Rodel Sioco
Rodel Sioco
  • 40
  • 198 948

วีดีโอ

Halimbawa ng Talumpati #1
มุมมอง 8312 ปีที่แล้ว
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Konseptong Pangwika
มุมมอง 1922 ปีที่แล้ว
Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Filipino
Kahulugan, Kalikasan at Kahalagan ng Wika
มุมมอง 9002 ปีที่แล้ว
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Wastong Baybay/ Ispeling sa Filipino at Tamang Gamit ng/ ng mga Salita sa Pagsulat
มุมมอง 3.1K2 ปีที่แล้ว
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Dokumentasyon at Pagbuo ng Pinal na Draft
มุมมอง 1.7K3 ปีที่แล้ว
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pangangalap ng Datos at Pagbuo ng Unang Draft
มุมมอง 2K3 ปีที่แล้ว
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
มุมมอง 9753 ปีที่แล้ว
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpiya
มุมมอง 6K3 ปีที่แล้ว
Pagbasa at Pagsusuri ng iba"t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagpili at Pagbuo ng Paksa sa Pananaliksik
มุมมอง 2.2K3 ปีที่แล้ว
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kalikasan ng Pananaliksik
มุมมอง 1.5K3 ปีที่แล้ว
Pagbasa at Pagsususri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Katitikan ng Pulong
มุมมอง 1.6K3 ปีที่แล้ว
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Kahulugan, Kahalagahan, Yugto at Proseso ng Pagsulat
มุมมอง 5K3 ปีที่แล้ว
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Pagsulat ng Lagom
มุมมอง 1.7K3 ปีที่แล้ว
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Pagsulat ng Memorandum o Memo at Adyenda
มุมมอง 7K3 ปีที่แล้ว
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Tekstong Prosidyural
มุมมอง 8843 ปีที่แล้ว
Tekstong Prosidyural
Cardiorespiratory Endurance and Flexibility (Recreational Activities) - HOPE 4
มุมมอง 2.1K3 ปีที่แล้ว
Cardiorespiratory Endurance and Flexibility (Recreational Activities) - HOPE 4
Tekstong Naratibo - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
มุมมอง 2.2K3 ปีที่แล้ว
Tekstong Naratibo - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Persweysib - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
มุมมอง 9193 ปีที่แล้ว
Tekstong Persweysib - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Deskriptibo - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
มุมมอง 2.6K3 ปีที่แล้ว
Tekstong Deskriptibo - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Impormatibo - Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
มุมมอง 2.1K3 ปีที่แล้ว
Tekstong Impormatibo - Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
Techniques and Performance Practices Applied to Contemporary Arts
มุมมอง 13K3 ปีที่แล้ว
Techniques and Performance Practices Applied to Contemporary Arts
Contemporary Arts from the Regions
มุมมอง 16K3 ปีที่แล้ว
Contemporary Arts from the Regions
The National Living Treasures Award (Gawad sa Manlilikha ng Bayan)
มุมมอง 10K3 ปีที่แล้ว
The National Living Treasures Award (Gawad sa Manlilikha ng Bayan)
National Artists of the Philippines and Their Artworks
มุมมอง 28K3 ปีที่แล้ว
National Artists of the Philippines and Their Artworks
Elements and Principles of Contemporary Arts
มุมมอง 9K3 ปีที่แล้ว
Elements and Principles of Contemporary Arts
Various Art Forms Found in the Philippines
มุมมอง 19K3 ปีที่แล้ว
Various Art Forms Found in the Philippines
Cover feat. Mau - Iisa Pa lamang by Joey Albert
มุมมอง 2104 ปีที่แล้ว
Cover feat. Mau - Iisa Pa lamang by Joey Albert
Destiny (Cover - Acapella - Duet)
มุมมอง 2664 ปีที่แล้ว
Destiny (Cover - Acapella - Duet)
Definition of Arts and Forms of Visual Arts
มุมมอง 26K4 ปีที่แล้ว
Definition of Arts and Forms of Visual Arts

ความคิดเห็น

  • @ezraaiah9641
    @ezraaiah9641 20 วันที่ผ่านมา

    Hello po Sir, permission to use ur presentation para sa aming reporting next week. Maraming salamat po!

  • @corazondelosreyes
    @corazondelosreyes 4 หลายเดือนก่อน

    What are your answers?

  • @guinevereplays3897
    @guinevereplays3897 11 หลายเดือนก่อน

    Sir permission Po to use your presentation on my reporting..

  • @SallyMandahay
    @SallyMandahay 11 หลายเดือนก่อน

    Hello what is devorative art ?

  • @melaniocalibay3187
    @melaniocalibay3187 ปีที่แล้ว

    🎉

  • @alexkheyripour405
    @alexkheyripour405 ปีที่แล้ว

    حدود نیم قرن است . با فردی بنام عباس رحیمی آشنا شدم . مدت کوتاهی متوجه نابغه بودن او شدم . چون مدت یکسال کاراته کمربند سبز میشوند ولی او شش ماهه گرفت . او سه هنر والا دارد ‌ اول قهرمان کاتای کشور و بین الملل ‌ دوم راه ... دو ... کاراته طی کرد بنام هنر خوشنویسی البتهددر حد . جهانی . از همه مهتر هنر مودب بودن و محترم بودن و با شخصیت بودن او مرا مجذوب خودش کرد ‌ زیرا همه میتوانند . رزمیکار و هنرمند باشند ولی همه نمیتواند محترم و با اصالت و با شخصیت باشند . هنر کاراته بین الملل او و هنر خطاطی جهانی او در مقابل هنر شخصیت و مهربانی و آقایی او حرفی برای گفتن نمی گذارد . اوس . ک. رزمیکاران معمولا هنر مند میشوند

  • @kathyseda3394
    @kathyseda3394 ปีที่แล้ว

    Sir anong wastong baybsu ng kwento. Kuwento po ba o kwento? Salamat po.

  • @camyalibonaobra2698
    @camyalibonaobra2698 ปีที่แล้ว

    Gamit ang bidyo na ito, aking mga nakalap ang mga paggamit ng pagbabasa, elemento at pati na rin ang kahalagahan nito. Ang pagbabasa ay isa sa mga pangunahing gawain na dapat nating tugunan ng pansin. Hindi lamang sa pag-aaral ito magagamit, kundi pati na rin sa mga pang-araw-araw nating pamumuhay. Halimbawa na lamang sa ating kinabubuhayan pati na rin sa ating mga kalibangan. Sa pagsasama-sama ng mga simbolo upang makagawa sa isang salita hanggang sa tayo'y makabuo ng isang imahe o pagkakaintindi tungkol sa mga iba't-ibang tekstong nakapalibot sa atin. Tunay na ang pagbabasa ay ang makakapagkulay at makakapagyaman para sa ating buhay ngayon at para na rin sa kinubukasang nakaabang.

  • @sophiamhaejorda
    @sophiamhaejorda ปีที่แล้ว

    Sa video na ito, nalaman ko ang kahalagahan ng pagbabasa sa ating pagpapalawak ng ating kaalaman. Sa pamamagitan ng pagbabasa, tayo'y nakakakuha at nakakaintindi ng mga nilalaman ng tekstong impormatibo. Ang tekstong impormatibo naman ay naglalaman ng kaalaman na kapaki-pakinabang, lalo na sa mga estudyante. Sa video na ito, binigyang diin pa ang mga elemento at uri ng tekstong impormatibo. Sa pamamagitan ng videong ito, lumawak ang aking kaalaman tungkol sa tekstong impormatibo at ang iba't-ibang gamit nito.

  • @clairesantos-kb2dr
    @clairesantos-kb2dr ปีที่แล้ว

    Jeannette Claire Santos 11-Alcala Mahalagang palawakin pa natin ang ating pag-iisip at ang iba't ibang teksto gaya ng tekstong impormatibo ang makakatutulong sa atin sa layuning ito. Sa bidyo, tinalakay kung gaano kahalaga na malaman ang estruktura ng impormatibong teksto ng sa gayon ay magamit natin ito sa pagsusulat dahil hindi lamang tayo nagbabasa lang, may pagkakataon pa rin sa ating buhay na tayo ay magbibigay impormasyon sa ating kapwa. Ang pagbabasa ay makatutulong upang tayo ay mabuhay, lumawak ang ating pag-unawa at ang ating imahinasyon o pagiging malikhain para maging mas makulay ang mundong ating ginagalawan.

  • @jamespanoncio-eg8dd
    @jamespanoncio-eg8dd ปีที่แล้ว

    Marami akong natutunan sa bidyong Ito, natutunan ko kung gaano kahalaga ang pag basa at dapat nating isa buhay ang pagbabasa dahil ang pag basa sa teksto ay may mga kalakip na pag unawa dito. Dahil sa pag basa mag kakaroon ng kapakinababgan ang ating buhay dahil sa pag babasa umiikot ang ating buhay.

  • @airajaneoriginal
    @airajaneoriginal ปีที่แล้ว

    Tunay ngang ang bidyo na ito ay nakatulong sa akin dahil nadagdagan ang aking kaalaman at pag intindi sa pagbasa maging sa pagsulat. Gayundin ay aking naunawaan na ang tekstong impormatibo ay pagbibigay ng impormasyon, paliwanag, at pagbabahagi ng katotohanan. Dagdagan pa dito ay layunin nitong makatulong sa mga mambabasa upang kanilang agad malaman o makita kung ano ang tinatalakay sa teksto.

  • @jamespatricktobias-dn4cp
    @jamespatricktobias-dn4cp ปีที่แล้ว

    Mula sa bidyo na aking napanood, tunay ngang mahalaga at dapat maisabuhay ang pagbabasa. Nakasalalay sa pagbabasa ang ating buhay kaya’t marapat lang na maunawaan natin kung ano ang naitutulong saatin nito at kung ano ang mga prosesong ginagamit sa pagbabasa. Pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay mapalawak, mapaliwanag, at magbigay pa ng kaalaman o ideya sa isang paksang tinatalakay. Maaari rin nating magamit ang napulot nating aral mula sa bidyo na ito sa ating mga takdang aralin o sa pagsusulat. Ang pagunawa sa bidyong ito ay nagbibigay saatin ng daan upang magkaroon pa ng lubos na ideya sa istraktura ng isang tekstong impormatibo at nagbibigay gabay upang magamit natin ito ng tama.

  • @beatriceannefernandez
    @beatriceannefernandez ปีที่แล้ว

    Sa pamamagitan ng bidyong ito, mas naging malawak ang aking kaalaman sa mga bagay-bagay lalong-lalo na sa pagbabasa. Mas pinukaw ako nito sa kahulugan at importansya ng pagbabasa. Totoo nga namang ang pagbabasa ay isa sa kalimitang paraan na ating ginagamit upang tayo ay malibang o di kaya’y matuto, ngunit nasabi na sa paninimula palang ng bidyo na marapat lamang na magbasa tayo upang mabuhay sapagkat ang pagbabasa ay ang ating susi kung tayo ba’y magtatagumpay o mapapahamak sa buhay. Isinaad din parito na ang pagbabasa ay may isinasaalang-alang na proseso nang sa gayon ay maunawaan natin kung ano nga ba ang nais iparating ng teksto. Dagdag parito, sa pag-unawa ng teksto, mahalagang maunawaan natin ang iba’t ibang uri nito. Limang uri ng teksto ang nabanggit sa bidyo, ngunit ang mas binigyang tuon ay ang Tekstong Impormatibo. Ito ang teksto na kung saan ay may layuning magbigay ng impormasyon batay sa katotohanan at hindi sabi-sabi lamang. Ang mga katangian, elemento, at mga uri nito ay nasabi o makikita rin parito na tutulong sa atin upang mas madali nating matukoy ang isang teksto.

  • @felitealazo
    @felitealazo ปีที่แล้ว

    Ang pagbabasa ay ating ginagamit sa araw-araw. Dito natin nalilinang ang ating kaalaman sa iba't-ibang bagay. Sa tulong ng bidyong ito, naunawaan ko ang mga katangian, elemento, at mg layunin ng tekstong impormatibo. Naunawaan ko rin ang iba't-ibang bagay na dapat isaalang-alang tuwing nagbabasa ng teksto. Kabilang dito ang proseso na tumutulong sa atin na umunawa ng teksto. Naitalakay rin sa bidyong ito ang mga uri ng tekstong impormatibo na kung saan ay nakakapagpalawak at nakakadagdag ito ng kaalaman ng mambabasa ng teksto. Ang pagbasa ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ang tumutulong sa atin na matuto at umunawa. Maraming salamat po sa pagbibigay kaalaman ukol sa paksa o aralin na ito.

  • @cassandrajoyhaduca
    @cassandrajoyhaduca ปีที่แล้ว

    Aking natutunan na ang pagbasa ay isang napakahalaga sa bawat tao sapagkat dito nagsisimula ang pagkatuto ng isang tao. Mahalaga ito sapagkat nagkakaroon ang mga tao ng kaalaman at karunungan tungkol sa mga bagay bagay sa mundo higit pa roon ay madaming mga impormasyon ang nakukuha ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabasa.

  • @cyrusjoven1100
    @cyrusjoven1100 ปีที่แล้ว

    Natutunan ko sa bidyo ang iba't ibang kahalagahan ng pagbabasa at kung paano ito nakakatulong sa ating pang araw-araw .Natutunan ko ang ibat ibang uri ng teksto tulad ng impormatibo,deskriptibo,naratibo,persweysib at argumentatibo at natutunan ko din and iba't ibang katangian ng teksto at kung paano sila ginagamit sa pagsulat at pag intindi ng teksto.Tinalakay din sa bidyo ang bawat layunin ng mga teksto at bawat uri nito.

  • @queencyraelolo-ev1ln
    @queencyraelolo-ev1ln ปีที่แล้ว

    Mas lubos kong naunawaan ang tekstong impormatibo dahil sa video na ito. Ito'y napakahalaga lalo na sa mga istudyante na gaya ko sapagkat ito'y nagbibigay, nagpapaliwanag at naglalarawan ng mga klarong detalye. Sobrang importante na maunawaan natin ang pagbabasa o mga binabasa dahil dito nakasalalay ang ating kakayahang magkaroon ng kaalaman sa pang araw-araw na pangangailangan. Kaya para sakin ang pagbabasa ay isa sa mga susi sa ating buhay.

  • @rovenjestdancel
    @rovenjestdancel ปีที่แล้ว

    Aking natutunan sa bidyo na ito kung gaano ka importante ang pag babasa at pag unawa sa teksto. Natalakay dito ang Tekstong Impormatibo. Ang Tekstong Impormatibo ay ang pagbibigay o paglalahad ng impormasyon, katotohanan ang iyong sinasabi at hindi ang iyong opinyon. Layunin nito na maglahad ng impormasyon at mapalawak ang kaalaman ng masa. Maraming uri ng Tekstong Impormatibo kagaya na lamang ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay-depinisyon, paglilista ng klasipikasyon, pagpapaliwanag, paglalahad ng totoong pangyayari, pag-uulat, problema at solusyon at ika-huli, enumerasyon.

  • @SWEETLIZAOLANDRES
    @SWEETLIZAOLANDRES ปีที่แล้ว

    Sa ating pang araw araw na buhay, ang pagbasa ang nakakatulong saatin upang tayo ay matuto at makaiwas sa pagkakamali. Ang pagbabasa rin ay nakapagbibigay ng kalibangan at interest sa ating mambabasa. Ngunit paano nga ba? Ito ay dahil nauunawaan natin ang nakapaloob sa nabasa na nakapagbibigay ideya sa bawat kahulugan nito. Katulad ng nasa bidyo na napanood, aking nalaman ang iba’t ibang uri ng teksto. Una, ang tekstong impormatibo. Makikilala na ang nabasang teksto ay isang impormatibo kung ito ay nagbibigay ng impormasyon na nakabatay sa katotohanan. Ito rin ay may mga uri, katulad na lamang ng sanhi at bunga kung saan naipapakita ang dahilan kung bakit nangyari at ano ang naging resulta nito. Maraming paraan upang matukoy ang binabasa na teksto. Ito ay dapat mauunawaan at nakapagbibigay ng impormasyon upang mabigyan pansin ang paksang nilalaman.

  • @carlcesneros737
    @carlcesneros737 ปีที่แล้ว

    Mula sa bidyong ito, aking lubos na naunawaan kung ano ang kahulugan, elemento at mga uri ng isang Tekstong Impormatibo. Masasabing Impormatibo ang isang teksto kung ito ay naglalayong magbigay o maglahad ng impormasyon sa mga mambabasa. Gamit naman ang mga uri nito, nagkakaroon ng iba't ibang paraan upang ilahad ang bawat impormasyon sa isang teksto. Mahusay na nailahad o naipakita ng bidyong ito ang bawat kaalaman na mayroon ang Tekstong Impormatibo.

  • @altheahimantog9942
    @altheahimantog9942 ปีที่แล้ว

    Batay sa bidyong aking napanuod, aking naunawaan ang ibig sabihin ng tekstong impormatibo at kung paano napakahalaga ng pagbabasa sa mga mag aaral na katulad ko. Base sa bidyong aking napanuod ng tekstong impormatibo ay nakapag binigay kaalaman at impormasyon hingil sa binasang teksto. Akin din naunawaan ang ibat ibang uri nito halimbawa ay impormatibo, persweysib, naratibo, deskriptibo at argumentatibo. Sa pamamagitan ng pinanuod kong bidyo, masasabi kong marami akong natutunan. Maraming salamat Ginoong Rod sa impormasyong ito, gagamitin ko ang kaalaman na ito sa pagtuklas ng mga kaisipan na maaaring makatulong sa akin sa hinaharap.

  • @ralphrickymagbanua2564
    @ralphrickymagbanua2564 ปีที่แล้ว

    Natutuhan ko sa bidyo ang kahalagahan ng pagbabasa at ang tamang pag-unawa sa mga binabasang teksto. Natutuhan ko rin ang kahalagan ng tekstong impormatibo upamg mag mapalawak pa ang ating kaalaman. Matutuhan mo rin sa bidyo na ito ang iba't ibang uri ng teksto na iyong binabasa.

  • @rhonnamaepitoy
    @rhonnamaepitoy ปีที่แล้ว

    Natutunan ko rin sa bidyong ito Tekstong impormatibo ay naglalayon na maglahad o magpahiwatig nang impormasyon at mapalawak ang kaalaman ng isang mambabasa nalaman ko din ang mga katangian ng teksto at elemento ng mga impormatibo. Natutunan ko din sa biyong ito na ang pagbasa ay nanganagilangan ng pag unawa, kasanayan at iskema na sa ating pag babasa mahalagang magkaroon tayo ng proseso simula sa simula hanggang matapos sa pagbasa. Nalaman ko din dito na mahalaga nating maunawan ang ibat ibang uri ng ekspositori o impormatibo, diskriptibo, naratibo, persweysib, at agrumentatibo

  • @dennisvelasco766
    @dennisvelasco766 ปีที่แล้ว

    ang pagbabasa ay palaging magiging parte ng ating buhay, kailanman may ay hindi ito mawawala. kaya't mas mabuting palawakin pa natin ang ating kaalaman tungkol sa pagbasa nang sa gayon ay mas mahasa tayo rito at mas lumalim ang pagkakaintindi natin sa bawat tekstong binabasa. tulad na lamang ng tinalakay sa bidyong ito, ang tekstong impormatibo ay nakapagbibigay ng mas malalim na pagkakakaintindi at malinaw na impormasyon tungkol sa bagay na tinutukoy sa tekstong binabasa.

  • @rheggiehrhoannabellano5914
    @rheggiehrhoannabellano5914 ปีที่แล้ว

    Tulad ng aking natutunan mula sa impormasyon sa video na ito, ang pagbabasa ay napakahalaga. Sa tulong ng video na ito, natutunan ko ang kahalagahan ng makabuluhan at nagbibigay-kaalaman na mga teksto, naglalaman din ito ng mga elemento na kapaki-pakinabang para sa pagsulat. kahanga-hanga!

  • @leanmichelleluares9858
    @leanmichelleluares9858 ปีที่แล้ว

    Ang presentasyong ito ay naglalaman ng detalye tungkol sa teksto at mga uri nito. Isa sa mga tatalakayin sa presentasyon na ito ay ang tekstong importmatibo. Ito ay nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman na nagbibigay liwanag sa mga paksang inilalahad upang mapawinang lubos ang pag-aalinlangan.

  • @preciousmaeubaldo5648
    @preciousmaeubaldo5648 ปีที่แล้ว

    Natutunan ko sa video na ito na ang pag babasa ay hindi lamang upang bigkasin ang bawat Salita o letra dapat ay nauunawaan natin ito batay sa teksto na iyong binabasa. Ang pagbabasa ay importante dahil dito tayo nagkakaroon ng kaalaman o ideya. Maraming salamat po sir rod sa pagbahagi po nito sa amin magagamit ko din ang mga ito lalo sa kahalagahan po ng pagbabasa o pagsusuri ng teksto

  • @namoca..
    @namoca.. ปีที่แล้ว

    Ang pagbabasa ay talaga namang may malaking ambag sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Nagbibigay ito ng karunungan, kamalayan mula sa mga impormasyon na ating makakalap sa ating pagbasa. Buhat nito ay marapat na mayroon tayong pag-unawa, kasanayan, at iskema, dahil ang pagbabasa ay isang proseso. Binigyan din ako ng mga paraan upang matukoy kung anong uri ng mga basahin ang aking nababasa, halimbawa na lamang ay ang tekstong impormatibo, ekspositori, deskriptibo, naratibo, persweysib, at ang argumentatibo, na aking magagamit sa pagsulat ng pananaliksik sa hinaharap.

  • @cyrilmaemationg9779
    @cyrilmaemationg9779 ปีที่แล้ว

    Ang bidyong ito ay nakatulong upang mas maintindihan ko ang pagbasa. Nakasaad sa bidyo na ito ang kahulugan ng tekstong impormatibo, mga layunin, elemento at uri nito. Ito ay nappakahalagang malaman at maintindihan upang magkaroon ng ideya sa kung paano ang istraktura nito, bukod pa diyan mas pinapadali nito ang ating araw-araw na buhay. Kung kaya't dapat na patuloy tayong magbasa nang sa gayon ay mas malinang natin ang ating kakayahan sa paguunawa ng iba't ibang uri ng teksto.

  • @roycevalte7553
    @roycevalte7553 ปีที่แล้ว

    Mahalaga ang pagbasa, hindi lamang dahil dito tayo natututo at nagkakaroon ng kaalaman ngunit ito rin kasi ang isa sa mga pinakaugat ng kung bakit tayo ay patuloy na nabubuhay at umuusbong. Sa bidyo, naibahagi at natutunan ang mga layunin, element, at mga uri ng tekstong impormatibo o ekspositori. Ang tekstong ito ay may paglalayon na makapaglahad o makapagbahagi ng mga impormasyon at data ukol sa isang paksa, at ginawa nang walang bahid ng personal na impluwensya bagkus ay pawang katotohanan lamang.

  • @chloeykhatetoliongco-ci5qv
    @chloeykhatetoliongco-ci5qv ปีที่แล้ว

    Maraming tao ang kinaaayawan ang pagbabasa, ngunit hindi natin maikakaila na ito ay isang mahalagang bahagi ng ating pamumuhay. Tulad nga ng sinabi sa bidyo, sa pagbabasa nakasalalay ang ating tagumpay sa pang araw-araw na pamumuhay. Hindi simpleng gawain ang pagbabasa sapagkat kinakailangan nating sumunod sa mga proseso nito upang lubos na maunawaan ang ideyang nakalahad. May iba't ibang uri ang mga teksto ngunit ang bidyong ito ay mas nagpokus muna sa tekstong impormatibo. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay impormasyon o magpaliwanag na nakaayon sa katotohanan. Natutunan ko ang iba't ibang elemento ng tekstong impormatibo tulad ng layunin ng may akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan at estilo sa pagsulat, kagamitan o sangguniang matatampok sa mga bagay na binigyang-diin. Naibahagi rin ang iba't ibang uri nito tulad ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay-depinisyon, at iba pa. Tunay na napakahalaga ng natalakay na paksa ng bidyo na ito sa tulad kong mga estudyante. Ang mga kaalaman na nakuha ko rito ay makatutulong sa akin na mas maunawaan ang mga ideya ng mga tekstong aking babasahin. Kaya G. Rod, mahusay ka!

  • @cheskaerichtoliongco-bw7nq
    @cheskaerichtoliongco-bw7nq ปีที่แล้ว

    Naipaliwanag nang mabuti kung gaano kaimportante ang pagbabasa sa bawat tao. Ibinahagi rin na ang pagbasa ay isang proseso na hindi limitado sa pagtingin sa mga simbolong nakalimbag sa isang teksto. Pinahalagahan sa bidyo na ito ang pagpapaliwanag sa tekstong impormatibo. Sa tulong ng bidyo na ito, ay aking nalaman at naintindihan ang mga katangian, elemento, at uri ng Tekstong Impormatibo. Masasabing dahil sa bidyo na ito ay nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa Tekstong Impormatibo. Base sa aking naintindihan, ganun din ang layunin ng Tekstong Impormatibo, ang makapagbigay ng dagdag kaalaman tungkol sa paksang tinatalakay sa teksto sa pamamagitan ng paglalahad ng impormasyon na makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mambabasa. Dahil dito, masasabi kong malaki ang papel Tekstong Impormatibo sa paghahatid ng impormasyon sa mga mambabasa upang mapalawak nila ang kanilang kaalaman at mahasa nila ang kakayahan pag-intindi, pagsusuri, at pag-unawa.

  • @lorenzysabeldelrosario-iw7fb
    @lorenzysabeldelrosario-iw7fb ปีที่แล้ว

    Sa bidyong ito, lubos na napaunawa ang kahalagahan ng pagbabasa. Ito ay hindi lamang basta bastang ginagamit kung saan man, ang pagbabasa ay lubos na importante para sa pang araw araw kung saan nabanggit din sa bidyo na ang pagbabasa ay kinakailangan nating matutunan upang tayo ay mabuhay. Ang pagbabasa ay hindi lamang pagintindi o pagsasaalala ng mga salitang nakikita, ito ay may sinusundang proseso sa simula, habang, at pagkatapos magbasa. Ang prosesong ito ay dapat na isinaalang alang natin upang lubos nating maunawaan ang mga impormasyong ating dapat malaman. Bilang isang estudyante importanteng mahasa ang aking kakayahan sa pagbabasa nang aking maunawaan nang lubusan ang mga paksang tinatalakay sa eskwelahan at matutunan kong magkaroon ng malay sa aking kapaligiran.

  • @angelineprejan-bo7sq
    @angelineprejan-bo7sq ปีที่แล้ว

    Natutuhan ko mula sa bidyo na napanood na ang pagbabasa ay talaga nga namang bahagi na ng ating buhay. Dito nakasalalay kung tayo ay magtatagumpay o mapapahamak sa ating ikinikilos araw-araw. Sa pagbabasa, mahalagang matukoy at mapag-aralan ang proseso ng pagbabasa upang ang isang kumplikadong teksto ay matukoy ang tunay na nilalaman. Masasabing mabisa ang pagbabasa kung natutukoy ang layunin ng binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari sa binasang akda, at naiuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binasang teksto. May mga iba't ibang uri naman ang teksto, at ang mga iyon ay ang impormatibo, deskriptibo, naratibo, persweysib, at argumentatibo. Sa aking napanood, nagpokus ito sa tekstong impormatibo. Ito ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Layunin nitong magbigay impormasyon sa mga mambabasa. Maaring itong mabasa sa mga magasin, batayang aklat, aklat sanggunian, at iba pa. May elemento din ang tekstong impormatibo isa na rito ang sanhi at bunga, pagsusuri, paghahambing, suliranin at solusyon, at iba pa. Tunay na mahalaga nga naman ang tekstong impormatibo hindi lang para sa akin bilang mag-aaral kundi para na rin sa lahat ng tao at mambabasa.

  • @reysterrebese
    @reysterrebese ปีที่แล้ว

    Sa panonood ng bidyo na ito ay marami akong natutunan. Natutunan ko na ang kahalagahan ng pagbabasa. Ang pagbabasa ang magiging susi kung tayo ay magtatagumpay o hindi sa buhay. Akin ring natutunan ang estraktura ng pagbabasa maging ang pangunahing layunin, katangian, elemento, ideya, at mga uri ng tekstong impormatibo. Bilang isang mag-aaral ay akin itong magagamit sa pagpapalalim ng aking pagunawa sa aking mga babasahing teksto.

  • @bianca_hershey9900
    @bianca_hershey9900 ปีที่แล้ว

    Sa bidyo na ito, natutuhan ko na mahalaga ang pagbabasa sapagkat dito napapalawak ang ating kaalaman, maging ang ating kaisipan sa mga impormasyong ating binabasa. Bukod rito ay dito ko rin nabigyan pansin ang isang uri ng tekstong ipinakita at ito ang "Tekstong Impormatibo" ( ekspositori ) kung saan nilalayon o nilalahad nito na magbahagi ng kaalaman o impormasyon patungkol sa isang partikular na paksa mula sa teksto batay lamang sa katotohanan at hindi sa sariling opinyon o pananaw. Marahil na natutuhan ko Rin sa bidyo ang mga layunin, elemento at ang mag iba't-ibang uri ng tekstong impormatibo. Sa kabuuan, ang lahat ng mga impormasyong nakuha ko mula rito ay naging malaking tulong para saakin upang maunawaan ang kahalagahan ng pagsusuri kung ang mga tekstong aking binabasa ay impormatibo.

  • @alyssajadedelarosa6513
    @alyssajadedelarosa6513 ปีที่แล้ว

    Aking natutunan sa bidyong ito ang konsepto at mga katangian, elemento at mga uri ng tekstong impormatibo. Nakatala din ang iba't ibang uri ng tekstong ating nababasa, gaya na lamang ng tekstong impormatibo (ekspositori) ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Natalakay din dito ang kahalagahan ng pagbabasa sa ating mga buhay na mahalagang malaman upang mas mapalawak at mapalalim ang ating mga kaalaman na nakatutulong sa ating pag-unawa, pagsuri at pagkatuto. Sa tulong ng bidyo na ito, mas napalalim ang aking kaalaman at pagkakaunawa sa tekstong impormatibo.

  • @jirokennonato8308
    @jirokennonato8308 ปีที่แล้ว

    Lingid na sa isang estudyanteng katulad natin ang pagbabasa ng iba’t ibang mga teksto, ngunit natutukoy kaya natin kung paano nito naapektuhan ang ating pagkatuto? Nalalaman kaya natin na ang isang partikular na talatang ating binabasa ay naglalahad? Nangangatwiran? Nagkukwento? O kaya’y naglalarawan? Sa bidyong aking napanood, natutuhan ko kung paano ang kalikasan ng isang impormatibong teksto. Makatutulong ang mga katangian, mga elemento, at mga uri nito upang madaling maunawaan ang ipinahahayag ng isang tektong impormatibo. Sa ganang akin, ako ang klase ng mambabasang hindi nadadaan sa isahang basahan, bagkus ay mas nauunawaan ko ang isang teksto sa pagbasa nang ilang beses. Sa pamamagitan nito, naiisa-isa ko ang layunin, ang pangunahing paksa, at ang mga sumusuportang detalye. Para sa’kin, hindi ko gano’n nautukoy agad ang Uri ng isang tekstong impormatibo, dahil dito, babasahin ko ulit ang teksto upang suriin ang uri nito. Siguro ay dapat pa akong magbasa ng iba pang mga impormatibong teksto upang mahasa ang aking pag-unawa. Napagnilay-nilayan ko kung ano nga bang maidudulot ng tekstong impormatibo sa’kin? Sa asignaturang ito, makatutulong ang mga tekstong ito sa ating pananaliksik; ang ating natutuhan sa paksang ipinahayag sa atin ay maaari nating magamit upang maitalakay sa iba ang paksang ating bibigyang pansin.

  • @ira_amba
    @ira_amba ปีที่แล้ว

    Magandang Araw! Ang ating buhay ay patuloy na nakakatanggap ng iba't ibang kaalaman at kakayahan, at isang malaki at krusiyal na komponent dito ang pagbabasa, sapagkat nang dahil dito ay nagkakaroon tayo ng mga kaalaman at kahusayan sa mga bagay at impormasyon na maaari nating magamit at maisabuhay. Bukod pa rito ay nabanggit rin sa bidyo ang iba't ibang uri ng teksto gaya ng Deskriptibo, Naratibo, Persuweysib, Argumentatibo, at ang nabigyan ng pansin, ang Ekspositori o Impormatibo. Layunin ng tekstong impormatibo ang makapagbahagi ng ideya at makapagturo ng impormasyon o kalaaman tungkol sa isang partikular na paksa. Ito rin ay hindi nababahiran ng opinyon o sariling pananaw, kaya naman ay binubuo ng mga katotohanan lamang. Natalakay rin sa bidyo ang mga layunin, elemento, at mga uri ng tekstong impormatibo. Sa kabuoan, ang bidyo ay nakakatulong upang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagbabasa, partikular na sa tekstong impormatibo.

  • @nicholekimgomez-gb4cg
    @nicholekimgomez-gb4cg ปีที่แล้ว

    Hindi maitatago sa ating araw-araw buhay ang kahalagahan ng pagbabasa. Sa pamamagitan nito, tayo'y nakakukuha ng impormasyon at ideya at gayundin ay nalilibang. Samantala, hindi lamang basta-basta sa pagkilala ng mga simbolo umiikot ang proseso ng pagbasa ng teksto, nangangailangan din ito ng pag-unawa, kasanayan, at kaalaman. May iba't ibang uri ng mga babasahing teksto: Impormatibo/Ekspositori, Deskriptibo, Naratibo, Persweysib at/o Argumentatibo. Subalit sa ngayon tayo'y tumungo lang muna sa unang uri ng teksto-ang tekstong impormatibo. Sa ganitong klase ng babasahin, ang pangunahing layunin ng teksto ay magbigay ng impormasyon at palawakin ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa paksang tinatalakay. Hindi ito nakabase sa opinyon bagkus ay sa katotohanan. Madalas nating makikita ang mga ganitong klase ng babasahin sa mga encyclopedia, internet websites, at magasin. Ang tekstong impormatibo ay may siyam na uri: sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay-depenisyon, paglilista ng klasipikasyon, pagpapaliwanag, paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan, pag-uulat, problema at solusyon, at pag-iisa-isa o enumerasyon. Magandang estilo sa pagsulat ng ganitong uri ng teksto ang pagsulat nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, at may panipi upang madaling makita ng babasa ang bahaging nais bigyang tuon. Maaari ding gumamit ng mga dayagram, larawan, tsart, at iba pang mga instrumento na makatutulong para higit na mapaliwanag ng paksang napili. At kung bakit importanteng maintindihan ang ganitong uri ng teksto ay dahil ang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng tekstong impormatibo ay kapaki-pakinabang sa mabisang pagsulat ng isang pananaliksik.

  • @jessierubonal5382
    @jessierubonal5382 ปีที่แล้ว

    Tayo ay nagbabasa hindi lamang upang malibang bagkos ay para rin matuto at ito ay sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng teksto katulad na lamang ng Tekstong Impormatibo. Ito ay karaniwang nakikita sa mga pahayagan at magasin na naglalayong magbigay ng impormasyong batay sa katotohanan at hindi sa opinyon lamang. Ito ay maaari nating magamit upang mapalawak ang ating kaalaman tungkol sa iba't ibang paksa. Mayroon itong iba't ibang uri depende sa kung paano nito inilahad ang paksa ng teksto. Mahalaga ang tekstong Impormatibo upang maghatid ng mga katotohanan sa mga tao. Bilang isang mag-aaral, mahalaga na akin itong matutunan upang makatulong sa aking pananaliksik.

  • @loisuy-oh5br
    @loisuy-oh5br ปีที่แล้ว

    Natutunan ko mula sa bidyo na aking napanood ang kahalagahan ng pagbasa, dahil sa pamamagitan nito ay nadadagdagan ang ating kaalaman. Bukod pa rito, natutunan ko rin ang mga katangian at elemento ng tekstong impormatibo kung saan layunin nito na magbigay ng impormasyon sa mga mambabasa at mapalawak ang ating kaisipan hinggil sa binasang teksto. Dagdag pa rito, natutunan ko rin ang iba't ibang uri ng tekstong impormatibo. Mahalaga na malaman natin ang mga ito sapagkat ito ang nagbibigay linaw upang maunawaan natin ang iba't ibang paksa.

  • @jamilcairafigues-ut2pm
    @jamilcairafigues-ut2pm ปีที่แล้ว

    Ang tekstong impormatibo ay mahalagang kasangkapan ng ating pagunawa at pagsasabuhay ng mga natutunan natin sa isang teksto. Nakakatulong ito para mas mapalawak pa natin ang ating kakayahan sa pagintindi o pagunawa ng mga paksang tinatalakay sa pamamagitan ng pagbasa. Hindi rin dapat natin makalimutan ang tunay na kahalagahan ng mga nabanggit na pangunahing layunin, katangian, elemento, ideya, at mga uri ng tekstong impormatibo. Ang mga kasangkapang ito ang tunay na makakatulong upang mas mabigyang kredibilidad at saysay ang tekstong ating sinusulat o binabasa.

  • @billyangelbayot1896
    @billyangelbayot1896 ปีที่แล้ว

    Natutuhan ko na kasangkapan sa buhay ang pagbabasa ito ay ayon sa isang manunulat na pranses. Natutuhan ko rin na ang pagbasa ay hindi lamang basta nakalimbag ito ay nangangailangan ng masinsinang pag-unawa, kasanayan at iskema. Nalaman ko rin ang ibat ibang uri ng teksto gaya ng impormatubo, description, persuweysib, Naratibo at argumentatibo. Sa aking panonood sa video na ito nalaman ko rin ang pakahulugan ng tekstong impormatibo, kaalinsabay ng mga katangian nito, Isa na riyan ang pagbibigay impormasyon o pagpapaliwanag. 4 na elemento ng impormatibo ang dumagdag rin sa aking kaalaman. Nagbigay rin ng mga mahahalagang paraan sa pagsulat ng tekstong impormatibo gaya ng pagsulat ng nakadiin o nakahilis upang mabigyang pansin ang isang paksa. Ang siyam na uri rin ng tekstong impormatibo ay tumatak sa akin ito ay ang sanhi at bunga, paghahambing ,pagbibigay depinisyon, klasipikasyon, pagpapaliwanag at iba pa. Bilang panapos sa aking mga natutuhan ang pagsusuri sa tekstong binasa batay sa katangian o elemento ang pinakamahalaga kong natutuhan dahil napatataas nito ang kalidad ng aking pag-unawa.

  • @jhanacassandramaecelebrado5176
    @jhanacassandramaecelebrado5176 ปีที่แล้ว

    Sa bidyong ito akin pang mas naunawaan ang kahalagahan kung bakit nga ba tayo nagbabasa. Aking napagtanto na ang kaalaman ay walang hagganan sapagkat, ano mang edad at pinaggalingan, ang kaalaman ay patuloy na mapapalawak hangga't tayo ay patuloy na nagbubuklat. Sa pagbabasa ng mga tekstong impormatibo ay ating napapalawak, nahahasa ang ating kaalaman patungkol sa mga ideya, nakaraan, pangyayari, tao, lugar, mundo, at kung ano-ano pa. Ngunit, ang pagbabasa ng lahat ng mga ito ay walang saysay kung hindi naman natin nauunawaan ang nilalaman ng bawat paksa. Kung kaya't para sa akin, mahalaga na sa pag babasa ay ating maunawaan kung ano nga ba ang tekstong ipormatibo, mga katangian nito, mga elementong bumubuo rito, layunin, at mga uri nito, upang sa pagbabasa ay mas lalo pa nating ma-absorb ang ideya ng bawat paksang ating sinusuri sa mas madali at mas maiksing oras.

  • @zarahangelacorsino-kb3ij
    @zarahangelacorsino-kb3ij ปีที่แล้ว

    Ang bidyong ito, kahit ito ma'y hindi ganoon ka-haba, ay nakatulong sa akin upang mas lalong maunawaan ang tekstong aking binasa, binabasa, at babasahin pa lamang. Tunay nga na ang pagbabasa ay bahagi na ng ating buhay dahil ito'y magagamit natin sa pang-araw-araw na galaw. Sa pamamagitan ng bidyong ito, naihatid ko nang mabisa ang mga impormasyon sa tekstong impormatibo at napalawak nito ang aking kaalaman hinggil sa isang paksa o detalye. Mahusay ang pagkakagawa ng bidyo at ito'y 'di makakailang impormatibo. Slay, Sir Rod!

  • @CamilleGalvez-qe8is
    @CamilleGalvez-qe8is ปีที่แล้ว

    Aking natutuhan mula sa bidyo na ang tekstong impormatibo ay isang uri ng tekstong nagbibigay impormasyon patungkol sa isang paksa. Layunin nitong palawakin ang kaalaman ng mga mambabasa. Ang mga datos na nakapaloob sa tekstong ito ay ayon sa katotohanan at kadalasang matatagpuan sa mga aklat, magasin at websites. Sa kabuoan, natutunan ko sa bidyong ito ang katanggian at kahalagahan ng tekstong impormatibo.

  • @jethrogonzales
    @jethrogonzales ปีที่แล้ว

    Ang pagbasa sa teksto ay may kalakip na pag-unawa rito. Makikintal sa napanood na bidyo ang layunin, uri, at kahulugan ng Tekstong Impormatibo at kung paano ito nagbibigay lawak sa kaisipan ng mga mambabasa. Nakapaloob dito kung paano natin susuriin ang tekstong impormatibo na nagbibigay impormasyon at obhektibong hindi nakabase sa opinyon. Ipinakita sa bidyo ang kahalagahan na ating matutuhan ang pagsusuri sa tekstong impormatibo, gayundin ang pagsusulat nito sa pagpapalawak ng ating kaalaman sa paksang tinatalakay. Sa pagdaragdag, ang kaalaman patungkol sa tekstong impormatibo ay napakalaking salik sa pagpapahusay ng ating kasanayan sa pagsusulat bilang estudyante sapagkat dito natin natututuhan ang paghayag ng kaalamang nakabase sa makatotohanang impormasyon.

  • @ashleyfazon
    @ashleyfazon ปีที่แล้ว

    Marami akong natutuhan sa bidyong ito tulad nalang ng kahulugan ng tekstong impormatibo. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na naglalahad ng mga impormasyong pawang mga katotohanan kung kaya't madalas itong nagagamit sa mga pananaliksik at mga pahayagan upang magbigay ng mga impormasyong may kredibilidad ukol sa isang paksa. Natutuhan ko rin ang iba't ibang katangian, elemento at mga uri ng tekstong impormatibo. Sa pagtatapos, aking naintindihan ang kahalagahan ng pagbabasa. Ito ay isang pangkaraniwang bagay o ginagawa na marapat maintindihan at pagbutihin ng lahat sapagkat kinakailangan natin ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Sa ating paglaki ay mas bumibigat at dumarami rin ang mga responsibilidad natin sa buhay kung kaya't marapat din nating pagbutihin ang ating basic skills upang tayo ay umangkop sa mga pagbabagong ito. yeehaw