Maliwanag ang langit, malamig ang gabi Maingay ang paligid at nagkalat ang mga lasing at sige, aaminin ko Ako man ay nakainom din Pero wag mo sanang iisipin Na mayroon akong mga bagahe Na plano kong lunurin sa mga bote ng alak na nainom ko, at plano pang inumin Hindi ako nandito para magbaon ng mga bangkay Hindi ako nandito para magtapal ng mga sugat Nandito ako, dahil nandito ako, Buhay At nais pang mabuhay Hindi ginawa ang mga paang ito, para lang lumapit sayo Simple lang naman ang gusto ko sa simula nito Ang gusto ko lang, ay isang gabi Kung kailan makita ko'ng magliwanag ang mundo Sa kabila ng kadiliman na bumabalot dito Ang buwan, sabi saakin ay isang kakampi Ang sabi ng mga bituin, Hinding hindi ako magkakamali PERO NAKITA KITA Sa isang sulok, sumasayaw Ilang hakbang lang mula saakin pero parating tinatanaw Na akala mo ba? ikaw rin, ay isang bituin sa langit na kaya akong sunugin Kapag ako, ay mas lumapit, at sandali, teka lang Tayo nga ay magkalinawan Hindi ako malungkot lang Na naghahanap ng bagong posteng makakapitan Hindi ako naghahanap lang ng panibagong aalagaan Ang saakin lang, Nandyan ka At Nandito ako At wala akong sinasabing pag-ibig Wala akong pinapangakong "Walang Hanggan" sayo Ang saakin lang Hindi tayo magkakilala Pero malamig ang gabi, at pareho tayong bato Na kung magkabangga ay pusibleng magliyab ng husto At sino ako, para tumanggi sa apoy Uulitin ko, Wala akong sinasabing pag-ibig Wala akong pinapangakong "Tanging ikaw" Ang saakin lang, hindi tayo magkakilala At walang dalang katiyakan ang paparating na araw Pero maliwanag ang langit, At saatin naka tapat ang ilaw At sino ako?, Para tumanggi sa kaunting kislap Sino tayo?, Para tumanggi sa pusibleng hinaharap Pinto kang bukas, At nangangatog akong paslit sa ilalim ng buwan Kaya't isipin mo, Hindi kaya ito ang totoong pagkakamali? Hindi kaya ito ang mas malaking kasalanan? Pareho tayong mag-isa, Sa ganito kagandang gabi At kailangan ko ang iyong pangalan ❤❤
Maliwanag ang langit, malamig ang gabi
Maingay ang paligid at nagkalat ang mga lasing
at sige, aaminin ko
Ako man ay nakainom din
Pero wag mo sanang iisipin
Na mayroon akong mga bagahe
Na plano kong lunurin sa mga bote ng alak
na nainom ko, at plano pang inumin
Hindi ako nandito para magbaon ng mga bangkay
Hindi ako nandito para magtapal ng mga sugat
Nandito ako, dahil nandito ako,
Buhay
At nais pang mabuhay
Hindi ginawa ang mga paang ito,
para lang lumapit sayo
Simple lang naman ang gusto ko
sa simula nito
Ang gusto ko lang, ay isang gabi
Kung kailan makita ko'ng magliwanag ang mundo
Sa kabila ng kadiliman na bumabalot dito
Ang buwan, sabi saakin
ay isang kakampi
Ang sabi ng mga bituin,
Hinding hindi ako magkakamali
PERO NAKITA KITA
Sa isang sulok, sumasayaw
Ilang hakbang lang mula saakin
pero parating tinatanaw
Na akala mo ba? ikaw rin,
ay isang bituin sa langit
na kaya akong sunugin
Kapag ako, ay mas lumapit,
at sandali, teka lang
Tayo nga ay magkalinawan
Hindi ako malungkot lang
Na naghahanap ng bagong posteng makakapitan
Hindi ako naghahanap lang ng panibagong aalagaan
Ang saakin lang,
Nandyan ka
At Nandito ako
At wala akong sinasabing pag-ibig
Wala akong pinapangakong
"Walang Hanggan" sayo
Ang saakin lang
Hindi tayo magkakilala
Pero malamig ang gabi, at pareho tayong bato
Na kung magkabangga ay pusibleng magliyab ng husto
At sino ako, para tumanggi sa apoy
Uulitin ko,
Wala akong sinasabing pag-ibig
Wala akong pinapangakong "Tanging ikaw"
Ang saakin lang, hindi tayo magkakilala
At walang dalang katiyakan ang paparating na araw
Pero maliwanag ang langit,
At saatin naka tapat ang ilaw
At sino ako?,
Para tumanggi sa kaunting kislap
Sino tayo?,
Para tumanggi sa pusibleng hinaharap
Pinto kang bukas,
At nangangatog akong paslit sa ilalim ng buwan
Kaya't isipin mo,
Hindi kaya ito ang totoong pagkakamali?
Hindi kaya ito ang mas malaking kasalanan?
Pareho tayong mag-isa,
Sa ganito kagandang gabi
At kailangan ko ang iyong pangalan ❤❤
di ginawa ang mga paang ito para lang lumapit sayo :(
MOREEEEEEE I LUV U
idol !! 😍😍😍
Tinidor??? Lalaki???
whaaaat! 2020 ko na nafigure out! wAaaah
Confirm...
onga no!