[Z900 Chronicles] The First Ride: First Impressions and Review

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 21 ต.ค. 2024
  • Z900 Chronicles: DAY 0 - The First Ride - 1st Impressions and Review
    Unang sakay sa Z900 from Wheeltek hanggang bahay...
    Napaka-angas at napaka-brusko ng porma ng big bike na to!!!
    Medyo mataas sya with a seat height of 820 millimeters kay tiptoe tayo dito sa height natin na 5'6".
    Nasa heavy side ang over-all unladen kerb weight nya na 212 kgs pero surprisingly napaka-light ang handling nya kahit sa traffic. Dahil siguro sa wide turn radius ng swing arms nya tsaka yung weight distribution na medyo mas heavy sa front end.
    Napaka-powerful, matindi ang torque at talagang humahataw ang hatak at arangkada nya sa bawat millimeter na pihit sa throttle nya. Yung feeling na parang maiiwan ang kaluluwa mo nang bahagya pag napabigla ka ng piga... Eh kasi naman 948 cc ang engine neto, liquid-cooled, In-Line Four, DOHC Fuel Injection with Maximum Power of 123.64 HP at 9,500 RPM and Maximum Torque of 98.6 N.m at 7,700 RPM... Alalay ka lang talaga dapat sa pagpisil ng throttle at ramdam ko na talagang lulundag to, aangat sa lupa ang front tires mo pag napabigla ka ng piga...
    Chill ride lang muna kaya naka-Road mode tayo sa first ride para i-uwi si Z900. Hindi ko pa na-try yung riding modes nya na Rain (pag maulan), Rider (pag may angkas) at Sport (pag nasa race track). Umulan lang kasi eksaktong pagtigil sa tapat ng bahay...
    Malakas din ang brakes nya sa front at rear (Nissin Caliper, ABS, double disc sa front, single-disc sa rear)...
    Kumportable din ako sa rebound ng suspension nya with that 41 mm inverted fork na merong compression and rebound damping tsaka spring preload adjustability... so far so good kaya baka matagal pa siguro bago naten maisipan i-try yung preload adjustment...
    Sa sound check naman, napaka-refined ang tunog ng engine nya at dahil stock pa ang exhaust, napakatahimik at hindi mo aakalain na big bike ang sinasakyan mo kung sound lang pagbabasehan mo...Sa point of view ng safety ito ang isa sa unang upgrades na pwedeng gawin sa big bike na to... Mas safe kasi para sa lahat ng kasabay mo sa kalsada yung pag malayo ka pa alam na para ting ka na at makaka-adjust sa yo yung ibang gumagamit ng kalsada na hindi mo kelangan gumamit ng busina lalo na at iisipin natin na lahat ng ka-share natin sa kalsada, may blind spots. Tsaka, annoying din kasi malimit sa ibang road users, drivers and pedestrian alike kung panay kang busina...
    Ang ganda din nga pala at ang linaw din ng TFT display nya tulad nung sa Z650...
    Ang pogi at napaka-bulky pero sexy ang dating ng gasoline tank nya na may 17 liters capacity...
    Impressive din iba pang features nya, na tulad ng bluetooth connectivity, traction control, etc ...
    TWR Verdict: Overall, panalo talaga ang big bike na to sa performance, safety features, porma, updated tech at syempre yung reliability ng Kawasaki name brand. Medyo nagmahal na sya kumpara 2 years ago but still good value for the money para sa SRP na Php 566,500...
    Pwedeng-pwedeng i-recommend sa mga nagpaplanong mag-upgrade from lower cc bikes...
    "A contrast to its larger and more intimidating brother, the Z900 is “Easy & Exciting” and allows a wider range of riders to enjoys its exhilarating character. The Z900 is powered a 948cc, In-Line Four engine making it the largest, and most powerful against the other 900cc models in the Philippine market." -kawasakileisurebike.ph
    #kawasaki #Z900
    #reels #motorsports #philippinemotorcycletourism #reelsvideo
    #reelsfb #reelsyt #reelsviral #trending
    #youtubereels #ytreels #ytreelsvideo
    #facebookreels #fbreels #fbreelsvideo
    #weekend #theweekendrider #weekendmotoclub #ridesafe #KeepSafeStaySafe

ความคิดเห็น •