PAUBAYA [Musika'Tula ft. Karl Zarate]

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 22 ส.ค. 2024
  • PAUBAYA
    by Moira dela Torre
    MUSIKA'TULA
    Song Cover by: Karl Zarate
    Spoken Word Poetry by: Beverly Cumla
    (SONG)
    Saan nagsimulang magbago ang lahat
    Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
    Ba't di mo sinabi nung una pa lang
    Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal
    (POETRY)
    Minsan kitang nakitang masaya
    At inakala 'kong ako ang dahilan
    ng bawat pagkurba ng iyong mga labi
    Ang pilantig ng iyong kilig
    Ang kislap ng 'yong mga mata
    Nakikita kita, nakikita ko ang iyong mga tawa
    At nang minsang magtama ang ating mga paningin
    ay bigla itong nawala
    Naglaho, napalitan ng namumuong mga luha
    Isang pahiwatig na hindi ako ang may gawa
    Hindi ako ang nasa likod ng iyong halakhak
    Sapagkat habang nakikita kita, ay nasa isip mo siya
    (SONG)
    At kung masaya ka sa piling niya
    Hindi ko na pipilit pa
    Ang tanging hiling ko lang sakanya
    'Wag kang paluhain
    At alagaan ka niya
    (POETRY)
    Kaya pala,
    ang daming nagbago nung huli tayong magkita
    Sapagkat hindi mo na kayang ibalik ang ibinigay kong yakap
    Wala nang pahinga sa iyong pagtabi
    Minamadali mo na lang sumapit ang gabi
    Para muling umuwi, lumisan
    (SONG)
    Saan natigil ang pagiging totoo
    Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
    (POETRY)
    Muling uuwi, lilisan
    Pagkatapos ay hahayaan
    na lang ako,
    na magtanong,
    "Bakit hindi mo na lang ako tuluyang iwanan?"
    Bakit kailangan mo pang iparamdam na pinipilit mo itong iligtas
    Kahit ang totoo ay gusto mong ako na lang ang kumalas
    Hinihintay ang bawat bukas
    Kahit ang totoo ay gusto mo na ng wakas
    (SONG)
    At kung masaya ka sa piling niya
    Hindi ko na pipilit pa
    Ang tanging hiling ko lang sakanya
    'Wag kang paluhain
    At alagaan ka niya
    (POETRY)
    Naiitindihan ko na hindi na ako
    At ang gusto ko lang naman ay marinig ito mula sa'yo
    Sabihin mong hindi na ako
    Hindi na ako ang mahal
    Sapagkat hahayaan kitang mapunta sa kaniya, mahal
    Ganito ang tunay na pagmamahal
    (SONG)
    Ba't di ko naisip na merong hanggan
    Ako yung nauna, pero sya ang wakas
    (SONG)
    Nakita naman sa'yong mga mata
    Kung bakit pinili mo siya
    Mahirap labanan ang tinadhana
    Pinapaubaya
    Pinapaubaya
    Pinapaubaya ko na sa kaniya
    (POETRY)
    Hindi ito madali
    Pero kailangan kong magpaubaya
    Kahit di ako sigurado kung paano ako lalaya sa pagpapalaya ko sa'yo
    Maniniwala
    Na lang sa tadhana
    Na darating ang araw ay muli akong liligaya
    hindi sa kung paano kita makitang masaya
    kung di sa kung paano ka magiging masaya
    kapag nakita mong kinaya kong muling lumigaya
    Makikita mong kaya kong muling lumigaya
    Makitang mong kaya kong muling lumigaya
    Nang hindi ka na kasama,
    Muling liligaya nang hindi ka na kasama.
    -
    Subscribe to Karl Zarate's TH-cam Channel
    www.youtube.co....
    WATCH KARL'S FULL COVER HERE:
    • PAUBAYA - Moira Dela T...
    For more updates, follow me on my social media sites listed below:
    FACEBOOK PAGE: / bcumla
    TWITTER: / beverly_cumla
    INSTAGRAM: @beverlycumla
    JOIN OUR FACEBOOK GROUP AND BE PART OF THE BEVIES:
    / 11935. .
    For business purposes, email me at:
    beverly.cumla@gmail.com -
    -
    #BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

ความคิดเห็น • 352

  • @karlzarate
    @karlzarate 3 ปีที่แล้ว +313

    Naging Triple yung sakit. 🥺 😭
    ISANG MAHIGPIT NA YAKAP SA LAHAT NG NAIWANAN. 🤍

    • @beverlycumla
      @beverlycumla  3 ปีที่แล้ว +30

      Always a solid piece with you, Karl!! Huhuh Loveyou, thank you!

    • @JD_inHawaii
      @JD_inHawaii 3 ปีที่แล้ว +3

      sa tru lang po mas nadurog po ako lalo😭 pero dedma lang po FIGHTING 💪🏻💪🏻 Pilipino tayo Heart breaks lang yan

    • @richardarceo4530
      @richardarceo4530 3 ปีที่แล้ว

      Love you guys

    • @m_gerente
      @m_gerente 3 ปีที่แล้ว

      ansakitt☹️💔Go ateee beverly. dami mo nanaman pong napaiyakk sa mga line's mo🥺😅
      Cheer up guy's 💪yakaaaa yannn☺️

    • @arrolcapunitan6039
      @arrolcapunitan6039 3 ปีที่แล้ว

      Mas lalo akong na iispired na magsulat pa ng magsulat maam dahil po sa inyo :) .. salamat ..

  • @niamilk9034
    @niamilk9034 3 ปีที่แล้ว +60

    The most hurtful situation
    Seeing the person from your past
    Now is more happy with someone
    That he/she really wanted to be with

  • @Kimberly-kl8mg
    @Kimberly-kl8mg 3 ปีที่แล้ว +1

    So nice 😍👍

  • @makatangbatanguenio
    @makatangbatanguenio ปีที่แล้ว

    Kung gusto mong ikaw ay maging Malaya ay palayain ho natin yung taong di para sa atin. At kumain ng Ampalaya ng di mapait masapit ng ating puso at damdamin..

  • @sabinianoregineannfayegali574
    @sabinianoregineannfayegali574 3 ปีที่แล้ว

    Ang galing talaga ni ate beverlyn idol talaga and skl lang po may gawa rin po akong tula inspired by paubaya moira dela torre❤️ Kaya po ako na inspired kasi po alam mo yung feeling na kasama mo sya pero iba yung nasa isip nya. Minahal ka naman nya pero di tulad nang sa kung paano nya minahal ung isa. Sometimes talaga na we fix or we build the person for another person.

  • @colinepalomares9439
    @colinepalomares9439 3 ปีที่แล้ว +4

    ang sakit talaga nung kanta na ito. napuno ako ng maling discription pero dahil sayo bat ganto ako salamat na mas pinili mo ganto ang sitwasyon natin dalawa. PAUBAYA na kita kahit sino man na babae para sayo at darating din ang panahon na liligaya ako na dina kita kasama

  • @likhaniceleste8360
    @likhaniceleste8360 2 ปีที่แล้ว

    Para sa mga naiwan at nagpaubaya nawa'y kayo ay makalaya.

  • @lyneeaguilar6810
    @lyneeaguilar6810 3 ปีที่แล้ว

    Bkit ang sakit parin khit n ang aking nakaraan ay kinalimutan kona at ngayon ay may nagppasya n sakin ehh..natamaan parin ako...hayy nako po ate Bev's mahal n mahal tlga kita... Best ka tlga ehhh...taong tagos s puso.....

  • @AnonyMous-et5hp
    @AnonyMous-et5hp 3 ปีที่แล้ว

    ang ganda beverly masaya na ba sya pinaubaya nya agad ako..

  • @gracegarcia1377
    @gracegarcia1377 3 ปีที่แล้ว

    Sa bawat pagsulat ko po ng mga tula ikaw ang nagsisilbi kong inspirasyon
    Godbless po

  • @elmeracosta9018
    @elmeracosta9018 3 ปีที่แล้ว

    ...gusto mong iparamdam na pinipilit mo itong iligtas kahit ang totoo ay gusto mo na ako ang kumalas....na ang gusto mo ay wakas...makikita mo...makikita mo...(lakas makauntog yung masakit na masakit)😁

  • @frinsloed2464
    @frinsloed2464 3 ปีที่แล้ว +1

    Ang tamis naman ng sakit. Iyong alam mo na kailangan mong gawin ang mga kakailanganin kahit may alinlangan. Tanggapin ang katotohanan kahit ayaw mo ito maging totoo. Grabeeeeeeeeeeeee napaluha ako. 🥺😭

  • @pamelasevilla7836
    @pamelasevilla7836 3 ปีที่แล้ว

    Watching this rn at midnight, grabe sobrang tagooos :( btw, yakap sa mga taong nasa healing process, kaya natin 'tooo 🤗

  • @julianab.tenajeros2509
    @julianab.tenajeros2509 3 ปีที่แล้ว

    pinakahinihintayyyy kooo !!! wahhhh bigat ate bevs

  • @karenota6577
    @karenota6577 3 ปีที่แล้ว

    I was hurt back then tapos nag browse ako sa yt and mga tula ni ate bev nakita ko mga tulang masasakit tagos sa puso at sa panahon ding yon naging inspirasyon ko siya sinubukan kong gumawa ng mga tula mga tulang natatakot akong ilabas pero sana balang araw maiparinig ko din sa iba❤️

  • @dangsantos5646
    @dangsantos5646 3 ปีที่แล้ว

    Ang sakeeet huh.... feel kita

  • @Nicole-xb5rh
    @Nicole-xb5rh 3 ปีที่แล้ว +8

    “Kailangan kong mag paubaya kahit hindi ko alam kung paano ako lalaya sa pag papalaya ko sayo.” damn so deep.

  • @danzofficial4084
    @danzofficial4084 3 ปีที่แล้ว +1

    Ganda ng Boses ni KARL ZARATE at lakas makawasak ng bawat salita ni Beverly Cumla

  • @cristelosorio1817
    @cristelosorio1817 3 ปีที่แล้ว

    Eto na atta yung pinaka masakit na musika tula na napanuod narinig ko nay..😁

  • @8m_g10_gersaliakhristinaca7
    @8m_g10_gersaliakhristinaca7 3 ปีที่แล้ว +60

    Ms. Beverly I am 12 years old po and you became an inspiration to me po....I appreciate every piece you create po.. Godbless po

  • @mariellebonto5022
    @mariellebonto5022 3 ปีที่แล้ว

    Ate Bebs you are inspire a lot.... 🥰🥰🥰🥰🥰😘😘😘😘

  • @lianndelacruz6791
    @lianndelacruz6791 3 ปีที่แล้ว

    Whooo ang saakkiiit nmaann

  • @nitatecson9237
    @nitatecson9237 3 ปีที่แล้ว

    U are my idol kaya always ako nag susulat ng poem eh dahil sayoo ate eh salamat po ha

  • @ariamari3955
    @ariamari3955 3 ปีที่แล้ว +4

    Last week, nagsulat ako ng tula para sa unang lalaking minahal ko and habang sinusulat ko yun. This "paubaya" song was my background music. Ang sakit na ang saya lang kasi ngayon pwede ng lumaya yung puso ko na tatlong taon ng nakakulong dahil ayaw ko siyang palayain. Masakit dahil kahit kailan hindi na siya babalik at magiging akin. Gusto ko lang sabihin sa kanya kahit hindi makarating na "I'm happy now and I know masaya ka na sa bagong babaeng minamahal mo ngayon. I'm always proud of you and I always choose your happiness because I love you. Kahit hindi na ako yung mahal mo. Malaya ka na at pinapaubaya na kita sa kanya. Thank you for 3 years love."

  • @lrynigncbyms
    @lrynigncbyms 3 ปีที่แล้ว

    Ang sakiiit huhu stay strong sa mga malulungkooot jan. U deserve better move forward :)))

  • @marygracetallada9466
    @marygracetallada9466 3 ปีที่แล้ว

    Kahit dika broken sadyang masasaktan ka nalang talaga sa bawat salita🥺

  • @darrianne6518
    @darrianne6518 3 ปีที่แล้ว

    Mas masakit yung hindi naging sa'yo pero kailangan mo ipaubaya.

  • @christiannapperia9046
    @christiannapperia9046 3 ปีที่แล้ว

    MASAKIT PERO MAS PINASAKIT. APAKATALENTADO NG DALAWANG ITO!!!!!! PERIODT. GALIT NA KO!!!!!!!!

  • @ericaamoraraza6906
    @ericaamoraraza6906 3 ปีที่แล้ว

    Ouchh namaaan.😭 😭 Baket pa kase nag paparamdam pa.alam mo naman hanggang ngayon nasasaktan parin ako pag naalala ko lahat2. pinapaubaya na nga kta sa kanya alam ko naman kailangn mo lang ako, pero d na ako ang mahal mo.😔 Stay strong nalang sa inyo.

  • @franzvillarias6905
    @franzvillarias6905 ปีที่แล้ว

    Grabe yung sakit. Kung kelan nasasaktan kna ngayon, mas nasasaktan kapa. Double triple ang sakit 😭

  • @erickamora6481
    @erickamora6481 3 ปีที่แล้ว

    I LOVE YOU ATE BEVERLY

  • @ms.i.a4083
    @ms.i.a4083 3 ปีที่แล้ว

    Simula grade 8 po ako iniidolo na Kita at HANGGANG NGAYON po ay patuloy mo parin po akong pinapahanga sa mga piyesa na iyong gawa grade 11 na po ako NGAYON at ikaw parin po ang inspiration ko para magpatuloy gumawa ng tula at ibahagi sa madla

  • @whoami-hz3lp
    @whoami-hz3lp 3 ปีที่แล้ว

    Ang sakit nung kanta pero mas masakit eh tagosssssss

  • @francisdalondong9986
    @francisdalondong9986 3 ปีที่แล้ว

    Ate Beverly😥😥😥 ito po talaga ang hinihintay ko na musika'tula with kuya karl at ang sakit sakit niya. grabe yung emosyon nakakadala💔💔

  • @desarganda2715
    @desarganda2715 3 ปีที่แล้ว

    Liligaya kahit hindi ka na kasama

  • @mylabalaoro8426
    @mylabalaoro8426 3 ปีที่แล้ว

    "Bakit mo pa pinaparamdam na gusto mo pa itong iligtas kahit ang totoo ay ako na lamang ang hinihintay mong kumalas"🤧💔

  • @hugoterongpalaka5235
    @hugoterongpalaka5235 3 ปีที่แล้ว

    Iba ka tlga madam beverly, mapapa waw ka nalng tlga...un tipong nasaktan ka sa kanta pero mas nasaktan ako sa emotion na nailalapat mo sa bawat pyesa, marami akong masasakit na naranasan sa buhay kaya ako napunta sa ganitong art, minsan gsto ko n mag stop kasi minsan akala ko hnd naman ako para dito, pero pag nakikita ko ang mga pyesa mo, kahit d ako magaling na kak proud na isa ka sa mga naging inspirasyon ko..salmat salmat sayo

  • @cerberuscodm5871
    @cerberuscodm5871 3 ปีที่แล้ว

    Ayaw ko na ba talaga magmahal o takot nalang ako masaktan... Sana hindi ko hinayaan na bumitaw sya, Sana naayos pa. Mas maganda na din siguro para saming dalawa. Kung dun kami mag grogrow sa mga sarili namin

  • @calansinginvincent8730
    @calansinginvincent8730 3 ปีที่แล้ว

    galing po nakakaiyak kahit walang jowahahhahaha👌♥️👏

  • @ms.i.a4083
    @ms.i.a4083 3 ปีที่แล้ว

    Ate beverly ikaw po ang nagbigay ng inspiration SAKIN para magkaroon ako ng lakas ng loob na ibahagi ang talento ko sa pagsulat ng tula

  • @coffeeminutewithkuyajie9691
    @coffeeminutewithkuyajie9691 3 ปีที่แล้ว

    Isang mahigpit na yakap miss Bev, grabeee magiging masaya kahit hindi na siya kasama.

  • @madulamaryjoym.3596
    @madulamaryjoym.3596 3 ปีที่แล้ว

    ANG GANDAA NG COLLABORATION ❤️💓

  • @tinmart1502
    @tinmart1502 3 ปีที่แล้ว +1

    Ang sakit,inaano ko ba kayo?

  • @shekhinahzerene584
    @shekhinahzerene584 3 ปีที่แล้ว

    Galing Nyo Po

  • @wynechannel2971
    @wynechannel2971 3 ปีที่แล้ว

    Iba po yung sakit NG kanta grabe lalo na po yung kinover nyo

  • @ferlynrivera2964
    @ferlynrivera2964 3 ปีที่แล้ว

    Kakayaning lumigaya ng wala siya.
    Omg ate bevvv, galenggg

  • @dianagerona2438
    @dianagerona2438 3 ปีที่แล้ว

    Parang para sa aking to😭 💔 sobrang sakit lang na yung tatay ng anak mo yung boung mundo mo gumuho dahil bigla nalang sya nagbago kame yung kelangan pero di na kame yung mahal 😭

  • @virgiliojr.telegrafo5285
    @virgiliojr.telegrafo5285 3 ปีที่แล้ว

    Grabe yong Feelings overload.

  • @jonatanalgo5455
    @jonatanalgo5455 3 ปีที่แล้ว

    Ganda talaga idol bevs

  • @johnraphaelregala6257
    @johnraphaelregala6257 3 ปีที่แล้ว

    Huhu ang init ate beverly😍

  • @KieShaBB
    @KieShaBB 3 ปีที่แล้ว +1

    Ang sakit sakit Naman 😭💔
    Ung feeling na dinudurog Ang puso mo 😭😭

  • @grezelbalbutin6051
    @grezelbalbutin6051 3 ปีที่แล้ว

    wuyyy shett kasakkittt :(((traypol

  • @daniellabuenavidez2529
    @daniellabuenavidez2529 3 ปีที่แล้ว

    masakit na nga yung kanta.. masakit din yung tula... 😭😭😭

  • @loriepaderes2440
    @loriepaderes2440 3 ปีที่แล้ว

    Ganda Po ng boses

  • @asdfghjkl187
    @asdfghjkl187 3 ปีที่แล้ว

    Grabe iyak ko rito ahh. Every piece pinapaiyak mo ko Ate Bevs. Hahaha labyyyyyuuu

  • @kyladelgaco811
    @kyladelgaco811 3 ปีที่แล้ว

    Idol talaga

  • @Iyumiesatingin2300
    @Iyumiesatingin2300 3 ปีที่แล้ว

    Mahigpit na yakap nanay bevs❤

  • @reychinedayao4397
    @reychinedayao4397 3 ปีที่แล้ว

    Agaling nyupo ate😍

  • @sofiaestrella8837
    @sofiaestrella8837 3 ปีที่แล้ว

    Ikaw talaga ang inspirasyon ko nay bevs sa bawat piyesang nililikha ko.

  • @richmondtirao1720
    @richmondtirao1720 3 ปีที่แล้ว

    Galing galing talaga ni ate

  • @lykanicoletorres8453
    @lykanicoletorres8453 3 ปีที่แล้ว

    Di naman ako broken ate ih🥺 feeling ko broken ako dto huhu hugggssss for everyone

  • @heraLaagan
    @heraLaagan 3 ปีที่แล้ว

    Pers

  • @claudinetadeo7809
    @claudinetadeo7809 3 ปีที่แล้ว

    Masyado napo silang nananakit HUHUHUHAHA una sa cover ni Kuya karl tapos may poem pang nasama masyado napo masakit

  • @jellian11
    @jellian11 3 ปีที่แล้ว

    Your my insperation ate bev 💕
    Salute💕

  • @ronalyncucal1130
    @ronalyncucal1130 3 ปีที่แล้ว

    Galing ng musika'tula nyo sobra akong naiyak🥺

  • @PurpleMin_BTS
    @PurpleMin_BTS 3 ปีที่แล้ว

    🥺🥺😭😭😭😭💔💔💔💔 ang sakit sakit, randam na randam kong pagiging wasak ko 🥺🥺🥺

  • @katpragedes7309
    @katpragedes7309 3 ปีที่แล้ว

    Nakakadurog ng puso bawat salita binibigkas tumatarak sa aking puso, sabayan pa ng isang awitin sadyang nakakaiyak. Dama ko nanaman ang pyesa. Keep safe po.

  • @gmarie953
    @gmarie953 3 ปีที่แล้ว

    Wooooah 💔😍

  • @flordemaeysulan8451
    @flordemaeysulan8451 2 ปีที่แล้ว

    Grabe ate idol , inuulit ko to😍

  • @allenasma364
    @allenasma364 3 ปีที่แล้ว

    Grabe ate beverly 💕💖💓 ang ganda po

  • @Nicole-xb5rh
    @Nicole-xb5rh 3 ปีที่แล้ว +8

    “Bakit kailangan mo pang iparamdam na ipinipilit mo pa itong iligtas kahit ang totoo ay ako na lang ang kumalas” confusing ppl hurt us the most

    • @cjsotta163
      @cjsotta163 3 ปีที่แล้ว

      *kahit ang totoo ay gusto mong ako na lang ang kumalas.
      so sad ☹️

  • @razzelescora3611
    @razzelescora3611 3 ปีที่แล้ว

    WAAAAAAAH diko namalayan naluluha na ako bakit ang sakit? 😭

  • @cherrymaeabejo4153
    @cherrymaeabejo4153 3 ปีที่แล้ว

    Yung emotion talaga 😍😍😍😍😍

  • @estelamaedelacruz3333
    @estelamaedelacruz3333 3 ปีที่แล้ว

    Sakit mo sa puso ate peverly😭😭😭

  • @alleahsantos1455
    @alleahsantos1455 3 ปีที่แล้ว

    Di ako malungkot pero bigla akong lumungkot

  • @ranchyyy6745
    @ranchyyy6745 3 ปีที่แล้ว

    Grabe sobrang sakit naman huhu. Good job! Both of you!

  • @aliyahoco1548
    @aliyahoco1548 3 ปีที่แล้ว

    Ang sakit naman ng TULA :-(

  • @andreatamondong9335
    @andreatamondong9335 3 ปีที่แล้ว

    moreeee pa ate napaka galinggg po!!!❤

  • @llynssn
    @llynssn 3 ปีที่แล้ว +8

    This makes me realize ung mga sacrifices nya sakin, ung kahit paulit ulit tinatanggap parin ako ulit... 😭 sorrryyyyyyyy!!!! Gusto ko siya bumalik pero parang di na mauulit.

  • @jeanshainmanalo9343
    @jeanshainmanalo9343 3 ปีที่แล้ว +1

    Sobrang sakit nito. 😭💔 Apakagaling talaga! Iloveyou ate bevs 🤗

  • @hideoarella4324
    @hideoarella4324 3 ปีที่แล้ว

    Saludo talaga😍

  • @markeldinflores
    @markeldinflores 3 ปีที่แล้ว

    NAPAKASAKIT

  • @aezelea648
    @aezelea648 3 ปีที่แล้ว

    Omooo Ate Bevsss huhu 😩💓

  • @nameepanda
    @nameepanda 3 ปีที่แล้ว +1

    WOW THE VOCALS IM------ 😭😭😭😭😭😍😍😍😍😍

  • @senoritoroy3225
    @senoritoroy3225 3 ปีที่แล้ว

    Ang ganda naman

  • @WeDuet
    @WeDuet 3 ปีที่แล้ว

    GRABE KAYOOOO HUHUHU

  • @jazhielbernardo6675
    @jazhielbernardo6675 3 ปีที่แล้ว

    may pinanghuhugutan talaga eh.

  • @angelaranez4984
    @angelaranez4984 3 ปีที่แล้ว

    Graveeee Ang SAKITT NAmn nito😭😭💔💔

  • @talia7780
    @talia7780 3 ปีที่แล้ว

    napaka-tapang mo, bevs. mahal kita, isang mahigpit na yakap🖤

  • @kfds013
    @kfds013 3 ปีที่แล้ว

    Ang sakit, bawat bigkas ate tagos na tagos. Ako yung malapit. Ako yung nakasama. Bat' siya parin?

  • @ronalyncucal1130
    @ronalyncucal1130 3 ปีที่แล้ว

    Naiyak ako huhu🥺

  • @violetaperez214
    @violetaperez214 3 ปีที่แล้ว

    Isang napakahigpit na yakap sa lahat ng taong nagpaubaya na katulad ko 😭😭😭

  • @jaselcabaluna5605
    @jaselcabaluna5605 3 ปีที่แล้ว

    Ang sakit mag paubaya 😔

  • @jayveereyes9274
    @jayveereyes9274 3 ปีที่แล้ว +12

    Gee, you got me crying there. I was moved totally.

  • @nomore4757
    @nomore4757 3 ปีที่แล้ว

    Ganda ng boses ng singer medyo biglang naging bubble gang 😂 nakakatawa yung babae 😂 bubble gang ang peg 😂 parang ini spoof c mocha hahaha 😂 😂😂😂😂😂😂

  • @jonahlobiano7204
    @jonahlobiano7204 3 ปีที่แล้ว

    ang sakit nyeetaaa

  • @ria82421
    @ria82421 3 ปีที่แล้ว

    still watching!!!!!

  • @cristinetalosig8134
    @cristinetalosig8134 3 ปีที่แล้ว +1

    Miss beverly you are my inspiration for creating spoken ty poh

  • @smileeduran5101
    @smileeduran5101 3 ปีที่แล้ว +1

    Hello ate bev, hehe thank you po at pinukaw nyo po ulit yung damdamin ko po💕 magsusulat na po ulit ako, thank you po at paulit-ulit nyong pag inspire po sa amin, mwuah iloveyou ate bev💟

  • @christianangelomiranda1233
    @christianangelomiranda1233 3 ปีที่แล้ว

    You inspired me to keep writing! Salamat Beverly...