mine in my channel too..
Cheer up
Ano Po title Ng background music
May I know the title of background music?
Napaiyak ako sayo 😥
ram dam ko yan
Hindi Kona kaya 😭😔
Background music po plssss kailangan kopo sa tuesday plsss lng po🙏
Pwede po malaman kung ano yung title ng background music???🥺
Nakakaiyak po kasi damang dama KO ito sa sarili ko 🥺😭
Laban lng