Maraming salamat po attorney sa mga payo mo malaking tulong sa amin nagkaron kmi ng idea pagdating sa mga partihan sa lupa di nawawala mga ganid na kapatid god bless po.
.nku relate ako dyan swapang Yong mga kpated Ng aking papa maging nanay Ng papa ko ayw kmi patirahin dtu sa Lupa nya winawala nyang krapatan Ang aking papa sa Lupa wla dw kmi krapatan mga swapang sa sobrang bait Ng papa ko inaalisan nla Ng krapatan kmi Ang lalaban sa krapatan Ng papa ko ginagawa kming bobo sa batas eh
Thank you so much very informative as always and apt for filipino culture too. If not too much to ask, would be nice kung meron caption/ text for reading what is being said. Wud be helpful para sa katulad my mother with hearing difficulty. Maraming Salamat! God bless!❤️🙏
Hello po Attorney, Thank you very much po sa mga advices mo sa ibaibang vlogs nyo.ang laki po itong tulong sa amin. God bless you and your family. Stay safe always po.
@@BatasPinoyOnline Gud day po attorney. Ako po ay magttanong s inyo f dpat po bng skupin ng isang kapatid ang lupang kinatitirikan ng aming bhay. 24 years n pong nktayo bhay nmin doon. Now patay n po mga mgulang nila, my isa pong anak n ipinasukat ung lupa n sinakop po ung bhay nmin, knya dw po iun asawa q po kpatid nya, winalan po ng rights ang asawa q ay cya p po ang eldest s knilang mgkkpatid. D mn lng po cnabi n ipasusukat nya, sobrang glit s aking asawa wla po akong alam n dhilan n ikagalit nya. Ginawa q po ngpgawa ulit kmi ng bhay s lupa ng parents q n my mana at my binili rin po ako. Ang tanong q po s inyo, dpat po b tlaga n gwin nya iun, at nhingi p po ng rights s asawa q ng pirmahan nya ung mga papers pra mpsaknya ung lupa ng knilng mgulang? Ano po ang mbuti kong gawin upang mbigyn q ng rights ang asawa q? Tama rin po b n sbihin ng asawa q n d cya ppirma at wg ng ipalipat s pngalan nya at umalis n nga po kmi doon at ipinatatanggal q n po ang bhay nmin doon s lupang sinasakop nya. Tama po b iun? Naglilinaw lnG po aq. Tnx so much po and more power. God bless us all po...
Salamat attorney. May tanong pa po ako. Wala po akong alam sa batas dati po syang military. 22 years in the service ang mister ko. 2012 po sya nadischarge. 2016 po namaatay ang mister ko. Inayos ko po ang ang kanyang commutation or leave bal. Kasi sabi po nila kukuhanin ng association. Nag past due po ang mga utang nya. Ang gusto pong mangyari kuhanin lahat nila. Inayos ko po ang papers ng mister ko 2017.natapos ko ng 2019.tapos ngayon po. Kukuhanin nila ang utang ng mister ko.. 10 k lang po ang dapat ipasok sa accont ko. Lahat po ng ginastos ko ay utang.
Maraming salamat po sa agarang pagsagot ninyo. Attorney. Sana pa makausap ko kayo. Taga lipa city po ako.. Baka po pwede makahingi ng no.. Para po makatawag ako.
Kung former military ang mister mo at may pagkakautan siya sa AFPLAI or similar na financing association , maari ngang mahabol ito sa mga benefits na entitled dapat ang members. However, kung hindi makatarungan at confiscatory na ang ginagawa ng association, maari mo itong ilaban sa korte upang mabigyan ka ng hustiya. Kung wala kang kakayahan na kumuha ng private lawyer ay maari kang dumulog sa pinakamalapit na Public Attorney's Office(PAO) sa inyong community for free legal assistance upang mabigyan kayo ang kaakibat na legal guidance at services upang mapangalagaan ang inyong karapatan.
Atty Wong, meron po akong lupa na binili under contract to sell at ipinangalan Ko sa anak ko na 18 years old siya noon, dahil nagkaroon ng kabit ang asawa ko at anak that year. Now 36 years old na ang anak ko at nag asawa na din. . Paano ko po ma convince ang anak ko na ilipat ang titulo sa mga kapatid niya kasama name niya sa titulo. Salamat po
Maraming salamat po atty,,,marami po aq ntutunan sa vlogs nyo,,,ask ko lng po pwede po b mkialam Ang Isang Kapatid sa Kung anong gustong gawin Ng isa png Kapatid s knyang mana?, maraming salamat po
Kung ung magkakapatid ay nagkaroon ng parte ng mga mana, ang ibig sabihin nito, ay siya na ung may-ari ng mana, at bilang may-ari ay mayroon siyang kalayaan kung ano ang gagawin niya sa kanyang parte ng mana. At kung sakali man na ung parte ng mana ay galing sa hindi pa naihiwalay na portion ng lupang namana, karapatan ng bawat isa bilang co-owner at co-heir na mag demand ng physical partition ng kanilang co-ownership at any time ayon sa ating batas.
Salamat po.Kindly spread and share our videos to your friends, kamag anak at mga kababayan natin para magkaroon din sila ng opportunity na matutunan ng mga natalakay ng mga Batas Pinoy Videos.
Hello Attorney. Ano po ba ang kailangan gawin Kung isa sa mga tagapagmana ay gusto ang Lupa ayaw Ibenta kagaya ng mga 7 tagapagmana na gusto ibenta. Kung dadalhin sa courty Ano po ba and kailangan gawin at gaano Katagan o masara ang kaso? Meron po ba kayong video na puwedeng panaorin sa mga tanning Ko. Maraming salamat po Attorney
Salamat po sa info. Hello po my parents passed away at May naiwan na isang property nakapangalan sa parents namin yung property. Inheritance po ito. Anim po kaming magkakapatid kailangan po bang mag Transfer of ownership pa kung ibebenta namin yung property sa philippines and we gonna have equal shares.
sana po atty mtolongan mo ako kong dapat bang hatiin ag sa tanim namin kami po ag nag pagod don na mg tanim sa lupo na un hindi ko nman po ina agkin ung lupa kong babayadan nila ung sa tanim nmin dpat pbang hatiin un at sa knila mapuntA sa manga kapatid ng asawa ko
Atty eto po sitwasyon namin yung panganay ng lola kong sumakabila na merong will na mas malaki ang lupang makukuha niya noong nagpasukat ang pinsan ko kuha na lahat yun pero palagi pa rin pinipilit na kunin yung konte sa harapan ng lote, feeling pa nila sila ang nagpamana kung ano anong paninira ang mga sinasabi gusto pa kami paalisin doon, Bunsong kapatid niya ang nanay ko. Ano po gawain maganda sa mga sakim na ito grave coercion at Libel? para hindi na makaulit at malaman nila na mali yung mga pinag gagawa nila, natawa tawa lang kasi akala nila hindi sila ang usap usapan sa street namin.
Thank you too.Appreciated po. To all subscribers at sa mga THOUSANDS na nagtatanong at naghihintay ng kasagutan, please understand. Best effort and first come first serve basis ang pag sagot ng mga tanong dahil physically impossible po na masasagot ang lahat ng mga tanong. Please view ung mga videos ng BatasPinoy at maaring ang katanungan ninyo ay nasagot sa mga videos na ito. Stay safe everyone!
atorney, tanong q lng po, nkabilo po aq ng lupa at tinirikan q agad ng bahay, ang nangyari hindi pa nailipat sa name q ang lupa tapos namatay na ang my ari ng lupa, ngayun my ngpunta sa amin anak daw xa ng matanda na pinagbilhan nmin ng lupa babawiin daw nila ang lupa ng tatay nila, completo po papelis namin my dead of sale kami nsa municipyu
Thank you po Atty. Wong. Bagong aral naman po lalo na sa amin na medyo walang alam sa ganito. Anyway, ano po ang ibig sabihin ng RP sa lupa? Salamat po. God bless you
atty tanong kolang po ung lupa na tuka samin ng asawako mykarapatan dn po ba ako dn noong ituka po un sa amin ay masukal halos wlang tanim ngaun po tinirahan nmin hinawan at tiniman ngaun po namatay na asawako kinoha po ng manga kapatid ung lupa my habol po ba ako dn dahil kami po ag nag tanim
Good eve po atty Wong! Ang concern ko po ay sa aking pong kaibigan about sa mga property nya. Sila po ay kasal sa asawa walang anak at itoy isang taon ng namatay pero po bago ito namatay ay gumawa ang wife ng probate na hindi alam ng husband at dumating nlng po sa kanya a month after her death at sa probate kalakip po ang niece ng namatay. Ano po ang gawin ng kaibigan ko kung pwede po bang ipawalang bisa ang kasulatan na ginawa ng yumaong asawa dahil na shock po sya sa nangyari at hindi man lng din nabanggit nila noong buhay pa sya at nasa isang bubong lng naman sila. Di po ba may karapatan ang husband dahil ang husband ang nagpundar ng lahat ng kanilang ariarian at sya ang surviving husband po. Humihingi po kami ng payo sa inyo atty . Salamat po
Goodeve,sir May habol pa po ba sa partehan Ng lupa kapag ang kahati ay pinsan. Paano po kapag totally na po gustong kunin ang parts nila...sino po ang mas mapapaburan? Salamat po Sana po masagot po ninyo Yung katanungan ko... Sobrang laking tulong po sa isyu namin ngayon.
Gud am attorni .from Laguna po ako. Nais ko po malaman kung paano hahatiin yung Naiwan na property nang lolo ko ama nang tatay ko 8 magkaka patid apat ang walang asawa at namatay na ang 2 walang asawa ..patay na rin po ang aking mga magulang. ako po ba ay may mamanahin din gaya nan mga mana nang mga tiyahin bilang pamangkin .. maraming salamat po sana mapansin ninyo po ito message ko . isa po ako mga taga subay bay nio sa programa ninyo. salamt po ulit.
Good afternoon po Atty. Ano po ang sakop ng kapangyarihan ng isang may SPA ng lupa na dapat pag hahati hatian ng mga magkakapatid ngunit nakamatayn na ng mga magulang. Sya po ba ay may exclusive authority na mag decide kung sino lang ang pamamanahan at gaano kalaki ang ipamamanang lupa?
Hindi maliwanag sa kwento mo, kung sino ang may akda ng SPA? Kung ang magulang ang may akda ng SPA ay patay na ang SPA na tinutukoy ay nagbibigay ng kapangyarihan sa isang tao o sa isang anak na mayroong discretion at exclusive na kapangyarihan na ipamahagi ang mga ari-arian at kung gaano kalaki ang ipapamanang lupa, ito ay walang bisa . a. Ayon sa batas ang SPA ay may bisa lamang hanggang buhay ang principal o may akda nito; b. Ang nasabing pag bibigay ng exclusive authority kung gaano kalaki ang ipapamana sa mga heirs ay isang paglabag sa batas kung saan ang mga legitime or mana ng mg compulsory heirs ay dapat EQUAL sharing sa kanilang legitime. At ano pang pag bawas o pagkait ng mana ng heirs ay isang preterition ng legitime contrary to law and public policy. c.Ang nasabing SPA ay hindi maaring maging substitute ng isang Last Will and Testament kung saan ang testator ay naipapamahagi niya ang kanyang estate o ari-arian ayon sa itinakda ng batas. Bukod pa rito ang Last Will and Testament ay kinakailangan ng at least 3 testigo at kinakailangan pang i-probate sa korte upang lilitisin extrinsic at extrinsic validity nito; Sa mga kadahilanang nabanggit, ang sino man sa mga compulsory heirs ng namatay na magulang ay maaring mag file ng Petition for Judicial Settlement of Estate with Deed of Partition sa korte, upang ang mga mana ng mga compulsory heirs ng magulang ay maibahagi at mahati-hati sa mga heirs sang-ayon sa batas. PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, LIMITADO PO ANG TANONG SA ISA LAMANG. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments o spekolasyon, haka-haka ang mga katanungan. Ang mga SUBSCRIBERS at may click ng NOTIFICATION bell lamang ang bibigyan ng priority sa pag sagot ng mga katanungan.
atty good day po ask lang po kung may karapatan ba ang anak sa ariarian ng ama pero hindi sya kinilala nito na anak at hindi naka apelyedo sa kanya ngayon po patay na ang ama may pwede po ba sya gawin para may habol sya ? salamat po
good morning atty..maitanong ko lang po kasi nawala na po ang aming mga magulang tapos may lupa silang naiwan sa amin ang problema nga namin.. is itong elder sister namin kasi gusto niya yong 4 hectars mapa sakanya pwede po ba yan
Good morning Atty.paano PO katulad x kaso NATO.magasawa mhigit 50 yrs.my npundar bhay at lupa.At Hindi PO CLA kasal b dhil my legal wife ang lalaki hiwalay PO x legal..At ngaun Atty.nmatay ang 2nd wife nya Ang lalaki buhay p.At gostong bawiin NG mga kpatid Ang ariarian NG kpatid NG Asawa nyang nmatay dahil hindi DW PO CLA legal marriage.pwede b yn PO?pls advice Atty.ty.
Email: bataspinoychannel@gmai.com : My dear subscribers and viewers, Maraming Salamat po sa inyong support. Please bear with me, due to the THOUSANDS of questions na natatanggap daily at naghihintay ng kasagutan, it is physically impossible na masagot kayong lahat. Best effort and first come first served basis po ang ating ipinaiiral sa pagsagot ng inyong mga tanong. For privacy and security reasons, hindi po tayo nagbibigay ng personal contact information. FYI. Ang Batas Pinoy ay isang legal aid, public service program ng inyong lingkod. Hindi po ito daan para makahikayat ng kliyente for gain nor profit. Maari po ninyong i-review ang mga past videos sa ating Batas Pinoy channel tungkol sa mga subjects na natalakay at nasagot na. Maraming Salamat po muli sa inyong suporta. It is an honor to serve our kababayans from around the world.
Atty. Ang auntie ko po sinabi na di na raw pede hatian sa mana tatay ko kc nagbenta na rae lupa. Ang sagot ko po patunayan nila, at willing po kmi to quits. Tama po ba sabihin yun ni auntie?
Atty gd pm po tanong ko lng 2 kmi mgkapatid na lalaki nauna ng asawa ung kapatid ko na panganay tapos ngkabahay na sila ngayon jn na kmi pinatira ng parent nmin ksama asawa ko ksi wala na kmi iba kapatid patay na tatay nmin kaso ngayon gusto angkinin ng older brother ko ung bahay kasi sya dw panganay anu ba tamang prosiso jn tapos ako na bunso my nashare s pgpapa-ayos ng bahay cya ni singko wala! Slamat po God bless!
Attorney ,gud day mo sa inyo,at Sana ay nsa mabuti kaung kalagayan ,tanong ko lng Po sir ,Ang kagaya ko Po bang caretaker sa bukid my mga tanim Po itong puno Ng rambutan at niyog atbp,ako Po ba bilang caretaker sa bukid at intitled sa binifits sa philheslht s,s,s at sa bunos ( 13 month pay) Ang sweldo ko Po ay 4 na libo kada buwan ,Sana Po masagot nyo Ang mansahe ko Po,ako ay taga Laguna ,San,Pablo city,
Hello magtanong po ako atorney paano lupa n mana ng aming tatay na isanla ng kanyang bayaw at na pangalan sa kanya at pinatubos sa kanyang anak n ngayon ay gusto niya solohin at maraming nka tayo na mga bahay nmga kptid ng tunay n dapat na may ari ng lupa
Hello po atty..my tanong lng po ako paano po kng ang ngpamana ay kapatid ng nanay ng nanay nmin…pero ung ngpamana sya ng alaga ky nanay nmin..my karapatan po b makialam or makihati ang mga kapatid ng nanay namin..sna po mapansin nyo ako…
Tanong k lang mahahabol p kaya namin ang lupa kung nakapangalan na s tyahin k at ngayon namatay n rinang nagmana n anak. Dahil yung lupa n sinakim ng tyahin k. Ay s lola ko po. Ngayon ang nkatira ay manugang niya at apo niya. Sana po matugunan p ang tanong.
Salamat po attorney, may katanungan po ako’ bali yung mga anak na lng po natira dahil ang papa nila ay patay at yung papa nila ang may mana sa parents. Ngayon po ang mama nila ay may asawa at anak ng iba, saan po mapunta ang mana ng mga anak? Or kasali pa po ba ang mama nila na may ibang pamilya at anak na?salamat po
atty paano po kung nakapag sanla po aq ng isang kuwarto nag kasundo nman po kming mag kakapatid dahil sa problema ko ang problema ko lng po ay yung hipag ko n masyadong kontra may karapatan po ba yung hipag k n kumontra
Magandang araw po Atrny Wong, tanong ko po ung tunkol sa dalawang tenant, which is own by private property, nagpadala ng demand letter laban sa akin ung kapwa ko tenant which is ejectment , after along year sa court bago magbigay ng order ung judge na pinapalis na ako sa lugar binago nila ung heading which is Unlowful detener it is right or wrong for the implementation of law regarding civil case. salamat & God bless po
Ang ejectment suit ay may dalawang katauhan. Ang purpose ito ay mapapaalis sa possession ang occupants ng property dahil maaring expired na ang lease contract o pahintulot sa pag possess o paggamit nito kaya naging na sa batas ito. Ang tawag nito ay "Unlawful Detainer". Pag ang isang tao naman ang nag occupy ng possession ng property ng walang pahintulot sa may-ari o walang contrata, sa pag gamit o pag tira o pag occupy nito, ang ejectment suit ay maituturing na "Forcible Entry".
Magtatanong lang po sana ako kung ilang metro kaylangang ishare na pagdaanan ng mga tao kung gusto mong magpabakod dahil nasakop kasi ang pag aari mo sa dinadaanan ng mga tao?
magkano po ang pagpapasukat ng lupa na minana o natanggap na hati ng aking Ama? Gusto ko po kasi ipaSukat at ipatitulo o ilipat sa pangalan ng aking ama ang lupa na minana nya sa magulang. -Maraming salamat po sa pagtugon sa aking katanungan at Sana patuloy po kau magbigay ng kaalaman sa ating mga kababayan pinoy..😊AlwaysGodbless po😇
Ang halaga ng pagpapasukat ng lupa at pagpapagawa ng subdivision at lot plan, na ginagawa ng licensed surveyor ay depende yan sa laki ng lupa, kung mahirap or madali ang access nito, ang layo ng property sa office ng surveyor at ibang mga kadahilanan. Usually ang bayad sa surveyor depende sa usapang ng nagpapasukat. Negotiate na lang kayo. Normally, mga P15K to 15K, pag hindi dilikado at malayo ang access ng lupang susukatin. PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, limitado po ang tanong sa ISA LAMANG at walang follow-up na tanong. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments, spekolasyon o haka-haka na mga katanungan. Kung hindi pa kayo nakapag SUBSCRIBED pa sa TH-cam Batas Pinoy Channel mag subscribed na kayo at ma i-share ninyo ang Batas Pinoy channel sa mga kaibigan at kamag-anak, at i-click ang share, like, SUBSCRIBED , at NOTIFICATION BELL sa inyong mga screen. Ang mga SUBSCRIBERS ay binibigyan ng priority sa pag sagot ng mga comments at katanungan.
marami po salamat sa kaalaman sa aking tanong😊Sana'y patuloy parin po kau sa pagbibigay ng kaalaman at mga kasagutan sa aming mga tanong😇😇😇 -AlwaysGodBless po😊😇 #Pampanga me😁
Good pm po Atty.paano po yung case ko, ako na ang nagabayd sa NHA, may Extrajudicial Settlement na dn po dahil si nanay at ate kong panganay ay pumirma na ilipat sa name ko, pero yung isang kapatid ko, ay humahabol pa kasi hnd sya nagsign pr mailipat sa name ko, ako na dn po ang nagbayad ng Amleyar ng lupa at bahay... May pwd pa po ba syang ikaso sa akin?.
Kung ang mga single na naiwan ay mga anak ng magulang, at upang formal na mapalipat ang titulo o ownership documents ng kanilang mana, mag pagawa kayo ng Extrajudicial settlement of Estate with Deed of Partition sa lawyer. Pirmahan at ipanotaryo ito. Bayaran ang mga kaakibat na mga taxes, tulad ng estate tax, documentary stamp tax, at ibang mga taxes kasama na ang penalty charges kung mayroon man upang mabigyan kayo ng certificate authorizing registration(car) ng BIR. Sundin ang mga ibang mga requirements na napag usapan sa mga Videos ng Batas Pinoy upang mabigyan ang mga tagapmana ng panibagong titulo na nakapangalan sa kanila.
Atty. Good morning! My sister donated or give away (no money involved)her only residential property( more or less 400 square meter) to our older brother out of pity because of hardship in life. The question is. What right does the 2 daughters have who are minors at that time. The said property is already transfered to our older brother with title. Any recourse for the two children? And are questioning the validity of the disposition of said property without their knowledge. The mother is still alive and said she did know why she did it... maybe out of pity and further said just forget it ( value of property is around 4-5 million pesos.. land only). Our older brother is already gone and heirs of deceased brother are insisting that the said property is already theirs. Thank you for any opinion on this matter. Jorge... I look forward of your opinion on this matter. Thanks again.
atty..ask lng po ung isang kapatid ko binigyan n cia ng mana ng magulang ko at masyadong malaki dahil ngako cia n bibigyan cla hanggat buhay cla . pero hndi po nia tinupad ung pangako nia tinalikuran nia parents namin after nia nakuha ung mana nia at may titulo n..ako nag aalaga at nagpapagamot skanla..pwdi ko ho b bawiin ung iba..kung ilan ang sukat ng sakin un dn ang ibibigy ..gusto ko po ibalik s magulang ko ung sobra s kinuha nla...anu p dpt ko gwin thank you atty.
Atty. Goodevening tatanong ko lang po about sa issue namin sa lupa. Meron po kaming kapit bahay . Ngayun po nasakop po nila yung muhon ng aming lupa. Tapos po nag bigay po kami ng right of way sakanila na kasya po ang single na motor . Ang gusto po nila e mag bigay po kami ng daan para kumasya po kanilang kotse .
Bale po yung kinatitirikan po ng bahay namin pamana po ni papa sakanyang papa . Bali po old spanish road po yuon . Bayad po kami sa amilyar at my blue print din po kami binigyan din po kami ng aprove plan at my declaration po kami na pinanghahawakan . Yung pong nag hihingi ng right of way po na gusto e kasya yung kotse papasok po saknila sabi po e sila daw po my karapatan . At sakop daw po nila yung lote sa gilid po ng bahay . Sana po e mapansin nyu po ako
Ang issue rito, kung sino ba ang may-ari ng road lot siya ung may karapatan. Kung nakakasakop ito sa looban ng inyong bahay, either alisin ito or bayaran ang nasasakop na portion ng lupa . Kung hindi kayo magkakasundo, ang sino man sa inyo ay maaring mag file ng reklamo as korte upang basi sa mga evidence at dokomentong hawak ng magkabilang panig, ang korte mag dedecide kung ano ang nararapat. PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, limitado po ang tanong sa ISA LAMANG at walang follow-up na tanong. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments, spekolasyon o haka-haka na mga katanungan. Kung hindi pa kayo nakapag SUBSCRIBED pa sa TH-cam Batas Pinoy Channel mag subscribed na kayo at ma i-share ninyo ang Batas Pinoy channel sa mga kaibigan at kamag-anak, at i-click ang share, like, SUBSCRIBED , at NOTIFICATION BELL sa inyong mga screen. Ang mga SUBSCRIBERS ay binibigyan ng priority sa pag sagot ng mga comments at katanungan. NOTICE: Due to the long queue of patrons waiting to be accommodated take notice of the following: a) Patrons are being served on a First received query basis. b) As a matter of policy, only one-time free consultation is encouraged in order to give chance to others waiting in the queue. c) It is the responsibility of the sender to provide sufficient and complete information and details relative of the issues and concerns brought forth in order to avoid time consuming follow-up, clarificatory or piecemeal, speculative questions.
@@BatasPinoyOnlinekmi po my ari po ng lote . At binigay po samin ng gobyerno yung aming tinitirikang bahay at yun po yung old spanish road po . Pwede po ba namin bawiin ang right of way ? Na ibinigay namin atty? Dahil gusto po nilang mag bigay pa kami ng spasyo na kasya ang kotse? At atty . Pwede po ba na makielam ang DNER ng ibang bayan Sa gantong usapin? Lalopat di po nila nasasakupan?
There is really no big issue in selling your house and lot. If you're title, Tax Declaration are in order and the corresponding property tax are paid and updated, these could be an added premium and incentive to prospective buyers. Should you find the right buyer, just be sure that simultaneous to your signing of the Deed of Sale, your turn over of the title, tax declaration certificate, latest tax receipt to the buyer, the full payment thereof, in the form of Manager's Check/bank draft are received by you to your full satisfaction. Better still have the assistance of your lawyer, if it is possible under the circumstances.
Ang lupa at Bahay ay produse Ng Lolo ko at Lola Patay na pareho...Anim Ang anak na magpaparte pero Namatay narin Ang Apat sa tagapagmana pati Ang Nanay ko Kasama sa Apat na Wala na...pero Ang Ariarian nailipat Ng Isang Kapatid sa Isa sa namatay.ang Tanong papano Ang sharing Ng mga Apo sa property
Magandang araw po uli Attroney Wong -- gusto ko lng po isangguni sa isyu sa isang lupa na nais ko bilhen, Isang agricultural lang na humigit 10 hectares, naibenta ang 6 na hectares sa iba at sa akin ay 4 na hectares. Awared ang titiled noon 1995 at nakapangalan sa 5 magkakapatid, verified ang authentication sa RD at malinis at ay updated. Ang isyo po ay meron ibang party (non-family related) at nag claim ng lupa at nagpakita ng title nun kapanahunan ng Spaniards, kung properly titled at updated ang amelyar, ano po ang validity ang claim ng ibang party at ano po ang magandang gawin ko bilang isang buyer. Salamat po at mabuhay kayo
Sa aking pagkaka-alam ung spanish title sa mga lupain sa Pilipinas, na na-issue pa noong panahon ng kastila ay matagal ng pinawalang bisa. Ang kontroling sa pagmamay-ari ng lupa ay ang Titulo na lupa sa ilalim ng ating Torrens System na pinagtibay ng batas natin. Para maka sigurado, dapat red flag sa iyo yan. Kasi malay mo, ung sinasabi mong ibang party, ay mag file din ng adverse claim sa titulo ng lupa balang araw for whatever reason or kung ano mang kadahilanan nila. Pwede rin kasi na kung ihiwalay mo na ang 4 hectares na bibilhin mo, masasama ang nabili mong 4 hectares sa claim ng third party. It's a judgment call on your part. PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, limitado po ang tanong sa ISA LAMANG at walang follow-up na tanong. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments, spekolasyon o haka-haka na mga katanungan. Kung hindi pa kayo nakapag SUBSCRIBED pa sa TH-cam Batas Pinoy Channel mag subscribed na kayo at ma i-share ninyo ang Batas Pinoy channel sa mga kaibigan at kamag-anak, at i-click ang share, like, SUBSCRIBED , at NOTIFICATION BELL sa inyong mga screen. Ang mga SUBSCRIBERS ay binibigyan ng priority sa pag sagot ng mga comments at katanungan. NOTICE: Due to the long queue of patrons waiting to be accommodated take notice of the following: a) Patrons are being served on a First received query basis. b) As a matter of policy, only one-time free consultation is encouraged in order to give chance to others waiting in the queue. c) It is the responsibility of the sender to provide sufficient and complete information and details relative of the issues and concerns brought forth in order to avoid time consuming follow-up, clarificatory or piecemeal, speculative questions.
@@BatasPinoyOnline Magandang araw po Attorney-- Adverse claim po ba ay ---When someone publicly moves into a neglected property, he or she may acquire title to that property after a certain amount of time has passed, based on the notion that land should not sit idle? updated nman po ang amelyar, saka bakit po ma honor ang adverse claim sa court kung titled ang property? kung may third party po diba dapat meron sya updated na amelyar to consider na hindi maging public land ang property?
ATTY. MAGANDANG UMAGA TANONG KO LANG PO AKO ANAK SA LABAS PERO KINILALA AKO NA ANAK NI TATAY DAHIL SYA ANG NAKA PERMA SA BIRTH CERTIFICATE KO O ACKNOWLEDGED PO AKO SA BITRH CERTIFICATE NA KINUHA KO SA NSO PO ATTY. MAG KANO ANG HATIAN NG ILLEGITINATE AT LIGETIMATE ATTY. MARAMING SALAMAT SA IYONG KASAGUTAN AT MERRY XMAS SA IYO AT SA IYONG FAMIL GOD BLESS
Hello may habol po ba magreklamo ang isang pamangkin na binenta ng kanyang tiyahin ang lupa ng kaniyang tiyuhin na patay na hindi siya pinapaalam at hindi mn lang siya na partihan.. Ang kanyang ama niya ay matagal nang patay na..
Good day po attorney. Sana matulungan niyo po ako. Atty. sa ganitong sitwasyon. Since Lola ko na lang po ang buhay sa magkakapatid. May karapatan po ba siya na magdecide kung sa kanya mapunta ung lupa na naiwan ng kapatid niya? Wala din po kasing anak ung namayapa and Lola ko na din po ung nag asikaso nun hanggang sa pagpapalibing. Salamat po
Kung wala ng iba pang mga surviving heirs ang lola mo, maari siiyang gumawa ng Last Will and Testament upang sa pamamagitan ng dokomentong ito, ay maipapamahagi niya ang mga ari-arian niya at ung mga namana niya kung kanino ito mapupunta. PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, LIMITADO PO ANG TANONG SA ISA LAMANG. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments o spekolasyon, haka-haka ang mga katanungan. Ang mga SUBSCRIBERS at may click ng NOTIFICATION bell lamang ang bibigyan ng priority sa pag sagot ng mga katanungan.
Ang pag tanggap at pag enjoy ng mana ay EQUAL sharing sa mga magkakapatid, at ganoon na rin sa mga obligasyong EQUAL sharing din sa pagbayad ng buwis at mga gastusin for the maintenance and preservation of the estate or property na mana, habang hindi pa ito nag subdivide. Kung sino man sa inyong magkakapatid ang nagbabayad ng buwis at gastusing nabanggit, ay maari ninyo silang singilin sa kanilang contributions, at i-charged ito sa kanilang respective shares.
Tanong po atty... Namatay po kumpare ko 3 anak nya sa bawat isa bbe wala po sya pinakasalan.. Cno po dapat magmana ng mga ariarian nya? Buhay pa nanay ng namatay 80 na edad. At may mga kapatid ung nmatay..
Magandang Umaga atty. Ano po pueding Kong gawin. Kasi bininta ng lola ko Ang bahay nya. Kahit sirangsira binili ko paren at penaayos. Tapos penaupahan ko para kahit papano my maitotolong po ako ky lola. Tapos po nag trabaho po ako sa manila mahiget 4 nataon tapos Namatay yong lola ko. Gosto ko Sana konin Ang bahay na binili ko. Ayaw ibegay ng mga anak ni lola ko kasi po Wala daw ako katebayan na binili ko ky lola yong bahay. Kahit alam naman nila na binili ko yong. Bahay kahit walang patonay. kahit sa baranggay pero maraming kapit bahay na nakaalam na binili ko yong bahay tapos. Yong nangupahan sa bahay na binili ko ky lola. Nakakaalam den Kasi po pinaharap ko sya ky lola dahil ayaw nya maniwala na bininta na ni lola yong bahay sakin kaya nag harap kaming 4 kasama na yong 1 witnis na nag papatunay na binili kona yong bahay. Nag mamakaawa po ako sa inyo na Sana po matolongan NYo po ako kung ano Ang gagawin ko
Hello, Atty. Ano po ang inheritance rights ng illegitimate child? Ang father po ay nagpagawa ng Deed of Donation at dino-donate po sa dalawang legimate children ang bahay (pinagawa ng father at mother ng legimate children ang bahay. Mother is deceased na. Mother ay OFW noong buhay pa, kaya napagawa ang bahay. )
Ang acknowledged illegitimate child ay maituturing na compulsory heir na magulang. Pag namatay ang magulang bilang tagapmana ay entitled to inherit sa mga air-arian ng magulang. Kaya lang bilang illegitimate child ang mana niya ay katumbas lang ng kalahati(1/2) sa mana o share ng isang legitimate child. Kung walang natirang mana sa illegitimate chid dahil na-idonate na ang mga ito sa kanyang mga legitimate chid, ay maari pa ring mag habol ang illegitimate child sa kanyang share sa mana, kung mapapatunayan na sa ginawang donation, ay nawalan siya ng mana kahit ito ay katumbas lamang ng kalahati ng mana ng legitimate child.
@@BatasPinoyOnline Ang acknowledged illegitimate child po ba na maituturing ay kung ang father ay nakapirma sa birth certificate ng illegitimate child?
Pwde Po mag tanong?? May minana Po and aking papa sa Lolo ko na lupa..pero matagal Napo silang hiwalay Ng mama ko...tapos may kinakasama Napo ibang babae Ang papa ko at my mga anak na Rin sila...tanong Lang Po attorney may karapatan Po ba kaming mga legal na anak sa minana Ng papa ko sa Lolo ko??kasi po binenta na nya lupa na minana nya sa Lolo ko...
Tanung po ako may karapatan p po b ang anak n isinanla s banko ng nanay o magulang dalawa po ang anak n tagapagmana tinubos po ng kapatid n panganay s banko dahil sya lng po ang may pira ung bunso po ay walang kkayahan n mag share s oagtubos s pagkkasanla may karapatan p po ba ang bunso kahit wala syang nai share ? Salamat po att. Sana po malaman din nmin at may agam agam po c bunso kung may habol p sya s mana
Gud pm po atty. hingi ako na advice sa iyo po. ang lolo ko po ay na kutibar na lupa mula pa noon pagkatapos na WORLD WAR II pinagmana sa tatay ko at sa ngayon ipinagmana narin sa amin isang iktaya lupa na niog o kuprasan wala kami pinaghahawakan papil at sa kasalokuyan neron na nagsurvey na sa kanila raw ang lupain. atty meron ba kami laban kung sa kali sa kurte .paki payo po atty
Kung pababasihan nating ang kwento mo, napalaking laban ninyo sa lupa dahil kayo ay in actual, open, continuous and notorious possession ng lupa since noon pang pagkatapos ng world war II. Kung ang pagbabasihan nating ang batas, on the legal grounds of ORDINARY ACQUISITIVE AND EXTRAORDINARY PRESCRIPTIONS ay maaring na ninyo itong mapatitulhan at upang maunawaan ninyo ang mga legal na kadahilanang nabanggit, ito ay: 1) In Ordinary acquisitive prescription requires possession in good faith and with just title for ten years. 2) In extraordinary prescription, ownership and other real rights over immovable property are acquired through uninterrupted adverse possession thereof for thirty years without need of title or of good faith. Huwag kayong umalis sa inyong lugar no matter what. Panindigan ninyo ito. Huwag ka kayong patumpiktumpik, asikasuhin na ninyo ang pag patitulo nito, sa lalong madaling panahon. Maki-pag ugnayan kayo sa lawyer upang makagawa ng kaakibat na hakbang upang mapatitulan ang inyong lupa na dapat matagal na itong ginawa. First step ay mag pa survey kayo upang magkaroon kayo ng subdivision at lot plan with tracing cloth plan with Approved Technical Descriptions galing sa Land Management Bureau(MB-DENR). Ung mga susunod na steps alam na ng lawyer ninyo kung ano ang dapat gawin. Lagyan ninyo ng mga pader/coral ang perimeter o boundary lines ng inyong property, at mag paskil kayo ng "NO TRESPASSING PRIVATE PROPERTY" sa lahat ng mga north, south, east at west sides ng inyong property. At kung sakali mang malaman ninyo na may nag papatitulo ay kontrahin ninyo ito, at huwag ninyong ibawali wala ang ano mang sulat na inyong matanggap at isangguni sa inyong lawyer upang makagawa ng kaakibat na hakbang. PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, LIMITADO PO ANG TANONG SA ISA LAMANG. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments o spekolasyon, haka-haka ang mga katanungan. Ang mga SUBSCRIBERS at may click ng NOTIFICATION bell lamang ang bibigyan ng priority sa pag sagot ng mga katanungan.
Wala naman sanang problema sa mamanahin kung walang swapang o ganid sa pera o yaman
Tama PO kayo
Kaya habang buhay pa magulang partihin na kung meron man,para walang awayan minsan kasi hindi maiwasan na may swapang na kapatid.
@@irenelicup208 ako 2 anak ko, 50/50 ang hatian nila pag na dedo ako.
Most often, the in- laws are the evil ones.
Pinagtitirik ko na lang ng kandila kasi may mga ganid swapang
Maraming salamat po attorney sa mga payo mo malaking tulong sa amin nagkaron kmi ng idea pagdating sa mga partihan sa lupa di nawawala mga ganid na kapatid god bless po.
Likewise. Thanks for watching.
.nku relate ako dyan swapang Yong mga kpated Ng aking papa maging nanay Ng papa ko ayw kmi patirahin dtu sa Lupa nya winawala nyang krapatan Ang aking papa sa Lupa wla dw kmi krapatan mga swapang sa sobrang bait Ng papa ko inaalisan nla Ng krapatan kmi Ang lalaban sa krapatan Ng papa ko ginagawa kming bobo sa batas eh
marami pong salamat kahit hindi na po ako agam agam marami po akong natutunan.
Maraming salamat.
Sometimes, it’s better for the parents to spend and enjoy the inheritance to themselves...so, the children won’t be waging war to each other.
Thank you may natutuhan po ako attorney
Maraming salamat po attorney ang laking tulong po saamin ito.God bless u po ..❤️❤️❤️
Thank you Po Atty.and God Bless
Maraming pong salamat Atty. Npakalaking tulong po ito at malaking kaalaman. Godbless you po
Very informative attorney sa mga katulad ko na gustong malaman ang tamang proseso at batayan sa dapat kong ano ba ang gawin.
salamat po attorney sa napaka malagang kaalaman tungkol sa batas. long life po.
tnk u po atty. sa mga paliwanag
Salamat and Welcome!
Salamt pi atty.
You're welcome! Salamat po.
Salamat po atty wong
Salamat po Atty
Salamat po atorney sa mga payo nyo marami akung natututunan sa inyo GOD BLESS YOU MORE ANG FAMILY NYO ..
Thank you so much very informative as always and apt for filipino culture too. If not too much to ask, would be nice kung meron caption/ text for reading what is being said. Wud be helpful para sa katulad my mother with hearing difficulty. Maraming Salamat! God bless!❤️🙏
Damit tlga matututunan dito 💖
Maraming salamat. Thank you for watching.
I learned so much from this topic today. Thank you po.
Thankyou. Po. N. Godblesss. Po attorney. Always. Watching. Ur. Video.
Thank you too!
Hello po Attorney,,magandang araw sa Iyo,, bagkus na sa pamilya mo..maraming salamat po sa mga payo mo Sir..
Hello po Attorney, Thank you very much po sa mga advices mo sa ibaibang vlogs nyo.ang laki po itong tulong sa amin.
God bless you and your family.
Stay safe always po.
Maraming salamat. Thank you for watching.
Greetings Attorney God bless po from Italy👏
Thank you po & Godbless po Attorney.
Thank you too
Thank u attorney God bless po
Salamat and welcome!
HELLO poh attorney...salamat poh sa mga payo nyo❤❤❤GOD BLESS YOU POH❤❤❤
God bless attorney
Salamat and Welcome!
@@BatasPinoyOnline Gud day po attorney. Ako po ay magttanong s inyo f dpat po bng skupin ng isang kapatid ang lupang kinatitirikan ng aming bhay. 24 years n pong nktayo bhay nmin doon. Now patay n po mga mgulang nila, my isa pong anak n ipinasukat ung lupa n sinakop po ung bhay nmin, knya dw po iun asawa q po kpatid nya, winalan po ng rights ang asawa q ay cya p po ang eldest s knilang mgkkpatid. D mn lng po cnabi n ipasusukat nya, sobrang glit s aking asawa wla po akong alam n dhilan n ikagalit nya. Ginawa q po ngpgawa ulit kmi ng bhay s lupa ng parents q n my mana at my binili rin po ako. Ang tanong q po s inyo, dpat po b tlaga n gwin nya iun, at nhingi p po ng rights s asawa q ng pirmahan nya ung mga papers pra mpsaknya ung lupa ng knilng mgulang? Ano po ang mbuti kong gawin upang mbigyn q ng rights ang asawa q? Tama rin po b n sbihin ng asawa q n d cya ppirma at wg ng ipalipat s pngalan nya at umalis n nga po kmi doon at ipinatatanggal q n po ang bhay nmin doon s lupang sinasakop nya. Tama po b iun? Naglilinaw lnG po aq. Tnx so much po and more power. God bless us all po...
Thank you po atty God bless po
Salamat po.
Good to hear from you again Panyero! (I'm not worthy! I'm not worthy!)
Salamat attorney. May tanong pa po ako. Wala po akong alam sa batas dati po syang military. 22 years in the service ang mister ko. 2012 po sya nadischarge. 2016 po namaatay ang mister ko. Inayos ko po ang ang kanyang commutation or leave bal. Kasi sabi po nila kukuhanin ng association. Nag past due po ang mga utang nya. Ang gusto pong mangyari kuhanin lahat nila. Inayos ko po ang papers ng mister ko 2017.natapos ko ng 2019.tapos ngayon po. Kukuhanin nila ang utang ng mister ko.. 10 k lang po ang dapat ipasok sa accont ko. Lahat po ng ginastos ko ay utang.
Maraming salamat po sa agarang pagsagot ninyo. Attorney. Sana pa makausap ko kayo. Taga lipa city po ako.. Baka po pwede makahingi ng no.. Para po makatawag ako.
Email na lang kayo for privacy consideration lalo na sa panahon ngayon di dapat maibigay ng basta basta ang private mobile number sa third party.
Kung former military ang mister mo at may pagkakautan siya sa AFPLAI or similar na financing association , maari ngang mahabol ito sa mga benefits na entitled dapat ang members. However, kung hindi makatarungan at confiscatory na ang ginagawa ng association, maari mo itong ilaban sa korte upang mabigyan ka ng hustiya. Kung wala kang kakayahan na kumuha ng private lawyer ay maari kang dumulog sa pinakamalapit na Public Attorney's Office(PAO) sa inyong community for free legal assistance upang mabigyan kayo ang kaakibat na legal guidance at services upang mapangalagaan ang inyong karapatan.
Totoo po yan pinag aawayan ang mana.. nkakarelate po ako..
Thank you so much sir .perfect advice.i really appreciate it.God bless and peace grace to all of us amen 🙏
Atty Wong, meron po akong lupa na binili under contract to sell at ipinangalan Ko sa anak ko na 18 years old siya noon, dahil nagkaroon ng kabit ang asawa ko at anak that year. Now 36 years old na ang anak ko at nag asawa na din. . Paano ko po ma convince ang anak ko na ilipat ang titulo sa mga kapatid niya kasama name niya sa titulo. Salamat po
Salamat po atty
Salamat po.
Maraming salamat po atty,,,marami po aq ntutunan sa vlogs nyo,,,ask ko lng po pwede po b mkialam Ang Isang Kapatid sa Kung anong gustong gawin Ng isa png Kapatid s knyang mana?, maraming salamat po
Kung ung magkakapatid ay nagkaroon ng parte ng mga mana, ang ibig sabihin nito, ay siya na ung may-ari ng mana, at bilang may-ari ay mayroon siyang kalayaan kung ano ang gagawin niya sa kanyang parte ng mana. At kung sakali man na ung parte ng mana ay galing sa hindi pa naihiwalay na portion ng lupang namana, karapatan ng bawat isa bilang co-owner at co-heir na mag demand ng physical partition ng kanilang co-ownership at any time ayon sa ating batas.
@@BatasPinoyOnline maraming salamat po
Maraming salamat po.
Salamat po.
God bless you po🙏🙏
Thanks Atty.
My pleasure!
WATCHING FROM SWITZERLAND 🇨🇭 TAMA PO KAYO THANK PO FOR SHARING
Salamat po.Kindly spread and share our videos to your friends, kamag anak at mga kababayan natin para magkaroon din sila ng opportunity na matutunan ng mga natalakay ng mga Batas Pinoy Videos.
Batas Pinoy I WILL THANK YOU PO 😃❤️👋🛎
Hello Attorney. Ano po ba ang kailangan gawin Kung isa sa mga tagapagmana ay gusto ang Lupa ayaw Ibenta kagaya ng mga 7 tagapagmana na gusto ibenta. Kung dadalhin sa courty Ano po ba and kailangan gawin at gaano Katagan o masara ang kaso? Meron po ba kayong video na puwedeng panaorin sa mga tanning Ko. Maraming salamat po Attorney
Salamat po sa info. Hello po my parents passed away at
May naiwan na isang property nakapangalan sa parents namin yung property. Inheritance po ito. Anim po kaming magkakapatid kailangan po bang mag Transfer of ownership pa kung ibebenta namin yung property sa philippines and we gonna have equal shares.
Thank you for your legal service for free. I need to consult a legal service po may i know where is your office. Thank you po
nakikinig Po sa Vancouver
Thanks again.
sana po atty mtolongan mo ako kong dapat bang hatiin ag sa tanim namin kami po ag nag pagod don na mg tanim sa lupo na un hindi ko nman po ina agkin ung lupa kong babayadan nila ung sa tanim nmin dpat pbang hatiin un at sa knila mapuntA sa manga kapatid ng asawa ko
Atty eto po sitwasyon namin yung panganay ng lola kong sumakabila na merong will na mas malaki ang lupang makukuha niya noong nagpasukat ang pinsan ko kuha na lahat yun pero palagi pa rin pinipilit na kunin yung konte sa harapan ng lote, feeling pa nila sila ang nagpamana kung ano anong paninira ang mga sinasabi gusto pa kami paalisin doon, Bunsong kapatid niya ang nanay ko. Ano po gawain maganda sa mga sakim na ito grave coercion at Libel?
para hindi na makaulit at malaman nila na mali yung mga pinag gagawa nila, natawa tawa lang kasi akala nila hindi sila ang usap usapan sa street namin.
Blessed night po watching you in japan
Hello and Welcome! Thank you.
Slmt po.
Thank you too.Appreciated po. To all subscribers at sa mga THOUSANDS na nagtatanong at naghihintay ng kasagutan, please understand. Best effort and first come first serve basis ang pag sagot ng mga tanong dahil physically impossible po na masasagot ang lahat ng mga tanong. Please view ung mga videos ng BatasPinoy at maaring ang katanungan ninyo ay nasagot sa mga videos na ito. Stay safe everyone!
atorney, tanong q lng po, nkabilo po aq ng lupa at tinirikan q agad ng bahay, ang nangyari hindi pa nailipat sa name q ang lupa tapos namatay na ang my ari ng lupa, ngayun my ngpunta sa amin anak daw xa ng matanda na pinagbilhan nmin ng lupa babawiin daw nila ang lupa ng tatay nila, completo po papelis namin my dead of sale kami nsa municipyu
Thank you po Atty. Wong. Bagong aral naman po lalo na sa amin na medyo walang alam sa ganito. Anyway, ano po ang ibig sabihin ng RP sa lupa? Salamat po. God bless you
Saan ba nakalagay ung RP sa lupa? sa dokomento? anong klaseng dokomento?
atty tanong kolang po ung lupa na tuka samin ng asawako mykarapatan dn po ba ako dn noong ituka po un sa amin ay masukal halos wlang tanim ngaun po tinirahan nmin hinawan at tiniman ngaun po namatay na asawako kinoha po ng manga kapatid ung lupa my habol po ba ako dn dahil kami po ag nag tanim
Good eve po atty Wong! Ang concern ko po ay sa aking pong kaibigan about sa mga property nya. Sila po ay kasal sa asawa walang anak at itoy isang taon ng namatay pero po bago ito namatay ay gumawa ang wife ng probate na hindi alam ng husband at dumating nlng po sa kanya a month after her death at sa probate kalakip po ang niece ng namatay. Ano po ang gawin ng kaibigan ko kung pwede po bang ipawalang bisa ang kasulatan na ginawa ng yumaong asawa dahil na shock po sya sa nangyari at hindi man lng din nabanggit nila noong buhay pa sya at nasa isang bubong lng naman sila. Di po ba may karapatan ang husband dahil ang husband ang nagpundar ng lahat ng kanilang ariarian at sya ang surviving husband po. Humihingi po kami ng payo sa inyo atty . Salamat po
Goodeve,sir
May habol pa po ba sa partehan Ng lupa kapag ang kahati ay pinsan.
Paano po kapag totally na po gustong kunin ang parts nila...sino po ang mas mapapaburan?
Salamat po Sana po masagot po ninyo Yung katanungan ko...
Sobrang laking tulong po sa isyu namin ngayon.
Hello po komusta po kayo hope ur doing well as always tanong ko lng po papano po gumawa ng will?salamat po
Gud am attorni .from Laguna po ako. Nais ko po malaman kung paano hahatiin yung Naiwan na property nang lolo ko ama nang tatay ko 8 magkaka patid apat ang walang asawa at namatay na ang 2 walang asawa ..patay na rin po ang aking mga magulang. ako po ba ay may mamanahin din gaya nan mga mana nang mga tiyahin bilang pamangkin .. maraming salamat po sana mapansin ninyo po ito message ko . isa po ako mga taga subay bay nio sa programa ninyo. salamt po ulit.
Good afternoon po Atty. Ano po ang sakop ng kapangyarihan ng isang may SPA ng lupa na dapat pag hahati hatian ng mga magkakapatid ngunit nakamatayn na ng mga magulang. Sya po ba ay may exclusive authority na mag decide kung sino lang ang pamamanahan at gaano kalaki ang ipamamanang lupa?
Hindi maliwanag sa kwento mo, kung sino ang may akda ng SPA? Kung ang magulang ang may akda ng SPA ay patay na ang SPA na tinutukoy ay nagbibigay ng kapangyarihan sa isang tao o sa isang anak na mayroong discretion at exclusive na kapangyarihan na ipamahagi ang mga ari-arian at kung gaano kalaki ang ipapamanang lupa, ito ay walang bisa .
a. Ayon sa batas ang SPA ay may bisa lamang hanggang buhay ang principal o may akda nito;
b. Ang nasabing pag bibigay ng exclusive authority kung gaano kalaki ang ipapamana sa mga heirs ay isang paglabag sa batas kung saan ang mga legitime or mana ng mg compulsory heirs ay dapat EQUAL sharing sa kanilang legitime. At ano pang pag bawas o pagkait ng mana ng heirs ay isang preterition ng legitime contrary to law and public policy.
c.Ang nasabing SPA ay hindi maaring maging substitute ng isang Last Will and Testament kung saan ang testator ay naipapamahagi niya ang kanyang estate o ari-arian ayon sa itinakda ng batas. Bukod pa rito ang Last Will and Testament ay kinakailangan ng at least 3 testigo at kinakailangan pang i-probate sa korte upang lilitisin extrinsic at extrinsic validity nito;
Sa mga kadahilanang nabanggit, ang sino man sa mga compulsory heirs ng namatay na magulang ay maaring mag file ng Petition for Judicial Settlement of Estate with Deed of Partition sa korte, upang ang mga mana ng mga compulsory heirs ng magulang ay maibahagi at mahati-hati sa mga heirs sang-ayon sa batas.
PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, LIMITADO PO ANG TANONG SA ISA LAMANG. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments o spekolasyon, haka-haka ang mga katanungan. Ang mga SUBSCRIBERS at may click ng NOTIFICATION bell lamang ang bibigyan ng priority sa pag sagot ng mga katanungan.
@@BatasPinoyOnline Thank you so much po Atty. sa pagsagot sa aking katanungan. God bless po.
Thanks po god bless
Thank you too!
atty good day po ask lang po kung may karapatan ba ang anak sa ariarian ng ama pero hindi sya kinilala nito na anak at hindi naka apelyedo sa kanya ngayon po patay na ang ama may pwede po ba sya gawin para may habol sya ? salamat po
good morning atty..maitanong ko lang po kasi nawala na po ang aming mga magulang tapos may lupa silang naiwan sa amin ang problema nga namin.. is itong elder sister namin kasi gusto niya yong 4 hectars mapa sakanya pwede po ba yan
Good morning Atty.paano PO katulad x kaso NATO.magasawa mhigit 50 yrs.my npundar bhay at lupa.At Hindi PO CLA kasal b dhil my legal wife ang lalaki hiwalay PO x legal..At ngaun Atty.nmatay ang 2nd wife nya Ang lalaki buhay p.At gostong bawiin NG mga kpatid Ang ariarian NG kpatid NG Asawa nyang nmatay dahil hindi DW PO CLA legal marriage.pwede b yn PO?pls advice Atty.ty.
Nakalagay poba sa titulo ang mga hiers kung namatay ang nagmay ari sa titulo atty...
Pwede po gawaan nyo video kong paano mabawi ang lupa, na nabinta ng biglaan at walang ibang naka perma at paano po namin mabawi ang lupa salamat po...
Natalakay na yan sa mga kasagutan ng mga comments ng mga Videos ng Bata Pinoy. But your suggestion is noted po. Salamat.
Goodafternoon atty.paanonpo b sumulat sa inyo pra sa aking ktanungan about sa n bli n lupa.thanks po
Email: bataspinoychannel@gmai.com : My dear subscribers and viewers, Maraming Salamat po sa inyong support. Please bear with me, due to the THOUSANDS of questions na natatanggap daily at naghihintay ng kasagutan, it is physically impossible na masagot kayong lahat. Best effort and first come first served basis po ang ating ipinaiiral sa pagsagot ng inyong mga tanong. For privacy and security reasons, hindi po tayo nagbibigay ng personal contact information.
FYI. Ang Batas Pinoy ay isang legal aid, public service program ng inyong lingkod. Hindi po ito daan para makahikayat ng kliyente for gain nor profit. Maari po ninyong i-review ang mga past videos sa ating Batas Pinoy channel tungkol sa mga subjects na natalakay at nasagot na. Maraming Salamat po muli sa inyong suporta. It is an honor to serve our kababayans from around the world.
Hello attorney
New subscriber po
Welcome!!Salamat po.
Atty. Ang auntie ko po sinabi na di na raw pede hatian sa mana tatay ko kc nagbenta na rae lupa. Ang sagot ko po patunayan nila, at willing po kmi to quits. Tama po ba sabihin yun ni auntie?
Atty gd pm po tanong ko lng 2 kmi mgkapatid na lalaki nauna ng asawa ung kapatid ko na panganay tapos ngkabahay na sila ngayon jn na kmi pinatira ng parent nmin ksama asawa ko ksi wala na kmi iba kapatid patay na tatay nmin kaso ngayon gusto angkinin ng older brother ko ung bahay kasi sya dw panganay anu ba tamang prosiso jn tapos ako na bunso my nashare s pgpapa-ayos ng bahay cya ni singko wala! Slamat po God bless!
Attorney ,gud day mo sa inyo,at Sana ay nsa mabuti kaung kalagayan ,tanong ko lng Po sir ,Ang kagaya ko Po bang caretaker sa bukid my mga tanim Po itong puno Ng rambutan at niyog atbp,ako Po ba bilang caretaker sa bukid at intitled sa binifits sa philheslht s,s,s at sa bunos ( 13 month pay) Ang sweldo ko Po ay 4 na libo kada buwan ,Sana Po masagot nyo Ang mansahe ko Po,ako ay taga Laguna ,San,Pablo city,
Hello magtanong po ako atorney paano lupa n mana ng aming tatay na isanla ng kanyang bayaw at na pangalan sa kanya at pinatubos sa kanyang anak n ngayon ay gusto niya solohin at maraming nka tayo na mga bahay nmga kptid ng tunay n dapat na may ari ng lupa
Hello po atty..my tanong lng po ako paano po kng ang ngpamana ay kapatid ng nanay ng nanay nmin…pero ung ngpamana sya ng alaga ky nanay nmin..my karapatan po b makialam or makihati ang mga kapatid ng nanay namin..sna po mapansin nyo ako…
Sa amin po cultura nmin ay lalaki ang sa lupa, at bahay ang mga babae...
Tanong k lang mahahabol p kaya namin ang lupa kung nakapangalan na s tyahin k at ngayon namatay n rinang nagmana n anak. Dahil yung lupa n sinakim ng tyahin k. Ay s lola ko po. Ngayon ang nkatira ay manugang niya at apo niya. Sana po matugunan p ang tanong.
Salamat po attorney, may katanungan po ako’ bali yung mga anak na lng po natira dahil ang papa nila ay patay at yung papa nila ang may mana sa parents. Ngayon po ang mama nila ay may asawa at anak ng iba, saan po mapunta ang mana ng mga anak? Or kasali pa po ba ang mama nila na may ibang pamilya at anak na?salamat po
atty paano po kung nakapag sanla po aq ng isang kuwarto nag kasundo nman po kming mag kakapatid dahil sa problema ko ang problema ko lng po ay yung hipag ko n masyadong kontra may karapatan po ba yung hipag k n kumontra
Magandang araw po Atrny Wong, tanong ko po ung tunkol sa dalawang tenant, which is own by private property, nagpadala ng demand letter laban sa akin ung kapwa ko tenant which is ejectment , after along year sa court bago magbigay ng order ung judge na pinapalis na ako sa lugar binago nila ung heading which is Unlowful detener it is right or wrong for the implementation of law regarding civil case. salamat & God bless po
Ang ejectment suit ay may dalawang katauhan. Ang purpose ito ay mapapaalis sa possession ang occupants ng property dahil maaring expired na ang lease contract o pahintulot sa pag possess o paggamit nito kaya naging na sa batas ito. Ang tawag nito ay "Unlawful Detainer". Pag ang isang tao naman ang nag occupy ng possession ng property ng walang pahintulot sa may-ari o walang contrata, sa pag gamit o pag tira o pag occupy nito, ang ejectment suit ay maituturing na "Forcible Entry".
Magtatanong lang po sana ako kung ilang metro kaylangang ishare na pagdaanan ng mga tao kung gusto mong magpabakod dahil nasakop kasi ang pag aari mo sa dinadaanan ng mga tao?
magkano po ang pagpapasukat ng lupa na minana o natanggap na hati ng aking Ama?
Gusto ko po kasi ipaSukat at ipatitulo o ilipat sa pangalan ng aking ama ang lupa na minana nya sa magulang.
-Maraming salamat po sa pagtugon sa aking katanungan at Sana patuloy po kau magbigay ng kaalaman sa ating mga kababayan pinoy..😊AlwaysGodbless po😇
Ang halaga ng pagpapasukat ng lupa at pagpapagawa ng subdivision at lot plan, na ginagawa ng licensed surveyor ay depende yan sa laki ng lupa, kung mahirap or madali ang access nito, ang layo ng property sa office ng surveyor at ibang mga kadahilanan. Usually ang bayad sa surveyor depende sa usapang ng nagpapasukat. Negotiate na lang kayo. Normally, mga P15K to 15K, pag hindi dilikado at malayo ang access ng lupang susukatin.
PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, limitado po ang tanong sa ISA LAMANG at walang follow-up na tanong. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments, spekolasyon o haka-haka na mga katanungan.
Kung hindi pa kayo nakapag SUBSCRIBED pa sa TH-cam Batas Pinoy Channel mag subscribed na kayo at ma i-share ninyo ang Batas Pinoy channel sa mga kaibigan at kamag-anak, at i-click ang share, like, SUBSCRIBED , at NOTIFICATION BELL sa inyong mga screen. Ang mga SUBSCRIBERS ay binibigyan ng priority sa pag sagot ng mga comments at katanungan.
marami po salamat sa kaalaman sa aking tanong😊Sana'y patuloy parin po kau sa pagbibigay ng kaalaman at mga kasagutan sa aming mga tanong😇😇😇
-AlwaysGodBless po😊😇
#Pampanga me😁
Paano po ang hatian sa mana kung yung isa 1 hectare nasa bayan at yung isa ay 3.5 hectare pero nasa bario ito? Salamat po atty.
Hello po attorney
Good pm po Atty.paano po yung case ko, ako na ang nagabayd sa NHA, may Extrajudicial Settlement na dn po dahil si nanay at ate kong panganay ay pumirma na ilipat sa name ko, pero yung isang kapatid ko, ay humahabol pa kasi hnd sya nagsign pr mailipat sa name ko, ako na dn po ang nagbayad ng Amleyar ng lupa at bahay... May pwd pa po ba syang ikaso sa akin?.
Hello po Atty. Ask ko lang po kung sino po mag mamana ng mga maaiwan ng mga single? Thanks po.
Kung ang mga single na naiwan ay mga anak ng magulang, at upang formal na mapalipat ang titulo o ownership documents ng kanilang mana, mag pagawa kayo ng Extrajudicial settlement of Estate with Deed of Partition sa lawyer. Pirmahan at ipanotaryo ito. Bayaran ang mga kaakibat na mga taxes, tulad ng estate tax, documentary stamp tax, at ibang mga taxes kasama na ang penalty charges kung mayroon man upang mabigyan kayo ng certificate authorizing registration(car) ng BIR. Sundin ang mga ibang mga requirements na napag usapan sa mga Videos ng Batas Pinoy upang mabigyan ang mga tagapmana ng panibagong titulo na nakapangalan sa kanila.
Tnx
Atty. Good morning! My sister donated or give away (no money involved)her only residential property( more or less 400 square meter) to our older brother out of pity because of hardship in life. The question is. What right does the 2 daughters have who are minors at that time. The said property is already transfered to our older brother with title. Any recourse for the two children? And are questioning the validity of the disposition of said property without their knowledge. The mother is still alive and said she did know why she did it... maybe out of pity and further said just forget it ( value of property is around 4-5 million pesos.. land only). Our older brother is already gone and heirs of deceased brother are insisting that the said property is already theirs. Thank you for any opinion on this matter. Jorge...
I look forward of your opinion on this matter. Thanks again.
atty..ask lng po ung isang kapatid ko binigyan n cia ng mana ng magulang ko at masyadong malaki dahil ngako cia n bibigyan cla hanggat buhay cla . pero hndi po nia tinupad ung pangako nia tinalikuran nia parents namin after nia nakuha ung mana nia at may titulo n..ako nag aalaga at nagpapagamot skanla..pwdi ko ho b bawiin ung iba..kung ilan ang sukat ng sakin un dn ang ibibigy ..gusto ko po ibalik s magulang ko ung sobra s kinuha nla...anu p dpt ko gwin thank you atty.
Atty. Goodevening tatanong ko lang po about sa issue namin sa lupa. Meron po kaming kapit bahay . Ngayun po nasakop po nila yung muhon ng aming lupa. Tapos po nag bigay po kami ng right of way sakanila na kasya po ang single na motor . Ang gusto po nila e mag bigay po kami ng daan para kumasya po kanilang kotse .
Bale po yung kinatitirikan po ng bahay namin pamana po ni papa sakanyang papa . Bali po old spanish road po yuon . Bayad po kami sa amilyar at my blue print din po kami binigyan din po kami ng aprove plan at my declaration po kami na pinanghahawakan . Yung pong nag hihingi ng right of way po na gusto e kasya yung kotse papasok po saknila sabi po e sila daw po my karapatan . At sakop daw po nila yung lote sa gilid po ng bahay . Sana po e mapansin nyu po ako
Ang issue rito, kung sino ba ang may-ari ng road lot siya ung may karapatan. Kung nakakasakop ito sa looban ng inyong bahay, either alisin ito or bayaran ang nasasakop na portion ng lupa . Kung hindi kayo magkakasundo, ang sino man sa inyo ay maaring mag file ng reklamo as korte upang basi sa mga evidence at dokomentong hawak ng magkabilang panig, ang korte mag dedecide kung ano ang nararapat.
PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, limitado po ang tanong sa ISA LAMANG at walang follow-up na tanong. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments, spekolasyon o haka-haka na mga katanungan.
Kung hindi pa kayo nakapag SUBSCRIBED pa sa TH-cam Batas Pinoy Channel mag subscribed na kayo at ma i-share ninyo ang Batas Pinoy channel sa mga kaibigan at kamag-anak, at i-click ang share, like, SUBSCRIBED , at NOTIFICATION BELL sa inyong mga screen. Ang mga SUBSCRIBERS ay binibigyan ng priority sa pag sagot ng mga comments at katanungan.
NOTICE: Due to the long queue of patrons waiting to be accommodated take notice of the following:
a) Patrons are being served on a First received query basis.
b) As a matter of policy, only one-time free consultation is encouraged in order to give chance to others waiting in the queue.
c) It is the responsibility of the sender to provide sufficient and complete information and details relative of the issues and concerns brought forth in order to avoid time consuming follow-up, clarificatory or piecemeal, speculative questions.
Kung kayo ang may-ari ng road lot, hindi maaring pilitin kayo ng mag bigay ng right of way sa kotse nila. Unless payag kayo at babayaran kayo.
@@BatasPinoyOnlinekmi po my ari po ng lote . At binigay po samin ng gobyerno yung aming tinitirikang bahay at yun po yung old spanish road po .
Pwede po ba namin bawiin ang right of way ? Na ibinigay namin atty? Dahil gusto po nilang mag bigay pa kami ng spasyo na kasya ang kotse?
At atty . Pwede po ba na makielam ang DNER ng ibang bayan Sa gantong usapin? Lalopat di po nila nasasakupan?
Salamat po..
Good morning po Atty. i want to your advice. How to safe my selling my house and lot my property? Pls help me. Thank you and God bless po.
There is really no big issue in selling your house and lot. If you're title, Tax Declaration are in order and the corresponding property tax are paid and updated, these could be an added premium and incentive to prospective buyers. Should you find the right buyer, just be sure that simultaneous to your signing of the Deed of Sale, your turn over of the title, tax declaration certificate, latest tax receipt to the buyer, the full payment thereof, in the form of Manager's Check/bank draft are received by you to your full satisfaction.
Better still have the assistance of your lawyer, if it is possible under the circumstances.
Ang lupa at Bahay ay produse Ng Lolo ko at Lola Patay na pareho...Anim Ang anak na magpaparte pero Namatay narin Ang Apat sa tagapagmana pati Ang Nanay ko Kasama sa Apat na Wala na...pero Ang Ariarian nailipat Ng Isang Kapatid sa Isa sa namatay.ang Tanong papano Ang sharing Ng mga Apo sa property
Magandang araw po uli Attroney Wong -- gusto ko lng po isangguni sa isyu sa isang lupa na nais ko bilhen, Isang agricultural lang na humigit 10 hectares, naibenta ang 6 na hectares sa iba at sa akin ay 4 na hectares. Awared ang titiled noon 1995 at nakapangalan sa 5 magkakapatid, verified ang authentication sa RD at malinis at ay updated. Ang isyo po ay meron ibang party (non-family related) at nag claim ng lupa at nagpakita ng title nun kapanahunan ng Spaniards, kung properly titled at updated ang amelyar, ano po ang validity ang claim ng ibang party at ano po ang magandang gawin ko bilang isang buyer. Salamat po at mabuhay kayo
Sa aking pagkaka-alam ung spanish title sa mga lupain sa Pilipinas, na na-issue pa noong panahon ng kastila ay matagal ng pinawalang bisa. Ang kontroling sa pagmamay-ari ng lupa ay ang Titulo na lupa sa ilalim ng ating Torrens System na pinagtibay ng batas natin.
Para maka sigurado, dapat red flag sa iyo yan. Kasi malay mo, ung sinasabi mong ibang party, ay mag file din ng adverse claim sa titulo ng lupa balang araw for whatever reason or kung ano mang kadahilanan nila. Pwede rin kasi na kung ihiwalay mo na ang 4 hectares na bibilhin mo, masasama ang nabili mong 4 hectares sa claim ng third party. It's a judgment call on your part.
PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, limitado po ang tanong sa ISA LAMANG at walang follow-up na tanong. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments, spekolasyon o haka-haka na mga katanungan.
Kung hindi pa kayo nakapag SUBSCRIBED pa sa TH-cam Batas Pinoy Channel mag subscribed na kayo at ma i-share ninyo ang Batas Pinoy channel sa mga kaibigan at kamag-anak, at i-click ang share, like, SUBSCRIBED , at NOTIFICATION BELL sa inyong mga screen. Ang mga SUBSCRIBERS ay binibigyan ng priority sa pag sagot ng mga comments at katanungan.
NOTICE: Due to the long queue of patrons waiting to be accommodated take notice of the following:
a) Patrons are being served on a First received query basis.
b) As a matter of policy, only one-time free consultation is encouraged in order to give chance to others waiting in the queue.
c) It is the responsibility of the sender to provide sufficient and complete information and details relative of the issues and concerns brought forth in order to avoid time consuming follow-up, clarificatory or piecemeal, speculative questions.
@@BatasPinoyOnline Magandang araw po Attorney-- Adverse claim po ba ay ---When someone publicly moves into a neglected property, he or she may acquire title to that property after a certain amount of time has passed, based on the notion that land should not sit idle? updated nman po ang amelyar, saka bakit po ma honor ang adverse claim sa court kung titled ang property? kung may third party po diba dapat meron sya updated na amelyar to consider na hindi maging public land ang property?
ATTY. MAGANDANG UMAGA TANONG KO LANG PO AKO ANAK SA LABAS PERO KINILALA AKO NA ANAK NI TATAY DAHIL SYA ANG NAKA PERMA SA BIRTH CERTIFICATE KO O ACKNOWLEDGED PO AKO SA BITRH CERTIFICATE NA KINUHA KO SA NSO PO ATTY. MAG KANO ANG HATIAN NG ILLEGITINATE AT LIGETIMATE ATTY. MARAMING SALAMAT SA IYONG KASAGUTAN AT MERRY XMAS SA IYO AT SA IYONG FAMIL GOD BLESS
Hello may habol po ba magreklamo ang isang pamangkin na binenta ng kanyang tiyahin ang lupa ng kaniyang tiyuhin na patay na hindi siya pinapaalam at hindi mn lang siya na partihan.. Ang kanyang ama niya ay matagal nang patay na..
Sir, gusto n nmin ibenta un bahay n naiwa ng parents nmin pero un isa kapatid nmin ayw pumirma ano po b magandang gawin para mabenta ang bahay
Good day po attorney. Sana matulungan niyo po ako. Atty. sa ganitong sitwasyon. Since Lola ko na lang po ang buhay sa magkakapatid. May karapatan po ba siya na magdecide kung sa kanya mapunta ung lupa na naiwan ng kapatid niya? Wala din po kasing anak ung namayapa and Lola ko na din po ung nag asikaso nun hanggang sa pagpapalibing. Salamat po
Kung wala ng iba pang mga surviving heirs ang lola mo, maari siiyang gumawa ng Last Will and Testament upang sa pamamagitan ng dokomentong ito, ay maipapamahagi niya ang mga ari-arian niya at ung mga namana niya kung kanino ito mapupunta.
PAALAALA: DAHIL sa haba ng pila na naghihintay ng kasagutan na tulad mo, LIMITADO PO ANG TANONG SA ISA LAMANG. Tungkulin ng nagtatanong na i-kompleto ang mga detalye at malinaw ang mga katanungan. Pag di maliwanag ang tanong, maaring mali din ang sagot o di mabigyan ng tumpak na sagot ang katanungan. Hindi na po sinagot ang follow-up, paglilinaw na mga tanong o bigay ng installments o spekolasyon, haka-haka ang mga katanungan. Ang mga SUBSCRIBERS at may click ng NOTIFICATION bell lamang ang bibigyan ng priority sa pag sagot ng mga katanungan.
Paano atty kong sa sampung kapatid, dalawa lang ang nagbabayad ng buwis. Paano ang walo na hindi nagbabayad. Kailangan ba na equal share sa bawat isa.
Ang pag tanggap at pag enjoy ng mana ay EQUAL sharing sa mga magkakapatid, at ganoon na rin sa mga obligasyong EQUAL sharing din sa pagbayad ng buwis at mga gastusin for the maintenance and preservation of the estate or property na mana, habang hindi pa ito nag subdivide. Kung sino man sa inyong magkakapatid ang nagbabayad ng buwis at gastusing nabanggit, ay maari ninyo silang singilin sa kanilang contributions, at i-charged ito sa kanilang respective shares.
Tanong po atty... Namatay po kumpare ko 3 anak nya sa bawat isa bbe wala po sya pinakasalan.. Cno po dapat magmana ng mga ariarian nya? Buhay pa nanay ng namatay 80 na edad. At may mga kapatid ung nmatay..
Magandang Umaga atty. Ano po pueding Kong gawin. Kasi bininta ng lola ko Ang bahay nya. Kahit sirangsira binili ko paren at penaayos. Tapos penaupahan ko para kahit papano my maitotolong po ako ky lola. Tapos po nag trabaho po ako sa manila mahiget 4 nataon tapos Namatay yong lola ko. Gosto ko Sana konin Ang bahay na binili ko. Ayaw ibegay ng mga anak ni lola ko kasi po Wala daw ako katebayan na binili ko ky lola yong bahay. Kahit alam naman nila na binili ko yong. Bahay kahit walang patonay. kahit sa baranggay pero maraming kapit bahay na nakaalam na binili ko yong bahay tapos. Yong nangupahan sa bahay na binili ko ky lola. Nakakaalam den Kasi po pinaharap ko sya ky lola dahil ayaw nya maniwala na bininta na ni lola yong bahay sakin kaya nag harap kaming 4 kasama na yong 1 witnis na nag papatunay na binili kona yong bahay. Nag mamakaawa po ako sa inyo na Sana po matolongan NYo po ako kung ano Ang gagawin ko
Gusto kopa maging lawyer din someday...
Great to hear that. The fact that you what to be a lawyer, is already a big step closer to become one.Just follow your heart.
Hello, Atty. Ano po ang inheritance rights ng illegitimate child? Ang father po ay nagpagawa ng Deed of Donation at dino-donate po sa dalawang legimate children ang bahay (pinagawa ng father at mother ng legimate children ang bahay. Mother is deceased na. Mother ay OFW noong buhay pa, kaya napagawa ang bahay. )
Ang acknowledged illegitimate child ay maituturing na compulsory heir na magulang. Pag namatay ang magulang bilang tagapmana ay entitled to inherit sa mga air-arian ng magulang. Kaya lang bilang illegitimate child ang mana niya ay katumbas lang ng kalahati(1/2) sa mana o share ng isang legitimate child. Kung walang natirang mana sa illegitimate chid dahil na-idonate na ang mga ito sa kanyang mga legitimate chid, ay maari pa ring mag habol ang illegitimate child sa kanyang share sa mana, kung mapapatunayan na sa ginawang donation, ay nawalan siya ng mana kahit ito ay katumbas lamang ng kalahati ng mana ng legitimate child.
@@BatasPinoyOnline Ang acknowledged illegitimate child po ba na maituturing ay kung ang father ay nakapirma sa birth certificate ng illegitimate child?
Good pm po!!thanks po at nangyan po kau!!!!ask me lang po kung anong pdeng gawin kapag d po sumasagot sa demand letter yong idenemanda!!!
Pano po Yong kung Ang bahay ng magulang ko nakapasok sa lupa ko. na pinaghatian namin magkakapatid.?
Yon Pong sinasaka ng isang kapatid namin,ay nakapangalan sa aming Father
Pwde Po mag tanong??
May minana Po and aking papa sa Lolo ko na lupa..pero matagal Napo silang hiwalay Ng mama ko...tapos may kinakasama Napo ibang babae Ang papa ko at my mga anak na Rin sila...tanong Lang Po attorney may karapatan Po ba kaming mga legal na anak sa minana Ng papa ko sa Lolo ko??kasi po binenta na nya lupa na minana nya sa Lolo ko...
Tanung po ako may karapatan p po b ang anak n isinanla s banko ng nanay o magulang dalawa po ang anak n tagapagmana tinubos po ng kapatid n panganay s banko dahil sya lng po ang may pira ung bunso po ay walang kkayahan n mag share s oagtubos s pagkkasanla may karapatan p po ba ang bunso kahit wala syang nai share ? Salamat po att. Sana po malaman din nmin at may agam agam po c bunso kung may habol p sya s mana
Gud pm po atty. hingi ako na advice sa iyo po. ang lolo ko po ay na kutibar na lupa mula pa noon pagkatapos na WORLD WAR II pinagmana sa tatay ko at sa ngayon ipinagmana narin sa amin isang iktaya lupa na niog o kuprasan wala kami pinaghahawakan papil at sa kasalokuyan neron na nagsurvey na sa kanila raw ang lupain. atty meron ba kami laban kung sa kali sa kurte .paki payo po atty
Kung pababasihan nating ang kwento mo, napalaking laban ninyo sa lupa dahil kayo ay in actual, open, continuous and notorious possession ng lupa since noon pang pagkatapos ng world war II. Kung ang pagbabasihan nating ang batas, on the legal grounds of ORDINARY ACQUISITIVE AND
EXTRAORDINARY PRESCRIPTIONS ay maaring na ninyo itong mapatitulhan at upang maunawaan ninyo ang mga legal na kadahilanang nabanggit, ito ay:
1) In Ordinary acquisitive prescription requires possession in good faith and with just title for ten years.
2) In extraordinary prescription, ownership and other real rights over immovable property are acquired through uninterrupted adverse possession thereof for thirty years without need of title or of good faith.
Huwag kayong umalis sa inyong lugar no matter what. Panindigan ninyo ito. Huwag ka kayong patumpiktumpik, asikasuhin na ninyo ang pag patitulo nito, sa lalong madaling panahon. Maki-pag ugnayan kayo sa lawyer upang makagawa ng kaakibat na hakbang upang mapatitulan ang inyong lupa na dapat matagal na itong ginawa. First step ay mag pa survey kayo upang magkaroon kayo ng subdivision at lot plan with tracing cloth plan with Approved Technical Descriptions galing sa Land Management Bureau(MB-DENR). Ung mga susunod na steps alam na ng lawyer ninyo kung ano ang dapat gawin.
Lagyan ninyo ng mga pader/coral ang perimeter o boundary lines ng inyong property, at mag paskil kayo ng "NO TRESPASSING PRIVATE PROPERTY" sa lahat ng mga north, south, east at west sides ng inyong property. At kung sakali mang malaman ninyo na may nag papatitulo ay kontrahin ninyo ito, at huwag ninyong ibawali wala ang ano mang sulat na inyong matanggap at isangguni sa inyong lawyer upang makagawa ng kaakibat na hakbang.