Learn Thru & From Jesus
Learn Thru & From Jesus
  • 4
  • 10 745
Judicial Sin vs Parental Sin
Ang maling pagkaunawa na parehas na ihuhulog ka sa Impyerno ng kasalanan mo na nagawa noong di ka pa mananampalataya at ngayong mananampalataya ka na sa Panginoon ang kalimitang sanhi ng paniniwalang nawawala ang Kaligtasan.
Layunin at hangad ko sa video na ito na maliwanagan kayong mga makakapanuod nito sa differences ng Judicial at Parental Sin upang mas tumibay ang faith natin sa Diyos regarding sa Salvation natin and at the same time ay mamuhay tayo ng may kabanalan (sapagka't ito rin naman ang kalooban ng Diyos para sa atin pagkatapos Niya tayong iligtas).
**********************
Ito naman yung mga link sa mga previous episodes natin:
1. Ano ang Kaligtasan? - th-cam.com/video/KhLHGWfenGM/w-d-xo.html
2. Paano malalaman na ligtas na tayo? - th-cam.com/video/VXUbgILRrl4/w-d-xo.html
3. Nawawala ba ang Kaligtasan? - th-cam.com/video/915lj-1Rw7M/w-d-xo.html
**********************
Differences between Judicial and Parental sin. Learn thru & from Jesus Episode 4.
มุมมอง: 165

วีดีโอ

Nawawala ba ang Kaligtasan?
มุมมอง 1.8K4 ปีที่แล้ว
Learn thru & from Jesus Episode 3 Nakalahad po dito ang aking pananaw sa tanong na "Nawawala ba ang Kaligtasan?". Ang aking pinagbatayan sa mga sinalita ko dito sa video na ito ay ang mga Salita ng Diyos sa bible. Nawa may matutunan tayo sa video na ito at ito'y makatulong sa atin sa ating paglago bilang mga Kristiano. Let we know your thoughts about the topic - reach us thru the comment sectio...
Paano malalaman na Ligtas na tayo?
มุมมอง 5384 ปีที่แล้ว
Learn thru & from Jesus - Episode 2 Paano natin malalaman/nalaman na tayo'y ligtas na? Papaano at saan natin malalaman na tayo ay ligtas na? Posible nga bang malaman na ligtas na tayo kahit nabubuhay pa tayo dito sa mundo? May mga basehan o mapanghahawakan ba tayo na katibayan tungkol dito? Ang mga nabanggit na bible verses sa episode na ito ay iilan lamang sa maraming pangako ng Panginoong Jes...
Ano ang Kaligtasan?
มุมมอง 8K4 ปีที่แล้ว
Ano nga ba ang Salvation o Kaligtasan ayon sa Biblia? May limang tanong na makatutulong sa atin upang mas malalimang maintindihan ang topic na "Salvation" o "Kaligtasan. 1. Ano ang Kaligtasan? 0:43 2. Saan tayo ililigtas? 2:39 3. Bakit kailangan ng tao ang Kaligtasan? 3:28 4. Sino ang nag-iisang Tagapagligtas? 4:11 5. Papaano maligtas? 4:50 Nawa'y matulungan tayo ng video na ito upang matuto ta...

ความคิดเห็น

  • @carlosvalderoso762
    @carlosvalderoso762 หลายเดือนก่อน

    Kaluluwa ba Ang maliligtas?

  • @joelpahati1969
    @joelpahati1969 ปีที่แล้ว

    Para po sa akin binabawi ang kasalanan kung patuloy ka pa rin sa pagkakasala

    • @cezararticona1377
      @cezararticona1377 2 หลายเดือนก่อน

      Sana di ka na lng pinagkalooban ng Dios ng kaligtasan kung babawiin pla sa yo ng Dios yan. Ligtas ka ngayon next week di ka na pla ligtas? Kung ganun sinungaling pla ang Dios na nangako sa John 10:28-29. Wlang kato2hanan pla ang ETERNAL LIFE. Anong sense ng pagi2ng SAVIOR ni Jesus Christ kung mawawala pla ang kaligtasan mo!

  • @joelpahati1969
    @joelpahati1969 ปีที่แล้ว

    Paano kung tinanggap mona si Jesus at ikaw ay masasabing ligtas na at patuliy kang nagkakasala yan ba ay manantili pa rin ang kaligtasan

  • @BrodRicky
    @BrodRicky ปีที่แล้ว

    5:18 Ayon sa Efeso 1:13-14 Totoo yan na ang Banal na Espiritu ay ang patunay na natatakan tayo ng Diyos para sa itinakdang araw ng Katubusan .. Ang tanong, SABI MO PO PATUNAY PO YAN NA YANG TALATANG YAN PAKAHULUGAN PO NINYO AY HINDI NA NAWAWALA SA TAO ANG KALIGTASAN? bakit may sinasabi sa Efeso 4:30 na ang pagbibigay diin dito ay, Posibleng Mapighati pa ng tao ang Espiritu Santo? Kung hndi nawawala? kasi malinaw ung talatang kinuha nyo po ay Pangako ng Holy Spirit satin ay Tatak ng pagiging anak ng Diyos. Paano po yan kung ung tao mismo halimbawa, sinadya naman niyang pighatiin pero sumasampalataya un kay Cristo ah at wala pang ginagawang kabutihan faith alone lang. Hindi po ba imposibleng mawala ang kaligtasan sa kanya?

  • @BrodRicky
    @BrodRicky ปีที่แล้ว

    5:18 Sa Hebreo 13:5 Kung titignan nyo po ang Conteksto ay Pagpapayo, At ang nakatala sa verse n yan mismo ay tinutukoy sa pagiging kuntento hindi dapat magfofocus ang tao sa kayamanan dito sa mundo, kundi sa Diyos lamang .. Yan ang reason kung bakit hindi ka niya Iiwan o pababayaan man. Ganyan sana bigyan ng pag-unawa ang pagbabasa ng bibliya wag nyo putulin Paki-usap lang .. Wag nyo palabasin na yan ay TUMUTUKOY SA KALIGTASAN AY NAWAWALA dahil hindi naman angkop ang talatang yan para i-consider mo ng sariling pakaluhugan. Ulitin ko ito ang nakasulat dyan na sinabi ng salita ng Dios :'( Hebreo 13:5 (SND) 5 Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Diyos: Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan.

  • @BrodRicky
    @BrodRicky ปีที่แล้ว

    3:38 Hebreo 10:10 (MBB) 10 At dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos, tayo ay ginawang banal ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng minsanang paghahandog ng kanyang sarili, at iyon ay sapat na. Kung babasahin ang talatang Ito, hndi punto dyan sa side ng tao Kundi sa Diyos na ating Panginoon at Ganap na Sapat na ang Handog dahil Siya Mismo ay Inihandog sa AMA. Ang tanong dito, Hindi mo ba pwedeng ialay din ng taong sumasampalataya sa kanya ang sarili mo para kay Cristo? sa Paraang Kamatayan? kasi may mababasa ako na kung saan, Ung halimbawang ginawa ni Cristo ay gaganapin din ng tao para siya ay maligtas o magtagumpay. 1 Pedro 2:21 (MBB) 21 Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan. Conclusion : Yan nga ang Rason sa minsanang Inihandog ang Katawan ni Cristo Para maligtas ang Lahat, Nakakalungkot lang kasi karamihan sa tumanggap kay Cristo ay Hanggang doon na lang, Ayaw magbago at ayaw magpasakop in short, Patuloy na gumagawa ng kasalanan .. Tapos sasabihin Hindi mawawala sa tao? Palagay mo nang hindi dahil pinangakuan ka na ng Diyos, Pero ikaw ang hindi marunong mangako para ka maligtas sa pamamagitan niya .. Ayon sa .... Hebreo 10:38 (SND) 38 Ngunit ang matuwid ay mabu­buhay sa pamamagitan ng pananampalataya. At kung siya ay tumalikod, hindi malulugod ang aking kaluluwa sa kaniya. Realization : Imposibleng malugod ang kaluluwa sayo ng Diyos kapag tumalikod ka na .. (Note : Ang nagpapatuloy sa Paggawa ng Kasalanan ay bahagi ng pagtalikod o kalaban ng katuwiran, In short alagad ng diablo 1 Juan 3:8)

  • @PinoyFunnyVlogs
    @PinoyFunnyVlogs 2 ปีที่แล้ว

    Ang Pangakong Kaligtasan th-cam.com/video/EIHjdfdrlSs/w-d-xo.html

  • @marcuzbacelonia3105
    @marcuzbacelonia3105 2 ปีที่แล้ว

    si judas b ano b sya kay Christo ? bkt d mo iaplay ky judas ang mga tanong bro ? na kay judas ang kasagutan sa mga tanong kung nawawala ba ang kaligtasan ?

    • @cezararticona1377
      @cezararticona1377 2 หลายเดือนก่อน

      Ano ba sa tingin mo Ligtas ba c Judas Iscariot? Hindi yan ligtas na nawala ang kaligtasan. Hindi tlaga naligtas yan! Me ligtas ba na nagnanakaw sa Ministry?? Nagsisi ba sya sa knyang kasalanan na nag bigti na kinitil ang sariling buhay. Bkit c Pedro nagkasala nagsisi pero hindi kiniitil ang sailing buhay kc tunay na ligtas. Walang tatak ng pgka ligtas c Judas iscariote

  • @gershom5522
    @gershom5522 2 ปีที่แล้ว

    Thank you👍4:50The gospel → Christ died for our sins. He was buried. He was raised on the third day. He appeared to the apostles. 1 Corinthians 15:1-5 Isaiah 53  Anyone is saved just by believing in the gospel.  Romans 1:16 Ephesians 2:8-9

  • @francisaranzasu2493
    @francisaranzasu2493 3 ปีที่แล้ว

    KALIGTASAN: MAARI NGA BANG MAWALA O MAIWALA? Tanong: Sino ang mag-iingat sa mga tunay na Kristiano? Marami ang nag-aakala at nagsasabi na kailangan daw ingatan ang kaligtasan upang hindi mawala o maiwala o kaya'y mailigaw subalit ang totoo, "Ang Diyos ay makapangyarihan at may kakayahang ingatan ang tunay Kristiano upang hindi siya bumagsak at hindi makabilang o makasama sa mga tumatalikod sa Kanya at napapahamak kundi sa mga sumasampalataya at naliligtas. Hebreo 10:38-39 Kaya't nakabatay ang ating kaligtasan sa Diyos na nagbigay nito sa atin nang tayo'y sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo na tumubos ng ating kasalanan at hindi tayo sa ating sarili. Kaya Siya rin ang magpapatibay sa atin hanggang katapusan dahil alam Niya na wala tayong kakayahan at kapangyarihang ingatan ito. Kapag ihaharap Niya tayo sa Kanyang maluwalhating presensiya, masusumpangan Niya tayo na walang kapintasan dahil Siya mismo ang nag-iingat sa atin 1 Corinto 1:8; 2 Tesalonica 3:3 at ang Panginoong Jesus naman ang namamagitan (Mediator, A go between, Attorney, Defender) at pampalubag-loob o handog (propitiation, atonement) sa Diyos para sa atin kapag tayo'y nagkakasala. 1 Juan 2:1-2; Hebreo 7:25 Pero ikaw ang bahala kung iniisip mo na ikaw ang dapat mag-ingat ng iyong kaligtasan ay nasa iyo yan, kaya lang, baka ma miss place mo o maiwala mo. Ikaw rin, pero nagkakamali ka at maari ngang mawala ang iniakala mong taglay na kaligtasan dahil sa iyong mga gawa, pagsunod at paglilingkod, Roma 4:3-5: 9:15-16; 10:1-3; Mateo 7:21-23 Na kapag hindi mo naituloy gawin ang mga ito ay aakalain mong hindi ka ligtas, dahil ang akala mo ay ligtas ka sa iyong mga gawa. Ngunit ang totoo, ang maaring mawala o maagaw ng iba sa mga tunay na kristiano ay putong o gantimpala kapag nasunog ang kanyang gawa o nagwalang bahala, gayunman, siya ay ligtas pa rin, 1 Corinto 3:13-15 dahil ang kaligtasan niyang taglay ay biyaya ng Diyos na kaloob Niya na walang bayad- hindi sa mga gumawa kundi sa lahat ng mga sumampalataya ng buong puso sa Panginoong Jesus. At para sa iyong kaalaman, ang Putong ng Buhay ay iba sa Buhay na walang-hanggan. Ang Putong ng buhay ay ibinibigay ng Panginoon sa mga tunay na Kristianong may taglay na kaligtasan dahil kay Jesus. Sila ay yaong mga nagtiis at nagtapat hanggang kamatayan. Santiago 1:12; Pahayag 2:10 Samantalang ang Buhay na walang hanggang naman ay kaloob ng Diyos sa lahat ng mga makasalanan na sumampalataya sa Panginoong Jesus. Juan 3:16; 6:47 Para sa iyong kaalaman, Ang biyayang ito ng Diyos ay may dalang kaligtasan sa lahat ng sumampalataya sa Panginoong Jesus at ang biyaya rin ito ay nagtuturo naman na tumanggi sa paggawa ng masama at mamuhay ng may pagpipigil, matuwid at banal, hindi para maligtas kundi dahil tayo'y ligtas na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Tito 2:11-12; Efeso 2:8-10 Kaya ang ating walang hanggang seguridad ay resulta ng pag-iingat sa atin ng Diyos, at hindi tayo sa ating sarili ang nagpapanatili at nangangalaga nito, kundi ang Diyos mismo." Ganito ang sinabi sa Salita ng Diyos: "Na Siya namang magpapatibay (Strengthen, confirm) sa inyo hanggang sa katapusan, (Until the end) upang matagpuan kayong walang kapintasan (blameless) sa kaarawan (In the day) ng ating Panginoong Jesucristo." 1 Corinto 1:8 "Ngayon doon sa makapag-iingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapag- haharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian." Judas 1:24 "Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y mag-iingat sa masama." 2 Tesalonica 3:3 Purihin ang Diyos!

  • @djrmvlog7340
    @djrmvlog7340 3 ปีที่แล้ว

    One saved always saved Baptist faith

  • @rubenwang8091
    @rubenwang8091 3 ปีที่แล้ว

    Thank u and god bless!

  • @jericmontecalvomontecalvom8685
    @jericmontecalvomontecalvom8685 3 ปีที่แล้ว

    PRAISE THE LORD PO KAPATED ANG KALIGTASAN PO NAWA WALA PAG ANG TAO AY NAGPAPABAYA SA PAGLILINGKOD AYAW NG DIOS NA ANG TAO AY PAGBALIK BALIK SA KASALANAN.

  • @dmasterd3962
    @dmasterd3962 3 ปีที่แล้ว

    Naiwawala ang kaligtasan kung hindi matyagang iningatan ang mga aral ng Dios. 👍

  • @myraojastro417
    @myraojastro417 3 ปีที่แล้ว

    Waiting for more videos po!

  • @myraojastro417
    @myraojastro417 3 ปีที่แล้ว

    Amen! Thank you po for this video. Napakalinaw po ng paliwanag. Pra po s mga believer n kagaya ko n aspiring soul winner po, napakalaking tulong po ito pra s ating desired ministry. Thank you once again po, God bless!

  • @lukisikitj4032
    @lukisikitj4032 3 ปีที่แล้ว

    Kahit pumatay mang rape ligtas parin?

    • @thebimbstv3285
      @thebimbstv3285 2 ปีที่แล้ว

      Pag ikaw ay totoong Kristiano hindi nya maiisip na gawin ang ganyang mga kasalan..

    • @cezararticona1377
      @cezararticona1377 2 หลายเดือนก่อน

      Yan ang pamimilosopo ng mga naniniwalang nawawala ang kaligtasan. San ka nakakita ng Tunay na naligtas na sadyang pumatay at nang rape? San k ba iniligtas ng Dios? Sa kasalanan di ba? Ngaun kung malinaw sa yo ang kaligtasan mo at me banal na espiritu ka eph 1:13. Paanong gagawa na papatay ka at mang ra2pe.

  • @johnyqamote
    @johnyqamote 3 ปีที่แล้ว

    Kaya lahat ng mga sinasabi na totoo rin naman ay para lang sa mga kumikilala at sumusunod sa mga salita ng Dios. Pero dun sa mga basta lang nagsasabi na tinatanggap nila si Kristo bilang personal na tagapagligtas pero gumagawa rin ng kalikuan ay di kasama dyan sa pag-ibig ng Dios na walang hanggan. Mapapabiliang sila dun sa lalamunin ng apoy ayon nga sa Heb 10:27

  • @johnyqamote
    @johnyqamote 3 ปีที่แล้ว

    Tama tayo pinatatawad ng Dios: Kung tayo ay di pa nakakasumpong ng totoong salita ng Dios at tayo ignorante sa biblia maaring patawarin tayo ng Dios. O di kaya nagkasala tayo at di naman natin sinasadya maari pa rin tayong patawarin ng Dios. Sa 1 Juan 1:9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. Pero sa timpla ng paliwanag mo ay lahat talaga maliligtas dahil lahat ay patatawarin rin naman. Ika nga kahit magkasala ka ng magkasala ay patatawarin naman tayo. Basta sabihin mo lang I accept Christ as my personal saviour ay ligtas ka na. Paano ka maliligtas kung di ka kikilala ng salita ng Dios at susundin mo ito ng taos sa puso. Kailangan muna mong makilala si Kristo sa pamamagitan ng kanyang mga salita para maihayag mong tinatanggap mo sya bilang tagapagligtas. Kaya kung alam mo na yun tama at sumusunod ka kay Kristo ayon sa sinasabi ng biblia at maliligtas ka pero kung alam mo ay sinuway mo pa ito, ganito ang mangyayari sayo. HEBREO 10: 26-27 26 Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, 27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway. So nawala ba ang kaligtasan o hindi? Kaya wag pakampante... kaya nga nandyan ang mga kaaway para iligaw or tisurin ka para mahiwalay ka kay Kristo at maitapon ka sa magigiing impierno. O baka naman sabihin sa impierno kung saan nakatira ang mga demonyo at sitanas. Wala pang impierno gagawin pa lang ito sa huling araw. Dahil si taning nga nakakaakyat pa sa langit. Nakasulat yan sa biblia saliksikin mo.

  • @MrSilentzy
    @MrSilentzy 4 ปีที่แล้ว

    Amen! pastor!

  • @docuhbehindthescenes590
    @docuhbehindthescenes590 4 ปีที่แล้ว

    Nice! makakatulong yan kap Paul sa mga makakadinig! Gandah pala ng boses mo pedeng pang Radio! 😊

    • @learnthrufromjesus4573
      @learnthrufromjesus4573 4 ปีที่แล้ว

      Purihin ang Diyos kap Noel. Ito ang naisip namin na paraan para makapagshare ngayon kahit lockdown. God bless you kap