'Mga Kamay ni Lilit,' dokumentaryo ni Kara David | I-Witness
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 23 ธ.ค. 2024
- Sa kanyang murang edad, kusang tumutulong sa kanyang pamilya ang 9-anyos na si Lilit. Ang kanyang trabaho, magkalis ng mga tahong at talaba sa isang tahungan sa Bulacan.
Samahan si Kara David na kilalanin ang mga pamilyang nagkakalis ng mga tahong at talaba para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
#MgaKamayniLilit
#IWitness
‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists --- Howie Severino, Kara David, Sandra Aguinaldo, Mav Gonzales, John Consulta, and Atom Araullo. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.
Subscribe to / gmapublicaffairs for our full episodes.
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream
Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
Connect with us on:
Facebook: / gmapublicaffairs
Twitter: / gma_pa
ipinagmamalaki ko rin na ako ay taga Binuangan, ganyan din amg trabaho namin nung bata pa kmi..nagkakalis ng tahong at naghihimay ng talaba..mapalad ang mga kabataan ngaun kc libre n ang pag aaral s college, ako ay ginapang lng ng mga magulang ko pra makapag aral..s ngaun isa n akong public school teacher s Bataan..at hinding hndi ko ikakahiya ang aking pinagmulan...
wag kang matakot mangarap Lilit...at alam ko kaya m din basta't lagi kang mananalangin at magsisipag s pag-aaral...
Mam, saan po ang Binuangan (Navotas?)
Mang Danilo being the true father of their community. Mas iniisip nya pa ang mga kabataan na umaasa sa negosyo nya. Uunlad din kayo, wag susuko. Lilit, isa kang inspirasyon! Hangad namin ang tagumpay mo pati na ng ibang kabataan sa brgy ninyo. Thank you, Ms. Kara para sa isa na namang tagos pusong obra.
Yung itlog at longganisa lang sapat na para kay lilit 😢 napaka inosenteng bata. Lord please bless and guide her. Thank you Ms.Kara for another great documentary. Mabuhay ka.
IGUL TUYO TAS MANTIKA IS WAIVING ✌️
Kawawa bata napakasipag sana hindi magsawa paglaki niya
@@odesolomon9582pp
Nakakaiyak nuh? Grabe! Someday magiging successful yang si Lilit. Napakasipag
Clarizzealcoreza5542 swerti panga dhl may itlog at longganisa kung tutuosin sosyal payan na ulam samin.
This is an eye opener for us not to waste food, kasi ang daming hirap ng mga tao para lang makapagprovide ng food na mas convenient sa mga mamimili, so proud of this young lady, Godbless everyone❤
Mas ok kung share na lang iba yung sobra nila kesa magtapon at mag aksaya ng mga pagkain at bagay na meron✔️
Those corrupt officials and politicians don’t want to see this.
More like an eye opener na wag mag anak kung walang pang kain at lang tustus
@@lalang4806tama. Kung imumulat mo lang ang bata sa kahirapan wag nalang mag anak. Hindi makakain ang "masaya pag marami sa pamilya"
Ang bigat sa dibdib habang pinapanood ito. Iba talaga ang kalidad, kapag si Ms. Kara. Salamat sa pagpapakita ng mga pinagdadaanan ng ating mga kababayan. Sana nga may pag-unlad na walang maiiwan. Sana makaahon sa hirap si Lilit at ang mga kabataan na kinakailangang maghanapbuhay sa murang eded. Sana maranasan nila kung paano maging bata.
Itlog and Longganisa are already enough to make this girl happy, it's just so touching to hear how genuine and pure the small success she wants to have. I hope that someday kids like Liit will soon reap the fruits of their success. Thank U Ms. Kara for this amazingly done documentary again! ❣️
Nung sinabi niya yung itlog at longganisa, doon ko lang narealize how blessed I am in life. Oh God, please help and guide this kid and everyone around her 🥺
Wala sanang maiiwan sa tinatawag nating "kaunlaran". Salute to Ms. Kara and the whole i-witness Team!
sa planong kaunlaran, walang mapag-iwanan
Pero kainin cla ng ganid, wala n cgrong pag unlad pra sa maliliit n tulad nting personalidad 😢
Grabe 5 hours for ₱45....naiyak ako para kay Lilit. Sipagan mo lang anak, di yan ipagkakait sayo ng Panginoon, bigyan ka ng magandang buhay. ❤️
WHEN LILIT SAID:
gusto kong makatulong kila mama “Dahil Mahirap Lang Kami “
Ang sakit sa puso 😢
Sarap ipapanood ito sa mga batang mayayaman at ayaw mag aral para makita nila gaano sila kaswerte na nakakapag aral at nakakapaglaro at kumakain ng masarap
agree ako sau..
Tama ka!!
Eto libangan namin ng anak kong 9 years old. Mga doumentaries ng fave. Feild reporter namin na si Ms. Kara. At pag pinapanood namin to, kitang kita ko sa mata ng anak ko na talagang nakikinig at may natutunan sya. Thank you Ms. Kara!
Me too kabsat gusto ko ipamulat sa anak ko ung hirap ng buhay na dpat mag aral xa ng mabuti kc mas higit ung iba kung snong meron kami😭😌
I like Kara's authenticity and relatability among different ages- from a child to an adult. She has a goal to open the eyes of the public toward issues that usually not being paid attention.
Willl never look at tahong like before.
Grabe pala yung hirap nila makuha and mapakinis lang yon. Almost shed a tear sa sinabi ni Lilit na Itlog and Longganisa yung pinakamasarap na food for her.
And sana talaga mabayaran ng sapat si Mang Dani ng SMC.
Magsumikap pa tayo for better future.😭
Si Kara talaga ang standard ko pag dating sa Pinoy Docs. ❤
Grabe nga e. Kaya deserved nya best award-winning journalist.
As a scavenger! I can say that im blessed enough after watching this.
Oo mahirap din maging basurero, pero kinabukasan, alam mo na may kita ka na.
Maging inspirasyon sana to sa mga kabataan / generation ngayon.
Na pahalagahan ang kanilang pag aaral, dahil hindi lahat afford makapag aral. Oo libre na pag aaral ngayon, pero hikahos ka nman financially. Kaya yung ibang kabataang mahihirap, napipilitan nlng matrabaho sa hirap ng buhay!
God bless you po!
There's something in Ms. Kara David voice na kapag naririnig ko nagkaka interest agad ako sa documentary niya. Ang galing mag kwento.
❤
Parang kinukurot ang puso habang pinapanood to. Sana magkaroon ng programa ang gobyerno para mabigyan ng oportunidad ang mga batang ito.
Isa na naman makabuluhang pagbabalita at pagdu-dukomento ng tunay na kaganapan sa lipunan na ating ginagalawan. Mabuhay ka Ms Kara
Makakamit mo rin ang mga pangarap mo Lilit♥️ wag kang susuko sa buhay💪🏼❣️
God bless po Ma'am Kara & team iWitness for having this amazing docu🥺❣️
Always a fan of iWitness 💗
Kudos for Ms. Kara David! ❤️
Grabe lahat ng documentary nya naubos ko na ata kakapanood lahat ng napanood ko ramdam mo yung puso nya sa ginagawa nya. 👏❤️
Opo parang bitin ka pa sa mga videos Niya kahit sa mga videos Niya sa mga kapatid naten na mga agta sa mga Taga bundok na mga bata Ang gandang panuorin
Sana mapanood din to ng ibang mga kabataan ngayon, para mabigyan sila ng aral na hindi lahat ai may masagang pamumuhay..
mga bata ngayon busy sa tiktok hahaha
@@utakmomayubo8269 yun n nga po eh, tlgang 2 taon pa lang ai alam na gumamit ng CP..
Habang pinapanood ko to, na realize ko na marami pala akong dapat ipagpasalamat sa kung ano man meron ako at ang pamilya ko ngayon...🙏
Nakakaantig ng puso, napaka simple ng pangarap ni Lilit, napakabuti mo lilit balang araw nawa ay umasenso ka at matupad mo ang mga pangarap mo, Lord kayo napo ang bahala sa kanya. Gabayan nyo po sila sa araw araw. To Ms. Kara David at sa team nya salamat sa napaka gandang dokumentaryong ito. Godbless po sa lahat.
KUDOS to you Ma’am Kara! Because of your documentaries, natuto akong mamulat sa realidad ng buhay. Maraming salamat sa pagbabahagi ng mga ganitong uri ng docu. MABUHAY PO KAYO!
Napaka ganda ng Documentary na ito Miss Kara. Iba talaga pag ikaw ang nagkukwento. May kirot sa dibdib at pag-asang dala. I super love your eye-opening documentaries.
salamat sa isa na naman makabukuhang dokumentaryo Ms. Kara,.
San Miguel Corporation, sana wag lang basta hanapbuhay ang ibigay nyo sa mga maaapektuhan ng proyekto nyo,. bigyan nyo din ng scholarship ang mga bata lalo na si Lilit,.
Iba tlga way of story telling ni Ms.Kara👍. Kudos Ms. Kara, you are simply the best.
Inaaral talaga ni maam Kara kung ano yung pakiramdam maging taga linis at taga kuha ng tahong. iba po talaga sya, natatangi!
Galing talaga ni kara david, walang inuurungan! Laban qng laban!! Lodi q talaga to..
Naiiyak ako sa kalagayan ni lilit. 😢 Sana may mag offer na scholarship para sa kanya mataas ang mararating ni lilit dahil sa kasipagan nya.
Yun hundreds million na intelligence funds sana gamitin sa edukasyon ng mga masisipag na bata para makatulong ,
Wag gamitin na pondo sa eleksyon
palagay ko yang mga naiinterview ni Kara inilalagay niya yan sa foundation niya...Malasakit Foundation...may mga scholarship yon...yan ang hindi alam ng marami na sankaterba ang pina paaral ni Kara sa buong bansa...
the best talaga si kara david
@@bughawmalalim09OMSIM SSOB PROJECT MALASAKIT MA'AM KARA PATRIA DAVID 🙏🙏🙏
❤
Nkaka relate ako sa ganitong istorya. Kasi Nung bata pa ako halos sa bukid umikot pagkabata ko. Ung kakayod ka para magkaroon ka ng baon, pag aabaka Ang hanap Buhay nmin noon , mahirap Kasi ung ibng bata nakikita ko nkakapag laro pero ako Hindi dahil kailangan ko ng Pera para may pang baon sa sarili. Pero ngayong tumanda na Ang aral ng pagkabata ay tlgng npka Ganda. Papahalagahan mo Ang kinikita mo ngayon Kasi alm mo na Nung bata ka Kung ganu kahirap kumita nun. Ngayon ok namn na trabho salamat sa Diyos at sa aral ng nkaraan. Ndi MN nkpag tapos sa pag aaral nag sumikap nmn para mkapag hanap Buhay sa ibng bansa
Documentary of kara is always the best..
Isa na namang napaka gandang dokumentaryo ng gma😢❤ lord bless niyo po ang mga masisipag na batang gaya nila❤
Napakabait ng May Ari Ng tahungan. Iniisip nya din ung mga nagtatrabaho saknya. God bless you more Tay pra mdami ka pa matulungan. Thank you Ms. Kara napaka galing nyo Po tlga.
Walang kakupas kupas magaling tlga si mam kara inspirational lahat ng kwento. Ito sana pinapanuod ng mga kabataan para magkaroon sila ng kaalaman sa kapaligiran nila at mamulat sa kasalokuyan. Well done miss kara.
Kawawa ang bata kpag hindi planado ng magulang yung buong pagpapalaki sa anak, kaya ako 32yrs old na hindi pa nag-aanak hanggang hindi secured yung hanap buhay yung tipong sobra sobra na kinikita. Di bali nang mamatay tumanda ng walang anak kaysa alam kong mahihirapan yung anak ko din.
Maswerte ka lang kasi hindi ka pinanganak sa ganyan komunidad
❤ love ur perspective
@@TubodsaNaughanyun na nga sinasabi nya eh, kung alam mong ganyan ang community mo at mahohirapan lang bata eh wag ng munang mag anak.
@@TubodsaNaughan dude Im from slums though. Kaya nga mulat ako, 6 kami magkakapatid, I left home at 16 then work to feed myself and lucky to reach college level.
@@TubodsaNaughan pangit ng mindset mo ah, kulang talaga sa knowledge about family planning ang mga pilipino.
*Ma'am Kara David never cease to amaze me with her documentaries. But this time, hands down to what she said* *_kUNG TUNAY NA PROGRESO ANG ATING INAASAM, DAPAT WALANG MAIIWAN, WALANG HANAP BUHAY NA MAPAPATID_*
yan ung mgaganda at masasayang alalang babalikan ng mga bata pag laki nila at gagawin nilang inspirasyon pra gumanda ang buhay nla. tnx maam kara sa pag share ng mga ganitong bagay sa napalaking mundo natin 🙂
Nakaka durog naman ng puso yong mga ganitong documentary. Sa murang edad ni lilit ng sisikap sia mag aral. Sana my tumulong sa mga bata na ito kahit scholarship lang man sana para maka pag aral ng maayus or kahit man lang gamit sa school😢. Salut 🫡 to Ms.kara and her team. ❤
Kudos for Ms. Kara!
Wala akong masabi 😭
Hoping for the best towards Lilit!
This doc. really helps for us to appreciate and be grateful for what we have in this life..by others are hoping/wanting to have such those.
I was so late to watch the other documentary of Miss Kara “Usok sa Gubat” grabe ang luha na ibinuhos ko sa dokumentaryo na ‘yon. This time watching this kind of documentary again! I don’t have any words to say but I’m praying for every Pilipino who suffered severe poverty, hoping that one day our table will turn for abundance, health and blessings! 🙏
Bilib talaga ako ke ma'm Kara David. Ang tapang, at di alintala ang panganib kada dokumetaryo na ginagawa niya, tulad ng pag dive niya sa ilalim ng dagat. Ilang babaeng journalist ba ang makakagawa niyan? That's why she deserves all the awards and the accolades! Basta Kara David documentary, for sure panonoorin ko.
Kara David is the best documentary that I followed!. She involve herself in the making which make it more interesting to watch.! Bravo Kara!
Saludo kami talaga sa iyo, Ms. Kara David. Maraming salamat sa mga documentaries na ginagawa nyo.
Salamat sa lord na ginamit si Ms. Kara to witness ano nangyayari sa mga kababayan lalo na ang mga kabataan natin na bata pa lang nag hanap buhay na sa edad nila. Need nila mabuhay pero nababago dahil sa bagong infrastructure na gawa ng mga private company. Hoping and praying na matulungan din ng malalaking compny na bigyan din sila ng lugar or kapalit na pwede nilang pagkakitaan. wag yun bigyan mo ng benepisyo na prang mo silang pinaalis din.. Maraming paraan sana ma tulungan din silang 7k na taong nag hanap buhay pra sa tahong at talaba at mga maamangingisda tulad nila.
Saludo ako sa dokumentaryong ito, sana makita ng gobyerno ang tunay na nangangailangan ng suporta at pagbabago. Ang lungkot lang sa ganitong senaryo ang maliliit at mahihirap ang tunay na naiiwan at ang mga mayayamang kapitalista ang lalong umaangat sa pag asenso. Gising Gobyerno!😢😢😢
…palagay mo ba mula pa noon hangang ngayon hindi pa rin nakikita ng gobyerno ang mga tunay na nagaganap sa buhay ng mga kagaya nating mahihirap ?…o hindi natin alam o kayang ipagpilitan na ayaw natin sa ganitong buhay ?….think outside the box…
Haaaaays Diyos ko!!😥 Dito ang mga alaga ko panay tapon ng mga colorpens nila. Tapos sa Pinas marami ang mga batang salat kahit 8 colors man lang ng krayola. Kaya yung mga itinatapon na mga colorpens ng mga alaga ko iniipon kot ipinapadala sa Pinas para magamit ng mga bata dun kahit papaano.😔
Mabuhay po kayo..
Life is indeed so sooo unfair 😢
❤
tama po
Kaya nga same tau sis ako subrang dami kona na tapon na color NG mga alaga ko kc nakakainis na sa dami nagiging basura lng sa Salah kung San San Nila Gina sulat
Kapag may naiiwan hindi magiging maunlad ang isang bayan , at habang may nagugutom ay walang katahimikan kang mararanasan. Maraming salamat po Ms. Kara David sa pag share po ng inyong documentaryo. Take care po and God bless you po. Mabuhay po ang I-Witness!
Ibaa atake pag documentary ni ma'am Kara. since then Ito padin talagaa nag mulat sakin realidad ang Dami mong matutunan dito bawat kuwento may Aral Ka mapuoulot to the point na maiisip mo naa sino Tayo para mag reklamo Kung may mga tao na mas hirap satin.
Thank you Ms. Kara David, for this documentary.. Sana mapansin nila ung need- na walang maiwan sa pag unlad...
GOD bless you more...
Hayyy nakakaiyak naman. The Best ka tlg Ms Kara David when its comes to documentaries...
Sa kagustuhan ni Lilit kumita para sa pamilya at mga kapatid sa murang edad kahirapan angnararanasan na normal sa ordinaryong Filipino. Salamat Ke Kara David para imulat ang na katotohanan ng isang pamilyang Pinoy!
Ms kara ikaw talaga ang the best magdocument sana madami ka pa po maishare sa mga taga hanga mo at marami po matulungan.
❤ms. Kara david again wohoooo pag kayo po talaga ang nag kkwento mas napapaganda po talaga yung istorya tagos sa puso
Another Kara David masterpiece! This is inspiring ❤
walang i witness na hindi ako naiiyak😢 lahat ng programa sa GMA subra ganda.. ero pinaka favorite ko c kara david sa i witness kahit noon paman.... More episodes pa po ❤
Isa na namang magandang documentaryo Miss Kara David. Sana nga po sa pag unlad at pagbabago na gustong mangyari ng ating gobyerno walang maiiwan,kagaya ni Lilit.🙏🏻🥹
I admire Ms. Kara David wala syang arte at napaka genuine nya. Ang dami kodin realization ngayon sa mga napapanood ko. ❤
Napakaganda Ng Dokyomentario Ni Ma'am Kara David. Sana Mag Bago At Umasenso Ang Kanilang Mga Buhay. Mahirap Talaga Sa Araw-Araw Kung Saan Ka Kukuha Ng Pag Kain. Maliban Na Lang Kung Mayaman Ka. Napaka Hirap Talaga Pag Pinanganak Ng Isang Mahirap. Lalo Na Wala Naman Naiitulong Ang Government Sa Kanila. Sige, Ingat Lang Po Kayong Lahat Palagi Dyan! May God Bless All Of Us And Have A Blessed Great Lovely Wonderful Thursday Everyone!!
Another great job Ms. Kara, hnd nmn masama ang progreso. Kaya lng ciguraduhin lng sana na bawat pag angat ay hnd nmn mapapa bayaan ang maraming maliliit na mamamayan.
Saludo sayo kuya Danilo sa pagtulong sa mga bata😊🙏iba ka talaga magbalita Ms,Kara David ..sayong sayo ako😊💪👏🙏
Grabe pag si ms.Kara ang nag documentary iyak tlga ako, kagabi yung silong pinanood ko na nman ilang beses
Ang kanilang hiling.. sana sa plano ng mga kaunlaran, walang mapag-iwanan.
Sana lang tlga ang gnyang uri ng malaking proyekto ng gobyerno ay hindi lubusang makakapinsala ng mga taong namumuhay sa komunidad. Tnx to Ms. Kara for being a great reporter❤
ito talqga pinaka paborito ko sa lahat ,very natural talaga si Kara hindi maarte kahit anong episod lahqt gusto ko ,salamat sa mga information na nakikita at napapanuod namin ,continie whatU doin' kara .
sarap pampalipas oras ng mga ganito... from japan here!
Kudos kay mam Kara David the best talaga,basta i witness ni mam kara kaht paulit ulit ko panoorin hindi nakakasawa ❤️❤️
Ako nung bata pako halos lahat din ng hirap dinanas ko, kaya dama ko lahat nang pinagdadaanan ng mga bata na to, worst part ng buhay ko is nung sabihin ng mama ko na titigil muna ako sa pag aaral dahil kahit nagtatrabaho ako para makatulong sa pag aaral ko di pa rin sapat, yung mamimili ka kung makakapasok ka pero wala kayong kakainin maghapon dahil ipang papamasahe mo nalang ung budget nyo. Pamasahe lang, dahil wala ng pera para sa oang brraktime ko, sinubukan ko nung una, binubusog ko nalang ang sarili ko sa libreng tubig sa University. Pero hndi rin talaga kinaya at tumigil ako. Pero tuloy ang ikot ng mundo, eto ako nakatapos, nasa abroad na nagtatrabaho, alhamdullilah yung mga anak ko hindi nila dinadanas lahat ng dinanas ko noon.
Umpisa palang dami ko na realize sa episode na ito..thank you for this episode ms Kara.. From Obando Bulacan din ako pero di ko pa narating yan nung elem and hs days kasi ayaw ako payagan ng nanay ko kailangan kasi sumakay ng bangka.
God Bless Ms. Kara❤
Complete and impactful, great job Miss Kara and Team.
Modernization and improvement is imperative and it could be a life - changing for the people who rely to the current and what is available as source of income. Hoping na walang maiiwanan :-)
Sa bawat panonood ko lagi ng dokumentaryo ni Ms. Kara, araw araw may narerealize ako. Naiiyak ako sa mga napapanood ko. Sila nga hindi nagrereklamo. E sino ba naman din ako para magreklamo sa mga bagay na wala ako?! Kung si Lilit itlog at longganisa lang gusto, bakit kailangan ko pa maghangad ng iba. Hayyyss.. sorry Lord. Thank you Ms. Kara sa mga ganitong uri ng dokumentaryo.
GANITONG DOCUMENTARY ANG GUSTO KONG GINAGAWA NI MISS KARA . THE BEST KA TALAGA IDOL .
Sobrang naapreciate ko tlga c miss karax the best ka ever! Godbless po..
Napakahusay ng gumawa ng documentary ni Madam Kara David.. Sadyang kahanga-hanga madam!!!
Galing ng istorya na to...nkkaiyak hbng pinapanood...God bless po sau liit mag aral k ng mabuti aasenso k rin pagdating ng panahon🙏
Iba talaga pag si Ms. Kara ang nag document 👏👏👏
Nakakatuwa n makita ciang masayahin at may ngiti sa kabila nang hirap kahit munting bata lng cia. Positibong pananaw.Godbless you Lilit
Iba tlga kpag c mss kara david ang nag dodocu.tlga ramdam mo tlga ang bigat sa dibdib tlga galing sa puso sna matulungan mga batang to godbless po.....
Ganyan ho talaga kaming laki sa hirap, bata pa lang malaking tuwa na samin yung magkaroon kami ng pera na hindi galing sa aming mga magulang. Yung magkapera kami na kami ang gumawa ng paraan napakasarap sa pakiramdam, at dahil nanduon din ang mga kabarkada, yan na ang pinakalaro para samin.. ❤❤
…abangan mo naman kapag dumating na ang biyaya…mas doble ang sarap ng mga galing sa hirap…
Grabe😢. Balang araw etong mga batang to, mgiging successful sa buhay at makakatulong lalo sa pamilya.. godbless
8or 9 years old ako dati sumasama na ako kay nanay maglagay ng bitones sa tinatahi nyang polo..na kahit gusto ko matulog sa tanghali hindi pwede kasi kailangan sumama ka at kumita makatulong na rin. Ngayon thank you Lord masasabi ko maganda na rin ang aking buhay..
Grabe 😢❤
Inspiring talaga docu mo idol.
God bless you, Lilit ❤
Ang galing tlgang writer ni Kara. Mermeeeeek!!!!
Ganito rin ako dati tulad ni lilit sa halip na naglalaro at nagpapahinga pagkagaling sa school ay nagtatrabaho din ako naglilinis nman ako ng agar-agar pra may baon sa araw-araw kya bata pa ako nagsikap na ako at nangarap na isang araw makakaalis din ako sa isla nmin khit hirap sa buhay ang mga magulang ko sinikap ko makapagtapos dhil alam ko ako ang pag-asa ng mga magulang ko pra maka-ahon sa hirap at natupad ko iyon dhil sa sikap,tiyaga at tiwala sa diyos nakapagtapos ako at napagtapos ko lhat ng kapatid ko ng pag-aaral at and2 na ako sa ibang bansa na naninirahan,Wlang imposible sa diyos basta may tiwala ka sa knya at sa sarili mo na gaano man kataas ang pangarap maabot mo din dhil sa iyong sikap,kaya sayo lilit mag-aral kang mabuti pra maabut mo lhat ng pangarap mo.
Ms. Kara😁😁😁😁😁. Halos maubos ko na po ang mga documentaries ninyo. Magandang panoorin kahit na ulit - ulitin ko pa at hindi nakakasawa😁😁😁😁😁. Ang daming moral lesson na makukuha.
Halatang mbait c lilit at mgalang, sna maabot nya pngarap nya❤️salute sau ms kara at lilit💞💞💞
Si Ms. Kara talaga ang all time fave ko pagdating sa documentary😊
Ang galing nyo po misss Kara..ako po Ang inyong tagahanga sa documentary nyo
Yan ang May mgandang future !!! Bata palang Batak na kaya Hindi yan susuko sa hamon ng buhay ! Yan dapat tularan ng mga anak natin ♥️♥️♥️
Miss Kara.. Idol na Idol kita.. hanga ako sa mga Docu mo!!
Wala ka talagang kapantay pag dating sa documentary madam kara david sana mabigyang pansin ng gobyerno ang mga batang yan,,, mabuhay ka madam,,
Ayoko ko manood ng Documentary pag Hindi si Mis Kara David ang Gumawa..
iba pag si mis kara david ang Gumawa ng Documentary Ramdam mo at Tagos talaga sa Puso ❤️❤️
Sna mapanuod to ng Ibang Bata at maging inspired sila sa kwento na ito..nakakabilib tlga pag may gantong mga Bata. Na mrunong na mghanap buhay..
Napakaganda ng documentary mo Ms Kara David, you are the best!
Kay bait na bata,marunong magmalasakit sa magulang,God bless you Ineng🙏
Lilit is a very beautiful child with a pure soul and heart! God bless you, kiddo!
idol ka talaga ms. kara david ayaw man natin makakita ng batang nagbabanat ng buto sa murang edad pero wala tayong magagawa kung hindi ipagdasal ang mga bata balang araw makamit nila ang kanilang pangarap.
Gustong gusto ko tlaga ang mga salitang ginagamit ni Ms. Kara may kurot sa puso.
Naiiyak ako nung wala syang color. Ang anak ko gsto lagi bago kaya sinasabi ko sa knya napaka swerte nya kasi may mga ganitong bata na walang wala tlga
Mabuhay ka mang danilo..❤
Wag mo po pabayaan ang mga pamilyang umaasa sa pagkakalis ng tahong at talaba❤❤❤