sir alam mo antagal ko na printing pero ngayun ko lang nlaman to.sobrang saya ko nag tyaga ako sa malabong print ng ilang tao more more blessings po sayo sir thank you very much😘😘😘😘😘😘😘😘
Sir orly tulong po uli . Bakit po ganito.. Ibang size ang actual print sa tarp machine . Kaya tuloy d xia nag ka cut sa sign master. Example 11 inches Ang cutter plotter pero ang actual print Hindi aabot sa 10 inches .
sir, next topic po sana about sa LED Light na nakakabit sa printer nyo. Napansin ko kasi, kitang-kita yung piniprint kasi maliwanag eh.. Yung printer ko kasi walang ilaw. Saan ba nakakabili ng LED light na compatible sa printer at saan po icoConnect? Thanks po :D
Good Evening Sir! Ask ko lang po sana kung na-encounter nyo na po ba na yung buga ng head while printing eh nag-smudge po? Ganun po kasi ang nangyayari ngayon sa machine ko and baka po matulungan nyo ako kung papaano po ba maayos o mawala po ang pag-smudge po habang nagpi-print. Thank you po! God Bless!
Tingnan mo ang ilalim ng head baka may mga himulmul. Kung wala, patingnan mo rin ang distance ng head sa tarp pag nagpipirint. Baka bumaba na. Kung ok naman, patingnan mo sa tech yung voltage ng head baka hindi tama. O kaya baka may problem ang ink na ginagamit mo.
Boss newbee lng .. Advice kasi ng tech ko is lm 2 pass sa taas and 4 pass sa baba.. And pag jniba ko setting sa taas nagiiba din ang print at hindi naman po nag aautomatic nagijba setting sa baba pag iniba kp sa taas
hello po ,may tips po ba kayo kung pano maiiwasan yung pang fofold konti ng paper sa tarp?? yun kasi probs ko pag nag piprint ako lalo na yung mga 6ft pataas.. nag wriwringkle talaga siya , at nagkakaline yung pag print..
Hi sir orly very imformative ang video nyo , hopefully more subs pa para sa inyo. Sir same ink lang din po ba gamit nyo for sticker and tarp? Thanks po in advance
Ok po sir.. sir question pa po, ano po kaya ang problema nung machine ko, media po kaya o ink? Kasi sa tuwing mag priprint ako ng food or menu ung itsura ng print parang naglulumot ung mga pagkain dahil sa print po.. ganun din po pag may shadow ung picture ng tao na ipriprint ko parang kumakalat po ung kulay black. Paano kaya solusyon nun sir?
Sir Orly, ask ko lang po paano maachieve ang same color ng nasa soft file ng picture sa print ng sticker. Ano po kaya ang best na settings? Salamat po boss!
Kuya Orly ano kaya problem kapag grainy or noisy ang print output sa vinyl sticker at photo paper? Brand new po mga media papers. Installed printer po ba kasama ng resolution kung saan may 2 to 8 pass? Glitter Epson ges1617 printer at DX7-ECO (coded) yung installed samin.
Kung gumagamit ka naman ng 6 or 8 pass, bago ang media, ok naman ang calibration ng machine, dx7 pa yan (dapat maganda ang output), baka nasa design mo na ang problem. gamit ng corel or illustrator. save sa 300 resolution.
Regustration mark settings po ang key dyan. design sa cameo with registration marks. then print sa large format. then cut sa cameo. But it does not always work well. Hit and miss ka muna dyan until makuha mo.
Sa tech specs ng mga large format recommended ang heater kahit sa tarpaulin. Mas maganda naka on ang heater para matuyo agad. 6-pass ng ink kasi kalimitan na ginagamit natin sa sticker kaya maraming ink. Pero maraming hindi na rin gumagamit ng heater. Gaya ko, hindi na ako gumagamit nyan. Ingat lang talaga sa paghawak ng media.
Gud day sir.okey Po ba ung gumawa ng printer Namin ng uniform.na 4 best nila ginawa bawat cngil nila 49k palit head at flex ribbon.ndi nmn nila iwan ung pinag palitan KC pakita daw sa opis nila.halos 6months cra nmn naka 200k na cla ka gagawa .thx
anong makina yan? bakit ang mahal ng head? DX 7 ba? hindi ok yung ganun. dapat iniiwan ang parts na pinalitan. Pwede kayong magreklamo sa head office nila. dapat may proof kayo. tawagan nyo head office ng mga iyan.
Sa printable vinyl Hindi per square inch ang bigay ko. 2ftx3ft lagi ang minimum ko. 450 ang print. Kapag decal .60 per color. Kung isang kulay lang yung 3x3, malamang 5 pesos and 40 centavos lang
Sir idol matanong ko lang po, ilang dpi or resolution po dapat ang logo pag ipprint na sa sticker.. Di ba po pag sa tarpaulin is 72 dpi..ano naman po pag sa nga stickers na?.. Maraming salamat po 😊
trial and error yan sir. adjustment sa settings - intensity ng buga at percentage ng ink na inilalabas. ano ng kulay na masyadong matapang babawasan mo ang lakas ng buga nyan.
Ga galang galang po, magandang hapon po Sir Bka pwd nman po maka hingi ng tips sayo anong printer head na ka tumbas mag print ng bagong epson f6330 na sublimation. Sir orly sana po ma sagot mo aq yoong quality na printer head talaga.
@@OrlyUmali227 aww mukang alam ko napo pag mga ganyang sagot... pero yung printer niyo sa bahay niyo dun sa ibang videos nyo ano po brand ng printer niyo?
Kuya.. good day po... magkaiba po ba ang paraan ng pagprint ng sticker sa glossy, matte at transparent? kasi maganda po ang kinalabasan ng print sa glossy sticker po pero nung sa matte po, blur po yung output nya, yung mga maliliit na detalye ay faded na po
sir, ano pong pinag kaiba ng UNI sa Bi Direction? sa printer ko po kasi naka default BI driection eh may factor po ba un sa result ng printing? thanks po
Sir may tanong ako almost 6years na po yong DX5 printer namin nakatwice na palit palang ng head, pero ang problema may smodge ang print out niya akala ko sa head yon pero nong pinalitan na yong head meron parin, wala ding kongkretong sagot yong mga technician. Kayo sir na experience niyo narin ang smodge printout?
@@Mik3j4y yun lang ahahaha. di ko kabisado rip software mo... isang possible solusyon lang yun. Tungnan mo rin distance ng head sa media baka bumaba na.. kaya sumayad n ang ink.
Hi po. Meron po kami problema sa sticker printing. May fingerprint marks sa print lalo na kapag full color. Ano po masusuggest nyo na pwede gawin? Or paano po mag tanggal ng finger print marks?
@@anomnombeluga malinis na basahan lang. Kapag nakalagay na sa machine. Punasan sa platen. Then forward para bumaba ang sticker. Punas uli hanggang mga 2 ft lang ok na
Yung Size, depende sa yo. Bumibili ako sa Kelin Graphics. 3500 isang rolyo ng 4.5 ft x 164 ft na sticker. Kapag konti lang ang kailangan ko, Quaff binibili ko. yung 2ft x 25 ft lang. 500 pesos lang yun or 550 sa odeon. Meron Nabibili nyan 12 inches lang by 10 ft sa odeon din.
@@OrlyUmali227 Marami pong salamat sir, meron po kc akong printer na epson L1800 up to a3+ po kc ang pwede iprint, kaya ang balak ko sana bumili ng ganiang nka roll at i-cut ko na lang sa 13x19, kasi po more on photo printing kami na naka frame. possible po ba yung iniisip ko? wala po kasing mabilang 13x19 na satin paper. im using pigment ink sa mga Print & frames po namin. nasa wedding industry po kc kami.
Na encounter mo ba pag turn on pa lang ng printer? Kapag sa umpisa pa lang may cart error ka na, malamang may problem ang sensor mo (kulay itim yun na rectangle malapit sa head board). Pero kung gumagana naman sa umpisa, lahat okay at nakakaprint ka naman and then biglang nagkakaroon ng cart error (kalimitan pagkatapos magprint at mag papark na ang head carriage), malamang hindi aligned ang capping ng ink o kaya may problem ang capping sensor. I pa check mo bro sa tech. medyo technical ang problem.
Opo. Pero, na encounter mo ba pag turn on pa lang ng printer? Kapag sa umpisa pa lang may cart error ka na, malamang may problem ang sensor mo (kulay itim yun na rectangle malapit sa head board). Pero kung gumagana naman sa umpisa, lahat okay at nakakaprint ka naman and then biglang nagkakaroon ng cart error (kalimitan pagkatapos magprint at mag papark na ang head carriage), malamang hindi aligned ang capping ng ink o kaya may problem ang capping sensor. I pa check mo bro sa tech. medyo technical ang problem.
hello po Sir Orly.. newbie in the printing business po... dx11 po ung printer namin at dahil bago pa lang, di pa namin kabisado ang mga features nito lalong lalo na ung pag adjust ng output ng lay out... paturo na rin po kami kung paano mag adjust ng ink intensity for tarpaulin printing po... salamat po
BI ibig sabihin bi-directional.pagdaan ng ink pakaliwa magbubuga. Pagbalik buga ulit. Sa tarp printing lagi ginagamit. Pag UNI - isang direction lang buga ng ink. Kung pakaliwa, yun lang. Pagbalik wlang buga. Sa sticker ginagamit para di kumalat ang ink
From the word itself po na BI it means two or twice, so ibig sabihin papunta pabalik may buga siya. Yong UNI naman ibig sabihin ONE, isa lang, isang buga lang papunta lang yong may buga.
Hinahanap mo siguro paano ang interfacing ng tarp machine at ng plotter. Hayaan mo sir. Busy lang po sa work ahahaha. Pasukan na naman sa school. Pero pag nakahanap ng oras na maluwag try natin.
Design sa corel. Lagyan ng registration. Save as printable format. Huwag iclose ang corel. Print sa tarp printer. Salang sa plotter. Follow registration marks. Then cut.
sir alam mo antagal ko na printing pero ngayun ko lang nlaman to.sobrang saya ko nag tyaga ako sa malabong print ng ilang tao more more blessings po sayo sir thank you very much😘😘😘😘😘😘😘😘
@@RosalieArtazo-f2x maraming salamat po.
Ayos pala Yan. Ganda ng mga features Ng software. Parang Photoshop Ang itsura niya.
Yun ang nagpapagana ng Tarpaulin printer.
Sa DX5 na gamit namin dalawang software gamit namin, yong una pang convert yong pangalawa yong na yong magpriprint.
@@Mik3j4y pwede po 1 head lang sa sticker?
Ang galing. Andami ko agad natutunan.
Salamat po. Ayos Ang output. Galing naman.
Salamat din bro.
idol Kuya orly! dami ulit natutunan sa video mo. salamat kuya!
Stay connected. Keep on watching. Salamat sa suporta.
Ang gandan po ganyan din po Ang ginagawa kung trabaho
Galing naman🤩
Uy, Christian. Salamat.
thank you for the knowledge /tips sir.
Sir salamat po sa tutorial video...laking tulong po..
Salamat din sa topic Marilouver.
May bago akong upload na video mamaya lalabas. Baka makatulong din. Tungkol sa mga piyesa na karaniwang nasisira agad.
Sir orly tulong po uli .
Bakit po ganito..
Ibang size ang actual print sa tarp machine .
Kaya tuloy d xia nag ka cut sa sign master.
Example 11 inches Ang cutter plotter pero ang actual print Hindi aabot sa 10 inches .
@@marilouverdumanacal5333 magkaiba siguro ang resolution. Kung 300 sa signmaster dapat 300 din sa printer.
Tama si sir orly it should be the same resolution po
Kuya orly sana may video din po kayo Ng printing Ng sticker then cut sa cuyi cutter plotter
Next vlog sir ung magandang cutter plotter para sa mga maraming stickers.
tingnan natin sir. pang 17 topic na
sir, next topic po sana about sa LED Light na nakakabit sa printer nyo. Napansin ko kasi, kitang-kita yung piniprint kasi maliwanag eh.. Yung printer ko kasi walang ilaw. Saan ba nakakabili ng LED light na compatible sa printer at saan po icoConnect? Thanks po :D
Good day sir! Kumusta po head dx11? Ilang months po kayo magpalit? Aabot po ba ng year(s) ang life ng print head?
Yung unang unang head ko umabot ng 1 year and 2 months. Yung mga sumunod 6 months. Minsan may 8 months.
Ang laki pala niyan. Hehe.
Mahal ang rolyo ka agutayno hehehe
Sir any tips po para maiwasan ang pag popolbo sa printing? Same din po tayo nang machine
Anong ibig mong sabihin ng pagpopolbo bro?
Good Evening Sir! Ask ko lang po sana kung na-encounter nyo na po ba na yung buga ng head while printing eh nag-smudge po? Ganun po kasi ang nangyayari ngayon sa machine ko and baka po matulungan nyo ako kung papaano po ba maayos o mawala po ang pag-smudge po habang nagpi-print. Thank you po! God Bless!
Tingnan mo ang ilalim ng head baka may mga himulmul.
Kung wala, patingnan mo rin ang distance ng head sa tarp pag nagpipirint. Baka bumaba na.
Kung ok naman, patingnan mo sa tech yung voltage ng head baka hindi tama.
O kaya baka may problem ang ink na ginagamit mo.
Boss newbee lng .. Advice kasi ng tech ko is lm 2 pass sa taas and 4 pass sa baba..
And pag jniba ko setting sa taas nagiiba din ang print at hindi naman po nag aautomatic nagijba setting sa baba pag iniba kp sa taas
Bakit magkaiba ng passes?0
hello po ,may tips po ba kayo kung pano maiiwasan yung pang fofold konti ng paper sa tarp?? yun kasi probs ko pag nag piprint ako lalo na yung mga 6ft pataas.. nag wriwringkle talaga siya , at nagkakaline yung pag print..
Ipaayos mo yung maliliit na roller pins. Malamang may mahigpit or may maluwag. Hindi balanse ang pagikot.
sir ok ba yung zoomjet printer? 6ft para sa sublimation?
Ok lang yan
thanks ulit Sir
Arkitek salamat. Kumusta business
Kuya orly ano po gamit nyong material dto? Pasabi naman po ng details yung sticker roll po minimean ko
Printable na glossy vinyl sticker. Sofi ang brand
Morning Sir, Pwede rin ba gamitin ang pag print ng calendar gamit ang tarpuline printer?
Kapag papel gagamitin mo ahahaha mahihirapan ka.
Sir anu gamit nyo na sticker matt po ba or glossy?
Pareho
Thank you po Sir sa information.
Pwede po ba kahit 1 head lang po printer?
One color lang po ang sticker.
Dx5 po ang head
Ok lang naman. No problem yan
@@OrlyUmali227 thank you po. Very informative contents niyo po. More power and stay safe
@@OrlyUmali227 okay po ba ang sofie brand pang sticker?
@@paulineecalnir1175 ok na ok po. Nagamit ko na po yan
Hi sir orly very imformative ang video nyo , hopefully more subs pa para sa inyo. Sir same ink lang din po ba gamit nyo for sticker and tarp? Thanks po in advance
Pareho lang ang ink na ginagamit ko BikelaneTV. Ecosolvent. Salamat po.
Pede po ba mag dtf print sa tarpaulin printer?
Hi Justin, hindi pwede eh. Iba ang makina para dyan at iba rin ang ink.
Usual issues encountered nad solution next vlog sir 😁
Try natin. Medyo loaded ako ngayon hehehe
Sir pwede po pa recommend po ng store for tarpaulin and sticker printer
@@artyanga299 Look for Fedora Shu sa Facebook
Hello sir tip nman po kung saan mganda bumili ng tarp printer.. and ano po brand mganda
May naoagtanungan ka na ba? Personally, mas preferred ko ang touch art
Hello po… magkaiba po ba dapat ang Pass pag sa tarpaulin media at sticker media?
Pati direction po. Bidirectional printing sa tarp. Unidirectional sa sticker. Regarding sa ink passes, Sa akin po, 6 or 8 pass pag tarpaulin.
Ok po sir.. sir question pa po, ano po kaya ang problema nung machine ko, media po kaya o ink? Kasi sa tuwing mag priprint ako ng food or menu ung itsura ng print parang naglulumot ung mga pagkain dahil sa print po.. ganun din po pag may shadow ung picture ng tao na ipriprint ko parang kumakalat po ung kulay black. Paano kaya solusyon nun sir?
@@khimmyvlogs7238 hindi kita mabigyan ng eksaktong sagot. Di ko mavisualize ang problem
Sir Orly, paano po kung walang setting na Uni-dir at Bi-dir sa tarp machine? Okay lang po ba na bi-dir ang gamitin?
Pauline, lahat ng large format printer merong uni-directional at bi-directional printing.
Hindi po ba nagfafade ang color after a year gawin po sana namin sticker para sa mga sasakyan
Lagyan ng topcoat or cold laminate
Sir Orly, ask ko lang kung iisang pc lang gamit nyo sa pag print ng sticker at pag cut.
Dalawa. Yung isang PC kasi dedicated sa Large format printer. Yung isa, ginagamit sa Design.
Sir Orly, ask ko lang po paano maachieve ang same color ng nasa soft file ng picture sa print ng sticker. Ano po kaya ang best na settings? Salamat po boss!
1. Try mo magdesign using cmyk color mode.
2. Gumamit ka ng cmyk color chart para makita mo ano ang values ng colors mo
Ayos!
Oy Aldy, kumusta na ahahaha
Hello Sir, anong brand ang ginamit ninyo sa sticker? Xjet ba yan or ano po ang maganda para sa DX11. Salamat.
Minsan sofie vinyl sticker, minsan quaff vinyl printable, depende kung ano ang available
@@OrlyUmali227 Maraming salamat sir.
Sir anong brand magandang sticker para sa ganyan na eco solvent? Thank you po sa sagot
3M na printable
Kuya Orly ano kaya problem kapag grainy or noisy ang print output sa vinyl sticker at photo paper? Brand new po mga media papers. Installed printer po ba kasama ng resolution kung saan may 2 to 8 pass? Glitter Epson ges1617 printer at DX7-ECO (coded) yung installed samin.
Kung gumagamit ka naman ng 6 or 8 pass, bago ang media, ok naman ang calibration ng machine, dx7 pa yan (dapat maganda ang output), baka nasa design mo na ang problem. gamit ng corel or illustrator. save sa 300 resolution.
@@OrlyUmali227 Naka 300 dpi po ako kuya orly, high resolution and vectors po. Sorry hindi ko naidagdag sa details. Paano kaya yun? Software po kaya?
@@flamingo926 ipa calibrate mo ang makina.
@@OrlyUmali227 Sige po, thank you so much.
hello po Kuya Orly! Tanong ko lang po, ilang pass ang magandang set up for Block out po?
6 pass ang ginagawa ko brother
@@OrlyUmali227 thank u po... di na po ba kailangang iadjust ang ink sa machine po? single head lang ung machine ko po
Kuya orly ok lng po kya n ang iaavail ko n tarpaulin machine ay ang brand ay yenghi,,slamat poh kuya orly!
Nasa alaga at gamit naman natin yan. Ok lang kahit anong brand
Hello po paano po pag sa large printer magprint ng sticker tapos icucut po sa cameo 4?
Regustration mark settings po ang key dyan. design sa cameo with registration marks. then print sa large format. then cut sa cameo. But it does not always work well. Hit and miss ka muna dyan until makuha mo.
Pwede p ba cuyi mini pang cut
Cutter din naman yan. Ewan lang kung pwede ang interfacing nyan sa large format printer
ser ano po magandang media for sticker large format printing? salamat po. XP600/DX11 user po
kalimitan ginagamit ko lang Sofia, 3m at Cuyi.
sir ano po yung size sa maintop if 3ft lang na sticker ang pprintan po? salamat po
3ft = 36 inches
Sir Orly requirement po ba talaga naka ON ang heater pag nagpiprint ng sticker?
Sa tech specs ng mga large format recommended ang heater kahit sa tarpaulin. Mas maganda naka on ang heater para matuyo agad. 6-pass ng ink kasi kalimitan na ginagamit natin sa sticker kaya maraming ink. Pero maraming hindi na rin gumagamit ng heater. Gaya ko, hindi na ako gumagamit nyan. Ingat lang talaga sa paghawak ng media.
Sir tanong ko lang. .madali bang ma sisira ang head kapag nka 2pass kalang. .magada kase pag 2 paa mo lang lalo na pagnagmamadali ka
Sa mga printhead ng minolta 512i, ok lang. Sa mga epson na printhead, madali ang buhay kapag two passes.
Kuya orly ilang GSM po dpat ang gmit sa mga stickers?
Depende sa client mo yan. Kung gusto nya manipis or makapal.
mag post kapa sir nang mga videos tungkol sa tarpaulin. Salamat!
Hayaan mo po. Pagkatapos ng semester. Busy lang sa pagtuturo at paggawa ng grades
Anung magandang ink ng dx11 ...xp600 na head
ano ba yang machine mo? sublimation or eco-solvent? Anyway, mas maganda pa rin lagi ang recommended ng supplier ng machine mo.
Sir ano mas okay na head, dx11 or i3200?
i3200 po. mas mahal lang.
Gud day sir.okey Po ba ung gumawa ng printer Namin ng uniform.na 4 best nila ginawa bawat cngil nila 49k palit head at flex ribbon.ndi nmn nila iwan ung pinag palitan KC pakita daw sa opis nila.halos 6months cra nmn naka 200k na cla ka gagawa .thx
anong makina yan? bakit ang mahal ng head? DX 7 ba? hindi ok yung ganun. dapat iniiwan ang parts na pinalitan. Pwede kayong magreklamo sa head office nila. dapat may proof kayo. tawagan nyo head office ng mga iyan.
Sir mag start palang po ako for sticker printing magkano po standard costing ng 3x3 inches po?
Sa printable vinyl Hindi per square inch ang bigay ko. 2ftx3ft lagi ang minimum ko. 450 ang print.
Kapag decal .60 per color. Kung isang kulay lang yung 3x3, malamang 5 pesos and 40 centavos lang
Di ba merong diretsong cut na din?
Meron po. Interfacing sa cutter plotter. Meron ding printer na meron ng cutter like roland and mimaki
Sir idol matanong ko lang po, ilang dpi or resolution po dapat ang logo pag ipprint na sa sticker.. Di ba po pag sa tarpaulin is 72 dpi..ano naman po pag sa nga stickers na?.. Maraming salamat po 😊
kung kaya ng RIP Software ng machine mo, gawin mong 300. Wala namang problem kahit tarp pwede naman 300 kaso ang laki ng file. gapang ang rendering.
Boss ano po ba tamang timpla ng ink? Maxado kac dark ang pic ng tao sa akin. Pa help naman po
Anong print head mo sir. At ilang noozles
trial and error yan sir. adjustment sa settings - intensity ng buga at percentage ng ink na inilalabas. ano ng kulay na masyadong matapang babawasan mo ang lakas ng buga nyan.
👍👍👍
Baka pwd po maka recommend kayo na sublimation machine quality po na medjo ranging lang ang price
Locor sir na sublimation printer at dx11 ang head mura lang at maganda
@@OrlyUmali227 ano po tindahan kaya nag bebenta ng locor machine andito sa Mindanao sir orly
Ga galang galang po, magandang hapon po Sir Bka pwd nman po maka hingi ng tips sayo anong printer head na ka tumbas mag print ng bagong epson f6330 na sublimation. Sir orly sana po ma sagot mo aq yoong quality na printer head talaga.
@@giancarlogarcia7325 meron naman na head i3200 yan maganda para sa sublimation. Pero mas mahal sa dx11 mas mura naman sa epson
Sir thank you po talaga ha.
Sir pwede po ba magamit tarpaulin printer kahit walang aircon?
Pwede. Mabilis lang buhay ng head
Pano nmn po sir pag icut mona xa? Diba meron po machine oang cut po?
Meron po. Cutter plotter po ang kailangan
👏👏
Sir Orly tanong ko lang po.. Ano sticker ang ginamit mo?
Order sa touchart
ano klase sticker ang ginamit mo Sir?
@@OrlyUmali227
@@elaijahsamson order sa touchart yan
sticker po ng touchart
Anong klase nga sir orly, mag ekonomy po yan at iba ibang klasing sticker... economy po bah yan ang sa inyu??
Glitter touch art po pala machine ng utol niyo, ok po ba after sales nila?
No comment Victor ahahahha
@@OrlyUmali227 aww mukang alam ko napo pag mga ganyang sagot... pero yung printer niyo sa bahay niyo dun sa ibang videos nyo ano po brand ng printer niyo?
Letop ang brand.
@@OrlyUmali227 ah now ko lng po narinig letop na brand.. ok naman pp ba ya yang letop?sino po supplier nian and ok po after sales?
@@jackmauleon sorry victor, hindi ko pwedeng banggitin dito ang name ng walang kwentang supplier. Iwas demanda ahahaha
sir matanong ko lang ano problema pag nag "overflow print width"?
Yung image mo mas malaki sa nakaset na lapad ng print.
Kuya.. good day po... magkaiba po ba ang paraan ng pagprint ng sticker sa glossy, matte at transparent? kasi maganda po ang kinalabasan ng print sa glossy sticker po pero nung sa matte po, blur po yung output nya, yung mga maliliit na detalye ay faded na po
Exceed po yung tarpaulin machine namin...
Pareho lang. sa matte, try mo mas mataas na resolution at passes ng ink. or instead na 8 or 6 passes try mo sa 4. one direction only.
@@OrlyUmali227 cge2x po try po namin...🙂 thank you po...
Sir magandang Buhay mag purchase po ako ng 1st large format machine ko ok po ba Ang brand na MIMAGE??
Ok lang naman. Pili ka ng head na maganda. i3200
@@OrlyUmali227 salamat po mabuhay po kayo making tulong po itong channel mo tlga God bless po
sir, ano pong pinag kaiba ng UNI sa Bi Direction? sa printer ko po kasi naka default BI driection eh may factor po ba un sa result ng printing? thanks po
Uni Dir - one direction printing. Normally applied sa stickers.
Bi Dir - Bi directional printing. Pang tarp mostly. Default ng mga large format
salamat po sir, masubukan nga bukas sa printing. more power po@@OrlyUmali227
Sir ok ba ang Locor na brand head nya is i3200 na?
Ok na ok yan sir....
Sa printhead lagi nagkakatalo. i3200 latest tech sa print technology.
Sir may tanong ako almost 6years na po yong DX5 printer namin nakatwice na palit palang ng head, pero ang problema may smodge ang print out niya akala ko sa head yon pero nong pinalitan na yong head meron parin, wala ding kongkretong sagot yong mga technician. Kayo sir na experience niyo narin ang smodge printout?
Voltage adjustment sa head sir. Saang lugar ka ba? May irerecommend akong technician kung malapit ka lang.
or masyadong mababa or mataas ang distance ng head sa media.
@@OrlyUmali227 san pwede iadjust yong sir? PrintExp kasi yong software na gamit namin
@@Mik3j4y yun lang ahahaha. di ko kabisado rip software mo... isang possible solusyon lang yun. Tungnan mo rin distance ng head sa media baka bumaba na.. kaya sumayad n ang ink.
@@Mik3j4y yang problem na yan professional tech na kailangan mo
Sir dx7 po head namin paano po kaya magprint ng sobra liit po na texts kasi parang kalat po
Gaano ba kaliit hehehe. Baka naman sobrang liit na. Kung sumasabog na, Ipacalibrate mo sa tech bro.
Idol sa Sublimation po ba ano settings po maganda?
Sa printing machine ba o sa heatpress?
@@OrlyUmali227 Printing po sir
Kung ano ang default ng machine sir sundin mo. Sa kakilala ko 360 x 720 (4 pass)
Sa ink
C 80
M 80
Y 80
K 85
Anung tarpaulin printer po gamit nyu sir?
Merong dx11 na head. Merong konica na head
Paano po icut pg na print na sir manual po ba kasama pag laminate
Yung cutter mo may kasamang software dapat yan para sa cutting.
Baka po pwede magpa mentor planning to have tarp at tshirt printing idol
@@motomood38 Anytime na may tanong ok lang. Kapag available eh di sagutin ko. Meron kasi akong trabaho. I teach also in college.
Good day po Idol. Pwede po ba makahingi ng copy ng Vinyl driver po para sa XP600? tulad po ng nasa video?
Wala po akong driver nyan sir. Kung sino man supplier ng machine mo sir, may driver ng machne yan.
Morning po
Print and cut sir gawa ka video
Hi po. Meron po kami problema sa sticker printing. May fingerprint marks sa print lalo na kapag full color. Ano po masusuggest nyo na pwede gawin? Or paano po mag tanggal ng finger print marks?
sa handling yan ng mga tao. Naranasan ko na rin yan ahahahaha. Pinupunasan ko muna ang sticker bago magprint.
@@OrlyUmali227 pano mo po pinapunasan?
@@anomnombeluga malinis na basahan lang. Kapag nakalagay na sa machine. Punasan sa platen. Then forward para bumaba ang sticker. Punas uli hanggang mga 2 ft lang ok na
@@anomnombeluga Sa handling, gumamit lagi ng gloves.
@@anomnombeluga oily ang mga kamay natin minsan. Tapos hahawakan natin ang media, babakat talaga
Paano po bagalan ang speed ng printing sa makina ko? Im using ATools sa pagconnect sa printer then Maintop dtp 5.3b2
Yung sa akin sa machine mismo ang adjustment ko. May menu sa loob na pwede kong piliin either speed 1 or spees 2. Speed 2 ang mabagal.
Hindi ako sa software nag aadjust
@@OrlyUmali227 check po bukas mga settings sa akin
👌🏽👌🏽👌🏽
sir pag mataas ang resolution ng picture d nababasa ng maintop na notice ko po
Isave mo na lang sa mababa. Try mo 150 ppi.
Hi sir, ask lang po nasa magkano po sa supplier amg satin Sticker roll? ano po ang minimum sukat? Salamat po
Yung Size, depende sa yo. Bumibili ako sa Kelin Graphics. 3500 isang rolyo ng 4.5 ft x 164 ft na sticker. Kapag konti lang ang kailangan ko, Quaff binibili ko. yung 2ft x 25 ft lang. 500 pesos lang yun or 550 sa odeon. Meron Nabibili nyan 12 inches lang by 10 ft sa odeon din.
@@OrlyUmali227 Marami pong salamat sir, meron po kc akong printer na epson L1800 up to a3+ po kc ang pwede iprint, kaya ang balak ko sana bumili ng ganiang nka roll at i-cut ko na lang sa 13x19, kasi po more on photo printing kami na naka frame. possible po ba yung iniisip ko? wala po kasing mabilang 13x19 na satin paper. im using pigment ink sa mga Print & frames po namin. nasa wedding industry po kc kami.
@@johnsonlopez6887 quaff ang bilhin mo na printable sticker.May 20 inches sila na lapad. 550 lang presyo
o kaya meron ang itech na A3 printable sticker. Hindi kumukupas kahit walang laminate.
@@OrlyUmali227 Ok po sir marami pong salamat mabuhay po kayo :-)
Kuya orly ano po software at cutter sa ganyang sticker. Thank you po
Cuyi cutter plotter. DIRECT to corel yan Matthew.
Thank you po kuya nagaaral palang po kasi ako ng ganyan na business 😀
@@mathewborja5624 ok yan. ipagpatuloy lang.
Mga sir, kmusta poh ang amoy ng ecosolvent tarp machine?
Sana poh mapansin at masagot
Hindi matapang. Ok lang naman sa kalusugan
Sir pag cart error ano dapat gawin
Na encounter mo ba pag turn on pa lang ng printer? Kapag sa umpisa pa lang may cart error ka na, malamang may problem ang sensor mo (kulay itim yun na rectangle malapit sa head board). Pero kung gumagana naman sa umpisa, lahat okay at nakakaprint ka naman and then biglang nagkakaroon ng cart error (kalimitan pagkatapos magprint at mag papark na ang head carriage), malamang hindi aligned ang capping ng ink o kaya may problem ang capping sensor. I pa check mo bro sa tech. medyo technical ang problem.
Ok lang pala dx11 pang sticker sir?
Wag lang malilit masyado bro
Yan lang din ginagamit ko lagi sa sticker
Thanks sa input sir. Usually po ba mga ilang months life ng dx11 head nyo?
@@skelg yung unang head umabot ng 16 months. yung mga sumunod 6 months na lang
Thanks po sir. More power
HELLO SIR MAGKANO PO PRICING PAGSTICKER LARGEFORMAT HIRAP PO KASI AKO MAGCOSTING STICKER , SALAMAT PO
Mag minimum ka 2 ft x 3 ft. Ako 350 sa ganyang size
@@OrlyUmali227 ilang piraso yn sir
minimum ko sa ganyan 2 ft x 3 ft ang magagamit. 350 pesos lang bigay ko. pag may cold laminate dagdag 150
Sir Naka encounter na po kyo ng Cart Error? Ska ung initializing ang tagal at mag ha hang po sya. Ska nawawala ung online connection sa host nya.
Opo. Pero, na encounter mo ba pag turn on pa lang ng printer? Kapag sa umpisa pa lang may cart error ka na, malamang may problem ang sensor mo (kulay itim yun na rectangle malapit sa head board). Pero kung gumagana naman sa umpisa, lahat okay at nakakaprint ka naman and then biglang nagkakaroon ng cart error (kalimitan pagkatapos magprint at mag papark na ang head carriage), malamang hindi aligned ang capping ng ink o kaya may problem ang capping sensor. I pa check mo bro sa tech. medyo technical ang problem.
tingnan mo bro kung ok ang alignment ng cap dun sa head.
saan inadjust ang ink instensity kapag maintop
Anong messenger mo sir. I guide kita kung paano. Bastan open mo lang ang Maintop Software at tarpaulin printer mo.
hello po Sir Orly.. newbie in the printing business po... dx11 po ung printer namin at dahil bago pa lang, di pa namin kabisado ang mga features nito lalong lalo na ung pag adjust ng output ng lay out... paturo na rin po kami kung paano mag adjust ng ink intensity for tarpaulin printing po... salamat po
Anu po kina iba sa settings ung BI at UNI?
BI ibig sabihin bi-directional.pagdaan ng ink pakaliwa magbubuga. Pagbalik buga ulit. Sa tarp printing lagi ginagamit. Pag UNI - isang direction lang buga ng ink. Kung pakaliwa, yun lang. Pagbalik wlang buga. Sa sticker ginagamit para di kumalat ang ink
@@OrlyUmali227 thank you po try ko po ganyan settings
From the word itself po na BI it means two or twice, so ibig sabihin papunta pabalik may buga siya.
Yong UNI naman ibig sabihin ONE, isa lang, isang buga lang papunta lang yong may buga.
dx11 or dx7 yn sir?
Dx11
anong head po nyan?
DX 11 po
Sir video ka naman pano ung proceso ng pag print sa sticker from tarpaulin machine at pag cut sa plotter.
Hinahanap mo siguro paano ang interfacing ng tarp machine at ng plotter. Hayaan mo sir. Busy lang po sa work ahahaha. Pasukan na naman sa school. Pero pag nakahanap ng oras na maluwag try natin.
pano nyo icut yan boss?
Design sa corel. Lagyan ng registration. Save as printable format. Huwag iclose ang corel. Print sa tarp printer. Salang sa plotter. Follow registration marks. Then cut.
Uni print sa sticker. Mbagal yan. Not advisable sa rush. Dx5 or mimaki no need i uni direction. Sharp talaga.
Thank you for watching.
Pano po ang pricing ng sticker pag sa ganyan
Hi Matthew, ako minimum ko na dapat maconsume ng client is 2ft x 4ft na sticker. Ang singil ko dyan kung print lang nasa 480
Dati per square inch pero nalulugi lang sa dami ng sayang
Salamat po kuya orly
@@OrlyUmali227 Sir Thanks. Per sq inch pa naman ang balak ko sana..
@@harrqineloxy9884 pwede naman... ako lang kasi nasasayangan pag pakonti konti.
😊😊😊
Akala ko ilalagay lang ang tarp ok na. May ganun pala.
Magkano po presyohan neto
minimum ko sa ganyan 2 ft x 3 ft ang magagamit. 350 pesos lang bigay ko. pag may cold laminate dagdag 150
ok sir pwd magtanong ano po ang fb page niyo
facebook.com/orly.umali.56/
Kuya orly sana may video din po kayo Ng printing Ng sticker then cut sa cuyi cutter plotter
Kuya orly sana may video din po kayo Ng printing Ng sticker then cut sa cuyi cutter plotter